You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin Sa

Asignaturang
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
(Araw ng Miyerkules)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
kakayahan, pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng
pamilya.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipapakita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nakilala ang sariling:
1.3. potensyal
2. NILALAMAN
A. Tatalakayin: Ako ay Natatangi
B. Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro: EsP TG pah 4-5
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral: EsP LM pah 8-11
C. Kagamitan:
D. Values Integrated: Nakikilala ang sariling potensiyal
3. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
“Mga bata tumayo tayo at manalangin” (Tumayo ang mga bata)

 Pagbati
“Magandang umaga din po guro”
“Magandang umaga mga bata”
 Pagtsek ng attendance
“Mga bata ngayon dadako tayo sa pag check ng
“Nandito po ako guro”
inyong mga attendance. Kapag nandito sabihin
ang salitang nandito po ako guro.”
B. Balik aral at/o pagsisimula ng bagong aralin
“Ano-ano ang mga kaya niyong gawin?” “kumanta, sumayaw, gumuhit, tumulong
sa mga gawaing bahay”
C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
“Igugrupo ko kaya sa tatlo. Ipakilala ang (Pumunta sa mga kagrupo)
inyong mga sarili, pati na ang mga hilig at
kakayahang magagawa niyo.”

“Bawat isa ay bibigyan ko kayo ng papel.


Tingnan niyo ang mga larawan, at tanungin
niyo ang inyong mga kaklase kung alin ditto
ang hilig niya. Ipasulat ang pangalan niya sa
“Maliwanag po guro”
larawan na kanyang pinili. Umikot at tanungin
pa ang ibang kaklase. Paunahan kayong
makapuno ng pirma sa mga larawan.
Maliwanag ba ang gagawin mga bata?” (Nagsimula ng magpapirma sa kaklase)
“Simulan niyo na ang inyong gawain”

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kamalayan #1
Panuto: Kulayan ng kulay pula ang larawang
nagpapakita ng iyong hilig.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
“Sabi natin kapag hindi mo alam,
matutulungan ka ng iba. Alin sa mga
sumusunod ang makatutulong sa iyo upang
mapahusay ang iyong nalalaman? Lagyan ng
tsek(/) ang iyong sagot.”

F. Paglinang sa Kabihasaan
“Tatawag ako ng mga pangalan at Ibahagi
niyo ang inyonh mga hilig gawin / kakayahan /
potensyal. Ilalahad niyo ito sa pamamagitan ng
pagsasagawa nito at ipapahula ito sa inyong
mga kaklase.”
(Isinagawa at pinahula ang mga kaklase)
(Tumawag ng mga pangalan)
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na
Buhay
“Mga bata masaya ba kayo kapag ipinapakita niyo “Opo”
sa ang inyong mga kakayahan?”
“May gagawin tayo, magbibigay ako ng mga
sitwasyon at ipakita niyo sa akin ang inyong
nararamdaman sa pamamagitan ng pagpili ng
ibinigay ko na smiley characters”
“Kunyari pinapunta ko kayo dito sa harap at
“Natatakot”
pinasayaw ko kayo ano ang inyong
mararamdaman?”
“Kapag kayo ay hinayaan kong magpakita
“Natutuwa”
voluntarily ng inyong kakayahan, ano ang
mararamdaman niyo?” (Nagpaliwanag ang mga bata)
“Bakit kaya ganyan ang nararamdaman niyo?”
H. Paglalahat ng Aralin
Lahat tayo ay may kanya kanyang kakayahan o
potensiyal, Upang mas mapabuti ito kailangan
nating kilalanin ang ating mga sarili. Kailangan
nating mas paghusayan pa an gating mga gusto
upang ito ay ating maging talent.

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Iguhit ang tsek (/) sa kwaderno kung ito ay
ginagawa ninyo at ekis (X) kung hindi naman.
_____ 1. Nahihiya akong ipakita ang aking
kakayahan.
_____2. Sumasali ako sa mga paligsahan upang mas
lalong mahasa ang aking kakayahan.
_____3. Tinatawanan ko ang kakayahan ng iba.
_____4. Masaya akong ipakita ang mga bagay na
kaya kong gawin.
_____5. Nirerespeto ko at hinahangaan ko ang
kakayahan ng iba.
J. Karagdagang Gawain
Panuto: Ano ang gagawin mo kung ikaw ang
batang tinutukoy? Bilugan ang letra ng kilos na
iyong gagawin.
1. Mahilig kang umawit. Nais mong iparinig ito sa
iyong lolo at lola.
A. Hindi ako kakanta dahil Nahihiya ako.
B. Aawitan ko sila.
2. Maliksi ka sa larong takbuhan. Pero minsan,
nadapa ka sa pagtakbo.
A. Iiyak ako at uuwi na lang.
B. Pipilitin kong tumayo. Kung may sugat ako,
hihingi ako ng tulong.
3. Gusto mong gumawa ng saranggola. Pero hindi
mo alam kung paano.
A. Magpapaturo ako.
B. Hindi na lang ako gagawa ng guryon

You might also like