You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin Sa

Asignaturang
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
(Araw ng Biyernes)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pang nilalaman
Naipamaamlas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
kakayahan, pangangalaga at sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng
pamilya.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipakikita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
EsP1PKP- la-b -1
Nakikilala ang sariling
1.5. damdamin/emosyon
II. NILALAMAN
A. Tatalakayin: Ako ay Natatangi
B. Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
EsP TG pah 6
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
EsP LM pahina 14
C. Kagamitan: tsart at larawan
D. Values Integrated: Pagkilala sa sarili
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
“Mga bata tumayo tayo at (Tumayo ang mga bata)

manalangin”
“Magandang umaga din po guro”
 Pagbati
“Magandang umaga mga bata”
 Pagtsek ng attendance
“Mga bata ngayon dadako tayo sa pag “Nandito po ako guro”
check ng inyong mga attendance.
Kapag nandito sabihin ang salitang
nandito po ako guro.”
B. Balik-aral at/o pagsisimula ng bagong
aralin
“Ano-ano ang mga gawaing na kaya “ sumayaw, umawit, gumuhit, lumangoy,

niyong gawin?”

C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


“ Ano ang nararamdaman niyo sa tuwing
kayo ay nagpapakitang gilas? sino dito (may mga batang tumaas ng kamay)

ang natutuwa itaas ang kamay”


“ Sino dito ang nahiya?” (may mga batang tumaas ng kamay)

“Sino naman dito ang ninerbyos?” (may mga batang tumaas ng kamay)

(May idinikit sa pisara)


“Bawat bata ay may hilig na gawin. Bawat
bata ay may kayang gawin. Tignan niyo
ang larawan na idinikit ko sa ating pisara.
Aling larawan kaya ang nagpapakita na
“Pangalawang mukha po”
gusto nila ang Gawain? Ang unang mukha,
panagalawa o pangatlo?”

“Mahusay mga bata. kapag gusto natin


ang ating gagawin tayo ay nakangiti.”
“Tignan niyo ang pangalawang larawan.
Masaya kaya ang mga batang ito?” “Opo masaya po ang mga bata sa larawan”

“Opo tama po! sa unang larawan makikita


natin na nakangiti ang dalawang bata,
kaya masasabi natin na masaya ang
dalawang bata na nag-aaral. Ganun din
ang nasa kabilang larawan, masaya ang
mga bata habang nag aawitan” “Pangatlong larawan po”
“Aling larawan naman ang nagpapakita
ng iyong nararamdaman?”

“Dahil nahihirapan po”


“Bakit kaya ganito ang nadarama mo?
Dahil ba nahihirapan ka? o dahil ba hindi
mo alam gawin ito?”
“Madali lang iyan. Maaari kang
magtanong at magpaturo sa iba kapag
nahihirapan ka o hindi mo alam gawin ang
isang bagay”
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasnan
“Ano ang hilig mong gawin?” “umawit, sumayaw, gumuhit,tumula”
“Masaya ka ba kapag ginagawa mo ito?” “masaya po”
“Paano mo kaya mapapahusay ang hilig “mag practice po palagi at magpaturo po sa
mong ito?” marunong”
“Paano kung hindi mo hilig ang iyong “Ginagawa ko pa din po ang best ko para
ginagawa?”
magawa”

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw


na Buhay
Magpakita ako ng ibat ibang emoji na
nagpapakita ng mga sumusunod na
emosyon. Gayahin ninyo ito at ipakita sa
akin.
a. Natutuwa
b. Nagagalit
c. Nalulungkot
d. Natatakot
H. Paglalahat ng Aralin
Minsan tayo ay pinanghihinaan na gawin
ang mga bagay bagay. May mga dahilan
kung bakit tayo nahihiya o natatakot na
ipakita ang interes. Nahihiya ang isang tao
dahil hindi sila sanay na gawin ang isang
bagay, o kaya naman ay nahihiya na ipakita
sa ibang tao. Natatakot din ang iba na baka
magkamali at baka husgahan sila ng ibang
tao.
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Isulat sa patlang ang masayang
mukha () kung ay masaya at malungkot
() na mukha naman kung malungkot ang
iyong nadarama sa bawat sitwasyon.
____1. Pupunta kayo sa Mall para bumili
ng iyong laruan.
____2. Sinira ng kapatid mo ang bago
mong laruan.
____3. Nawala ka habang namamasyal
kayo.
____4. Nasugatan ka habang nagbabalat
ng sibuyas.
____5. Mataas ang nakuha mong marka.
J. Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang lumang paper plate. Gumawa
ng mukha na nagpapkita ng iba’t ibang damdamin.

You might also like