You are on page 1of 6

Masusing-Banghay Aralin

SALIH, JOANNA B.
BECED 1C

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan, ang mag-aaral ng KINDER 2- GUMAMELA ay
inaasahang makamit ang 80% na lebel ng kasanayan:

a.) Nalalaman at Naiintindihan ang apat na pangunahing emosyon.


b.) Naipapahayag ang pangunahing emosyon sa iba’t ibang paraan at sitwasyon.
c.) Naipapakita kung kailan masaya, malungkot, nagagalit at natatakot.

II. PAKSANG ARALIN


a. paksa:
Ø Tayo ay may Emosyon.
b. sanggunian:
Ø Mga damdamin at pakiramdam- Kindergarten worksheets
c: kagamitan:
Ø papel o kwaderno, worksheet, krayola, lapis, larawan ng ibat-ibang emosyon at pandikit.

III. PAMAMARAAN:
GURO MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating klase, sisimulan natin
ang umagang ito ng maikling panalangin.

“ Ama, bantayan mo po ang iyong mga anak sa araw


na ito ng kanilang pag-aaral. Ilayo mo po sila sa lahat
ng panganib at sakuna upang maipagpatuloy nila ang
kanilang mabubuting hangarin na matuto. Iligtas mo
po sila sa mga pagsubok na kanilang Ø Amen.
makakasalamuha ngayong araw na ito. Maraming
salamat sa iyong mga biyaya. Amen.”

2.Pagbati
Ø Magandang araw rin po
Magandang-araw mga bata! aming guro!

3. Pagsasaayos ng silid aralan at pagtsek ng


attendance
Bago tayo umupo maaari ba ninyo ayusin ang inyong Ø opo, teacher.
mga upuan? ( inayos ang kanilang mga upuan at
umupo)

meron bang nagliban ng klase sainyo? Ø wala po, teacher.

B. PAGGANYAK

Maari ba tayong tumayo mga bata?


awitin at gawin natin ang kantang ito Ø “ Kung ikaw ay masaya,
tumawa ka
“Kung ikaw ay masaya, tumawa ka
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka
Kung ikaw ay masaya, ipahayag ang
Kung ikaw ay masaya, ipahayag ang nadarama nadarama

Kung ikaw ay masaya, tumawa ka Kung ikaw ay masaya, tumawa ka

Kung ikaw ay malungkot, umiyak ka Kung ikaw ay malungkot, umiyak ka

Kung ikaw ay nagagalit, pumadyak ka Kung ikaw ay nagagalit, pumadyak ka

Kung ikaw ay natatakot, magtago ka Kung ikaw ay natatakot, magtago ka”

Magaling! maaari na kayong magsiupong


lahat.

C. PAGLALAHAD

Ang ating pagaaralan sa araw na ito, ay ang mga


pangunahing emosyon.

D. PAGTATALAKAY

Alam niyo ba na bilang bata, kayo ay may iba’t ibang


pakiramdam?

Maaari kayong maging masaya, malungkot, galit o


takot.
Ikaw ay masaya kapag araw ng iyong kaarawan,
kapag kumakain ng iyong paboritong pagkain,
kapag nasa pasyalan o kaya naman ay kapag
naglalaro ng iyong mga laruan.

Ikaw naman ay nalulungkot sa tuwing kayo ay


napapagalitan ng iyong magulang o kapag nasira
ang iyong laruan at nasasaktan.

Nararamdaman mo naman ang galit kapag ikaw


ay naiinis o kaya naman kapag ikaw ay inaaway.

At nakakaramdam ka ng takot sa tuwing


iinjeksyunan ng doctor, kapag hinahabol ng aso,
kapag madilim ang paligid o kaya naman ay kung
sakaling ikaw ay mawala.

Maraming paraan kung papaano natin mailalabas


ang ating emosyon. Pwede tayong makipagusap
sa ating ate at kuya, nanay o tatay, pwede natin
iguhit o ipinta ang ating nararamdaman, o kaya
naman ay sumayaw o kumanta.

E. PAGLALAPAT

May ipapakita akong mga larawan at isulat


sainyong kwaderno ang tamang salita na
naglalarawan sa nararamdaman ng mga bata.

F. PAGLALAHAT Ø (nagpakita ng masayang


mukha)
“ Ngayon mga bata, ipakita nyo sakin ang
EMOSYON NG MASAYA”

“Paano naman ang EMOSYON NG Ø (nagpakita ng malungkot na


MALUNGKOT? ” mukha)

“ Paano naman ang GALIT NA EMOSYON? “ Ø (nagpakita ng galit na mukha)


“ At ang panghuli, paano naman ang EMOSYON Ø ( nagpakita ng mukha na
NG NATATAKOT “ natatakot)

“ Napaka-husay nyo mga bata, ngayon alam nyo


na ang Apat na Pangunahing Emosyon. “

IV. Pagtataya
Piliin ang nararapat na emosyon na mararamdaman sa pinapakitang sitwasyon ng
larawan. Bilugan mo ang iyong sagot.
V. TAKDANG-ARALIN

You might also like