You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Kwarter 2 Ikalimang Linggo Ikatlong Araw

Petsa: Disyembre 6, 2023 / Martes Oras 7:30 AM – 8:00 AM

MELC
Nakakapagbahagi ng gamit, talento o kakayahan o anumang bagay sa
kapwa.

I. Layunin:

1. Natutukoy ang paraan ng pagbabahagi ng talento o kakayahan sa kapwa


2. Nauunawan ang paraan ng pagbabahagi ng talento o kakayahan sa kapwa.
3. Nakapagpapahayag ng saloobin kaugnay ng pagbabahagi talento o kakayahan sa
kapwa.

II. Paksang Aralin


Paksa : Nakapagbabahagi ng Talento o Kakayahan sa Kapwa
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao
MELC pahina 78
BOW PIVOT V3 pahina 13
Kagamitan : laptop, powerpoint

Pagpapahalaga: Pagbabahagi ng talento o kakayahan sa kapwa

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Balik-aral
Panuto: Sa mga larawang nasa ibaba, lima dito ang nagpapakita ng pagiging
magiliw at palakaibigan sa kanilang mga kapitbahay, kamag-anak, at kamag-
aral. Idugtong ang mga bilog sa pagiging magiliw at palakaibigan.

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Pag-uusap tungkol sa larawan.

2. Paglalahad
Basahin ang tula

May Talento Ako


Carmina D. Codoy
Ang sabi ng nanay ko di maganda ang boses ko.
Parehong kaliwa ang mga paa ko.
Sa pagguhit naman ay bokya din ako.
Ang sulat ko nga ay kinahig ng manok at pato.

Subalit ang sabi ng Diyos espesyal ang bawat tao.


Lahat ay may talento hanapin mo lang ito.
Tulad ko, magaling akong magbasa sabi ng guro ko.
Sa pakikinig ay champion din ako.
Sabi nga ni tatay sa pagpapatawa ko,
Pagod niya ay inaalis ko.

Tandaan lahat ay may talento tulad mo at tulad ko.


Ang mahalaga ay naibabahagi natin ito kapwa mo at
kapwa sa ko.
Nagbibigay saya sa kanilang damdamin.
Humahaplos sa puso at isipan natin.

3. Pagtatalakay
Sagutin ang mga tanong
1. Anu-ano ang kanyang mga talento?
2. Ayon sa tula paano magiging kapaki-pakinabang
ang iyong talento?
3. Kung ikaw ay may talento ano ang gagawin mo
dito? Bakit?

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

4. Pagsasanay

Panuto: Suriin ang larawan sa itaas. Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Sino ang nasa larawan?
2. Anu-ano ang talento o kakayahan nang babae sa larawan? Lagyan ng puso (
) ang napili mong talento sa ibaba.
_____A. Eksperto sa pamamahala sa oras.
_____B. Magaling magluto.
_____C. Mahusay umawit
_____ D. pagbibigay aruga sa anak
_____ E. Mapagmahal sa hayop

3. Sa paanong paraan niya naibabahagi ang kanyang mga talento? Lagayan ng


star ( )ang inyong sagot
_____ A. pagmamahal sa pamilya
_____ B. pagpapalaki ng malulusog na anak
_____ C. Pagkanta sa telebisyon
_____ D. Organisado ang tahanan

5. Paglalahat
Nakakatulong ba ang pagbabahagi ng iyong talent / kakayahan sa kapwa?
Bakit?

Tandaan:
Ang pagbabahagi ng iyong talento ay hindi lamang nagbibigay ng tulong,
kundi nagbubunga rin ng positibong pagbabago sa lipunan at nagtataguyod ng
mas mapayapa at masiglang kapaligiran.

6. Paglalapat

Lahat ng tao ay binigyan ng kakayahan at talento. Ano ang gagawin mo sa


ibinigay sa iyo? Bilugan ang letra ng iyong sagot.
A. Ikahihiyang ipakita.
B. Ipagyayabang ito.
C. Ibabahagi ito upang maging inspirasyon
D. Ibabahagi upang makatulong.
E. Ibabahagi ng may pagmamahal at konsiderasyon.

IV. Pagtataya

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

Tukuyin ang paraan ng pagbabahagi ng talento o kakayahan sa kapwa. Basahin


ang mga sumusunod na sitwasyon isulat ang tama kung sumasang-ayon ka at
mali kung hindi ka sumasang-ayon.
__________ 1. Magkakaroon ng patimpalak sa paggawa ng tinapay sa inyong paaralan.
Mahusay kang maghurno ng pandesal kaya’t kusang loob mo itinaas ang iyong kamay
upang sumali.
__________ 2. Magaling kang magpatubo ng mga halaman. Sa panahon ng pandemic
ay tinaniman mo ang inyong bakanteng lote.
__________ 3. Nalalapit na palarong pandistrito sa inyong lugar. Pinaka mahusay kang
mag Taaekwondo subalit hindi ka sumali dahil walang dagdag na marka mula sa
iyong guro.
__________ 4. Nagtatrabaho ang iyong nanay kaya’t lagi itong abala, subalit nagbigay
siya ng oras upang magensayo at sumali sa mother and daughter dance contest sa
inyong barangay.
__________ 5. Nais ng lider nyo na mapaganda pa ang mga paso ng inyong garden.
Hindi mo sinabi na magaling kang magpinta upang hindi ka mautusan na kulayan
ang mga paso.

V. Kasunduan

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagbabahagi ng talent/kakayahan sa kapwa.

Repleksyon:

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation.

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph

You might also like