You are on page 1of 29

MELC BASED

Edukasyon sa Pagpapakatao
QUARTER 1 WEEK 1
OCTOBER 5-9

Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang


pamamaraan:
1.1 pag-awit 1.2 pagguhit 1.3 pagsayaw
1.4 pakikipagtalastasan 1.5 at iba pa
( EsP2-PKP-la-b-2 )
Praye
r
The Power of Commitment
I swear to commit myself
I promise to study.
DR. CARMENIA C. ABEL
PRINCIPAL IV
MGA DAPAT TANDAAN SA ONLINE
CLASS:
Alalahanin palagi ang araw at
pumasok sa takdang oras kung
kailan ang schedule ng online
classes.
Panatilihin ang “hygiene” Magsuot
ng malinis at maayos na damit.
Nakamute lang ang microphone,
maaari lamang itong i-unmute kung
tinatanong ng guro.
Bukas lamang ang camera

itaas lamang ang kamay kung


gustong sumagot sa tinatanong ng
guro.
Paunang
Pagsubok
Ipakita ang masayang mukha kung wasto
ang pahayag sa bawat bilang at kung
malungkot na mukha kung hindi wasto ang
pahayag.
1. Ang bata ay dapat sa bahay lang lagi.
2. Ang mga kakayahan ay dapat paunlarin.
3. Iisa ang kakayahan ng bawat bata.
4. Masayahin ang batang palakaibigan.
5. Ang pagsali sa mga paligsahan ay isang
paraan para mahasa ang kakayahan.
Tingnan mo ang larawan. Paano mo
maipakikita ang iyong kakayahan?
Alin sa mga ito ang kaya mong gawin?

Sino sa kanila ang kaya mong gayahin?


Sa papaanong paraan mo maipakikita ang iyong
kakayahan?
Basahin ang maikling kwento

Lunes ng umaga, pumasok sa


paaralan ang kambal na sina Arlan at
Allen. May palatuntunan para sa Buwan
ng Wika na gaganapin sa kanilang
paaralan.
Pinasimulan ang palatuntunan
sa pag-awit ng Lupang Hinirang. Sumunod
ang Pambungad na
Pananalita ng Punong-guro. Sinundan agad
ito ng magkasabay na pag-awit ng kambal
ng “Bayan Ko”. Isang pangkat naman ng
mga babaeng mag-aaral ang nagpakita ng
husay sa pagsasayaw
Madamdaming sabayang
pagbigkas naman ang ipinarinig ng isang
pangkat ng mag-aaral.
Pinangunahan ito nina Alden at Jose.

Ang huling bilang ay isang tula na binigkas


ni Maine. Ang lahat ng kasali sa
palatuntunan ay nagpakita ng kani-kaniyang
natatanging kakayahan. Masayang umuwi
ang lahat ng nanood.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga kakayahang naipamalas ng mga
magaaral sa maikling kwento?

2. Kahanga-hanga ba ang kanilang ipinakitang kakayahan?


Bakit?
3. Bilang mag-aaral, paano mo mapa-uunlad ang natatangi
mong kakayahan?
Sagutin ang mga sumusunod:

4. Sino-sino sa kanila ang nagpakita ng kanilang kakayahan?

5. Paano nila ipinakita ang mga taglay na kakayahan?


Basahin ang Tula” TALENTADO AKO”
Talentado Ako
ni: I.M. Gonzales
I
Kamay sa pagguhit, aking gagamitin
Upang bigyang kulay, ang paligid natin.
Galaw ng katawan, sabay sa musika
May ngiti sa labi, sa tuwi-tuwina.
II
Malamyos na tinig, puno ng pag-ibig
Kapag ako’y umaawit, sila’y lumalapit
Mga kakayahang, aking tinataglay
Di ipagkakait biyaya ng langit.
1. Ano- anong kakayahan ang ipinakita sa tula? Sagutin ang mga
tanong:
2. Ikaw ba’y marunong umawit? Gumuhit? at sumayaw?

3. Ano ang gagawin mo sa iyong kakayahan?

4. Dapat bang ipagmayabang ang ating kakayahan? Bakit?

5. Kung ikaw ay binigyan ng Panginoon ng isang


natatanging kakayahan, paano mo ito maipakikita ng
wasto sa mga tao?
Tingnan at pag-aralan ang mga
larawan. Gumuhit ng kulay pulang
bilog sa inyong papel. Sa loob nito,
iguhit ang paraan ng pagpapakita mo
ng iyong kakayahan.
Basahin natin ang maikling kwento:
Ang Paligsahan
ni: I. M. Gonzales
May paligsahan na gaganapin sa paaralang Elementarya ng San Andres. Ito’y
naglalayong maipakita ang iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral. Ibinalita
ito ni G. Santos sa kanyang mga mag-aaral at tuwang-tuwa sila. Maipakikita
nila ang kanilang kakayahan. Lalahok ako sa paligsahan ng sayaw ,”wika ni
Pepay.” Sa pag-awit naman ako sasali, “ayon kay Kaloy”. Marami pang mag-
aaral ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang lumahok sa paligsahan sa
pagtula, sina Obet at Pam naman ay sasali sa pagguhit at sina Red at Carla ay
lalahok din sa poster making, ”Sana Manalo tayo”, wika ni Kaloy.
Sagutin ang mga tanong: Ano-anong paligsahan ang gaganapin sa
paaralan?

Sino-sino ang mga sasali sa paligsahan?

Bakit nais nilang sumali sa paligsahan?

Ano ang gusto nilang makamit sa pagsali


sa paligsahan?
Sagutin ang mga tanong: Kailangan mo bang ipakita ang iyong
natatanging kakayahan?

Bakit kailangan mong ipakita ang iyong


kakayahan sa
lipunan?
Paano mo maipakikita ang iyong
natatanging kakayahang
ibinigay sa iyo ng Panginoon?
Kuhanan ang sarili ng
larawan na nagpapakita ng
kakayahang kaya mong gawin

You might also like