You are on page 1of 11

ra li n 1

A May Natatanging Talento


at Kakayahan Tayo

Ang pagkilala
sa ating sarili
ay pag-unawa
sa ating
kalakasan,
kahinaan, at
damdamin.

Dapat na
Malaman
Sa araling
ito, iyong...
matutukoy
ang mga bagay
na kaya mo Paghahanda
at hindi mo
kayang gawin;
at
Ang bawat isa sa atin ay espesyal o natatangi.
masasabi ang Bawat isa ay may kayang gawin na maaaring hindi
nararamdaman kaya ng iba. May mga taong magaling gumuhit
mo tungkol at may mga taong magaling sumulat. Ang iba ay
sa mga bagay magaling umawit habang ang iba ay magaling
na kaya mo
at hindi mo sumayaw. Mahalagang malaman ang ating mga
kayang gawin. natatanging kakayahan o talento. Makatutulong
ito upang mas maunawaan natin ang ating sarili.

4  ●  Pagmamahal sa Sarili at Pamilya


Pagtuklas sa Kabutihan

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang ginagawa ng


mga bata? Kulayan ang larawan ng mga batang nagpapakita ng
kakayahang katulad ng kakayahan mo. Sino ang nagturo sa iyo ng
mga kakayahang ito?

1. 2.

3. 4.

Mabuting Kaalaman

Maganda sa pakiramdam ang malaman na tayo ay may


natatanging galing sa paggawa ng isang bagay. Dahil dito, nais
nating mapaghusay pa lalo ang ating mga natatanging kakayahan
at talento.

May Natatanging Talento at Kakayahan Tayo  ●  5


Tamang Pag-uugali

Basahin ang kuwento sa ibaba. Alamin kung paano natuklasan ni Kate


ang kaniyang talento sa pagsayaw.

Kayang Sumayaw ni Kate


ni Nenita Impreso de Vega

Noon pa man ay nais na ni Kate na matutong sumayaw.


Ngunit, hindi niya alam kung kaya niya itong gawin. Alam
niyang mahusay siya sa pagbilang at may kakayahan din siyang
tumakbo nang matulin. Ngunit, hindi siya sigurado kung may
kakayahan din siya sa pagsayaw.
Ang ilan sa mga kaibigan ni Kate ay nag-aaral ng pagsayaw
tuwing Sabado. Nais din sana niyang sumali sa kanila.
Pinanonood ni Kate ang kaniyang mga kaibigan sa palaruan sa
tuwing sila ay nag-eensayo sa pagsayaw.

6  ●  Pagmamahal sa Sarili at Pamilya


Isang araw, nagpasiya si Kate na subukang sumayaw.
Nagsanay siya sa loob ng kaniyang silid. Nakita siya ng kaniyang
ina. “Saan ka natutong sumayaw, Kate?”, tanong ng kaniyang ina.
“Pinanonood ko po lagi ang aking mga kaibigan sa tuwing
sila ay nag-eensayo. Ano po ang masasabi ninyo sa pagsayaw ko,
Nanay?”, nahihiyang tanong ni Kate.
“Alam mo anak, mahusay kang sumayaw! Napakahusay ng
iyong talento sa pagsayaw”, nakangiting sabi ng kaniyang ina.
“Maraming salamat po, Nanay! Gusto ko pong lalo pang
maging mahusay,” sagot ni Kate.
“Sasamahan kita sa tuwing ikaw ay mag-eensayo kasama ng
iyong mga kaibigan,” sagot naman ng kaniyang ina.
Ginawa ni Kate ang lahat ng kaniyang makakaya upang
lalo pang maging mahusay sa pagsayaw. Hindi nagtagal, siya ay
napabilang sa pangkat ng mga mananayaw sa kanilang paaralan.
Sumali ang kanilang pangkat sa paligsahan. Sumayaw siya nang
mahusay habang nanonood ang kaniyang pamilya. Ang kanilang
pangkat ang nanalo sa paligsahan. Lubos ang pasasalamat ni
Kate sa kaniyang ina na tumulong sa kaniya na matuklasan ang
kaniyang talento sa pagsayaw.

Pag-isipan at Pag-usapan
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Anong kakayahan ang gusto mong matutuhan?
2. Bukod sa pagsayaw, ano-ano pa ang kayang gawin nang
mahusay ni Kate?
3. Paano natuklasan ni Kate ang kahusayan niya sa pagsayaw?
4. Ano ang naramdaman ni Kate nang payagan siya ng kaniyang
ina na mag-aral ng pagsayaw?
5. Nais mo bang ipakita sa iba ang iyong talento? Bakit?

May Natatanging Talento at Kakayahan Tayo  ●  7


Alam Ko na Ngayon

Lahat ng mga bata ay may kani-kaniyang talento at kakayahan.


Araw-araw ay natututo ako ng mga bagong kakayahan dahil mas
nakikilala ko ang aking sarili at kung ano ang mga nais kong gawin.

“Ako ay masayang maging ako dahil mayroon akong


espesyal na talento at kakayahan.”

Pagtanggap sa Hamon

Tingnan ang mga larawang nagpapakita ng mga batang


may iba’t ibang talento. Lagyan ng tsek (✔) ang kahon na
nagpapakita ng talentong kaya mong gawin. Lagyan ng ekis
(✘) ang mga larawan na nagpapakita ng mga kakayahang nais
mong matutuhan.
1. 2.

3. 4.

8  ●  Pagmamahal sa Sarili at Pamilya


5. 6.

7. 8.

9. 10.

11. 12.

May Natatanging Talento at Kakayahan Tayo  ●  9


Gaano ka kagaling sa paggamit ng sumusunod na bagay?
Gumuhit ng bituin (★) sa loob ng kahon kung kaya mong gamitin
nang mahusay ang nasabing bagay. Gumuhit naman ng tatsulok
(▲) kung hindi.

1. 2.

3. 4.

5. 6.

10  ●  Pagmamahal sa Sarili at Pamilya


Ang Aking Proyekto

Gumupit ng mga larawan mula sa mga magasin at pahayagan


ng mga taong nagpapakita ng kanilang mga natatanging
kakayahan at talento. Idikit ang mga larawang ito ayon sa MGA
BAGAY NA KAYA KONG GAWIN at MGA BAGAY NA NAIS KONG
MATUTUHANG GAWIN.

MGA BAGAY NA KAYA KONG GAWIN

May Natatanging Talento at Kakayahan Tayo  ●  11


MGA BAGAY NA NAIS
KONG MATUTUHANG GAWIN

12  ●  Pagmamahal sa Sarili at Pamilya


Iguhit ang iyong mukha sa loob ng kahon. Sa ibaba ng iyong
guhit ay isulat ang: MASAYANG MAGING AKO!

Maging handa na ipakita sa iyong guro at mga kamag-aral ang


iyong iginuhit. Sabihin sa kanila ang mga bagay tungkol sa iyong
sarili, iyong mga kakayahan, at mga bagay na nais mong gawin.

May Natatanging Talento at Kakayahan Tayo  ●  13


ra li n 2
A Naniniwala Tayo
sa Ating Kakayahan
Ang
paniniwala
sa ating mga
kakayahan at
talento ang
nagbibigay sa
atin ng lakas
ng loob na
gawin ang
mga bagay
na kaya
nating gawin.

Dapat na
Malaman
Sa araling Paghahanda
ito, iyong...
masasabi
kung bakit
Ang pagkakaroon ng mga kakayahan at talento ay
mahalaga na makatutulong sa atin sa maraming bagay. Mabilis
maniwala sa at maayos nating matatapos ang ating mga gawain
mga kaya mong kung may kakayahan at kasanayan tayong gawin
gawin; at
ang mga ito. Kailangan lang natin maniwala na
maipakikita
ang iyong kaya nating gawin ang mga ito. Kung maniniwala
kakayahan tayo sa ating mga kakayahan, magiging madali ang
at talento. pagtupad natin sa mga gawain.

14  ●  Pagmamahal sa Sarili at Pamilya

You might also like