You are on page 1of 10

P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |1

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

DISTRICT RBI SCRIPT IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 2

SUBJECT: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2


MELC: Maipakita ang paghahalaga sa saya at tawa na dulot nang pagbabahagi ng
anumang kakayahan o talino. EsP2PKP-Ic-9

Topic: Kakayahan at Talento ay Gamitin, Kapuwa at Sarili ay Pasayahin


Objectives: 1. Natutukoy ang mga upang mapaligaya ang kapuwa at
sarili sa pamamagitan ng kakayahan at talento..
pamamaraan
2. Natutukoy ang mabubuting bunga ng pagbabahagi ng kakayahan at
talento.
3. Naibabahagi at naipapakita ang kakayahan at talento para sa ikabubuti
ng kapuwa at sarili.
Quarter: First Quarter
Episode: Week 2
Schedule: September 29, 2021
Length: 25 minutes
Scriptwriter: Jennifer B. Lubiano

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. RB TEACHER:

3. Welcome sa ating La Purisima Elementary School Radio-Based Instruction na

inyong kasalukuyang napapakinggan dito sa LPES Radio 92.6 FM! PROJECT

BLAST—Bridging Learning Through Alternative System in Teaching..

4. Walang makakahadlang, walang maiiwan

5. Sama-samang lilipad, kamtin ang pangarap

6. Sa hamong kinakaharap, patuloy aangat

7. Edukasyon para sa lahat, Sulong Edukalidad, Sulong Tarlac

8. Nagagalak kami na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo.

9. Magandang buhay, mabuting tao!

10. Kumusta na kayo mga giliw naming tagapakinig?

11. Ang aking pagbati at paghanga sa inyong pagpapahalaga sa edukasyon at

pagpupursiging matapos ito ng nagtatagumpay sa kabila ng hamon ng pandemya.

- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |2

12. Ako ang inyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa ikalawang Baitang, Gng.

Jennifer B. Lubiano, sasamahan at gagabayan kayo sa Most Essential Learning

Competency . Maipakita ang paghahalaga sa saya at tawa na dulot nang

pagbabahagi ng anumang kakayahan o talino.

13. BIZ: MSC UP AND UNDER

14. RB TEACHER:

15. Bago tayo magsimula, heto ang ilan sa mga panuntunan na dapat sundin.

16. Una, maupo nang maayos, upang maging kumportable kayo sa pakikinig.

17. Pangalawa, makinig na mabuti, upang matuto sa ating aralin.

18. At panghuli, magkaroon nang kawilihan sa talakayan, upang maging masaya sa

pakikinig.

19. Handa na ba kayong matuto? / tara at simulan na natin.

20. BIZ: MSC UP AND UNDER

21. RB TEACHER:

22. Ang layunin natin ngayong umaga ito ay Kakayahan at Talento ay Gamitin,

Kapuwa at Sarili ay Pasayahin

23. Natutukoy ang mga pamamaraan upang mapaligaya ang kapuwa at sarili sa

pamamagitan ng kakayahan at talento.

24. Natutukoy ang mabubuting bunga ng pagbabahagi ng kakayahan at talento.

25. Naibabahagi at naipapakita ang kakayahan at talento

26. BIZ: MSC UP AND UNDER

27. RB TEACHER:

28. Bago natin simulan ang ating aralin, atin munang Tuksalin

29. Ang kakayahan at talento ay mahuhusay na pamamaraan upang mapaunlad ang

iyong sarili at makapagbigay ng tuwa at tulong sa iyong kapuwa

30. BIZ: MSC UP AND UNDER

31. RB TEACHER:

- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |3

32. Ang bawat mag-aaral na katulad mo ay may natatanging kakayahan at talento. Sa

pamamagitan nito makatutulong ka sa mga bagay na di kayang gawin ng iba

upang magtagumpay sila

33. Ang husay sa pagpinta, pagguhit, pag-awit, pagsayaw, pagtula ay ilan lamang sa

mga maituturing na mga talento. Ang kagalingan sa iba’t ibang asignatura ay

maituturing din na natatanging kakayahan.

34. BIZ: MSC UP AND UNDER

35. RB TEACHER:

36. Mabuting Dulot ng Paggamit sa Kakayahan at Talento..

37. Una- Makapagbibigay ng tulong sa kapuwa sa mga bagay na di nila kayang gawin

at isakatuparan.

38. Pangalawa- Mapaliligaya ang sarili at kapuwa sa pagbabahagi at pagpapaunlad sa

sarili. At ang pangatlo ay Mapapahagalagahan ang paglinang sa sariling talento at

kakayahan upang magbigay ng saya sa sarili at kapuwa.

39. BIZ: MSC UP AND UNDER

40. RB TEACHER:

41. Ngayon ating sagutin ang nasa Suriin.

42. Panuto: Isulat ang mga titik sa mga tamang gawi upang maipakita ang

pagpapahalaga sa sayang dulot ng iyong kakayahan. Sagutin ito sa iyong

kuwaderno o sagutang papel.

43. BIZ: MSC UP AND UNDER

44. RB TEACHER:

A. Ipinta ang mga mahal sa buhay upang maipadama ang


pagmamahal
B. Sumali sa iba’t ibang patimpalak upang mahasa ang
talento at kakayahan sa pagpipinta at makapagdulot ng saya
C. Magpinta upang mainsulto ang kamag-aral

45. . D. Magpinta ng mararahas na larawan upang manakot

46. Kung ang sagot ninyo ay letrang A at B, Tama!

- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |4

47. BIZ: MSC UP AND UNDER

48. RB TEACHER:

A. Turuan ang mga kamag-aral na nahihirapan sa aralin.


B. Ipakita ang kagalingan upang maliitin ang iba
C. Laging paghusayin ang kakayahan upang maging handa
sa mga susunod na aralin
D. Huwag tumulong sa kamag-aral baka maging mas
mataas ang kanilang marka
49.

50. Kung ang sagot ninyo ay letrang A, At C … Tumpak!

A. Alayan ng tula ang mga magulang upang maipadama


ang pasasalamat.
B. Sumali sa mga paligsahan sa paaralan upang maging
mahusay
C. Lumikha ng tula upang buskahin ang kamag- aral.
D. Ibahagi ang kaalaman sa paglikha ng tula upang
matutuhan

51.

52. Kung ang sagot ninyo ay letrang A, B at D, ito ay Tama!

53. BIZ: MSC UP AND UNDER

54. . RB TEACHER

A. Lilikha ng makabuluhang bagay upang makatulong sa


paaralan
B. Huwag turuan ang mga kamag-aral
C. Mag imbento ng mga kapaki-pakipakinabang na bagay
D. Ipakita ang kahusayan upang magkaroon ng mataas na
marka upang mapasaya ang magulang
55.

56. Kung ang sagot ninyo ay letrangA,C at D, kayo ay Very Good!

57. BIZ: MSC UP AND UNDER

58. . RB TEACHER

59. Ngayon ating sagutin ang Pagyamanin sa pahina walo ng inyong modyul

60. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan. Isulat

ang iyong sagot sa kuwaderno o sagutang papel.

- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |5

Una,
1.Mahusay ka sa pag- awit, paano mo gagamitin ang talentong ito?

A. Gagawa ng awiting may masasamang salita.


B. Gagamitin ito upang papurihan ang Dakilang Lumikha.
C. Kakantahin ang mga awiting may masamang kahulugan.
D. Iiwasan ang pagsali sa mga patimpalak upang mailihim ang talento.
61. Tumpak ang iyong sagot kung ito ay…letrang B!

Pangalawa

2. Mayroon kang natatanging kakayahan, ano ang dapat mong gawin?

A. Hindi ko sasabihin kahit kanino.


B. Ikahihiya ko ang aking kakayahan.
C. Hindi ko ito ipapaalam kahit kanino.
D. Ipakikita ko at pauunlarin ko ito upang mapasaya ang kapuwa ko.
.
62. Kung ang sagot ninyo ay letrang D, Tama!

63. BIZ: MSC UP AND UNDER

64. RB TEACHER

Pangatlo..
65.
3. Si Alma ay mahusay sumayaw. Nais itong makita ng kaniyang mga kamag-
aral. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Hindi siya sasayaw.


B. Liliban siya sa klase.
C. Aawit siya sa kaniyang mga kamag-aral.
D. Ipapakita niya ang kahusayan sa pagsayaw upang mapasaya ang mga
kamag-aral.
66.

Kung ang sagot ninyo ay letrang D, kayo ay Very Good!

67. BIZ: MSC UP AND UNDER

68. RB TEACHER

69.
4. Ano ang mararamdaman mo kapag ipinakikita mo ang iyong kakayahan sa
iba?

A. maiinis C. magiging masaya


B. magagalit D. magiging malungkot

Kung ang sagot ninyo ay letrang C, kayo ay Very Good!

70.
- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |6

5. Si Bela ay mahusay bumigkas ng tula. Anong mabubuting damdamin ang


maaari niyang ihatid sa kanyiang kapuwa?

A. kalungkutan C. pangmamaliit
B. pamimintas D. pagmamahal/kasiyahan
71.

Kung ang sagot ninyo ay letrang D, kayo ay Very Good!

72. BIZ: MSC UP AND UNDER

73. RB TEACHER:

74. Ating Isaisip:

Ang bawat tao ay mayroong kani kaniyang KAKAYAHAN at TALENTO. Sikaping

pagyamanin ang kakayahang iyong taglay. Paunlarin ang mga ito, palakasin ang

iyong kahinaan upang magtagumpay. Gayundin, upang magdulot ng kasiyahan sa

kapuwa na makapagpapakita ng pagpapahalaga sa kanila.

75. BIZ: MSC UP AND UNDER

76. RB TEACHER:

77. Ngayon Atin sagutin ang Isagawa sa pahina 10 ng inyong modyul

78. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Sagutin ito sa iyong modyul kuwaderno o

sagutang papel. modyul

79. BIZ: MSC UP AND UNDER

80. RB TEACHER:

81. 1. Mahusay ka sa pag-awit. Paano mo ito gagamitin upang mapasaya ang

kapuwa?

A. Maging masipag sa pag-eensayo.


B. Umawit ayon sa kagustuhan ng iba.
C. Sumayaw na lamang dahil magaling dito ang kaibigan.
D. Sumigaw nang sumigaw upang masanay ang lalamunan.
82. Ang sagot ay…letrang A! Bravo!

97. 2. Magaling kang sumayaw. Paano mo ito gagamitin?

A. Ikahiya ang kakayahan.


B. Sumali sa paligsahan sa pag-awit.
C. Tularan na lang ang kakayahan ng kaibigan.
D. Manguna sa pagbuo ng mga sayaw na kailangan sa mga programa ng
paaralan.
- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |7

83. Ang tamang sagot ay… letrang letrang D!

84. BIZ: MSC UP AND UNDER

85. RB TEACHER:

86.
3. May paligsahan sa pagguhit sa inyong paaralan at mayroon kang kakayahan dito.
Sasali ka ba o hindi?

A. Hindi, dahil magaling ka na.


B. Oo, dahil gusto ng iyong kapatid.
C. Hindi, dahil may mas magaling kaysa sa iyo.
D. Oo, upang mapaunlad ang iyong kakayahan at maibahagi ang talento sa iba.

87. Ang sagot ay…letrang A! Bravo!

88.
4. Ikaw ay may kahusayang taglay sa agham at teknolohiya paano ka makatutulong sa
iba?

A. Sasali ka upang matalo ang iyong kaaway.


B. Sasali ka upang mas mapaunlad ang iyong kakayahan.
C. Liliban sa klase dahil alam mo na ang aralin.
D. Hindi mo ipapaalam na magaling ka sa asignaturang ito.

89. Tumpak ang iyong sagot kung ito ay…letrang C!

90. BIZ: MSC UP AND UNDER

91. RB TEACHER:

92..
5. Nalulungkot ang pinakamatalik na kaibigan. Nais mo siyang mapasaya, ano ang
iyong gagawin?

A. Hindi siya papansinin upang di madamay.


B. Lalayo at sasama sa masasayang kaibigan.
C. Gagawa ng paraan upang mas bumigat ang kaniyang damdamin.
D. Gagamitin mo ang iyong kakayahan upang mapasaya siya at mapawi ang
kalungkutan na kaniyang nadarama.

.Ang sagot ay…letrang D! Magaling!

93..BIZ: MSC UP AND UNDER

94..RB TEACHER:

- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |8

95. Atin ng sagutin ang Tayahin sa pahina labing-dalawa ng inyong modyul.

96. Panuto: Gumuhit ng linya mula sa itim na bilog patungo sa mga hakbang na upang

mapaligaya ang kapuwa sa pamamagitan ng iyong talento sa pag- awit. Gawin ito sa

iyong kuwaderno o sagutang papel. Bibigyan ko kayo ng limang minuto.

A. Gumawa ng mga sariling awitin upang maipadama ang


pagmamahal sa kapuwa

B. Lumikha ng awitin ng panunukso o pangbubuska

C. Mag-alay ng awitin ng papuri at pasasalamat

D. Gamitin ang mga awitin upang masaktan ang damdamin


ng kapuwa.

E. Pasayahin ang mga kaibigan, guro at mga magulang sa


pamamagitan ng masasayang awitin

97. BIZ: MSC UP AND UNDER

98. RB TEACHER:

99.Tapos na ba kayo mga bata? Atin ng iwasto ang inyong kasagutan?

100.Una, Ang tamang sagot ay…letrang A!

101.Ikalawa, Ang tamang sagot ay… letrang C!

102.Ikatlo, Ang tamang sagot ay… letrang letrang E!

103. BIZ: MSC UP AND UNDER

104. RB TEACHER:

105. Binabati ko kayong lahat mga anak sapagkat natitiyak kong nakuha ninyong lahat

ang tamang sagot sa ating pagsusulit. Mula sa akin, tanggapin ninyo ang mga salitang:

Magaling, Mahusay Mabuting Tao!

106.BIZ: MSC UP AND UNDER

107. RB TEACHER:

- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n |9

108.Sana ay naunawaan ninyo ang konsepto ng ating aralin.

109.Isang leksyon na naman ang ating natapos.

110.Panalangin ko na anumang konsepto, higit lalo ang mga aral sa buhay na inyong

natutunan sa araw na ito ay inyong maisabuhay araw- araw.

111. Muli, ako ang inyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Ikalawang Baitang,

Gng. Jennifer B. Lubiano na nagpapaalalang, Piliing maging mabuting tao sa Lahat ng

Panahon at Pagkakataon.

112.Hanggang sa Muli! Paalam!

113.BIZ: MSC UP AND OUT

-END-

- MORE -
P a g b i b i g a y - a l a m s a K i n a u u k u l a n | 10

Pangalan:_____________________________________________________________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno o sagutang papel.
1. Ano ang natatanging tinataglay ng bawat bata?
A.Kasama C. Kakayahan
B. Kabataan D. Kapaligiran

2. Mayroon kang natatanging kakayahan, ano ang dapat mong gawin?


A.Hindi ko sasabihin kahit kanino. C.Ikahihiya ko ang aking kakayahan.
B. Ipakikita ko at pauunlarin ko ito D.Hindi ako iimik para hindi nila malaman.

3. Si Alma ay mahusay sumayaw. Nais itong makita ng kaniyang mga kamag-aral. Ano
ang dapat niyang gawin?
A.Hindi siya sasayaw. C.Magtatago siya upang hindi siya makasayaw.
B. Aawit siya sa kaniyang mga kamag-aral. D.Ipapakita niya ang kahusayan niya sa
pagsayaw sa mga kamag aral.

4. Ano ang mararamdaman mo kapag ipinakikita mo ang iyong kakayahan sa iba?


A.Maiinis C. Magiging masaya
B. Magagalit D. Magiging malungkot

5. Si Bela ay mahusay bumigkas ng tula. Anong kakayahan ang dapat niyang ipakita?
A.Pagtula C. Pagpinta
B. Pag-awit D. Pagsayaw

A. Panuto: Pagtambalin ang larawan na nasa Hanay A sa mga talento sa Hanay B.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Hanay A Hanay B

- MORE -

You might also like