You are on page 1of 3

FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL

B. Del Mundo,, Mansalay, Oriental Mindoro


Masusing Banghay Aralin sa Filipino
9-Acacia
February 05, 2020
9:45-10:45

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng
Pilipinas.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o story board tungkol sa
ilang tauhan sa Noli Me Tangere.

I. Layunin

 Nailalalahad ang sariling pananaw tungkol sa pag-ibig. {F9PB-IVi-j-63}


 Naipahahayag kung paano nakatulong ang karanasan ng mga tauhan upang mapabuti
ang sariling ugali, pagpapahalaga at buong katauhan. {F9PS-IVi-j-63}
II. Nilalaman
KABANATA 48: ANG TALINGHAGA

III. Kagamitang Panturo


Gabay ng Guro: Pahina 15
Obra Maestra III: Pahina 300-305, ni Lourdes L. Miranda/Mercedes D.L. Tulaylay
Yeso, pisara, prodyektor, kompyuter

IV. Pamamaraan
 Tumawag ng isang mag-aaral upang manguna sa pananalangin.
 Pagbati
 Paglalahad ng pamantayan sa pakikinig sa talakayan at pagsasaayos ng kaayusan ng silid-
aralan.

A. Balik-Aral sa Nakalipas na Aralin


Ano ang paksang tinalakay natin kahapon?
Paano nakatulong sa iyo bilang mag-aaral ang mensaheng ipinarating sa iyo ng nakalipas na
aralin?

B. Paghahabi ng Layunin ng Bagong Aralin


Ngayon ay inaasahan na mailalahad ninyo ang inyong pag-unawa sa pag-ibig at kung paano
nakatulong ang karanasan ng tauhan upang mapabuti ang iyong ugali, pagpapahalaga at
katauhan.

C. Pagganyak
PICK-UP LINES!
Ipapakita ng guro ang inihandang kahon. Ipapaliwanag ng guro na sa loob ng kahon ay may mga
hugis pusong papel na may nakasulat na pick-up lines. Ang gagawin ay ipapasa ito ng mag-aaral
sa kanyang kaklase habang may ipinapatugtog na musika. Kung sino ang may hawak ng kahon
ay bubunot sa loob ng hugis puso na papel. Pagkatapos ay pumili ng kaparehas upang isabuhay
ang nakasulat rito.
MGA LINYANG ISASABUHAY NG MGA MAG-AARAL:
A. Lalaki: Nagreview ka na ba?
Babae: Bakit?
Lalaki Kasi mamaya, pasasagutin na kita.
B. Lalaki: Alam mo, pagkasama kita mayaman ako
Babae: Bakit?
Lalaki: Kasi mahirap pag wala ka.

C. Lalaki: Kape ka ba?


Babae: Bakit?
Lalaki: Kasi ginigising mo ang natutulog kong puso.

D. Pagtalakay sa Bagong Aralin


1. Simulan ang talakayan sa pamamagitan ng pahapyaw na pagtalakay sa paglikha ng tao na
mababasa sa Genesis 2:18-25.
2. Magtanong sa ilang mag-aaral kung ano ang kahulugan sa kanila ng salitang pag-ibig.
3. Ipapanood ang isang video clip patungkol sa kabanata XLVIII: Ang Talinghaga.
4. Magtatanong ng ilang katanungan patungkol sa napanood na kabanata at sasagutin ito ng
mga mag-aaral base sa hawak nilang papel na may masaya at malungkot na emoticon.

E. Paglalapat (Pangkatang Gawain)


Pangkatin ang mga mag-aaral base sa kanilang edad.

Pangkat I – MAGPAPALIWANAG AKO! (Integrasyon sa Edukasyong Pagpapakatao)


Si Maria Clara ay di nakapagsalita nang makita si Crisostomo Ibarra. Si Crisostomo Ibarra ay
labis na nanibugho kaya kung anu-ano ang lumabas sa kanyang bibig.

Pag-usapan ninyo kung paano kaya dapat sumagot si Maria Clara sa mga paratang ni Crisostomo
Ibarra. Kung kayo naman si Crisostomo Ibarra, ano ba muna ang iyong aalamin?

Pangkat II – PAG-IBIG KO; PAKINGGAN MO (Integrasyon sa MAPEH)


Pumili ng isang berso o linya ng awit na maaring iugnay sa pangyayari sa pagmamahalan ng
dalawang tauhan sa kabanata. Ipaliliwanag n glider kung bakit ito ang kanilang napili. Lahat ng
kasapi ay makikilahok sa presentasyon ng pag-awit ng grupo sa unahan.

F. Paglalahat
Mahalagang mailahad ng mga ag-aaral ang kanilang pananaw patungkol sa pag-ibig at
maipahayag kung paano sila natulungan ng akda sa pamamagitan ng mga karanasan ng mga
tauhan na maging halimbawa upang mapabuti ang kanilang ugali, pagpapahalaga at pagbuo ng
kanilang katauhan.

G. Pagtataya
Ilahad ang iyong pananaw at damdamin sa mga sumusunod na pahayag na maaaring nagpabago ng
iyong ugali, pagpapahalaga, at katauhan:

1. Huwag mo akong husgahan; sa halip bigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag.


2. Nagbabago ang tao dahil sa pag-ibig.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na natuto:


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remediyal: __________
Inihanda ni:
MARY GRACE E. FAHIMNO
Guro sa Filipino

You might also like