You are on page 1of 2

ESP 2

Name: _______________________________________ Grade/Section: __________

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Naipahayag ko ang aking damdamin sa pamamagitan ng paggawa ng aking sariling dibuho gamit ang
angking abilidad. Ano ang kakayahan ko?

a. kagalingan sa pagguhit
b. paglikha ng konsepto
c. pagpalawak ng imahinasyon

2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa pagguhit?

a. Pagbabalangkas ng bahay sa gitna ng hardin.


b. Paglalapat ng tono sa isang awitin.
c. Pagsusulat ng kwento.

3. Anong kakayahan sa pagguhit ang pagpaplano para sa paggawa ng mga bagay?


a. kagalingan
b. pagdesinyo
c. pagkonsepto

4. Naipakita ko ng mabuti sa aking pagguhit ang aking sariling kalaman o ideya tungkol sa paksa kaya
ako ay nagwagi sa paligsahan. Anong kakayahan ang ipinakita ko?

a. Pagbuo ng konsepto
b. Pagiging natatangi
c. Pagpapakita ng angking galling

5. Alin sa mga gawain ang dapat gawin upang makabuo ng natatanging mga guhit?

a. Hindi ko na kailangan ang pag-eensayo


b. Palagi akong maglalaro
c. Papalawakin ko ang aking imahinasyon
6. Ano ang tawag sa uri ng pakikipagtalastasan kung saan ay memoryado o saulado ang pyesa bago ito
bigkasin?

a. pagguhit
b. sayaw
c. tula

7. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na ibahagi ang iyong galing sa pagbigkas ng tula, paano mo
bibitawan ang bawat salita?
a. dapat mabilis ang pagsasalita
b. dapat malakas palagi ang boses
c. dapat nagbibigay ng damdamin

8. Paano ang wastong pagbigkas o pagbitaw ng mga salita kung ikaw ay tumutula?
a. Dapat malinaw ang pagbigkas ayon sa wastong diin at pagkakapantig ng tula.
b. Mahina lamang mula simula hanggang matapos ang tula.
c. Pasigaw dapat ang pagbigkas upang maintindihan ng mga nakikinig.

9. Kung ikaw ay sasali sa paligsahan sa pagbigkas ng tula, aling patnubay ang dapat mong isaalangalang?
a. Gaan ng kamay
b. Pag-indayog ng katawan
c. Tikas o tindig

10. Si Rodrigo ay nag-eensayo sa pagbigkas ng tula. Ayon sa turo ng kanyang guro, ang patnubay na ito ay
maaaring magbagu-bago ayon sa diwang isinasaad nito. Mahalaga raw na alam niya kung kalian hihinaan o
lalakasan. Anong patnubay sa pagbigkas ng tula ang tinutukoy ng guro ni Rodrigo?
a. melodiya
b. memorya
c. tinig

11. Si Ken ay nanonod ng patimpalak ng pag-awit sa kanilang paaralan, anong kilos ang dapat taglayin niya
upang magbigay halaga sa mga kalahok?

a. Lalaitin ang kanilang pagbigkas.


b. Sisigaw habang sila ay umaawit.
c. Tumahimik at making sa pagtatanghal.

12. Nag-eensayo si Mitch ng kanyang deklamasyon, ano ang gagawin mo?

a. Siya ay guluhin.
b. Siya ay bigyan ng suporta’t papuri.
c. Siya ay lalaitin dahil hindi siya mahusay.

13. Pinagtatawanan ng ilang kaklase mo si May habang siya ay sumasayaw sa entablado, ano ang iyong
gagawin?

a. Sasabayan sila sa pagtawa.


b. Hindi makikialam at hayaan lang sila.
c. Pagsasabihan sila na irespeto si May.

14. Si Mike ay Tim ay tumutula sa harap ng klase, ano ang iyong gagawin?

a. Makinig at tumahimik.
b. Sasabayan sila sa pagtula.
c. Guluhin habang sila ay tumutula.

15. Sino sa mga sumusunod ang may mabuting pagpapahalaga sa ibinabahaging talento ng iba?

a. Si Fe na laging kinukutya ang kaklase.


b. Si Lyn na walang pakialam sa mga nangyayari.
c. Si Mar na laging ipinagmamalaki ang mga kaklase.

You might also like