You are on page 1of 3

ASIGNATURA: Edukasyon sa Pagpapakatao BAITANG: 7

MARKAHAN: Una PANGKAT:

PAMANTAYAN SA Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa CODE:


PAGKATUTO: sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata, talento
at kakayahan, hilig at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata

I. PANUTO: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik
ng pinakatamang sagot.
Dalaga na si Nene
Dati rati, naglalaro ng manika
Suot ang paboritong bistida
Ngiti sa labi ay puno ng saya
Sariwa pa sa akin ang magagandang alaala

Noong bata ka pa at tawa lang ng tawa


Di alintana ang mga problema
Ngayo’y malaki ka na
Tuluyang hinubog ng karanasan

At ilang ulit sinubok ng tadhana


Namulat sa katotohanang ang mundo’y di perpekto
Nawala ang kaisipang lahat ng bagay ay isang laro
Tinahak ang landas na nakalaan

Patuloy nilalabanan ang kataliwasan


Minsan ma’y nadarapa ngunit bumabangon pa rin
Unti-unting lumakas at nakaahon pang muli
Tunay akong mapalad at naturingang ama ng tulad mong isang dakila

Sa iyong paglaki nawalay man ako sa iyong tabi


Sa puso’t isipan hindi ka maiaalis kailanman
Parati kang papatnubayan nasaan ka man
Ang tanging hiling ko ay ang ngiti mo
Makamtan ang tamis ng tagumpay at tunay na ligaya sa paglipas ng panahon
1. Ano ang pangunahing tema na inilalahad sa tula?
A. Ang pag-aalala ng isang magulang sa anak na dalaga
B. Ang pagmamahal ng isang magulang sa anak na nahiwalay sa kaniya
C. Ang pagbabago ni Nene mula pagkabata hanggang sa pagdadalaga nito
D. Ang pagbibigay ng magandang buhay sa isang anak na nalihis ng landas

2. Sino ang pangunahing nagsasalita sa tula?


A. Ang ina ni Nene C. Ang sumulat ng tula
B. Ang ama ni Nene D. Ang kapatid ni Nene

3. Ang linyang “ Sa puso’t isipan hindi ka maiaalis kailanman, Parati kang papatnubayan nasaan ka man”
ay nangangahulugang ____.
A. Hindi pababayaan ng nagsasalita si Nene kahit na di na niya ito makita
B. Parati niya itong alalahanin kahit mahirap pa ang kalagayan ni Nene
C. Ipnapakita dito na ang anak na si Nene ay hindi kailanman matitiis ng magulang
D. Hanggang sa kamatayan, palaging aalalahanin ang magagandang alaala nila ni Nene

4. Ano ang pangarap ng nagsasalita para kay Nene?


A. Ang makita itong masaya sa napiling buhay
B. Ang mapabuti ang buhay ni Nene
C. Magkaroon ng masayang pamilya si Nene
D. Magkasama muli sila habang siya pa ay nabubuhay

5. Aling aspeto ng pagbabago sa pagdadalaga ang ipinapakita ni Nene sa mga katagang ito, “Patuloy
nilalabanan ang kataliwasan, Minsan ma’y nadarapa ngunit bumabangon pa rin, Unti-unting lumakas at
nakaahon pang muli.”
A. Moral B. Pangkaisipan C. Panlipunan D. Pandamdamin

II. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

6. Si Adriana ay mahiyain sa klase ngunit magaling siyang kumanta. Hindi niya ito ipinapakita sa paaralan
dahil sa takot na pagtawanan siya ng ibang mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Adriana?
A. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang ibang mag-aaral sa kanya.
B. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
C. Kausapin niya ang kanyang sarili na mas nakaaangat siya sa kaniyang mga kaklase dahil sa taglay
niyang talento.
D. Humingi siya ng papuri mula sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang
maiangat ang kanyang tiwala sa sarili.

7. Upang mahubog kay Ruth ang kakayahan na maging maayos at ganap ang pakikipag-ugnayan sa mga
kasing-edad niya, alin sa mga sumusunod na gawain ang dapat niyang iwasan?
A. Mahalin niya ang kanyang sarili.
B. Ipakita niya ang tunay niyang pagkatao sa kanila.
C. Panatilihin niyang bukas ang komunikasyon sa kanila.
D. Tanggapin niya ang papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.

8. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)
sa bawat yugto ng pagtanda ng tao MALIBAN sa ________________.
A. nagsisilbi itong saligan ng maaaring kahantungan ng buhay sa hinaharap.
B. nagsisilbi itong pangganyak upang gawin ang inaasahan sa kanya ng lipunan.
C. nagsisilbi itong gabay kung ano ang inaasahan sa bawat yugto ng buhay ng tao.
D. nagsisilbi itong batayan upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon.

9. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Ang pangungusap ay ___________.


A. Tama, sapagkat dumarami na ang nabubuntis na kabataan sa panahong ito.
B. Tama, dahil maaaring mabuo o masira ang kinabukasan ng kabataan sa panahong ito.
C. Mali, sapagkat kayang kaya na ng kabataang magpasya para sa kanyang sarili sa panahong ito.
D. Mali, dahil marami ng nalalaman ang kabataan ukol sa pag-aalaga sa sarili at pakikipagkapwa-tao.

10. Sino sa mga batang ito ang HINDI nagpapakita ng gawain upang mapaunlad ang kanyang kakayahan?
A. Si Jona na laging sumasali sa basketbol tuwing may paliga ang baranggay.
B. Si Micah na nag-aaral tumugtog ng gitara kahit magaling na siya.
C. Si Jeremy na laging nanonood ng sine tuwing may bagong palabas.
D. Si Isabela na mahilig mag-eksperimento ng mga halamang gamot.

11. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko o bokasyunal?


A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
B. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
C. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong pang-akademiko o teknikal-
bokasyunal.
D. Makatutulong ang hilig upang makatiyak na maipakita ang galing sa pag-aaral upang maitaas ang
antas ng pagkatuto.

12. Nararapat na magkaroon ng kakayahang harapin ang mga bagong hamon na dumarating sa buhay.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mabuting naibubunga ng kakayahang ito, MALIBAN sa
___________.
A. Napatataas ang pagtitiwala sa sarili.
B. Mas natatanggap at nakikilala ang sarili.
C. Dumarami ang kaibigan na humahanga sa ipinakikitang katatagan.
D. Nagkakaroon ng pagkakataon upang magsumikap tungo sa pagtatagumpay.

13. Madalas na may namumuong pag-iinggitan sa pagitan ng magkakapatid lalo na sa atensyong ibinibigay
ng magulang kung nakapagbibigay ang anak ng karangalan sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na
paraan ang pinakapraktikal at pinakamakatwirang dapat gawin ng isang kabataan upang maisabuhay
nang makabuluhan ang kanyang tungkulin bilang kapatid?
A. Igalang ang paraan ng pakikitungo ng mga magulang sa bawat anak.
B. Magsumikap na makagawa rin ng bagay na ikararangal ng magulang.
C. Tanggapin ang katotohanang mayroon talagang nagiging paboritong anak.
D. Isaisip na ang tagumpay ng isang kasapi sa pamilya ay tagumpay ng buong pamilya.

You might also like