You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

University of Rizal System


Province of Rizal
College of Secondary Education

Moreno, Rhave C. Mr, Joselito Navaro


BSED – Sci 1 FIL 3 (PPAP)

Kategorya ng Sayaw: Contemporary Dance.

Contemporary Dance - Ang Contemporary Dance ay isang genre ng pagtatanghal ng


sayaw na nabuo noong kalagitnaan ng ikadalawampu siglo at mula noon ay naging isa sa
mga nangingibabaw na genre para sa mga pormal na sinanay na mananayaw sa buong
mundo, na may partikular na malakas na katanyagan sa U.S. at Europe. Ang
kontemporaryong sayaw ay isang estilo ng nakahahalina na sayaw na pinagsasama ang
mga elemento ng ilang mga genre ng sayaw kabilang ang modernong, jazz, liriko at
klasikal na ballet. Sinusubukan ng mga mananayaw na kontemporaryong ikonekta ang
isip at ang katawan sa pamamagitan ng mga paggalaw ng tuluy-tuloy na sayaw. Ang
terminong "kontemporaryong" ay medyo nakaliligaw: inilarawan nito ang isang genre na
binuo noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at ngayon ay napakapopular pa rin.

Lyrical Dance - Ang Lyrical Dance ay isang istilo ng sayaw na naglalaman ng iba't
ibang aspeto ng ballet, jazz, acrobatics, at modernong sayaw. Ayon kay Jennifer Fisher,
ang liriko na sayaw ay "malakas na nauugnay sa malinaw na ipinakitang emosyonal na
mga mood, mabilis na gumagalaw na mga diskarte sa koreograpiko, diin sa virtuosic na
pagpapakita, paglalarawan ng mga liriko ng kanta, at, sa anyo ng grupo, eksaktong
pagkakaisa. Ang estilo ay karaniwang sumayaw sa mas mabilis na bilis kaysa sa ballet
ngunit hindi kasing bilis ng jazz. Ang liriko na sayaw ay isang kategorya na karaniwang
makikita sa mga kumpetisyon sa sayaw.

Hiraya Contemporary Dance Company


(Lyrical / Contemporary Dance)
Ang Hiraya, ay nangangahulugang "mga pangarap" at "imahinasyon". Grupong nag-iisip
na ipakita ang kontemporaryong sayaw. Ang Hiraya ay nabubuo ng iba’t-ibang indibidwal na
may pare-parehong interes at passion sa pagsasayaw. Ang kanilang miyembro ay nabubuo ng
mga Freshgraduate, Graduating students at mga nagtatrabaho na. Ang Artistic Director ng Hiraya
na si Richard James Galang, isang Graduate student sa University Santo Tomas ay galing sa
kanilang Dance troupe. Ninais nyang gumawa ng sarili nyang dance company at dahil doon ay
nabuo silang lahat. Bilang isang grupo sila ay sumali lamang sa isang kompetisyon na
pinamagatang The National dance championship noong taong 2018 at napanalunan ang
kategoryang open contemporary. Dahil nabuo ang grupo sa loob lamang ng isang taon, isang
malaking karangalan sakanila bilang isang grupo na mapanalunan ang
kategoryang ito.

Matapos manalo ng grupo sa National dance championship


noong taong 2018, ang grupo ay muling sumali sa isang kompetisyon
na tinawag na World of Dance Philippines noong taong 2019. Sila ay
nakapasok sa Qualifiers at muling sumabak sa the duels season ng
kompetisyon. Muli ang grupo ay nakapasa at umakyat sa the cut
season at sila ay umabot lamang hanggang sa division final. Hindi
man sila pinalad na manalo sa kompetisyon ngunit hindi ito nagging
hadlang para sakanila na magpatuloy sa kanilang pagsasayaw. Ang
Hiraya Contemporary Dance Company ay nagpasyang sumali sa
World of Dance Philippines upang ipakita sa buong pilipinas kung
ano ang contemporary dance at kung ano ang kaya nilang
ipakita at patunayan sa paraan ng pagsayaw.

Ano ang Habi Haraya? Ang HABI HARAYA, na


nagmula sa "Dreamweaver", ang pangunahing produksyon
ng Hiraya Contemporary Dance Company para sa 2020.
Bilang inspirasyon ng pamagat, ang isang dreamweaver ay
isang mystical soul sa isang estado ng pagkawala ng malay
na sentro ng kanilang sariling pangarap; isang malayang
kaluluwa - malaya sa tanikala ng katotohanan. Nilalayon ng
proyektong ito na galugarin at paunlarin ang pagkamalikhain
at pagtuklas ng mga resident artist ng kumpanya sa kanilang
sariling paggalaw at indibidwalidad sa pamamagitan ng
pagsasaliksik sa paggalaw, pagganap, at paggawa ng video.
Ang Habi Haraya ay isang virtual na dance festival na nagtatampok ng mga orihinal na gawa na
koreograpo, ginanap, at ginawa ng mga promising artist ng kumpanya ng Hiraya. Ang kaganapan
ay tatakbo sa loob ng dalawang linggo mula Disyembre 18, 2020 sa pamamagitan ng mga online
platform ng kumpanya. Magiging fundraising event din ang Habi Haraya para sa kapakanan ng
mga dance artist na apektado ng pandemic sa pamamagitan ng LikhaPH.

Artistic Director: Richard James Galang


Events Specialist, Artistic Director & Choreographer
Pamantayan sa Paghusga

Performance Technique Choreography Creativity Presentation

20% 20% 20% 20% 20%


Bibigyan sila ng marka ng mga hurado batay sa mga sumusunod na pamantayan: Performance,
Technique, Choreography, Creativity and Presentation. Ang bawat pamantayan ay nagkakahalaga ng 20
puntos na may perpektong marka na 100. Para sumulong ang dance act, dapat silang makatanggap ng
average na iskor na 80 o mas mataas.

Sa aking opinyon, ang Hiraya Contemporary Dance Company ay tunay namahuhusay at katangi tangi sa
larangan ng Lyrical Dance sa bansa. Bilang lamang ang mga grupo o indibidwal na mananayaw sa
kategorya ng Lyrical Dance ang meron sa ating bansa kaya naman sila ay karapat-dapat lamag na bigyan
ng 100 puntos at dapat na makilala sa buong pilipinas at maging sa buong mundo.

MGA TANONG:
1. Paano ipinakilala ang grupo, miyembro ng grupo, pangalan etc.?
 Unang nakilala ang Hiraya Contemporary Dance Company sa kanilang pagsali sa
National dance championship noong taong 2018, at taong 2019 naman sila ay
muling sumabak at lumaban sa World of Dance Philippines.

2. Paano naipakikilala ang uri ng sayaw at ang kinabibilangan nito?


 Bumangon mula sa mga guho ng WW II at napalaya mula sa dominasyon ng mga
Amerikano, ang mga Pilipino ay sumikat sa pagkamalikhain. Ang '50 at '60s ay nakakita
ng dance revival at choreographic invention. Philippine Folk Dancer” noong panahon
niya, ang bagong pinangalanang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sayaw na si Alice
Reyes ay matagumpay na ipinagpatuloy ang kanyang pamana na paunlarin at isulong ang
sining ng sayaw sa buong bansa, at nagpasimuno pa ng kontemporaryong sayaw sa
Pilipinas.

3. Ano ano ang mga katangiang pampanitikan na nakapaloob sa sayaw batay sa pamantayan na
naangkop sa sayaw na napili?
 Ang pagiging kumplikado, pagkakayari, at, higit sa lahat, ang pagpili ng mga galaw na
naaayon at kasabay ng musika ay mga katangiang pampanitikan na nakapaloob sa sayaw
na aking nakita.

4. Ano ano ang aspekto ng panitikan na nakapaloob sa sayaw batay sa:


 Panlipunan
 Ang kanilang sayaw ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga miyembro, at masasabi
mong mayroong pagsunod at pakikisama. Itinataguyod nito ang sarili at panlipunang
pag-unlad sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pagtutulungan at pangangalaga sa
iba.

 Pangkabuhayan
 Ginamit ng grupo ang kanilang talento sa pagsayaw upang makatulong sa kanilang
pangangailangan sa pang araw-araw na buhay. Ang mga premyong napapanalunan
nila ay tunay na nakakatulong sa mga miyembrong nagtatrabaho upang madagdagan
ang pang gastos atsa mga miyembrong nag-aarla pa.

 Pangkultural
 Naipamalas ng Hiraya ang katangi-tanging Lyrical dance performance sa bansa na
minsan lamang Makita sa mga kompetisyon tulad ng World of Dance Philippines.

 Panrelihiyon
 Ginamit ng Hiraya Contemporary Dance Company ang talentong ibinigay sa kanila
ng Diyos upang magbigay ng inspirasyon sa iba tulad na lamang ng isang iskolar sa
De la salle College of Saint Benilde na si Ellay at naglakas loob na sumali sa Cath me
out Philippines na nagangarap na makasama ang grupo sa pagsayaw balang araw.

5. Ano anong teoryang pampanitikan ang maaring maipakita ng kabuoan ng sayaw sa mga tao?
 Sa aking pananaw, maihahalintulad ang kabuuan ng sayaw ng grupo sa Teoryang
Romantisismo dahil ang Teoryang Romantisismo ay gumagamit ng maliligoy at
mabubulaklak na salita na tumatalakay sa kahalagahan ng damdamin ng isang tao. Ang
Teoryang Romantisismo ay nagpapamalas ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa
Kalayaan at sa lupang sinilangan, pagpapahalaga sa dignidad at iba pa. Katulad ng
Teoryang Romantisismo, ang Hiraya ay gumagamit naman ng galaw ng katawan at
pagsayaw upang ipahayag ang kahalagahan ng damdamin ng isang tao o ng damdamin
nila mismo. Ang Teoryang Romantisismo ay nagbibigay diin sa imahinasyon at kalayaan
ng isang tao at ang ibig-sabihin ng Hiraya ay Imahinasyon at Pangarap.
Reference
World of Dance Philippines: Hiraya - The Cut | Team Division
https://www.youtube.com/watch?v=qzH1fEXR0fE

Hiraya Contemporary Dance Company


https://www.youtube.com/watch?v=jw6RaOEUJek
https://www.facebook.com/hirayacdc

Contemporary Dance
https://www.google.com/search?q=contemporary+dance&sxsrf=APq-
WBvpy1pC6XjkuJ2GUgvseyU3OA15gw
%3A1644141326752&ei=Dpv_YZWYLYLB7gLl5aiYDw&oq=contemporary+&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6
EAEYATIHCAAQsQMQQzIHCAAQsQMQQzIHCAAQsQMQQzIHCAAQsQMQQzIECAAQQzIHCA
AQsQMQQzIHCAAQsQMQQzIECAAQQzIKCAAQgAQQhwIQFDIHCAAQsQMQQzoHCAAQRxC
wAzoHCAAQsAMQQ0oECEEYAEoECEYYAFBqWGpgpgloAXACeACAAVOIAVOSAQExmAEAo
AEByAEKwAEB&sclient=gws-wiz

Lyrical Dance
https://www.google.com/search?q=lyrical+dance&sxsrf=APq-WBshLrA2BKogQapbAjgrMqHsK2vS7A
%3A1644141169897&ei=cZr_YcOSNouXr7wPtuWa0Ao&ved=0ahUKEwiDj5GT5-
r1AhWLy4sBHbayBqoQ4dUDCA4&uact=5&oq=lyrical+dance&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6EAMyBAgjECc
yCAgAELEDEJECMgoIABCABBCHAhAUMgUIABCRAjIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgQIABBDMg
UIABCABDIFCAAQgAQyBQgAEJECOgcIIxCwAxAnOgcIABBHELADSgQIQRgASgQIRhgAULUE
WLUEYI8GaAFwAngAgAFkiAFkkgEDMC4xmAEAoAEByAEJwAEB&sclient=gws-wiz

You might also like