You are on page 1of 5

PAMAYPAYAN FESTIVAL 2024

“SAYAW SA PAMAYPAY ” STREET DANCE & DANCE SHOWDOWN


COMPETITION

PANGKALAHATANG ALITUNTUNIN:
1. Ang paligsahan ay bukas sa mga paaralan at intresadong mga organisasyon o
grupo
2. Ang konsepto ng pagtatanghal ng sayaw ay dapat tungkol sa pamaypay at
Pamaypayan Festival.
3. Ang patimpalak ay nabubuo sa dalawang parte:
Part 1 – Street Dance Competition (30%)
Part 2 – Dance Showdown (70%)
4. Ang lahat ng grupong naghahangad lumahok sa patimpalak na ito ay
kinakailangan dumalo sa pagpupulong at mga pagsasanay na gagawin .
Kinakailangan dumalo ang mga sumusunod: (1) Director/Choreographer, (1)
Musical Director, (1) Costume Designer, (1) Set and Props Designer at (2) Lead
Dancers. Ang grupong hindi dadalo sa nasabing pagsasanay ay di pinapayagang
lumahok sa patimpalak na ito.
5. Ang bawat grupo ay dapat binubuo ng hindi bababa sa 30 at hindi lalampas sa
50 miyembro (hindi kasama dito ang mga non-dancers crew or propsman) at
lahat ay dapat magmula o mag-aaral sa bayan ng Lopez. Kinakailangan ang
kalahok ay nasa edad na 16 taong gulang pataas at ang may edad na 16 at 17
taog ay kailangang magpakita ng nilagdaang liham ng pahintulot (waiver) mula
sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga na nagpapatunay na sila ay
pinapayagang lumahok at kinakailangang isumite ito sa komite simula ika-30 ng
Marso hanggang sa ika-20 ng Abril.
6. Ang mga kalahok ay kinakailangang mag-suot ng kasuotang nababagay sa
kanilang sayaw at kinakailangan ito ay “ Pamaypayan Inspired”. Mahigpit na
ipinagbabawal ang pag-gamit ng disenyo mula sa festival ng ibang lugar.
7. Kinakailangan magsuot ang lahat ng propsman ng damit na itim upang may
pagkakilanlan sa kanila at hindi maisama sa bilang ng mananayaw.
8. Mahigpit na pinagbabawal ang malalaking props tulad ng riser, platform o
anumang uri ng props na may gulong. Handprops lang ang pinahihintulatang
gamitin para sa nasabing sayaw at walang limit kung gaano ito kalaki, hanggat
kayang buhatin, isayaw at pagalawin ng isa (1) hanggang dalawang (2)
mananayaw at propsman.
9. Maaaring magpasa o magsubmit ng entry form ang bawat grupo na kalakip ang
certification na nilagdaan ng kanilang Punong Guro, Director, o Pangulo ng
samahan na nagpapatunay na ang lahat ng nakatala ay miyembro ng kanilang
institusyon o grupo.
10. Ang mapapatunaya na hindi nagdeklara ng katotohanan ay maaaring mabawian
ng premyo at titulo kahit natapos na ang paligsahan.
11. Ang unang sampung (10) magpapatala ang ikokonsidarang opisyan na kalahok
sa paligsahan.
12. Ang entry form ay makukuha sa tanggapan ng MSWD.

STREET DANCE COMPETITION (PARADE)


1. Ang bawat grupo ay dapat magkaroon ng forward-moving choreographed
steps sa buong parada, mula sa simula hanggang sa katapusan ng parade.
Maaari ding gumamit ng hand props para makapagdagdag kulay sa
pagtatanghal ng bawat grupo.
2. Walang ibang gagamiting musika kung hindi ang orihinal at opisyan na
musika ng Pamaypayan Festival. Ito ay ipapamigay ng komite sa bawat
grupong kasali.
3. Ang grupo ng mananayaw ay kinakailangang magtatalaga ng dalawang tao na
magdadala ng banner na pagkakakilanlan ng pangalan ng grupo.
4. Dapat isagawa ng Street Dancers ang kanilang dance routine sa sandaling
magsimula ang parada hanggang sa makarating sila sa end-point ng parade.
6. Ang bawat grupo ay hinihikayat na ilagay ang sound system sa pamaypayan
tricycle entry na kasunod nila.
7. Ang bawat grupo ay kailangang magkaroon ng sariling staff upang umalalay
sa kanila sakaling magkaroon ng emergency at magbigay ng mga
pangangailangan ng grupo tulad ng tubig at pagkain. Kinakailangang mayroong
di bababa sa dalawang staff na may kaalaman sa First Aid ang kanilang kasama.
8. Walang kalahok ang papayagang sumali nang walang maayos na suot na
pampaa.
9. Magkakaroon ng Special Awards para sa Street Dance Competition na Best
in Street Dance at Best in Costume Criteria for judging are as follows:
Quality, Creativity and Originality
(Kulturang Quezonian)
*Creativity and Artistry
*Uniqueness
*Effort of how the costume was made
*Durability 50%
Craftsmanship
*Intricacy of Costume Detail
*20% made of anahaw o pamaypay materials 30%
Overall Artistic Impact
*Crowd Appeal
*Color Combination 20%
Total 100%

DANCE SHOWDOWN
1. Ang Dance Showdown ay magsisimula pagkatapos ng buong parada.
2. Magkakaroon ng kabuuang pitong minuto (7 mins.) ang bawat grupo sa
kanilang pagtatanghal kasama na ang pagpasok at pag-aayos ng props,
pagpasok ng mga mananayaw, aktwal na pagtatanghal at paglabas ng mga
mananayaw at ng mga props sa performance area. (1 minuto pagpasok, 5
minuto pagtatanghal at 1 minuto paglabas).
3. Ang bawat kalahok ay maaaring magbuo ng isang sayaw para sa Dance
Showdown sa papamagitan ng paggamit ng creative folkdance steps na
maaaring maipakita ang kultura ng bayan ng Lopez, pagpapakita sa isa sa mga
pangunahing produkto natin dito sa ating bayan (pamaypay) at maipakita ang
makulay, masigla at masayang pagdidiriwang ng ating selebrasyon.
4. Recorded Music lang ang maaaring gamitin na musika sa pagtatanghal, hindi
pinamamayagan gumamit ng live music ang bawat grupo. Hindi rin
pinamamayagan ang paggamit ng mga kilala at sikat na musika ng ibang
festivals sa ibang lugar.
5. Magkakaroon ang bawat grupo ng pagkakataon na makapag-ensayo sa
nasabing lugar ayon sa ibibigay na schedule ng organizers bago ang nasabing
patimpalak upang malaman ang sukat at lawak ng pagtatanghalan.
6. Pagsasamahin ang nakuhang dalawang puntos mula sa Street Dancing
Competition (30%) at Dance Showdown (70%) upang matukoy ang mananalong
grupo.
7. Ranking System ang gagamitin para sa paghatol ng mga mananalo.
8. Ang desisyon ng hurado ay pinal na at hindi na mababago.

CRITERIA FOR JUDGING:

Part 1 – Street Dance Competition

Performance
(Mastery of movements, over-all impact,
energy level, Projection, precision of execution) 50 %

Ingenuity
(Level of creativeness of steps and movements) 25 %

Coordination
(Level of skillful and effective interaction of steps and movements) 25 %

Total 100 %

Part 2 – Dance Showdown

Performance
(Energy, Mastery, Unity) 35 %

Choreography
(Movement Creation,Floor Pattern,Use of
Space,Developmental Framework) 25 %

Interpretation of Concept/Theme/Narrative 20%

Production Design
(Props, Costume, Set, Video) 20%

Total 100 %

AWARDS & PRIZES


1st Place Php 100,000.00 + Trophy
2nd Place Php 75,000.00 + Trophy
Consolation Prize Php 20,000.00
Best in Costume Php 10,000.00 + Trophy
Best in Street Dancing Php 10,000.00 + Trophy.

You might also like