You are on page 1of 7

Sangguniang Kabataan ng Bambang

(Bambang Bulakan,Bulacan)

Linggo ng Kabataan 2022

Ang Buwan ng Agosto ay itinalaga upang ipagdiwang ang Linggo ng Kabataan, kaugnay
nito ang Sangguniang Kabataan ng Bambang ay maglulunsad ng ilang mga patimpalak upang
makiisa sa nasabing pagdiriwang.
Layunin: Nais ng Sangguniang Kabataan ng Bambang na matukoy ang mga Kabataang may
angking potensyal at talento upang lalo pa nila itong malinang sa tulong ng mga ganitong
pamamaraan.

Mga Aktibidad at mga Mekaniks ng mga Paligsahan

PADUNGAN
1. Ang paligsahan ay gaganapin sa ika 20 ng Agosto taong kasalukuyan, sa oras na 1:00 ng
hapon sa Opisina ng Sagguniang Kabataan.
2. Ito ay bukas sa lahat ng mga nag nanais makiisa at kinakailangan na magkapares ang bawat
lalahok (2 KATAO)
3. Inaasahan na ang mga kalahok ay darating sa pagitan ng ika-12;30 hanggang ika-1:00 ng
hapon. Sinumang kalahok na hindi makarating at hindi makapunta sa tamang oras ay
awtomatikong hindi kasali sa kompetisyon.
4. Ang reviewer para sa Padunungan ay ibibigay ng Sanggunian, isang linggo bago ang nasabing
kompetisyon.
5. Magkakaroon ng tatlong (3) yugto para sa Padunungan. Ito ay ang easy, average at hard
rounds.
6. Babanggitin ng facilitator ang tanong at ang mga pagpipilian. Isusulat ng kalahok sa papel ang
sagot at itataas ito kapag narinig na ang tunog na (ipaparinig ng facilitator ang signal sound).
7. Easy Round, may nakahandang labing limang (10) katanunangan na may katumbas na isang
puntos. Isa sa dalawang kalahok lamang ang maaring sumagot sa yugto na ito. Bibigyan ng
sampung (10) segundo ang kalahok upang ito ay makapag-isip ng isasagot.
8. Average Round, may nakalaang sampung katanungan (10) para sa yugtong ito na may
katumbas na tatlong (3) puntos. Maaring magtulungan na ang dalawang kalahok sa yugtong ito.
Bibigyan ng tatlumpung (30) segundo ang kalahok upang ito ay makapag-isip ng isasagot.
9. Hard Round, mayroon namang limang (5) katanungan na may katumbas na limang (5) puntos
ang yugtong ito. Bibigyan ng isang (1) minuto ang kalahok upang ito ay makapag-isip ng
isasagot.
10. Ang kalahok na may mataas na puntos ay syang panalo.
11. Kung magkakaroon man ng tally scores, maglalaan muli ng mga katanungan ang pamunuan
para sa Tally Round.
12. Anumang pandaraya at pag labag sa mga alituntunin na nagawa ng kalahok ay awtomatiko
itong aalisin sa kompetisyon.
13. Makakatanggap ng sertipiko at cash prize ang mga magsisipagwagi
POSTER MAKING
1. Ang paligsahan ay gaganapin sa ika 20 ng Agosto taong kasalukuyan, sa oras na 1:00 ng
hapon sa Opisina ng Sagguniang Kabataan.
2. Ito ay bukas sa lahat ng mga nag nanais makiisa at lumahok
3. Inaasahan na ang mga kalahok ay darating sa pagitan ng ika-12:30 hanggang ika-1:00 ng
hapon. Sinumang kalahok na hindi makarating at hindi makapunta sa tamang oras ay
awtomatikong hindi kasali sa kompetisyon.
4. Magdala ng mga lapis, pentel at pastel color. Ang 1/8 illustration board ay nakalaan na sa
mismong araw ng kompetisyon.
5. Ibibigay ang tema sa araw ng nakatakdang kompetisyon.
6. Bibigyan ng isa't kalahati hanggang dalawang oras ang mga kalahok upang gawin ang
kanilang poster. Tapos o hindi tapos ay kinakailangan ng ipasa ito sa pamunuan ng
kompetisyon.
7. Anumang pandaraya at pag labag sa mga alituntunin na nagawa ng kalahok ay awtomatiko
itong aalisin sa kompetisyon.
8. Makatatanggap ng tig-iisang sertipiko ng pagkakilala at cash prize ang mga kalahok na
magkakamit ng una, ikalawa, at ikatlong gantimpala
COLLAGE MAKING
1. Ang paligsahan ay gaganapin sa ika 20 ng Agosto taong kasalukuyan, sa oras na 1:00 ng
hapon sa Opisina ng Sagguniang Kabataan.
2. Ito ay bukas sa lahat ng mga nag nanais makiisa at kinakailangan na magkapares ang bawat
lalahok (2 KATAO)
3. Inaasahan na ang mga kalahok ay darating sa pagitan ng ika-12:30 hanggang ika-1:00 ng
hapon. Sinumang kalahok na hindi makarating at hindi makapunta sa tamang oras ay
awtomatikong hindi kasali sa kompetisyon.
4. Magdala ng mga recycled materials, glue gun, glue stick at ano pang katulad nito na iyong
gagamitin Ang 1/8 illustration board ay nakalaan na sa mismong araw ng kompetisyon.
5. Ibibigay ang tema sa araw ng nakatakdang kompetisyon.
6. Bibigyan ng isa't kalahati hanggang dalawang oras ang mga kalahok upang gawin ang
kanilang collage. Tapos o hindi tapos ay kinakailangan ng ipasa ito sa pamunuan ng
kompetisyon.
7. Anumang pandaraya at pag labag sa mga alituntunin na nagawa ng kalahok ay awtomatiko
itong aalisin sa kompetisyon.
8. Makatatanggap ng tig-iisang sertipiko ng pagkakilala at cash prize ang mga kalahok na
magkakamit ng una, ikalawa, at ikatlong gantimpala.
SPOKEN POETRY
1. Ang paligsahan ay gaganapin sa ika 20 ng Agosto taong kasalukuyan, sa oras na 1:00 ng
hapon sa Opisina ng Sagguniang Kabataan.
2. Ito ay bukas sa lahat ng mga nag nanais makiisa at lumahok
3. Inaasahan na ang mga kalahok ay darating sa pagitan ng ika-12:30 hanggang ika-1:00 ng
hapon. Sinumang kalahok na hindi makarating at hindi makapunta sa tamang oras ay
awtomatikong hindi kasali sa kompetisyon.
4. Ang Papel at Ballpen ay nakalaan na sa mismong araw ng kompetisyon.
5. Ibibigay ang tema sa araw ng nakatakdang kompetisyon.
6. Bibigyan ng isa't kalahati hanggang dalawang oras ang mga kalahok upang gawin ang
kanilang spoken poetry. Tapos o hindi tapos ay kinakailangan ng ipasa ito sa pamunuan ng
kompetisyon.
7. Anumang pandaraya at pag labag sa mga alituntunin na nagawa ng kalahok ay awtomatiko
itong aalisin sa kompetisyon.
8. Makatatanggap ng tig-iisang sertipiko ng pagkakilala at cash prize ang mga kalahok na
magkakamit ng una, ikalawa, at ikatlong gantimpala
Mga Criteria ng mga Paligsahan
(Poster Making, Collage Making at Spoken Poetry)
Creativity and Presentation 30%
Originality 30%
Neatness 20%
Relevance 20%
Total 100%

Mga Pa Premyo sa Bawat Paligsahan

Padunungan
1st Price: Php. 1,500
2nd Price: Php. 1,000
3rd Price: Php. 700
Total price: Php. 3,200

Collage Making
1st Price: Php. 1,500
2nd Price: Php. 1,000
3rd Price: Php. 700
Total price: Php. 3,200

Poster Making
1st Price: Php. 1,000
2nd Price: Php. 700
3rd Price: Php. 500
Total price: Php. 2,200

Spoken Poetry
1st Price: Php. 1,000
2nd Price: Php. 700
3rd Price: Php. 500
Total price: Php. 2,200

You might also like