You are on page 1of 17

Proposisyon para sa Aktibidad na:

SCHOOL TALENT SHOW

Group 4
panimula:
Bilang kasapi ng samahang mag-aaral, aming inimumungkahi ang
School Talent Show upang maging parte ng aktibidad sa
papalapit na Acad Week na gaganapin sa darating na Buwan ng
Abril sa ating paaralan. Kasabay ng mga iba’t ibang mga
aktibidades na magpapagaan ng kalooban at magpapabawas sa
stress ng isang buhay estudyante. Ang intensyon ng ating paaralan
na magdiwang para sa ating mga sarili ay amin ring hinahangad
para sa mga kapwa estudyante.

Pamagat ng Aktibidad:

"School GOT TALENT:


Pag babahagi ng ‘yong
husay!"

Aming inaasahan na ang aktibidad na ito ay magdudulot


Layunin: ng sumusunod na mga kapapakinabangan para sa mga
mag-aaral;

1. Tsansang makapag pakitang gilas at maibahagi ang natatanging


galing na meron ang bawat estudyante na sasali.
2. Makapagdagdag ng saya at sigla sa darating na Acad Week.
3. Palakasin ang mga loob ng mga estudyante sa pagsali sa
nasabing aktibidad.
4. Makisama sa layon ng paaralan na bigyang pahinga at saya ang
bawat mag-aaral mula sa mga gawaing pang paaralan na may
magandang intensyon na magparaniwa (refresh) at bigyan sila
ng panibagong inspirasyon sa pag-aaral ng mabuti.

Mga Detalye ng Aktibidad:


1. Ang gawaing aktibidad na ito ay ninanais naming ganapin sa
ika-28 ng Abril 2023, na magsisimula ng 1:00 hanggang 4:00
ng hapon.
2. Inaanyayahan ng Student Council lahat ng mga estudyante sa
kahit anong baitang ng High School na gusto ibahagi ang
kanilang mga talento at kakayahan sa buong paaralan na
sumali at magkaroon ng panibagong karanasan.
3. Nais rin naming makipag kolaborasyon sa mga guro ng
paaralan na kung maari ay gawin nila itong isa sa mga
gawaing bibigyan ng grado, lalo na sa lahat ng sasali at
manonood sa palabas.
Mga Detalye ng Aktibidad:
4. Ang mga kalahok ay magkakaroon ng Screening at tatanggap
kami ng anim na kalahok na nagrerepresenta sakanilang baitang.
5. Gaganapin ang aktibidad na ito sa school auditorium kung
saan malawak at makikita ng mga manonood ang pagtanghal ng
mga kalahok.
6. Magkakaroon ng Php 15 na entrance fee ang bawat estudyante
na ninanais manood at suportahan ang mga kalahok na kasali sa
aktibidad.
7. Magkakaroon rin ng mga marshals sa loob ng pagdiriwang na
aalalay sa mga manonood.

Mga Detalye ng Aktibidad:


8. Ang mga kalahok ay bibigyan grado ng mga hurados base
sa kanilang mga talento na ipinakita upang matukoy ang mga
mananalo ng 3rd runner up hanggang 1st runner up o ang
champion ng patimpalak.
9. Pagkatapos ng pagbibigay ng award ay magkakaroon ng
pagtatapos na talumpati ang presidente ng Student Council
upang opisyal na tapusin ang Talent Show at ang pagdiriwang
ng Academic Week.

Mga Tuntunin na Dapat Sundin:


Kasabay ang pagdagdag ng aliw sa darating na aktibidad
ay mahalaga rin para sa amin na mailunsad ng maayos ang
proyekto na ito para mas lalong maenganyo ang lahat ng
mga kalahok pati na rin ang mga manonood. Kaya eto ang
mga sumusunod na alituntunin na aming ipapatupad sa
School Talent Show:
Ang nais sumali sa patimpalak ay dapat na kumuha ng application

1.) form mula sa opisina ng student council upang maging ganap na


kalahok sa talent show. Dapat ay kumpletuhin ng mga kalahok ang
detalye na kinakailangan sa application form.

Ang mga nais sumali ay pwedeng magpalista simula sa ika-17


2.) ng Abril hanggang ika-24 ng Abril. Kasabay nito ang simula
ng bilihan ng ticket.

Ang mga sasali ay dapat na may nakalaan na sariling


3.) kagamitan na kanilang kakailanganin para sa kanilang
palabas.
Ang bawat manonood ng patimpalak ay dapat na may hawak na

4.) ticket hanggang sa matapos ang palabas. Ito ay magsisilbi


bilang isang patunay ng kanilang partisipasyon.

Dapat ang mga estudyante ay sumunod at makinig sa mga


5.) marshal upang mapanatili ang kaayusan at respeto para sa
mga nagtatanghal sa entablado.
Mungkahing Pinansyal:
1. Aming iminumungkahi ang paghingi ng suporta mula sa mga opisyales ng
paaralan, kasama na rin ang mga kasapi sa student council, ang
pagbibigay kontribusyon na kinakailangan upang maidaos ang Talent
Show.
2. Ninanais rin namin na mangolekta ng Php 15 na entrance fee o ticket para
sa mga manonood ng palabas.
3. Magkakaroon rin kami ng kolaborasyon sa T.L.E Club na maaring magtayo
ng Open Food Stall upang mag benta ng mga inumin at pagkain.
Mungkahing Pinansyal:
4. Ang lahat ng suporta at pera na aming makakalap ay ilalaan sa mga
gastusing kinakailangan sa pagdaraos ng Talent Show.

Tulad ng:
Mga pang disensyong idi-display upang mapaganda ang
entablado
Consolation prizes na ibibigay sa mga mananalong kalahok (3rd
runner up, 2nd runner up, at ang champion)
Mga sertipiko na ipapamahagi sa lahat ng lumahok sa Talent
Show upang mabigyang kilala ang kanilang talentong pinasikat.
At iba pang mga dokumentong papel na kinakailangan (e,g.
Tickets, application form, poster)
Mungkahing Pinansyal:
5. Buong tapat na nangangako ang lahat ng kasapi ng samahang
mag-aaral na kayo ay mabigyang aninaw (transparency) mula sa
aming gagawin na Accounting Report para sa lahat ng gastusin at
perang kinita ng aming proyekto. Ito ay aming ipapasa bago
matapos ang taon ng paaralan.
Mungkahing Pinansyal:
Expected Audience:
250 seats
Initial Budget on:
Pangdisenyo = Php 300
Pag Imprenta ng mga Dokumento (Ticket, Application form, Sertipiko, Poster) = Php 500
Mga pa-premyo = Php 1,000
-1st runner-up: Php 500
-2nd runner-up: Php 300
-3rd runner-up: Php 200

Total Expense: Php 1,800 Total Income: Php 3,750


Kaukulang Pirma

Malugod po naming ipinipresenta sa inyo ang proposisyong ito upang inyong


mapahintulutan.
Poster
Salamat Sa
Pakikinig!

You might also like