You are on page 1of 3

1) Mapanagutan / Accountability

Sa PSU ang pagiging mapanagutan ay patuloy na pinanghahawakan ng mga


empleyado nito patunay rito ang malinaw na bisyon, misyon, at mga batayang
halagahan ng institusyon. Patuloy na pinayayabong ng pagiging mapanagutan
ang masikhay na pagsulong ng pamantasan sa pagtatamo ng kahusayan. Ang
iisang pagtahak ng direksiyon ng unibersidad ang nagsisilbing tanglaw sa
patuloy nitong pagpapabuti.

2) Pagiging Tapat o Bukas / Transparency

Ang pagiging tapat o bukas ay mabisang ipinamamalas ng PSU sa pagbibigay


nito ng serbisyo sa lipunan. Pinatutunayan ito ng iba’t ibang mekanismo sa
pagpapaabot ng mga impormasyon at datos gaya na lamang ng pagpapabatid
ng mga balita sa iba’t ibang platapormang online gaya ng sa social media,
gayundin ang mga pahayagan na inililimbag ng pamantasan upang tiyaking
naidodokumento at naipaaalam sa mga tao ang mga pangyayaring nagaganap
sa loob ng unibersidad. Nananatiling bukas at tapat ang PSU sa pagpapabatid
ng impormasyon sa publiko.

3) Kredibilidad / Credibility

Patunay ang kredibilidad ng PSU upang patuloy na pagkatiwalaan ng iba’t ibang


sektor ng lipunan ang institusyon. Matibay na pinangangalagaan nito ang
matagal nang naitatag na reputasyon sa mabisang pagbibigay-serbisyo. Patunay
rito ang matagal nang pakikisapi ng pamantasan sa iba’t ibang samahan at
organisasyon, at pakikipag-ugnayan sa mga pamantasan at kolehiyo sa loob at
labas ng bansa.

4) Integridad / Integrity

Ang integridad ng pamantasan ay kalidad ng matibay na etikal na prinsipyo nito


na sinusunod sa lahat ng pagkakataon. Ang katapatan at tiwala ang sentro ng
integridad. Ang halagahang ito ay lumalawig sa mga propesyonal na bahagi ng
trabaho gaya ng pagdedesisyon, pakikipag-ugnayan sa mga kapuwa empleado
at sa paglilingkod sa mga kliyente ng unibersidad.
5) Kakayahan at Sigasig na Makatamo / Competence and Commitment to
Achieve

Responsibilidad ng pamantasan na panatilihin ang mataas na pamantayang


akademiko nito sa instruksiyon, riserts, ektensiyon, at produksiyon. Ang
kakayahan at sigasig na makatamo ay kasanayang patuloy na ipinamamalas ng
mga administrador, kaguruan, at mga kawani ng pamantasan. Patunay rito ang
tagumpay sa mga akreditasyon at mga natanggap na parangal at pagkilala ng
pamantasan sa lokal, nasyonal, at internasyonal na larangan.

6) Kahusayan sa Pagbibigay ng Serbisyo / Excellence in Service Delivery

Nakahanay ang kahusayan sa pagbibigay ng serbisyo sa kalidad ng mga


akademikong programa nito. Idinudulot ng halagahang ito ang pagtuon sa
tagumpay ng mga produktong mag-aaral nito gayundin ang patuloy na
paghahasa sa kakayahan ng mga kawani upang tumugon sa pangangailangan
ng nagbabagong mundo.

7) Social Responsiveness / Lipunang Pagtugon

Obligasyon ng pamantasan ang paglilingkod sa bayan at sa sambayanan. Ang


mga makabuluhan at aktibong programang ekstensiyon at inisyatiba ng PSU ay
patunay na ito ay nakapag-aambag ito sa lipunan upang maiangat ang kalidad
ng pamumuhay ng mga Filipino. Ambag din ng PSU ang pagiging tulay sa
pagtupad sa hangarin ng bawat PSUnian para sa progreso at transpormasyon
ng lipunan.

8) Kapaligirang Pagtugon / Environmental Responsiveness

Binibigyang-tuon ng PSU ang pagtugon sa mga isyung kinasasangkutan ng


kapaligiran. Nilalayon nitong maging responsable at aktibo sa pangangalag ng
kalikasan kasabay ng napananatiling development. Patuloy ang pamantasan sa
pagpopondo upang maisagawa ang mga saliksik na nakatuon sa pangangasiwa
ng kapaligiran upang maging mabisang kalahok ang institusyon sa paglutas ng
mga suliranin idinudulot ng pagkasira ng kalikasan.

9) Espirituwalidad / Spirituality

Kinikilala ng PSU ang espirituwalidad bilang mahalagang komponent ng


mabisang pamumuno. Malaki ang ambag ng paglinang espirituwalidad sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga empleado nito. Inilalaan ng pamantasan ang
pagkintal ng halagahang ito sa mga kawani, guro at mag-aaral na sa gitna ng
mga development at transpormasyon ay may ginagampanang papel ang
esprituwalidad sa moral at etikal na pamantayan ng lipunan.

You might also like