You are on page 1of 21

Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

ISKRIP KLASTER C
Kampus ng Bayambang at Infanta
Agosto 31, 2022 @ 8:00 nu

Ika-43 (apatnapu’t tatlong) Pangkalahatang Pagtatapos


sa Pangasinan State University para sa Akademikong Taon 2021-2022
(dalawang libo dalawampu’t isa hanggang dalawang libo dalawampu’t isa)

Pahina 1
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

ISKRIP KLASTER C
Kampus ng Bayambang at Infanta
Agosto 31, 2022 @ 8:00 nu

Ika-43 (apatnapu’t tatlong) Pangkalahatang Pagtatapos


sa Pangasinan State University para sa Akademikong Taon 2021-2022
(dalawang libo dalawampu’t isa hanggang dalawang libo dalawampu’t isa)

1. Bago simulan ang seremonya ay saksihan muna natin ang pagmartsa ng mga
magsisipagtapos, mga magsisipagtapos na may karangalan kasama ang kanilang
mga magulang, ang kaguruan, mga opisyal ng kampus at ng pamantasan, at mga
mahahalagang personalidad:

 Ang Mga Magsisipagtapos mula sa Kampus ng Bayambang


Batsilyer ng Panimulang Pambatang Edukasyon
Batsilyer ng Edukasyong Elementarya
Nagpakadalubhasa sa Binagong Pangkalahatang Edukasyon
Nagpakadalubhasa sa Pre-Elementaryang Edukasyon
Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya
Nagpakadalubhasa sa Sining Pangkomunikasyon - Ingles
Nagpakadalubhasa sa Sining Pangkomunikasyon - Filipino
Nagpakadalubhasa sa Matematika
Nagpakadalubhasa sa Agham
Nagpakadalubhasa sa Araling Panlipunan
Batsilyer ng Edukasyon Pangkatawan
Batsilyer ng Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan
Batsilyer ng Agham sa Narsing
Batsilyer ng mga Sining sa Wikang Ingles
Batsilyer ng Pampublikong Pamamahala
Batsilyer ng Agham sa Pamamahalang Pangnegosyo
Nagpakadalubhasa sa Pamamahala ng Pamilihan
Batsilyer ng Agham sa Teknolohiyang Pang-impormasyon

 Ang Mga Magsisipagtapos mula sa Kampus ng Infanta


Batsilyer ng Edukasyong Elementarya
Nagpakadalubhasa sa Binagong Pangkalahatang Edukasyon
Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya
Nagpakadalubhasa sa Araling Panlipunan
Batsilyer ng Agham sa Agrikultura

Pahina 2
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

 Palakpakan natin ang Pagmartsa ng Mga Magsisipagtapos na may Karangalan mula


sa Kampus ng Bayambang

1. MALICDEM, JOHN DARRYL CAYABYAB MCL B. ng Edukasyong Sekondarya – AP

2. PAMO, PAUL ANTHONY CLARIDAD MCL B. ng Edukasyong Elementarya - EGE

3. MARTINEZ, ROWENA BAUTISTA MCL B. ng Edukasyong Sekondarya - Math

4. ADLAWAN, LYKA FERRER MCL B. ng Edukasyong Pangkatawan


5. OCAMPO, MARINELA MALICDEM MCL B. ng Edukasyong Sekondarya – Agham

6. MANTILE, JOHN PAUL MCL B. ng Edukasyong Pangkatawan


7. DATUIN, RONALD CASTILLO MCL B. ng Edukasyong Pangkatawan

8. MEDRANO, JOHN MICHAEL SINAGUR MCL B. ng Edukasyong Pangkatawan


9. CAGUNOT, ARGIE CAYABYAB MCL B. ng Edukasyong Pangkatawan

10. PARINAS, ALJOHN DELOS SANTOS MCL B. ng Edukasyong Sekondarya - Filipino


11. BULATAO, CARMELA SANTOS MCL B. ng Edukasyong Sekondarya – Filipino

12. MARTIN, KENNETH CHARLES AQUINO MCL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


13. BUSTOBA, FRANCIE MAE BUENAVENTURA MCL B. ng Panimulang Pambatang Edukasyon

14. RESULTAY, ANGELIC BAUZON MCL B. ng Edukasyong Elementarya - EGE

15. GALVAN, CLEVERTOUGH MACALANDA MCL B. ng Edukasyong Sekondarya – Agham


16. BALBALOZA, CHRISTINE BRUTO MCL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

17. TAMONDONG, MAHAL NATIVIDAD MCL B. ng Edukasyong Elementarya - EGE

18. CARANTO, ALYSSA DIAZ MCL B. ng Edukasyong Pangkatawan


19. BRAGANAZA, JULIE ANN CORPUZ MCL B. ng Edukasyong Sekondarya - Math

20. LAMSEN, JUNELLA PALOMINO CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Filipino

21. CANTA, MARIE NELLE OLERMO CL B. ng Edukasyong Elementarya - EGE

22. ESPINOZA, DIVINE LOVE UMALI CL B. ng Edukasyong Elementarya - EGE

23. IÑIGO, JERIC TIBANGEN CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

24. SANCHEZ, CRIDELYN GUBATAN CL B. ng Edukasyong Pangkatawan


25. DIATRE, KIANA MOLL AGUADO CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Math

26. TUMANAN, JAYMARK LAYNO CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Filipino


27. DATUIN, ANGIE BENAVIDES CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Math

28. ESPAÑA, JAKE PACPACO CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

Pahina 3
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
29. VALERIO, RACHELLE ANN DE VERA CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP
30. LAMZON, JESSICA FERRER CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

31. DE GUZMAN, JOAN IDOS CL B. ng Edukasyong Pangkatawan


32. CUBOS, LEONA MIE CABUNGAN CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

33. ARIAGA, FRANK NOEL CUSTODIO CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Agham


34. ARGUEZA, GLENN MARC BANCOD CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

35. CARANTO, DENNIS ANCHETA CL B. ng Edukasyong Pangkatawan


36. ESTRADA, JHON VINCENT SORIANO CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Agham

37. ESTRADA, ERJHON MAGBIRAY CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Agham


38. FERNANDO, JOHN PAUL BATISTER CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

39. BACOLOR, CRYSTEL ROLDAN CL B. ng Edukasyong Pangkatawan


40. CARPIZO, HAYDEE SURAIT CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

41. POQUIZ, WILFREDO JR. MENDOZA CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Math


42. CALIMLIM, WILJHON LACOBA CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

43. PALISOC, CECILLE MACARAEG CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Agham


44. SORIANO, JUBELYN JUNIO CL B. ng Edukasyong Sekondarya - Math

45. MANIFLOR, ROY VINCENT DE JESUS CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


46. REGA, SHARMAINE FERRER CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

47. SERMONIA, ARIES RODUTA CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


48. PASCUAL, ALEXANDRA VILA CL B. ng Edukasyong Pangkatawan
49. IMPERIAL, ANN MICA MANLUNGAT CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP
50. FRIAS, SHEILA LAMSEN CL B. ng Panimulang Pambatang Edukasyon

51. DIEGO, EDWIN JR. GABRIEL CL B. Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan


52. CAYABYAB, JULIE ALCAUSIN CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Filipino

53. HERRERA, MARY GRACE TOLENTINO CL B. ng Edukasyong Pangkatawan


54. VINOYA, DONALD MARTINEZ CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

55. SARMIENTO, VINCENT DE GUZMAN CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Agham


56. FERNANDEZ, BONG BONG ASPIRIN CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

57. TERRADO, MEL JOHN TAMAYO CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


58. TABAREJOS, ANGELIQUE DELA CRUZ CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

59. DE LEON, GEISHA ALTHEA PANGOMLAYEN CL B. ng Edukasyong Pangkatawan


60. ALCANTARA, CJ PALITEC CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

Pahina 4
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
61. GREGORIO, ALLYSON FERRER CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP
62. SALATAN, HAZEL JOY PAIGALAN CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

63. TULAGAN, MARILYN ESPIRITU CL B. Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan


64. BALATICO, JEANETTE GONZALES CL B. ng Edukasyong Pangkatawan

65. PRIMA, JAMES BRYAN MACARANAS CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


66. MARTIN, ROSALINDA DEVES CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Filipino

67. RAGUDOS, ALYSON JANE ABSARANI CL B. ng Edukasyong Pangkatawan


68. CERALDE, FAITH AREVALO CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Ingles

69. DELA CRUZ, GERALD JOHN AGBUYA CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Math


70. CAYABYAB, KIMBERLY PERALTA CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Agham

71. BATO, ARA JOYCE SANCHEZ CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Math


72. CALINGGANGAN, JAIMMOEL BENITEZ CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

73. RAMOS, JENNIFER PADLAN CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


74. UBALDE, JANUARY ROSE FERNANDEZ CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Ingles

75. VENTURA, ROSALINDA CARANTO CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Math


76. GARAN, MA. NICOLE PAULINE CAPITLE CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Filipino

77. ICOLAS, YVONNE DAISY BAUZON CL B. ng Edukasyong Elementarya - EGE

78. SOLANO, LUISA BULATAO CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


79. AGABAO, CHRIZELLE ANN RAGOS CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

80. NOMOS, ELLA MAE CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Agham


81. TULIAO, KARLA MAE NALUPA CL B. ng Pampublikong Pamamahala

82. CERNARDO, CRISABEL SALVADOR CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Agham


83. GALSIM, RODILYN SOLOMON CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

84. CASAÑOS, ANGELICA JUNIO CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


85. MARZAN, SHYLA MAE DEOCALES CL B. ng mga Sining sa Wikang Ingles

86. MONTANO, MHAFY SISON CL B. ng Pampublikong Pamamahala


87. ARELLANO, JESSICA ROSETE CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

88. DELOS SANTOS, XYRILL MACARAEG CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


89. VINLUAN, MA. KIAN CAMILLE OCAMPO CL B. ng Panimulang Pambatang Edukasyon

90. FRIAS, AIRA MAE RIGOR CL B. ng Edukasyong Sekondarya – Filipino


91. CASEQUIN, MARIELE SUNIGA CL B. Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan

Pahina 5
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

 Palakpakan natin ang Pagmartsa ng Mga Magsisipagtapos na may Karangalan mula


sa Kampus ng Infanta
1. MONTA, MARK GONZALES MCL B. ng Agham sa Agrikultura

2. MESTICA, TRISHA KHYNE MANALO CL B. ng Panimulang Pambatang Edukasyon


3. MILANIO, ROSENDA MARAVE CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

4. MERU, ARIEL DIAZ CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP


5. FLAVIANO, MA. JUDEA MAS CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

6. MEDALLA, DIANNE MERU CL B. ng Agham sa Agrikultura

7. MOSE, RUSSEL MIRADOR CL B. ng Edukasyong Elementarya - EGE

8. MENDEGORIN, ALYSSA ABECILLA CL B. ng Edukasyong Sekondarya - AP

Patayuin ang mga Magsisipagtapos

 Tunghayan natin ngayon ang pagmartsa ng Kaguruan at mga Opisyal mula sa


Kampus ng Bayambang sa pangunguna ni Ehekutibong Direktor, DR. LIZA L.
QUIMSON.

 Ituon naman natin ang ating atensyon sa pagpasok ng Kaguruan at mga


Opisyal mula Kampus ng Infanta na pinamumunuan ng kanilang Ehekutibong
Direktor, DR. IAN D. EVANGELISTA.

 Bigyan natin ng paggalang ang pagmartsa ng mga Ehekutibong Direktor ng


iba pang mga Kampus

Dr. Roy C. Ferrer ng Kampus ng Binmaley


Dr. Randy Joy M. Ventayen ng Kampus ng Lingayen
Dr. Honorio L. Cascolan ng Kampus ng Lungsod Urdaneta
Dr. Marie Claire C. Briones ng Kampus ng Lungsod San Carlos
Dr. Jenylyn Oboza ng Kampus ng Lungsod Alaminos
Dr. Phillip G. Queroda, Ehekutibong Direktor ng Open University Systems
Dr. Rosario DL. Valencerina, Ehekutibong Direktor ng School of Advanced
Studies

Pahina 6
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
 Pasalubungan natin ng Palakpakan ang Mga Opisyal ng Pamantasan

Bb. JESILLE Q. VIERNES


Kahera ng Pamantasan

BB. SHEILA MARIE G. MALICDEM


Tagapangalaga ng mga Dokumento ng Pamantasan

G. CLOYD D. EVANGELISTA
Puno, Serbisyong Yunit sa Pangangalaga sa Sasakyan

G. FRANCIS R. LAZO
Puno ng Serbisyong Elektrikal

G. SENANDO M. EVANGELISTA
Kasalukuyang Tagapamanihala, Yunit para sa Pangasiwaang Pantahanan at
Serbisyo

Bb. LEIZEL M. CASTILLO


Focal para sa Investors in People

Bb. KRISTEN BHING V. SALVIO


Puno, Sentro ng Pagsusuri ng Datos

DR. JUNE S. CAMARA


Puno, Sentro sa Kasaysayan, Kultura, Mga Sining at Inobatibong Edukasyon

ENGR. QUINCY JONES B. BUNDAL


Puno, Sentro para sa Teknolohiya at Inobasyon ng Asin

DR. MA. THERESA E. MACALTAO


Puno, Sentro ng Wikang Filipino

KAWAKSING PROPESOR. PERLA DELOS SANTOS


Puno, Sentro ng Pagsasanay sa Pagtuturo at Rebyu

DR. WILMA M. DE VERA


Puno, Sentro ng Inobasyong Pampagkain

Pahina 7
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
G. MARK MARLON P. DE VERA
Kinatawang Direktor, Tanggapan ng Gawaing Pang-mag-aaral at Alumni

DR. CRISTETA C. DULOS


Kinatawang Direktor ng School of Advanced Studies sa Administrasyon,
Pagpaplano at Katiyakan ng Kalidad

DR. LARRY A. SANTOS


Direktor, Tanggapan ng Pananaliksik at Pagpapaunlad

G. KIMBER JUN M. FERNANDEZ


Direktor, Tanggapan ng Serbisyong Prokyurment

G. JOHN F. QUINTO
Direktor, Tanggapan ng Pamamahala ng Suplay

DR. CLARO S. SISON


Direktor, Tanggapan ng Plantang Pisikal, Pasilidad, at Konstruksiyon

DR. POTENCIANO D. CONTE, JR.


Direktor, Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo

PROP. FRANCIS ALBERT T. ARGENTE


Direktor, Tanggapan ng Serbisyong Ekstensiyon

DR. SALLY A. JARIN


Direktor, Tanggapan ng Lokal at Internasyonal na Pakikipag-ugnayan

Bb. VENUS H. SARMIENTO


Direktor, Tanggapan ng Pampublikong Ugnayan, Publikasyon at Impormasyon

DR. RAMIL L. DACAL


Direktor, Tanggapan ng Gawaing Kultura at mga Sining

DR. NARCISO F. CASTRO


Direktor, Mga Proyektong Pagkakakitaan

DR. CATALINA C. PLATON


Direktor, Tanggapan ng Inobasyong Pansuporta

Pahina 8
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

 Manatili tayong nakatayo upang pasalubungan ng palakpakan ang Mga


Pangalawang Pangulo ng Pamantasan:

DR. MANOLITO C. MANUEL


Pangalawang Pangulo sa Gawaing Akademiko at Mag-aaral

DR. MARIA CORAZON B. PUZON


Pangalawang Pangulo sa Pagpaplano at Pananalapi

DR. PAULO V. CENAS


Pangalawang Pangulo ng Pananaliksik, Ekstensiyon, at Inobasyon Gender, at
Debelopment

DR. MARCELO C. GUTIERREZ JR.


Pangalawang Pangulo sa Katiyakan ng Kalidad

DR. ELBERT M. GALAS


Pangalawang Pangulo sa Pangangasiwa at Pakikipag-ugnayan

 Napakapalad natin na makadadaupang-palad ang mga pinagpipitaganang


Rehente ng Pamantasan

KGG. ANGELA T. LOPEZ


Kinatawan, Pribadong Sektor
Lungsod ng Urdaneta, Pangasinan

KGG. CHRISTIAN MADARANG


Pangulo, Pederasyon ng Pamahaalang Pang-mag-aaral ng Pamantasan

KGG. JOSEPH R. LOPEZ


Pangulo, Pederasyon ng Asosasyon ng mga Alumni
Lingayen, Pangasinan

KGG. RUBY F. AMADO


Pangulo, Pederasyon ng Asosasyon ng mga Guro ng Pamantasan

KGG. ATTY. JENNILYN M. DAWAYAN


Kasalukuyang Tagapamanihala, Ehekutibong Direktor ng Rehiyon
Kagawaran ng Agrikultura – RF01, Lungsod San Fernando

Pahina 9
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

KGG. ARMANDO Q. GANAL


Panrehiyong Direktor, Kagawaran ng Agham at Teknolohiya RFO1
Lungsod San Fernando

KGG. NESTOR G. RILLON


Panrehiyong Direktor, Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at
Pagpapaunlad
Lungsod San Fernando

KGG. MARK O. GO (Kinakatawan ni KGG. ARTHUR F. CELESTE)


Komite sa Lalong Mataas at Teknikal na Edukasyon ng Mababang Kapulungan

HON. FRANCIS JOSEPH G. ESCUDERO


Mataas na Kapulungan
Komite sa Lalong Mataas at Teknikal na Edukasyon

KGG. RONALD L. ADAMAT


Komisyoner, Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon

Marami pong salamat sa ating magigiting na rehente.

Pasalubungan natin ng palakpakan ang mga panauhin sa seremonyang ito,


Kagalang-galang na Gobernador ng ating lalawigan,
GOB. RAMON GUICO III.

Kagalang-galang na Bise Gobernador MARK RONALD DG. LAMBINO

Kagalang-galang MARVIN M. MARTINEZ. Punong Bayan ng Infanta.

Sa mapagkalingang ina ng lokal na Pamahalaang Bayan ng Bayambang:


Kagalang-galang na Punong-bayan, MARY CLAIRE JUDITH PHYLLIS JOSE
QUIAMBAO; At sa ating natatanging alumnus, DR. RAFAEL L. SAYGO,
Pangulo ng Politeknikong Kolehiyo ng Bayambang, Tagamasid sa Tanggapan
ng Operasyong Panturismo, at Puno sa Tanggapan ng Rebolusyon Laban sa
Kahirapan sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bayambang.

 Ngayon ay alayan natin ng matamis na ngiti at maiinit na palakpak ang


minamahal na Pangulo ng Pamantasan, DR. DEXTER R. BUTED

Pahina 10
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
2. Tunghayan natin at pagpugayan ang pagpasok ng sagisag ng pamantasan na dala ni
Dr. Ailene A. Batang, Kalihim ng Lupon ng mga Rehente ng Pamantasan

3. Ang sagisag ng pamantasan ay kumakatawan sa awtoridad ng pangulo. Kalakip ang


awtoridad na ito ay ang responsableng pagtupad sa kanyang mga tungkulin ayon sa
itinakda ng Lupon ng mga Rehente, ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon, at
ng umiiral na batas.

4. Saksihan natin pagtanggap ng Pangulo sa sagisag ng pamantasan. Ito ang


maghuhudyat sa pagsisimula ng seremonya.

5. Bigyan natin ng pagpupugay at pagpapahalaga ang pagmartsa ng watawat ng


Pilipinas, watawat ng ASEAN, at watawat ng Pangasinan State University.

6. Upang pormal na simulan ang seremonya, hingin natin ang gabay at pagsama ng
Poong Maykapal sa isang panalangin na pangungunahan ni G. PAUL ANTHONY C.
PAMO, Bachelor of Elementary Education, Major in Enhanced General Education,
Magna Cum Laude, Kampus ng Bayambang.

7. Ipakita natin ang paggalang at pagpapahalaga sa ating sariling bansa, sa


rehiyong ASEAN, at sa ating lalawig sa pamamagitan ng mga Himno na
bibigyang-tinig ng Koro ng Pamantasan.

Panalangin ng Pamantasan

Diyos naming Makapangyarihan, sumasamo kaming Iyong tanglawan ng


pag-asa at pananampalataya ang bawat takbo ng aming buhay.

Inilalalagay namin sa Iyong malasakit ang aming mga sarili sa panahong ito
ng pagsubok.

Habang patuloy ang banta ng pandemya, taimtim naming dinadalanging


tuluyang mapuksa ang coronavirus nang higit kaming mamuhay nang
matiwasay.

Ama, antigin Mo ang puso ng mga taong gumagawa ng mga pagpapasyang


nagsasangkot sa tao, mga pamayanan, ng bansa, at ng buong mundo.

Bigyan Mo nawa sila ng karunungan at kakayahang pamahalaan ang


pandemya na may pagmamalasakit at aakay sa amin sa ganap na paggaling
bilang isang bansa at sandaigdigan.

Pahina 11
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
Pukawin Mo ng kapayapaan ang aming mga diwa, lalo na sa mga
nakararanas ng lungkot at pagkabalisa.

Yakapain Mo ng pagmamahal at pagpahingain ang aming pagod na isipan.

Pagpalain Mo ang mga minamahal naming administrador, kawani, at mag-


aaral ng mabuting kalugusan nang patuloy nilang tanglawan ang
pamayanan ng katotohanan, kaalaman, at karunungan.

Ama, sumasamo kaming Ika’y manatili naming tanglaw ng pag-asa, ginhawa,


at lakas.

Salamat sa lahat ng pagpapalang Iyong ipinagkaloob sa buhay na ito.

Sa Iyong awa, nawa’y pakinggan ang mga samo’t dalangin.

Amen.

8. Para ilahad ang Polisiyang Pangkalidad, narito si G. ERWIN S. ORTIZ, Tagapag-


ugnay para sa Tanggapan ng Katiyakan ng Kalidad sa kampus ng Infanta.

- Polisiyang Pangkalidad -

Ang Pangasinan State University ay kikilalanin bilang isang premiyer na


pampamahalaang pamantasan na nagbibigay ng dekalidad na edukasyon at
kasiya-siyang serbisyo sa pamamagitan ng instruksiyon, pananaliksik, ekstensiyon,
at produksiyon.
Iniaalay namin ang aming kadalubhasaan at kayamanan upang
makahubog ng mga propesyonal na makatutugon sa pangangailangan ng
idustriya, at iba pang sektor sa nasyonal at internasyonal na komunidad.
Patuloy naming paghuhusayin ang aming pamamahala bilang tugon sa
nagbabagong kapaligiran at suporta sa estratehikong direksiyon ng institusyon.

9. Isang mabunyi at mapagpalang umaga Pangasinan State University. Panahon na


naman ng pag-ani ng tagumpay at karangalan mula sa mga binhi na ipinunla,
sumibol at nagbunga. Nakarating na tayo sa panahon ng pag-ani ng tagumpay at
karangalang atong sinalok sa minamahal na inang pamantasan.

10.Sabay-sabay nating ipagdiwang ang tibay at katatagan ng diwa at pag-iisip ng mga


mag-aaral na nakapagtapos sa kabi-kabilang hamon ng panahon.

Pahina 12
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
11.Ito ang Ika-43 (apatnapu’t tatlong) Seremonya ng Pangkalahatang Pagtatapos sa
Pangasinan State University para sa Akademikong Taon 2021-2022 (dalawang libo
dalawampu’t isa dalawampu’t dalawa) na may temang…

12.(Sabay ang Emcees) Galing at Tapat na Serbisyo ng PSUnians: Pinanday at Pinagtibay


ng Mapanghamong Panahon.

- Palakpakan -

13.Upang iharap ang mga magsisipagtapos sa kampus ng Bayambang sa Pangalawang


Pangulo para sa Gawaing Akademiko at Pang-mag-aaral, narito ang masigasig na
ehekutibong direktor, Dr. Liza L. Quimson.

Patayuin ang mga magsisipagtapos

BAYAMBANG CAMPUS (Kakayahan at Sigasig na Makatamo/Competence


and Commitment to Achieve)

DR. LIZA L. QUIMSON:

Taos-pusong pagbati po sa bawat isa.

Kagalang-galang na Pangulo, buong puso kong ipagmamalaki na iharap sa


inyo ang mga mahuhusay na magsisipagtapos mula sa kampus ng
Bayambang. Sila ang mga naging saksi sa pagsisikhay ng pamantasan na
mapanatili ang mataas na pamantayan nito sa instruksiyon, pananaliksik,
ektensiyon, at produksiyon.

Naging katuwang sila sa mga nakamit na tagumpay sa akreditasyon,


parangal at pagkilala sa pamantasan sa lokal, nasyonal, at internasyonal na
larangan. Buo ang aking paniniwala na dadalhin nila ang angking
kakayahan at sigasig na magsisilbing pundasyon nila upang makapag-
ambag ng mga mabubuting bagay saanman sila dalhin ng buhay.

14.Upang iharap ang mga magsisipagtapos sa kampus ng Infanta sa Pangalawang


Pangulo para sa Gawaing Akademiko at Pang-mag-aaral, narito ang kanilang
napakasipag na ehekutibong direktor, Dr. Ian D. Evangelista.

Pahina 13
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
INFANTA CAMPUS (Integridad/Integrity)

Patayuin ang mga magsisipagtapos

DR. IAN D. EVANGELISTA:

Malugod na pagbati po sa lahat.

Ang integridad ng pamantasan ay patotoo sa taglay nitong matibay na


etikal na prinsipyo na sinusunod sa lahat ng pagkakataon.

Ang halagahang ito ay lumalawig sa mga propesyonal na aspeto ng trabaho


gaya ng pagdedesisyon, pakikipag-ugnayan sa mga kapuwa empleado, at sa
paghahatid ng serbisyo.

Kagalang- galang na Pangulo, lubos ang aking kagalakan na iharap sa inyo


ang mga magsisipagtapos mula sa kampus ng Infanta.Taglay ng mga
kabataang ito ang integridad, katapatan at senseridad na kanilang
ipamamalas sa anumang gagampanang tungkulin at gawain sa hinaharap.

15.Pagkatapos maiharap ng dalawang Ehekutibong Direktor ang mga magsisipagtapos


mula sa Kampus ng Bayambang at Infanta, bigyang-daan natin ang paghaharap sa
Pangulo ng Pamantasan ng kabuoang bilang ng mga magsisipagtapos. Pakinggan
natin ang Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Akademiko at Pang-mag-aaral, DR.
MANOLITO C. MANUEL.

DR. MANOLITO C. MANUEL:

Mahal na pangulong Dexter R. Buted sa aking pagganap bilang


Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Akademiko at Mag-aaral, buong
karangalan kong inihaharap sa inyo ang isang libo apatnaraan animnapu’t
siyam (1,469) na kandidato ng pagtatapos para sa titulong di-gradwado
mula sa dalawang kampus ng Pangasinan State University para sa
akademikong taon 2021-2022.

Matagumpay nilang natapos ang mga kahingian ng kanya-kanyang


programa. Sila ay matamang inendoso ng mga kasapi ng lupong
akademiko ng bawat kampus, at inendoso rin ng mga kasapi ng lupong
akademiko ng pamantasan. Matapos ang pagsang-ayon ng dalawang

Pahina 14
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
lupon ang mga kandidato ay inendoso sa mga kasapi ng lupon ng mga
rehente at agad na napagtibay bilang mga magsisipagtapos ng taong 2022.
Sa bisa ng Resolusyon ng Lupon Bilang Isang Daan (100) serye ng 2022 na
inilabas sa isang referendum, mahal na pangulo, buong kagalakan po
nilang hinihintay ang inyong paggawad.

16.Pakinggan naman natin ngayon ang tugon at aksiyon sa paggawad ng degri at titulo
sa mga magsisipagtapos, narito ang pangulo ng pamantasan, DR. DEXTER R.
BUTED.

DR. DEXTER R. BUTED:


Pagkatapos maisakatuparan ang lahat ng kahingian ng kani-kaniyang
programa at sa rekomendasyon ng akademikong yunit at konseho ng
Pangasinan State University na pinagtibay ng lupon ng mga rehente. Sa
bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng lupon ng mga rehente ng
ating unibersidad, ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon, alinsunod
sa umiiral na batas ng Republika ng Pilipinas, bilang pangulo malugod
kong iginagawad sa inyo ang mga degri at titulong inirekomenda para sa
inyo kasama ang lahat ng karapatan, karangalan, at pribilehiyo sampu ng
mga pananagutan at responsibilidad na nakapaloob rito.

Isang marubdob na pagbati sa lahat ng mga nagsipagtapos sa taong 2022!


Mabuhay ang bawat PSUnian! Mabuhay ang Pangasinan State University!

17.(Seremonya ng Paglilipat ng Abaray na Dayëw)


Marami pong salamat, Dr. Liza L. Quimson, Dr. Ian D. Evangelista, Dr. Manolito C.
Manuel, at Dr. Dexter R. Buted.

Dahil sa matagumpay na konpirmasyon ng inyong mga degri at titulo, maaari ninyo


nang ilipat ang inyong Abaray na Dayew mula kaliwa patungong kanang balikat.

Palakpakan ang inyong mga sarili dahil kayo ay ganap nang gradweyt ng Pangasinan
State University! Muli, isang pagbati sa Class of 2022!

18.Ang kanilang mahigit pitong taong panunungkulan bilang pangulo ng pamantasan


ay naging instrumental sa patuloy na pag-ani ng karangalan at tagumpay ng PSU sa
loob at labas ng bansa. Hindi matatawaran ang husay ng direksiyon ng kanyang
liderato bilang ikaanim na pangulo ng Pangasinan State University.

Pahina 15
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
PSUnians, pakinggan natin ang inspirasyonal na mensahe ng bisyonaryo, dinamiko,
at transpormatibong pangulo ng Pangasinan State University, DR. DEXTER R.
BUTED.

- Inspirasyonal na Mensahe -

19.Maraming salamat, kagalang-galang na pangulo ng pamantasan, Dr. Dexter R. Buted.

20.Upang ipakilala ang panauhing pandangal at tagapagsalita ng seremonyang ito,


narito ang marikit at mayuming Pangalawang Pangulo para sa Pagpaplano at
Pananalapi DR. MA. CORAZON B PUZON.

Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal at Tagapagsalita


Mensahe ng Panauhing Pandangal at Tagapagsalita

21.Bilang tanda ng pagpapahalaga sa panauhing pandangal at tagapagsalita ay


ipinagkakaloob ang Sagisag ng Unibersidad.

Inaanyayahan sa entablado ang panauhing pandangal at tagapagsalita, ang pangulo


ng pamantasan,
 Dr. Dexter R. Buted, Gobernador ng Pangasinan,
 Kagalang-galang Ramon V. Guico III,
 Kagalang-galang Mark Ronald Dg. Lambino, Bise Gobernador ng
Pangasinan,
 Kagalang-galang Arthur F. Celeste, Kongresman sa Unang Distrito,
 Kagalang-galang Ma. Rachel “Baby” J. Arenas, Kongresman sa Pangatlong
Distrito,
 Kagalang-galang MARY CLARE JUDITH PHYLLIS “NIÑA” JOSE-
QUIAMBAO, Mayor ng Bayambang,
 Kagalang-galang MARVIN M. MARTINEZ. Punong Bayan ng Infanta.

Pagkakaloob

22.Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng pagtatapos sa Pangasinan State


University, isang karangalan na paunlakan tayo ng isang mensaheng inspirasyonal
mula sa ating bagong halal na gobernador ng ating lalawigan, ating salubungin ng
mainit na palakpakan, Gobernador Ramon Guico III.

Pahina 16
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
- Talumpating Inspirasyonal -

23.Apat na taong pag-aaral na ang dalawang taon ay iginugol sa klaseng online.


Kahanga-hananga ang mga PSUnians na hindi nagpatinag sa hamon ng panahon.
Kilalanin natin at palakpakan ang mga mag-aaral na nagtamo ng karangalan.

Palakpakan natin ang mga nagkamit ng Karangalang Cum Laude mula sa kampus ng
Bayambang. Hinihiling naming sa mga magulang at nagsipagtapos na tumayo.
Ngayon po ay sabay-sabay ninyong igawad ang medalya ng inyong mga anak.

Pagkakaloob ng Medalya, Banggitin ang mga Pangalan, Karangalan, Magulang at


Adres

24.Saksihan natin ngayon ang paggawad ng medalya sa mga nagkamit ng Karangalang


Cum Laude mula sa Kampus ng Infanta.

Pagkakaloob ng Medalya, Banggitin ang mga Pangalan, Karangalan, Magulang at Adres

25.Sa puntong ito, kilalanin natin ang mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan bilang
Magna Cum Laude. Bago iyan, hinihiling namin sa pangulo ng pamantasan, Dr.
Dexter R. Buted, sa ehekutibong direckor, at sa dekana/dekano ng kolehiyo na
pangunahan ang paggawad ng medalya. Mangyaring umakyat sa entablado pag
natawag ang inyong pangalan. Mula sa Kampus ng Bayambang:

Pagkakaloob ng Medalya, Banggitin ang mga Pangalan, Karangalan, Magulang at Adres

26.Isa sa maipagmamalaki nating pagkakakilanlan sa pamantasan ay ang pagkakaroon


ng mga nagsipagtapos na nangunguna sa eksaminasyon. Marapat lamang na
mapahalagahan ang karangalang ibinigay nila sa ating pamantasan. Upang igawad
ang Sertipiko ng Pagkilala, tinatawagan namin ang ehekutibong direktor ng Kampus
ng Bayambang, Dr. Liza L. Quimson.

Alyssa Marfil Duran


Bachelor of Elementary Education
Major in Enhanced General Education
Top 8
Licensure Examination for Teachers
September 2021

Pahina 17
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

27.Narito tayo sa punto na hinintay, dinalangin, at pinagpaguran ng mga nagsipagtapos


sa seremonyang ito, ang pagkamit ng kani-kanilang diploma na tanda ng mga taon
na iginugol sa loob ng akademya bilang pagpapanday sa kanilang kasanayan.
Saksihan natin ang pagkakaloob ng mga diploma sa mga nagsipagtapos.

- Pagkakaloob ng Diploma -

28.Upang mag-alay ng mensahe ng pasasalamat tinatawagan si G. JOHN DARRYL C.


MALICDEM, Magna Cum Laude, Bachelor of Secondary Education, Major in Social
Studies, Kampus ng Bayambang.

- Mensahe ng Pasasalamat -

29.Upang pangunahan ang Panunumpa ng Katapatan ng mga Nagsipagtapos


tinatawagan si G. MARK G. MONTA, Magna Cum Laude, Bachelor of STUDence in
Agriculture, Kampus ng Infanta.

Panunumpa ng Katapatan ng mga Magsisipagtapos

Iniibig at iginagalang ko ang aking Alma Mater

Utang na loob ko sa kaniya ang pagpapala ng isang edukasyon Inihanda niya ako
para sa paglilingkod sa Lipunang Pilipino

Ikinintal niya sa akin ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sarili, pagtitipid, paglilingkod


at pananagutan at pagmamalasakit sa kapuwa

Para sa lahat ng ito ako’y magiging tapat sa kaniya Isasapamuhay ko ang lahat ng
kaniyang pinaninindigan Iaalay ko aking sarili sa pag-unlad ng kanayonan

Gagawin ang aking makakaya bilang daluyan ng pagbabago sa aking mga tao
Tutulong na mapangalagaan ang minanang kultu ra ng bansa at Pagbubutihin ko
ang aking sarili sa aking propesyon

Kasihan nawa ng ako ng Diyos.

30.Para naman sa Panunumpa ng Katapatan sa Samahan ng Alumni narito si DR.


RAFAEL L. SAYGO, Pangulo, Bayambang Polytechnic College, Bachelor of Secondary
Education, Major in English, Batch 2010.

Pahina 18
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

Panunumpa ng Pagsapi para sa Asosasyon ng mga Alumni ng PSU

Ako si ________________________________ na nagtapos sa Pangasinan State


University ____________________ Kampus, na humihiling na matanggap sa PSU Alumni
Association ay mataimtim na nangangako nang may kapakumbabaan, na susundin
ang saligang batas ng samahan, ipinangangako ko ito sa aking sarili nang walang
anumang pag-iimbut at maglilingkod ako para sa karangalan ng aking Alma Mater
habang ako’y nabubuhay.

31.Ngayon naman ay panoorin natin ang inihandang Awdyo-biswal na presentasyon.

AVP Dr. Buted Accomplishments

32.Paano ba mapasasalamatan ang isang lider na may akda ng di matatawarang


tagumpay? Sa paanong paraan masusuklian ang itinanim na kabutihan at
pagmamahal? Sinubok man ng mapanghamong panahon ang kanilang pamumuno,
naipamalas pa rin nila ang tatag at tibay ng prinsipyo’t paniniwala para sa
pagsasakatuparan ng mabubuting hangarin para sa ating lahat. Mahal na Pangulo,
para po sa inyo ito: (Basahin ang nasa plake)

Pag-aalay at Pagpupugay para kay Dr. Dexter R. Buted mula sa Class of 2022

Taglay niya ang sining ng paglikha, mula sa paghabi ng mga ideya,


pagbalangkas ng mga plano, binibigyang-hugis niya ito, isinasagawa nang mahusay
at umaani ng ginintuang bunga. Ang kaniyang husay, kasigasigan, sakripisyo, at
katapatan ang nagtaguyod sa pamantasan sa tugatog ng katagumpayang inakala
nating imposibleng marating.

Saksi ang bawat PSUnian sa pag-unlad ng Pangasinan State University sa ilalim


ng kaniyang matalino, inobatibo, at mapagkalingang pamamahala. Hindi
maitatanggi na ang mahigit pitong taon ng kaniyang pamumuno ay naging daan sa
pagbubukas ng mga oportunidad para sa kapakanan ng bawat mag-aaral, kawani,
kaguruan, at buong komunidad ng PSU.

Isinulong niya ang isang institusyong naniniwala sa kakayahan ng bawat mag-


aaral. Nanalig siya na may sisibol na kabutihan sa bawat kabataan para kaniyang
kapuwa. Ano man ang ibatong hamon ng panahon ay nakikita niya ito bilang tulay sa

Pahina 19
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos
patuloy na paglago. Pamana niyang maituturing ang lahat ng mekanismo at
inisyatiba na kaniyang pinasimulan para sa higit na kagalingan ng pamantasan. Ang
mga parangal at pagkilalang nakamit ng PSU ay patunay ng kaniyang marubdob at
tapat na serbisyo.

Sadyang hindi na mapipigilan ang pagtatapos ng kaniyang termino bilang


pangulo. Subalit, kailanma’y hindi mapapatid ang impluwensiya at karunungang
kaniyang idinulot na tumatawid hanggang sa labas ng akademya. Ang kaniyang
pamana ay mananatili magpakailanman dahil hinubog ito lakip ang husay at
kalinga.

Isang pasasalamat sa isang lider na timbulan ng inspirasyon at pag-asa.


Pagpupugay sa isang pangulong walang ibang hinangad kung hindi ang ikabubuti at
ikahuhusay ng Pangasinan State University. Isang pagsaludo sa inyo, mahal na
pangulong Dexter R. Buted!

(Pagkatapos ng pagbasa sa teksto ay tatawagin ang Pangulo,


VPs, CEDs para igawad ang plake.)

33.Mga kapwa PSUnians, muli nating ialay ang marubdob na pagmamahal para sa
Inang Pamantasan sa pamamagitan ng madamdaming pag-awit sa Himno ng PSU.

- Pag-awit ng Himno ng PSU -

34.Mga minamahal naming nagsipagtapos, ihanda ang inyong mga Abaray na Dayew sa
isang makabuluhang paghahagis paitaas.

35.Ang Abaray na Dayew o Sablay ng Karangalan sa Filipino ay sagisag ng pagtatapos


ng isang makabuluhang pag-aaral na nakatuon sa pag-aalay ng kahusayan para sa
bayan. Tanda ito ng pagsisikhay, pagpapanday, at patuloy na pagpapaunlad ng sarili
upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan sa lipunang Pilipino.

36.Kasabay ng inyong paghagis paitaas ng inyong Abaray ay ang paniniwala na kung


ano ang taas ng inyong hagis kalakip ang matibay na pananampalataya sa Diyos, ay
ganoon din ang tayog ng tagumpay na inyong makakamit.

Sa bilang na tatlo, isa, dalawa, tatlo, hagis!

Pahina 20
Ikaapatnapu’t Tatlong Pangkalahatang Pagtatapos

37.(Sabay ang Emcees) Maligayang pagtatapos, Class ng 2022!

Paghagis ng Abaray na Dayew

38.Dito po nagtatapos ang ating programa. Maraming salamat po sa bawat isang


naging kabahagi. Paalala po sa lahat, pakipulot po natin ang anumang papel o kalat
sa ating kinatatayuan upang malinis at maayos po nating lilisanin ang lugar. Mag-
ingat po kayong lahat sa inyong pag-uwi. Muli, marami pong salamat.

Resisyonal

Pahina 21

You might also like