You are on page 1of 6

Sacred Heart Villa School Maria Schinina, Inc.

181 Aguinaldo Highway, Lalaan I, Silang, Cavite


(046) 413 – 5118

Modyul sa Araling Panlipunan 10

Pangalan: ____________________ Petsa: Marso 14 – 25, 2022


Ikaapat na Markahan – Una at Ikalawang Linggo Araw ng Pasahan: Marso 25, 2022

Aralin 1 – ISYUNG PANG-EDUKASYON

I. PANIMULA
Suriin ang misyon ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd) na
nakatala sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang sumunod na survey sa pamamagitan ng paglalagay ng
tsek sa kolum ng iyong pagsang-ayon o ‘di-pagsang-ayon.

Misyon ng DepEd na protektahan at isulong ang karapatan ng lahat ng Pilipino sa pagtatamasa ng


de-kalidad, patas, nakabatay sa kultura, at kompletong batayang edukasyon kung saan:

 Natututo ang mga mag-aaral sa kapaligirang ligtas, nakagaganyak, mapagkalinga sa


kabataan, at sensitibo sa kasarian;
 Pinangangasiwaan ng mg guro ang pagkatuto at patuloy na pinangangalagaan ang bawat
mag-aaral;
 Sineseguro ng mga tagapangasiwa at kawani ng paaralan, bilang tagapangalaga ng
institusyon, ang makakayahan at mapagsuportang kapaligiran sa mabisang pagkatuto; at
 Ang pamilya, pamayanan, at iba pang may nakatayang interes ay aktibong lumalahok at
nagbabahaginan ng tungkulin sa pagpapaunlad sa mga mag-aaral na may habambhay na
pagkatuto.

Mga Tanong Lubos na Sumasang-ayon Hindi Lubos na Hindi


Sumasang-ayon Sumasang- Sumasang-
ayon ayon

1. Sang-ayon ka ba sa
misyon ng DepEd para sa
mga estudyante?

2. Sang-ayon k aba sa
minsyon ng DepED para sa
mga opisyal at
administrador ng mga
paaralan?

3. Sang-ayon ka ba
samisyon ng DEpEd para
sa pamilya, komunidad, at
sa iba pang kasangkot sa
pagpapabuti ng edukasyon
sa bansa?

II. PAGTALAKAY

KONSEPTO NG EDUKASYON
Ang konsepto ng edukasyon ay nakatuon sa pagkatuto sa paghasa ng kaniyang mga talent at
kakayahan. Hindi maipagkakaiba na ang pagkatuto ay nagsisimula sa tahanan, kung saan
ginagabayan ng mga magulang ang mga anak sa kaalaman at pag-unawa tungkol sa kanilang
kapaligirang ginagalawan. Nasa ilalim ito ng impormal na edukasyon, kung saan ang kapaligiran at
ang lipunan ay siyang pinagkukunan ng kaalaman at pag-unawa. Ang pormall na edukasyon ay
humahasa sa mga talent at kakayahan ng isang tao kasabay ng pagkatuto niya sa tahanan. Lubos
na mahalaga ang pormal na edukasyon dahil nakapagbibigay ito ng mga mahahalagang kakayahan
at aral sa tao tulad ng pakikisalamuha sa ibang tao, disiplina sa sarili, pagsunod sa awtoridad, at
paggamit ng sariling kakayahan at tallento sa ikabubuti ng iba.

- https://www.youtube.com/watch?v=aFrVi6owtjk

Pinagmulan ng Edukasyon
Nagsimula sa mga Griyego ang pormal na edukasyon nang ipakilala nila ang pagtitipon ng nga
taong nais matuto tungkol sa kanilang kapaligiran (academia). Napaunlad pa ito sa Gitnang Panahon
sa Europa sa pag-usbong ng mga unibersidad para sa mas mataas na antas ng pagkatuto ng tao.
Sinasabi na noon ay isa lamang pribelihiyo ang edukasyon. Ngunit dahil sa mga kaisipang nagmula
sa Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment) tungkol sa edukasyon ay naging karapatan na ito
para sa lahat ng tao dahil tumutulong ito sa pag-unlad ng kanilang kaisipan tungkol sa kanilang mga
sarili at sa kapaligirang kanilang ginagalawan. Ipinagtibay ito nang ipakilala ng mga Pranses ang
pampublikong paaralan noong ikalabinwalong siglo at nang maisakatuparan ang Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang Pantao noong 1948.

KASAYSAYAN NG EDUKASYON SA PILIPINAS


Nahahati ang kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas sa limang bahagi, Una ay ang
edukasyon sa panahong pre-kolonyal, pangalawaay ang edukasyon sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol, pangatlo ay ang edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Amerikano, pang-apat ay ang
edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Hapones, at panlima ay ang edukasyon sa panahon ng
Republika o mula sa 1946 hanggang sa kasalukuyan. Pag-aralan natin ang mga ito.

- https://fil.wikipilipinas.org/view/Kasaysayan_ng_Edukasyon_sa_Pilipinas

1. Panahong Pre-kolonyal – May tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa edukasyon bago
dumating ang mga mananakop. Noong panahong pre-kolonyal, ang pagkatuto ng mga
mamamayan ay nagsimula sa pamilya kung saan ang bawat tao ay nahasa sa mga nararapat
nilang gampanan sa lipunan ayon sa itinakda ng mga nakatatanda sa pamayanan. Dahil pantay
ang turingan ng mga lalaki at babae noon, ang kakayahan ng bawat isa ay nahasa nang sabay
tulad ng kakayahann sa pamamahala ng mga pamayanan, pagsasaka, at pangingisda ng bawat
kasarian. Kolonyal o kolektibo ang edukasyon sa panahong pre-kolonyal. Sa maraming
lugar na may impluwensiyamg Islamiko, lalo na sa timog na bahagi ng Pilipinas, mayroon nang
pormal na anyo ng paaralan na pinapasukan ng mga kabataang mag-aaral. Ito ay isang sistema
ng pagtuturo ng mga guro sa isang silid kung saan may iba-ibang uri ng paksa ang itinuturo mula
sa mga pagpapahalagang Islamiko, paghahabi, pangingisda, at iba pa. Patunay ito na may
sistema ng edukasyon sa bansa na umiiral bago pa sumapit ang panahon ng kolonyalismo.
Nagbago ang pagkatuto sa mga pamayanan dahil sa pagdating ng kolonyalismong Espanyol sa
bansa.
2. Kolonyalismong Espanyol – Ang unang kagamitan ng pormal na edukasyon sa Pilipinas ay
ang relihiyong Kristiyanismo. Ginamit nila ang edukasyon upang maipalaganap ito. Nagsimula ito
mula sa paglimbag ng kauna-unahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana nooong 1593 na
naglalaman ng mga mahahalagang gabay sa pagtuturo ng Kristiyanismo sa mga katutubo.
Nasundan ito ng pagtatatag ng pormal na edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga
seminaryo. Unang naituro ang mga asignaturang tulad ng Wikang Espanyol, Medisina, at
Agrikultura sa mga mag-aaral. Tanging ang Peninsulares at Insulares lamang ang may
kakayahang makapag-aral sa bansa dahil kaya nilang magbayad para rito.
Kasunod dito ang pagtatag ng mga paaralang elementarya at sekundarya hanggang sa
ikalabinsiyam na siglo. Ngunit ang mga paaralang ito ay pribado at nagangailangan ng malaking
matrikula. Nagkaroon din ng iskolarsip mula sa Espanya para sa mga Pilipinong nais makapag-
aral dito sa pamamagitan ng Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais de Filipinas
(Royal Economic Society of Friends of the Philippines) na ipinakilala sa bansa noong 1780.
Ngunit ito rin ay para sa mga pamilyang may kakayahang makapag-aral sa kanilang mga anak sa
elementarya at sekundarya.
Pagdating ng 1863, itinakda ng Reyna ng Espanya na si Reyna Isabella II ang isang dikretong
bubuo ng mga pampublikong paaralan na libre para sa lahat ng nais makapag-aral. Itinatag ng
pamahalaan ang Commission Superior de Instruccion Primaria (Superior Commission of Primary
Instruction), upang pangisawaan ang mga gurong nais makapagturo sa mga pampublikong
paaralan, dumami ang mga asignaturang itinuturo sa mga paaralan tulad ng matematika, Pisika,
Abogasya, Pilosopiya, at Astronomiya. Ang pagbubukas ng Suez Canal noong 1869 ay nagbigay
ng pagkakataon para sa mas maraming maykayang Pilipino na makapag-aral sa Europa dahil
mas mabilis at mas murang halaga ng paglalakbay mula Asya patungong Europa na idinulot nito.
Nang matapos ang Kolonyalismong Espanyol noong 1898, mahigit dalawang libong mga
pampublikong paaralan ang naipatayo ng mga Espanyol sa bansa.
3. Kolonyalismong Amerikano –
- https://saedukasyon.blogspot.com/2021/06/sistema-ng-edukasyon-sa-pilipinas-sa_5.html

4. Kolonyalismong Hapones –
- https://saedukasyon.blogspot.com/2021/02/sistema-ng-edukasyon-sa-panahon-ng.html

5. Panahon ng Republika
- https://web.facebook.com/2020259091597350/posts/edukasyon-sa-ilalim-ng-republika-ng-
pilipinas-nagkaroon-ng-kasarinlan-ang-ating-/2022666491356610/?_rdc=1&_rdr

ESTRUKTURA NG EDUKASYON SA BANSA


- https://www.slideshare.net/CharmaineMadrona1/ang-paglinang-ng-kurikulum
- https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/batas-republika-blg-10533/
Batas Republika Blg. 10533
- Kindergarten
- Elementarya – Grade 1 hanggang Grade 6
- Junior High School – Grade 7 hanggang Grade 10
- Senior High School – Grade 11 hanggang Grade 12

Elementary KINDERGARTEN
Grade 1 - 6

Junior High School GRADE 7 – 10

Grade 7 – 8 Grade 9 - 10
(Exploratory TLE) (Specialized TLE)

TRACKS
Applied Track Subjects

Senior High School CORE Academic Sports Arts and Technical


SUBJECTS Design Vocational
Livelihood

General Academic
HUMSS Home
Economics
ABM Agri-Fishery
Industrial Arts
STEM ICT

Mga Programa ng Pamahalaan Ukol sa Edukasyon


- https://saedukasyon.blogspot.com/2021/02/programa-ng-pamahalaan-para-sa-
edukasyon.html
- https://angedukas.blogspot.com/2021/02/mga-proyekto-at-programa-ng-
pamahalaan.html

Mga Hamon sa Edukasyon


- https://amiananbalitangayon.com/hamon-sa-pagbibigay-edukasyon-sa-lumalaking-
populasyon/
Mga Pisikal na Aspekto ng Suliraning Pang-edukasyon

1. Impraestrukturang Pang-edukasyon
2. Mga Guro
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo at Pampagkatuto

Mga’Di-pisikal na Aspekto ng Suliraning Pang-edukasyon


1. Paghinto sa Pag-aaral
2. Kabiguang Makapag-enrol
3. Pagbaba ng Bahagdan ng mga Pumapasa sa NAT
4. Agwat ng Edukasyon
a. Agwat sa pook urban at pook rural
b. Agwat sa pampubliko at pribadong paaralan
c. Agwat sa pagitan ng mga rehiyon

Gawain
Suriin ang ilang kasabihan tungkol sa edukasyon ng ilang tanyag na tao sa ibaba. Sagutin ang
kasunod na tanong nito.

1. “Ang edukasyon ay hindi sa dami ng iyong naisaulo o kung gaano karami ang alam mo. Ito
ay ang kakayahang matukoy ang kung ano ang alam mo at ng hindi mo alam.” - Anatole
France, nobelistang nanalo ng Nobel Prize for Literature
Tanong: Sang-ayon k aba na dapat natutukoy ng edukasyon ang alam mo sa hindi? Bakit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. “Hindi nakakamit ng tao ang kasukdulan ng kaniyang potensiyal hangga’t hindi siya
edukado.” – Horace Mann, Kongresista at edukador
Tanong: Sang-ayon k aba sa pahayag ni Horace Mann? Bakit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

III. PAGPAPALALIM
Sagutin ang mga tanong:
1. Dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?

2. Nakatutulong ba sa pagkatuto ang mga paaralan? Bakit?

3. May katuturan ba ang pag-aaral ngayon? Bakit


4. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?

IV. PAGTATAYA
Ibigay ang hinihingi sa bawat pahayag:

Apat na kurikulum sa bansa mula sa panahon ng Ministry of Education, Culture, and Sports
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
4. ____________________________

Apat na strand para sa academic track ng Senior High School sa ilalim ng K to 12 Kurikulum
1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________
4. ___________________________
Pitong isyung pang-edukasyon sa bansa
1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________
4. ___________________________
5. ___________________________
6. ___________________________
7. ___________________________

You might also like