You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

“Kahirapan”

Isinulit kay:
Bb. Maria Jirah Payawal

Isinulit nina:
Adora, Charlene Q.
Alvarez, Azenith Merrill S.
Capuno, Edward Joseph C.
Castillo, Francine Mari B.
Ilagan, Gerene P.
Villoria, Carol P.

Nobyembre 2022

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

Pahina ng Nilalaman

Buod…………………………………………………………………………………. 1

Introduksyon ….…………………………………………………………………... 2

Talakayan …………………………………………………………………………... 4

Konklusyon ………………………………………………………………………... 6

Rekomendasyon ………………………………………………………………….. 6

Sanggunian ………………………………………………………………………... 8

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

Buod

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang depinisyon o


kahulugan ng kahirapan at ang implikasyon ng kahirapan sa ating bansa.
Ang talakayan na ito ay isinagawa ‘online’ sa pamamagitan ng ‘Google Meet’
upang masunod ang ‘health protocols’ at gayundin upang maiwasan ang
harap-harapang interaksyon. Ito ay naganap noong ika-dalawampu’t apat ng
Oktubre sa oras ng klase sa asignaturang Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino.

Ang pag-aaral na ito naglalahad ng mga sanhi ng kahirapan at


naidudulot nito sa ekonomiya. Ang rason kung bakit patuloy na naghihirap
ang mamamayan at paano makokonsidera o di kaya ay masasabing nasa
mahirap na antas na pamumuhay ang isang tao. Hinggil dito, mas pinalawig
ng mga eksperto ang kahulugan ng kahirapan, kasama na rito ang emosyonal
at sikolohikal na isyu. Nabatid din dito ang kasalukuyang kalagayan ng ating
ekonomiya. At sa huli, binigyang diin dito na ang kahirapan ang pangunahing
problema na kinakaharap ng ating bansa.

Batay sa natuklasan ng pag-aaral, ang mga taga pag-ulat ay naka buo


ng konklusyon na makikita sa huling bahagi ng pahina.

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

Introduksyon

Ang mga problema ng Pilipinas1 ay mahabang panahon nang


nasasaksihan ng bawat Pilipino. Gayunpaman, batid sa kaalaman ng mga
marami na ang pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay ang
kahirapan. Ang mga tao na sinasabing namumuhay sa kahirapan ay kulang
sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng kuryente, pagkain, o
pagkakaroon ng malinis na tubig, at edukasyon. Bukod pa rito, pinalawak pa
ng mga eksperto ang kahulugan ng kahirapan, na hindi lamang ito tungkol sa
mga isyu sa pananalapi kundi pati na rin sa mga emosyonal at sikolohikal na
isyu.

Karagdagan pa sa hindi pagkakaroon ng kakayahang makakuha ng


edukasyon, pangangalaga ng pangkalusugan, at abot-kayang pabahay, ang
pamumuhay sa kahirapan ay may iba pang indikasyon tulad nang kakulangan
ng mga maaaring maging trabaho. Dagdag pa rito, sinasabing ang kahirapan
ay sanhi ng maraming salik. Iminungkahi ng ilan na ang pagbabago ng klima,
digmaan, kolonyalismo at komersyalismo ang sanhi nito. Sa kabilang dako,
inilalarawan rin ito bilang kakulangan ng mga mapagkukunan ng
pangangailangan ng isang tao upang mamuhay nang sapat. Itinuturing itong
isyung pang-ekonomiya at panlipunan na sangkot ng kawalan ng access sa
pagkain, pabahay o edukasyon. Sa paglipas ng panahon, lumawak ang
kahulugahan ng kahirapan na sumakop sa mga isyu tulad ng pangangalaga
sa kalusugan at mga serbisyong pampubliko na hindi ginagamit sa karamihan
ng mga tao.

Sa kasalukuyan, maituturing na pangunahing dahilan ng paghihirap ng


mga Pilipino ay ang korapsyon. Lingid sa kaalaman ng lahat na napakalaki ng
epekto ng korapsyon sa mamamayang Pilipino at bansang Pilipinas. Hindi
lamang pera ang nanakaw sa mga Pilipino ngunit ang karapatang mamuhay
nang maayos at ang karapatang mangarap hindi lamang para sa sarili at
pamilya kundi pati na rin para sa bansa. Subalit hindi maaring sabihin na ang
korapsyon o ang baluktot na pamumuno sa ating bansa ng mga nasa
posisyon lamang ang nagiging sanhi ng kahirapan sapagkat bilang mga

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

mamamayan ay may responsibilidad din ang mga Pilipino na dapat


gampanan para sa bansa. Tungkulin ng pamahalaan na tuparin ang
responsibilidad nila sa mga mamamayan kapalit ng kanilang pagkakahalal.
Samantala, tungkulin ng mga mamamayan na maging responsable at
magbigay ng kooperasyon upang hindi na madagdagan pa ang mga nagiging
sanhi ng kahirapan. Sa madaling salita, maituturing na ang kooperasyon ng
mga mamamayan at ng mga namumuno ang maaaring pinakamabisang
solusyon sa dinaranas na kahirapan.

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

Talakayan

Sa Pilipinas, may mga batayan na nararapat isaalang-alang upang


masabi na ang isang indibidwal o pamilya ay nabibilang sa mga
mamamayang nakakaranas ng kahirapan. Ayon sa Batas Republika bilang
8425 o ang Social Reform and Poverty Alleviation Act na isinabatas noong
ikalabing-isa ng Disyembre taong 1997, kabilang sa mga itinuturing na
mahirap ang isang indibidwal o pamilya na kumikita nang mas mababa pa sa
isang sukatan na itinalaga ng pamahalaan o tinatawag din na Poverty
Threshold. Ang Poverty Threshold ay ang pinakamababang kita na kailangan
ng isang indibidwal o pamilya upang matugunan ang kanilang mga
pangunahing pangangailangan sa araw-araw. Kung ang ang kita ng bawat
indibidwal ay mas mababa sa linyang itinalaga ng gobyerno o tinatawag ring
Poverty Line, siya ay maituturing na kabilang sa mga mahihirap na may hindi
sapat na kita upang matustusan ang mga pangangailangan sa pagkain,
pangkalusugan, pag-aaral at iba pang mga kaginhawaan sa buhay.

Sa resulta ng Family Income Expenditure Survey (FEIS), isang sarbey


na isinasagawa kada tatlong taon ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas
(PSA) na naglalayong makapagbigay ng impormasyon sa kita at gastos ng
bawat pamilya, noong taong 2006 hanggang 2015 ay tumaas ang poverty line
mula sa buwanang kita na lampas sampung libong piso hanggang sa
buwanang kita na lampas dalawampung libong piso. Ayon pa rito, ang
sukatan kung ang isang pamilya o indibidwal ay nasa taas o nasa baba ng
poverty line ay nagsisimula sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI)
na siyang nagsasabi ng “menu” o kombinasyon ng mga pagkain na kailangan
upang matugunan ang minimum nutritional needs na tinatawag din na
panlalawigang food bundle. Sa pamamagitan nito ay kinukwenta ang kabuuan
ng presyo ng mga pagkaing nagbibigay ng sapat na enerhiya at nutrisyon.
Ang halagang makukuha ay ang tinatawag na food threshold. Tumutukoy ito
sa kung magkano ang pinakamababa na kailangan ng kada tao sa pagkain sa
isang araw upang matugunan ang kinakailangang nutrisyon. Bukod sa food
threshold, isinasama rin sa basehan ang karagdagang kita o gastusin ng

Leading Innovations, Transforming Lives

4
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

isang tao o ng isang pamilya sa iba pang kailangang bagay o tinatawag na


basic non-
food requirements tulad ng damit, sapatos, ilaw, mga pangangailangan sa
pag-aayos ng bahay at mga gamit, upa o renta sa tirahan, pangangailangang
pangkalusugan, pag aaral, transportasyon, komunikasyon at iba pang mga
kagamitan. Ang kabuuan ng nakuhang estimates sa food threshold at basic
non-food requirements ay ang tinatawag na poverty threshold. Samantala,
ang tumutukoy sa proporsyon ng mga indibidwal o pamilya na ang kita o
halaga ng kakailanganin ay mas mababa sa poverty threshold kumpara sa
pangkalahatang bilang ng mga indibidwal o pamilya ay ang poverty incidence.

Sa kasalukuyan, ang datos sa bilang ng kahirapan sa Pilipinas ay


tumaas pa nang 2.3 milyon sapagkat hindi maipagkakailang tumaas rin ang
populasyon sa bansa mula sa bilang na 107 milyon noong taong 2018
hanggang sa bilang na 110.88 milyon noong taong 2021. Ayon sa datos na
mula sa Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (PSA), tumaas ang bilang
ng mahihirap bilang porsyento ng populasyon o ang tinatawag na “poverty
incidence”. Mula sa 16.7 na porsyento noong taong 2018, umakyat ito sa 18.1
na porsyento ng taong 2021. Ayon sa Updated Philippine Development Plan
(PDP) 2017-2022, ang 18.1 na porsyento ng poverty incidence noong 2021
ay maituturing na labis-labis sa 15.5 porsyento na target ng gobyerno para sa
nasabing taon. Ang nasabing 15.5 na porsyento ay binago nang naka-ayon
sa pandemya sapagkat ang orihinal na target ng gobyerno ay ibaba ang
porsyento ng poverty incidence sa 14 porsyento sa kasalukuyang taon, 2022.
Ipinapakita lamang nito na mas malala ang kahirapan kumpara sa inasahan
ng gobyerno.

Ang insidente ng kahirapan sa Pilipinas ay nagkakaiba-iba sa bawat


rehiyon. Sa unang semstre ng taong 2018, ang Autonomous Region in
Muslim Mindanao (ARMM) ng 55.4 porsyento na noon ay maituturing
pinakamataas na porsyento ng poverty incidence sa bansa. Pumapangalawa
ang ika-siyam na rehiyon o ang Zamboanga Peninsula na nagtala ng 32.4 na
porsyento ng poverty incidence. Ang CALABARZON ay nagtala ng 7.6 na
porsyento samantala, sa National Capital Region (NCR) naman ay naitala
ang 4.9 na porsyento na maituturing na pinakamababang poverty incidence

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

sa bansa. Sa kabilang banda, sa pagpapababa ng poverty incidence ay


nanguna ang ika-limang rehiyon na nagtala ng 12.4 porsyento na kabawasan
sa unang naitalang poverty incidence. Kasunod nito ay ang ika-unang rehiyon
na nagtala naman ng 11.7 porsyento na kabawasan sa unang naitalang
poverty incidence. Sa pangkalahatan, bumaba ang porsyento ng poverty
incidence sa lahat ng rehiyon maliban sa National Capital Region (NCR).

Konklusyon

Kahirapan pa rin ang isa sa pangunahing problema na kinakaharap ng


ating bansa. Ang suliranin na ito ay may papel na ginagampanan sa kultura,
ekonomiya, sikolohiya, pambansang-iisip ng isang bansa. At sa bawat taon
na lumilipas, tila parami nang parami lalo ang bilang ng mga Pilipinong nasa
laylayan. Nagpapatunay dito ang mga datos na inilabas ng Family Income
Expenditure Survey (FEIS) at Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (PSA)
noong mga nagdaang taon.

Kaakibat ng paglala ng kahirapan sa bansa ay ang patuloy na pagtaas


ng populasyon. At sa pagdami ng populasyon, dumadami rin ang mga
pamilyang hindi umabot sa Poverty Threshold o ang minimum na kita na
kailangan ng isang pamilya upang matugunan ang kanilang mga
pangunahing pangangailangan sa araw-araw. Karamihan ng nasa ilalim ng
poverty line ay nagmula rin sa Autonomous Region in Muslim Mindanao
(ARMM) na may 55.4 porsyento ng poverty incidence sa bansa.

Madami pang hakbang ang kailangang gawin ng gobyerno at ng bawat


Pilipino upang malutas ang kahirapan na siyang matagal ng problema ng
ating bansa. At lahat ng solusyon na puwedeng ihain sa bansa ay
magsisimula dapat sa bawat mamamayang Pilipino. Ang problemang ito ay
hindi kayang solusyonan ng isang tao o isang grupo lamang.

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

Rekomendasyon

Base sa mga pag-aaral, inirerekomenda ng mga manananaliksik ang


sumusunod:

1. Bigyan ng importansya ang edukasyon. Mahalaga ang diploma sa


pagtatrabaho.
2. Magkaroon ng proper sex education at family planning.
3. Sumabay sa patuloy na pagbabago ng mundo, buksan ang isip sa mga
makabagong ideya.

Sanggunian

Department of Labor and Employment. (n.d.). Paano sinusukat ang


kahirapan? Retrieved October 28, 2022, from
https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/5_kahirapan.pdf

D. K. (2018, October 14). Life with Kate: Kahirapan sa Pilipinas. Retrieved


October 28, 2022, from
https://katevaldeavilla.wordpress.com/2018/10/14/kahirapan-sa-pilipinas/

National Economic and Development Authority. (n.d.). National Economic and


Development Authority. Retrieved October 28, 2022, from
https://neda.gov.ph/wp-content/uploads/2019/04/Frequently-Asked-
Questions-on-Poverty-Statistics.pdf

Philippine Statistics Authority. (n.d.). OFFICIAL POVERTY STATISTICS of


the PHILIPPINES: Pagtukoy sa mga mahihirap sa Pilipinas. Retrieved
October 28, 2022, from https://psa.gov.ph/sites/default/files/FAQ%20on
%20Poverty%20Statistics%20Methodology%20-%20Filipino.pdf

Smith, T. (2021, January 23). Kahirapan: mga katangian, sanhi, bunga, uri,
solusyon. warbletoncouncil. Retrieved October 28, 2022, from
https://tl.warbletoncouncil.org/causas-consecuencias-pobreza-13288

7
Leading Innovations, Transforming Lives
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph
COLLEGE OF ENGINEERING, ARCHITECTURE & FINE ARTS
Civil Engineering Department

Leading Innovations, Transforming Lives

You might also like