You are on page 1of 10

Department of Education

National Capital Region


DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────
EPEKTO NG MAY MABABANG PAGPAPAHALAGA SA SARILI SA
AKADEMIKO AT PAGGANAP SA MGA PILING MAG-AARAL SA
IKA-10 BAITANG SA PAARALAN NG
LAWANG BATO NATIONAL HIGHSCHOOL

Isang pananaliksik bilang pagtupad sa isa sa mga


pangangailangan sa asignaturang
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at sa kulturang

Ipinasa nina:
VINCE EUGENE AREVALO
ALEXIS GLENN ASPIRAS
JEAN PATRICK CARREON
ARIANNE GRACE GAWAT
SHANNE STEVEN NUGARA
WYNONA DWAYNE OLMOGUEZ
DIANA ROSE QUIJANO

11- ABM 1 Lakandula

Ipinasa kay:
Gng. Sheryl Palma
Guro

Setyembre 2019
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pagpapahalaga o pagpapaunlad sa sarili ay apektado kapag may masamang pangyayari

na nagaganap sa ating pag-iisip o kahit na anong parte ng ating utak. Na nagreresulta ng pagiging

negatibo ng ating pananaw sa buhay, pagkawala ng lakas ng loob na harapin ang mga dagok na dala

ng buhay, at kawalan ng pag-asa. Maraming hindi magagandang pangyayari ang magreresulta ng

mga kadahilanang ito. Ang kakulangan ng kompyansa sa sarili ay madalas sa mga taong mahihina

ang pagpapagana ng kanilang utak, kadalasan sa mga ito ay yung mga taong nakaranas ng

emosyonal, pisikal, o sekswal na pang-aabuso, o yung mga taong palaging nakakaramdam ng

diskriminasyon sa batayan ng kanilang relihiyon, kultura, lahi, kasarian, o oryentasyong sekswal.

Ang pagpapahalaga sa sarili ng isang indibidwal ay nakadepende sa kung paano tayo

lumaki, sa kung anong paraan tayo pinalaki ng ating mga magulang o sa mga tao na nakapaligid sa

atin magmula ng tayo ay bata pa. Malaki ang epekto ng ating karanasan sa buhay patungo sa kung

anong tiwala sa sarili ang meron tayo ngayon. Ang kawalan ng pagpapahalaga at tiwala sa sarili ay

hindi lamang isang ordinaryong problema. Kinakailangan parin natin itong pagtuunan ng pansin ng

gayon ay makahanap tayo ng agarang lunas o ating masolusyunan ito. Ang isang simpleng kawalan

ng tiwala sa sarili ay maaring magdulot ng malalim na depresyon kapag ito ay nagresulta ng hindi

maganda. Kinakailangan na humingi tayo ng payo o makipag-usap sa mga taong propesyonal.

1
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────
Ang pagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili ay maaaring isang palatandaan na

may nabubuong depresyon sa iyong isipan. Dahil dito ay nagkakaroon ng malaking dagok sa

pagpapahalaga sa sarili. Ito ang ilan sa mga sintomas ng may mababang pagpapahalaga sa sarili.

Una, nagsasabi ng negatibong bagay. Pangalawa, tumututok sa mga negatibo. Pangatlo, hindi

papansin ang mga nagawa niya. Pang-apat, iniisip niya na mas mababa siya kaysa sa iba. Pang-

lima, laging malungkot ang pakiramdam. Pang-anim, balisang pakiramdam o palagi siyang balisa.

Pang-pito, pakiramdam niya ay galit sa kanya lahat ng nasa paligid niya. Pang huli, laging nahihiya o

di kaya’y mahiyain.

Ang pagkakaroon ng may mababang pagpapahalaga sa sarili ay isa lamang sa maraming

problemang kinahaharap ng mga kabataan ngayon.Ito ay nagreresulta ng negatibong pananaw sa

karamihan na nagdudulot ng hindi magandang pagganap at nagiging sanhi rin ng mababang

akademiko.Ito ay nagbibigay ng mabigat na paghihirap sa buhay ng isang indibiduwal lalo na sa mga

mag-aaral na walang lakas ng loob para gawin ang kanilang kaganapan na dapat sana ay kanilang

nagagampanan. Ang pagpapahalaga sa sarili ng bawat indibidwal ay nagsisimula sa kanilang

kapaligiran, kung paano ang kapaligiran nila ay nagbibigay sa kanila ng negatibo o positibong

pananaw. Ito rin ay kung paano nila mailalahad ng maayos ang kanilang sarili sa harap ng maraming

tao lalo ng sa eskwelahan dahil dito dapat unang nahuhubog ang pagkakaroon ng mataas na self-

esteem.

2
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────

Batayang Konseptwal

Nais malaman ng Ang mga Inaasahan ng mga


mga mananaliksik mananaliksik ay mananaliksik sa pag-
kung gaano kadami mamamahagi ng aaral na ito na
ang mga kabataang survey sa mga ika-10 malaman kung
may mababang baitang na mag-aaral gaaano karami ang
pagpapahalaga sa sa Lawang Bato mga kabataang may
sarili sa ika-10 National Highschool mababang
baitang sa paaralang upang makakalap ng pagpapahalaga sa
Lawang Bato impormasyon o datos sarili sa ika-10
National Highschool hinggil sa paksang baitang sa paaralang
at ang epekto nito sa pinag-aaralan o Lawang Bato
ekonomiya kung tatalakayin. National Highschool.
kaya’t magsasagawa
ang mga
mananaliksik ng
survey ng mga
katanungan hinggil sa
paksang pinag-
aaralan.

3
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────
Makikita sa itaas ang batayang konseptwal nakasaad dito ang nais malaman ng mga

mananaliksik, ang pagbibigay ng survey, kung ano ang magiging positibo at neagtibo nito at ang

kakalabasan ng pag-aaral na ito. Sa pamamagitan nito, maipapaabot sa kinauukulan ang mga

hinaing ng mga mag-aaral nang sa gayon matukoy nila kung ano ang karapat-dapat gawin sa mga

kabataang may low self-esteem o mababang pagpapahalaga sa sarili. Ito ay magsisilbing

instrumento upang mabatid ng mga kaguruan ang problema na kinakaharap ng isang mag-aaral at

upang magkaroon din sila ng kaalaman sa mga impormasyon at datos na nakalap ng mga

mananaliksik. Sa tulong nito malulutas ang problema ng ating bansa patungkol sa mababang

pagpapahalaga sa sarili ng isang tao.

Paglalahad ng suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaiksik ang pananaw at ang mga maaaring maidulot nito sa mga

mag-aaral sa ika-10 baitang sa Lawang Bato National Highschool tungkol sa mga mag-aaral na may

mababang pagpapahalaga sa sarili. Ang pananaliksik ay may katangiang nais sikaping bigyan ng

kasagutan

1. Ano ang epekto ng may mababang pagpapahalaga sa sarili sa isang mag-aaral?

2. Anu-ano ang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng may mababang

pagpapahalaga sa sarili sa isang mag-aaral?

3. Paano makakatulong ang nasa mataas na kinauukulan sa mga kabataang nakakaranas ng

ganitong problema sa kanilang sarili?

4
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at maging kapaki-

pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkaroon ng karagdagang

impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral, at pamulatin ang pag-iisip ng mga estudyanteng puro

negatibo nalang ang iniisip. Sa pamamagitan din nito ay maagang mamumulat ang bawat isa sa

kahalagahan ng kanilang mga kinabukasan at mabuksan ang bawat kamalayan sa pag-iisip at

mabigyang linaw at kasagutan ang kanilang katanungan tungkol dito.

Sa mga Guro. Ito ay makatutulong upang malaman ano ba ang pananaw at saloobin ng

kanilang mga estudyante na mayroong low self-esteem o mababang pagpapahalaga sa sarili. Sa

pamamagitan din nito, mas lalong nilang bibigyang pokus at mabigyan ng patnubay ang mga mag-

aaral na nakakaranas nito.

Sa mga Magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay makakatulong upang malaman

nila ang mga masasamang maidudulot ng pagkakaroon ng low self-esteem o mababang

pagpapahalaga sa sarili sa kanilang mga anak. Sa pamamagitan din nito, mas lalo nilang itutuon ang

kanilang atensyon sa kanilang mga anak at mabigyan ng sapat na gabay at patnubay.

5
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────

Sa Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at batayan

upang mas mapapaunlad pa ang mga pamamahala sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan nito, mas

lalo pang mapaigting ang seguridad sa paaralan, maiwasan ang pagkakaroon ng sanhi ng may

mababang pagpapahalaga sa sarili, at upang ang bawat mag-aaral ay mas lalong maging edukado at

disiplinado.

Sa mga susunod pang henerasyon. Ito ay makatutulong upang sila ay magkaroon ng

malawak na pananaw, karunungan at mapalawak ang kanilang kaisipan sa hinaharap. Makakatulong

din ito upang maiwasan na o di kaya’y pababain ang bilang nga mga kabataang nakararanas nito.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa ika-10 baitang ng Lawang Bato National Highschool

upang alamin ang kani - kanilang saloobin, opinyon at emosyon na kanilang nadarama sa

pagkakaroon ng may mababang pagpapahalaga sa sarili. Sa pag-aaral na ito aalamin ang sanhi at

epekto ng may mababang pagpapahalaga sa sarili at hindi produktibo na pagganap ng mga kabataan

o mag-aaral. Hindi na nabibilang ang mga personal na isyu na kinahaharap ng mga mag aaral kaya

sila nagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili lalo na sa saloob ng kanilang pamilya,

pakikisama sa kanilang mga kaibigan at iba.

6
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────
Ito ay para sa mga kabataang may mababang kompiyansa sa sarili at hindi gaanong

nagpapartisipasyon sa kahit anong aktibidad sa eskwelahan. Saklaw din ng pag-aaral na ito ang mga

iilang studyante na hindi nakikisalamuha sa iba dahil sa mababang pagtingin nila sa sarili nila na

nagreresulta ng walang kaibigan sa kapaligiran na ginagalawan niya. Hindi na rin nabibilang sa pag-

aaral na ito ang mga kabataang tinatawag na “sociable” bagkus alam nila kung paano makisalamuha

sa mga tao at kung paano nila ilalabas ang kanilang ugali sa mga taong makakasalamuha nila.

Hindi na rin kabilang dito ang mga taong iba ang paaralan ng kanilang pinag-uusapan

sapagkat saklaw lang nito ang mga kabataang nag-aaral sa mataas na paaralan ng Lawang Bato

National Highschool. Ngunit kabilang dito ang mga taong o kabataan na kalilipat lang na galing sa

ibang paaralan patungo dito. Mas tutuunan sila ng pansin sapagkat sila ang mga kabataang

nangangailangan ng makakausap lalo na sa loob ng klase. Saklaw din nito ang mga kabataang

nakaranas ng mangungutya dahil sa ito ay natatangi at kakaiba. Dahil dito mas dumarami pa ang

mga kabataang mababa ang pagpapahalaga sa sarili dahil hinahayaan na lamang nila ito mangyari

sa sarili nila kaysa mapang-abot pa sa kinauukulan o di kaya’y marahil takot sila at walang maaaring

mapagsabihan ng kanilang saloobin. Naging saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkalap ng mga

estudyanteng mababa ang pagpapahalaga sa sarili sa akademiko mula sa Lawang Bato National

Highschool dahil sa mga kadahilanang hindi nila maipakita ang kanilang kagalingan sa akademiko

dahil sa kanilang hiya at madalas iniisip nila ang opinyon o sasabihin ng iba sa kanilang sarili at dahil

doon nasasanay sila sa kanilang gawi kaya hindi lumakalas o tumataas ang kanilang pagpapahalaga

sa sarili sa akademiko. 7
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────
Kahulugan ng mga katawagan

Akademiko ~ Ang akademiko ay isang institusyon na kinabibilangan ng mga iskolar, artista at

siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palawakin ang kaalaman at kasanayan pangkaisipan

upang manatili ang matataas na pamantayan ng particular na larangan na tahanan ng mga iskolar.

Ito rin ay tumutukoy sa edukasyon,iskolarsyip. Institusyon o pag aaral na nagbibigay tuon sa

pagbasa, pagsulat at pag aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

Self-esteem ~ Ang pagpapahalaga sa sarili, pagpuri sa sarili, pagmamahal sa sarili, pag-estima

sa sarili, o pag-ibig sa sarili (Ingles: self-esteem) ay isang katagang ginagamit sa sikolohiya upang

ipamalas o ipasalamin o ipakita ang pangkalahatang pagsusuring pandamdamin ng isang tao. Isa

itong paghatol sa sarili pati isang kaasalan sa pagharap sa sarili. Ang labis na pagpapahalaga sa

sarili ay maaaring humantong sa pagkapalalo o kapalaluan.

Emosyon ~ Ang emosyon o damdamin (Ingles: emotion, feeling) ay ang pakiramdam ng isang

tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa,

o ang ugali ng isang indibidwal. Iba iba ang emosyon na mararamdaman sa buhay tulad ng saya,

lungkot, pagsisisi, pag-galit, tuwa at iba pa. Lahat ng tao ay may emosyon, maaring manhid ang

isang tao na minsan makaramdam kung siya ay hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maari ring ang

emosyon ng isang tao ay dulot ng pag-ibig o pagmamahal.

8
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – VALENZUELA
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
0543 Centro St., Lawang Bato, Valenzuela City
Tel. No. : (02) 983-9321; e-mail add: lawangbato_nationalhighschool@yahoo.com

──────────────────────────────────────────────────────
Sociable ~ mahilig sa pakikipagkapwa, sosyal, mahilig sa pakikipagkaibigan, mahilig

makipagkaibigan, masamahin

Diskriminasyon ~ Ang diskriminasyon ay isang pagtrato sa isang tao sa hindi patas at pantay

na pamamaraan dahil sa mga taglay nitong pisikal o mental na kaanyunan na tila naiiba sa

karamihan ng mga tao.

You might also like