You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
BatStateU-Alangilan
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City
Tel No.  (043) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Engineering

3 Paksa Para sa Pananaliksik

Isinumite nina:

Carandang, Karylle Gianne B.


Caringal, Rexine Anne L.
Fortus, Angeline R.
Gloria, Patricia Isabelle C.
Reyes, Rhey Val V.

CpE 3101

Isinumite kay:
Bb. Jean Valery Sarmiento

FILI 102 - Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina

September 21, 2022

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
BatStateU-Alangilan
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City
Tel No.  (043) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Engineering

1. Edukasyon
Problema ng mga Estudyante sa Pag-balanse ng Oras para sa mga Gawaing
Akademiko
Rationale
Maraming estudyante ngayon ang nahihirapan sa pag-balanse ng oras para sa kanilang
mga gawaing pang-akademiko. Ayon kay Wendeliem van Eerde sa Britannica, ang
time-management ay ang pag-sasaayos ng gagamiting oras sa bawat gawain, kung paano
isasagawa ang bawat gawain ng mas mabilis, at kung anong aktibidad ang angkop sa bawat oras.
Ngayon, dahil dumadami na ang mga gawain, nakakaharap na ng mga problema ang mga
estudyante sa time-mangement o ang pag-babalanse ng oras.

2. Wika
Komprehensibong Pag-aaral tungkol sa Epekto ng mga Programang Pantelebisyon
sa Wikang Filipino
Rationale
Ang hindi inaasahang pagdating ng nakakamatay na sakit na Coronavirus Disease o mas
kilala sa tawag na COVID-19 ay nagdulot ng iba’t-ibang negatibong epekto hindi lamang sa
ekonomiya ng bansa kundi sa marami pang aspeto kagaya ng pagbabago ng normal na
pamumuhay ng mga tao. Hindi maitatanggi ang lungkot na nararamdaman ng mamamayang
Pilipino lalo na noong napasailalim ang Pilipinas sa total lockdown. Dahil dito, karamihan sa
mga Pilipino ang naghanap ng maaaring mapaglibangan. Isa na rito ang panonood ng mga
programang pantelebisyon sa loob at maging sa labas ng bansa tulad ng mga kdrama, cdrama,
anime, at iba pa. Bagaman ang ilan sa mga halimbawa ng mga palabas na nabanggit ay
gumagamit ng ibang wika, patuloy pa din itong tinatangkilik ng ating mga kapwa. Sa
kasalukuyan, malugod pa rin na tinatanggap at patuloy pa din ang pag usbong ng mga ganitong
uri ng palabas dito sa Pilipinas kung kaya’t nagkaroon na ng epekto ang mga ito sa bawat tao.

Leading Innovations, Transforming Lives


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
BatStateU-Alangilan
Golden Country Homes, Alangilan, Batangas City
Tel No.  (043) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Engineering

3. Inflation (Implasyon)
Ang Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng mga Bilihin at Produktong Petrolyo at ang
mga Epekto Nito
Rationale
Maraming bansa ang nahaharap sa problema ng pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
mga bilihin sa pamilihan at maging ng mga produktong petrolyo. Ayon kay Montemar, marami
ang mga salik na naging dahilan ng implasyon at ilan lamang dito ay ang pagtaas ng buwis at ang
demand sa produktong kagaya ng petrolyo at diesel. Isa pa, ang isyu sa supply chain na sanhi ng
kakulangan sa suplay at nagtutulak din sa consumer prices ay malaking salik sa pagkakaroon ng
isyung ito sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Sa hirap ng sitwasyon na dinanas at patuloy pa din
na dinadanas sa ngayon ng karamihan ngayong may pandemya, napakalaking suliranin ang
pagtaas ng presyo ng mga karaniwang pangangailangan. Sa ngayon, ramdam natin na ang labis
at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay hindi maganda sapagkat madami itong dalang
negatibong epekto.

Leading Innovations, Transforming Lives

You might also like