You are on page 1of 7

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

Pananaliksik Ukol sa mga Karanasan ng mga mag-aaral ng Senior High Schoool

ng Emilio Aguinaldo College-Cavite sa mga Aplikasyong Ginagamit sa

Pagsasalin ng mga Salitang Tagalog sa Ingles

Isang Pamanahong Papel na Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na Iniharap sa Senior

High School sa Departamento ng Filipino sa

Kolehiyo ng Emilio Aguinaldo - Cavite

Ipinasa nina:

Abian, Luke Wilson E.

Calixto, Marc Jansen C.

Damiar, Lorenzo Jryly B.

Del Monte, Lorraine Mae P.

Fatalla, Mylany L.

Fullo, Milyn Grace M.

Labajo, Nicole Kate A.

Peñaloza, Rhaine Alexine V.

Peñarubia, Samantha Wayne S.

Villocillo, Sophia Francine C.

Ipinasa kay:

Ms. Abegail Salemo-Padrogaya, LPT


Guro sa Asignatura

PETSA NG PAGPASA

Mayo 2023
QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

INTRODUKSIYON

Ayon sa English Explorer, kilala at itinuturing ang Wikang Ingles bilang

pandaigidigang lingua franca sa buong mundo. Ito’y sa kadahilanang maraming bansa

ang ginagamit ito bilang kanilang pangunahing wika sa pakikipagtalastasan. Bukod pa rito,

ito ang karaniwang wikang nagbibigay-daan sa mga tao na maunawaan ang isa’t isa,

magkakaiba man ang kanilang kultura at etnikong pinagmulan. Sa tulong ng Wikang

Ingels, mas nagiging madali ang paraan ng pakikipag-usap sa maraming bansa.

Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalalaking bansang gumagamit ng

Wikang Ingles bilang isa sa mga pangunahing wika nito. Kabilang ito sa dalawang

kinikilalang wika ng pagtuturo sa bansa na pinagtibay ng Batas Republika Blg. 10533.

Maging sa komersiyo, ito rin ang wikang mas madalas na ginagamit. Bunsod nito,

masasabing napakahalaga ng nasabing wika sa mga Pilipino lalo na sa mga mag-aaral.

Gayunman, hindi maikakailang hindi lahat ng mga Pilipino ay bihasa o ‘fluent’ ika

nga, sa paggamit ng Wikang Ingles. Ito ang dahilan kung kaya’t marami sa mga ito’y

kinakailangang gumamit ng mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng mga salitang

Tagalog sa Ingles partikular na ang mga estudyante. Dahil nga isa ito sa dalawang

kinikilalang wika ng pagtuturo sa bansa, karamihan sa mga sulating akademikong

kinakailangang ipasa ng mga mag-aaral ay kinakailangang nakasalin sa Wikang Ingles.

Sa pag-aaral na ito, hangad ng mga mananaliksik na suriin ang mga karanasan ng

mga estudyante partikular ng mga mag-aaral ng senior high school ng Emilio Aguinaldo

College-Cavite sa paggamit ng mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng mga salitang

Tagalog sa Ingles. Hangad din ng pananaliksik na ito na mgabigay linaw at magdagdag

kaalaman sa mga naunang mga pag-aaral at mga susunod pang mga pag-aaral sa

hinaharap sa tulong ng mga datos na makakalap nito.

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang karanasan ng mga mag aaral

ng Emilio Aguinaldo College - Cavite sa pagsasalin ng mga salitang Tagalog sa Ingles.

Nais nitong matukoy ang iba’t ibang aspetong nakaiimpluwensiya sa pasya ng mga mag-

aaral na gumagamit ng teknolohiya upang masalin ang sariling wika sa komunikatibong

pandaigdigan.

Ang layunin ng mga mananaliksik ay komprehensibong masaliksik kung paano

nakaapekto ang pagsasalin ng wika sa mga mag-aaral at kung sa paanong paraan ito

mas nagiging epektibo at katiwa-tiwalang gamitin. Ang tiyak na layunin ng pananaliksik ay

ang mga sumusunod:

1. Tuklasin ang karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng aplikayong ginagamit sa

pagsalin ng wikang Tagalog sa Ingles.

2. Matukoy ang maganda at hindi magandang dulot ng aplikasyon na ito sa mga mag-

aaral.

3. Maimulat sa mga magaaral ang tama o wastong paggamit ng aplikasyong ginagamit ng

pagsalin ng mga salita

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga karanasan ng mga mag-aaral na

nasa Ikalabing-isa at Ikalabing-dalawang baitang ng Emilio Aguinaldo College-Cavite sa

mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng mga salitang tagalog sa ingles.

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan na gustong bigyang linaw ng mga

mananaliksik:

1. Ano ang mga aplikasyong ginagamit ng mga mag-aaral ng Senior High School

ng Emilio Aguinaldo College-Cavite sa pagsasalin ng mga salitang Tagalog sa

Ingles?

2. Gaano kadalas ginagamit ng mga mag-aaral ng Senior High School ng Emilio

Aguinaldo College-Cavite ang mga aplikasyong ito sa pagsasalin ng mga salita?

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

3. Ano ang mga benepisyong nakukuha ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga

aplikasyong ito sa pagsasalin ng mga salita?

4. Ano ang mga limitasyon o hindi magandang karanasan ng mga mag-aaral sa

paggamit ng mga aplikasyong ito sa pagsasalin ng mga salita?

PAHAYAG NG TESIS

Kaakibat ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya sa kasalukuyang nagaganap

na globalisasyon, nagdulot ito ng mga pangangailangan sa wika. Ang Wikang Ingles ang

ginagamit sa pandaigdigang pag-uusap. Upang epektibong maisagawa ito, maraming

Pilipino ang isinasalin ang wikang Tagalog sa Ingles at makasabay sa global na

komunikasyon. Ginamit ang teknolohiya sa pangangailangang ito ng mga propesyonal sa

pamamagitan ng mga aplikasyon. Ang paggamit ng mga aplikasyong nagsasalin ng

wikang Tagalog sa Ingles ay kapaki-pakinabang sa pakikipag-ugnayan ng bansa sa

panlabas na sektor. Ito ay nagbibigay ng mga oportunidad sa mga Pilipino upang

maisama ang sariling bansa sa pandaigdigang komunikasyon. Sa pamamagitan ng mga

ito, mas nagiging mabilis at epektibo ang pagsasalin ng mga dokumento, mensahe, at iba

pang impormasyon at mas maintindihan pa ng mga opisyal. Espesipiko sa sakop ng pag-

aaral na ito, makabubuti sa mga mag-aaral ang paggamit ng mga ito dahil mas

matutunan nila ang kahulugan ng mga salita sa Ingles pag isinalin sa wikang kinalakhan.

Magagamit nila ang impormasyong ito sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman na

makapagpapaunlad ng kanilang sariling kakayahan pagdating sa pandaigdigan o ang

global competence. Ito ay isang malaking hakbang tungo sa paghahanda para sa kani-

kanilang trabaho sa kinabukasan. Dahil sa kasalukuyang globalisasyon, mahalaga ang

kakayahan sa Wikang Ingles upang makasabay sa pandaigdigang komunikasyon at

makapagsagawa ng pakikipag-ugnayan sa iba't ibang bansa at kultura. Ang inilunsad na

mga aplikasyong nagsasalin ng Wikang Ingles sa Tagalog ay isa sa mga inisyatibang

teknikal na tumutugon sa pangangailangan ng makabagong mundo.

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa mga karanasan ng mga mag-aaral ng

senior high school ng Emilio Aguinaldo College-Cavite sa paggamit ng mga

aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng mga salitang Tagalog sa Ingles.

Totoong hindi maikakailang hindi lahat ng mga Pilipino ay bihasa sa paggamit

ng Wikang Ingles kung kaya nama’y hindi nakapagtataka na marami ang mga

estudyanteng umaasa sa mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng wika.

Ginagamit nila ang mga ito sa pagbuo ng kanilang mga sulating pang-akademiko,

paghahanda sa mga presentasyon, pag-intindi sa mga binabasa, at kung ano-ano pa.

Sa tulong ng mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng mga salita gaya na lamang

ng Google Translate, mas napapadali ang paraan ng kanilang pag-aaral.

Sa pagtatapos, hindi matatawaran ang tulong naibibigay ng mga nabanggit na

aplikasyon sa mga mag-aaral. Sa pananaliksik na ito, bukod sa mapag-aaralan ang

mga karanasan nila sa paggamit ng mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng wika,

masusuri rin ang mga epekto nito sa mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong din sa mga sumusunod:

 Mga mag-aaral. Upang malaman nila kung talaga nga bang nakatutulong ang

mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng mga salita sa kanila at kung sa

paanong paraan nga ba dapat nila gamitin ang mga ito.

 Mga guro. Upang ipaalam sa kanila ang kahalagahan at kung gaano

kaepektibo ang mga aplikasyong ginagamit sa pagsasalin ng mga salita sa

kanilang mga mag-aaral.

 Mga app developers. Upang ipaalam sa kanila ang karanasan ng mga mag-

aaral ng senior high school ng Emilio Aguinaldo College-Cavite sa paggamit

ng kanilang mga aplikasyong na ginagamit sa pagsasalin ng mga salia. Sa

ganitong paraa’y malalaman nila kung ano ang mga bagay na kailangan nilang

ayusin o idagdag upang mas mapabuti ang kanilang mga aplikasyon.

LAWAK AT DELIMITASYON NG PAPEL

Ang sakop ng pag-aaral na ito ay limitado sa mga karanasanan ng mga mag-


QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

aaral ng senior high schoool ng Emilio Aguinaldo College-Cavite sa mga aplikasyong

ginagamit sa pagsasalin ng mga salitang Tagalog sa Ingles. Susuriin ng mga

mananaliksik ang nasabing mga karanasan at aalamin kung paano nakaaapekto sa

mga mag-aaral ang mga nabanggit na aplikasyon at kung sa paanong paraan ito mas

nagiging epektibo at katiwa-tiwalang gamitin. Ang gagamiting proseso ng mga

mananaliksik sa pagkuha ng datos mula sa tatlong (3) kalahok na nasa Ikalabing-isa at

Ikalabing-dalawang baitang ng Emilio Aguinaldo College-Cavite ay ang mga metodong

ginagamit sa pagkalap ng datos sa kwalitibong pananaliksik. Kabahagi ng pananaliksik

na ito ang institusyon ng Emilio Aguinaldo College-Cavite na siyang magsisilbing

tagpuan nitong pag-aaral.

KATUTURAN NG PAGTALAKAY (DEFINITION OF TERMS)

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE

You might also like