You are on page 1of 21

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA PAGTAAS NG BILANG NG MGA


KALALAKIHANG MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG AISAT DASMARIÑAS CITY NA
GUMAGAMIT NG MGA GAY-LINGO NA WIKA TUNGO SA PAGPAPAKILALA NG
KANILANG MGA SARILI SA LIPUNAN AT WIKA NA KANILANG KINABIBILANGAN

Isang Pamanahong Papel na Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na Iniharap sa Senior
High School sa Departamento ng Filipino sa
Emilio Aguinaldo College- Cavite

Ipinasa nina:

MARC LOURENZ CUBCUBIN


JESSICA ALMELOR
MARIAH KAITLYN AVENIR
KATE CALAWIGAN
MARIEL LLOY CAWASAN
JOLEEN ESMEDULLAR
SHANA LAGUNDAY
ELLYZA YVONNE OMEGA
RIANNE RASCO
KYLA MAE SUAREZ

Ipinasa kay:

BB. AZENITH M. RECILE


Guro sa Asignatura

Abril 2020

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

INTRODUKSIYON

Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-ugnayan

at pakikipag-usap sa ibang tao, dahil ito ay kaakibat na at laging ginagamit sa pang

araw-araw na pamumuuhay. Ayon nga kay Gallicia (2007), ang wika ay nag-uugnay at

nagsasaad ng kaisipan sa bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang. Ang wika ay isang

behikulo sa mabisang pagtatalakayan, pagkakaunawaan at pagpapahayag ng iba’t

ibang mga nararamdaman at saloobin sa buhay. Ang wika ay pinakamahalagang

biyaya ng Diyos sa tao, at ang paggamit nito ay isang katangiang ikinaiba nito sa iba

pang nilalang ng Diyos.

Sa paglipas ng panahon, mapapansin natin ang mabilis na pagbabago sa ating

wika na kung saan marami ng nadaragdag na mga salita na hindi natin inaasahan,

bukod pa rito, marami na ring mga nagsusulputan at umuusbong na wika sa ating

lipunan, kabilang na dito ang wikang Gay – Lingo na pinauso ng mga nasa ikatlong

kasarian partikular na ng mga bakla.

Dagdag pa dito, mapapansin din natin ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga

Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng wikang Gay-Lingo sa kanilang

pakikipagtalastasan. Kalimitan na natin ngayong naririnig na ginagamit ito sa mga

programa sa radyo at telebisyon na tinagurian noong “lihim na wika” ng mga bakla na

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

ang layunin ay mang-aliw at magpatawa ng mga taong nakikinig at nanunuod sa

kanilang mga programa. Maging sa ibang mga aspeto ng buhay ay ginagamit na rin ito

sa gayunding kadahilanan. Sa kasalukuyan, masasabi nating hindi na lamang ang mga

bakla ang maririnig at makikita nating gumagamit ng wikang Gay-Lingo o Swardspeak.

Ito’y dahil pati rin ang mga kababaihan, mga bata, mga mag-aaral at ibang mga

kalalakihan ay natututo na ring gumamit ng kakaibang lenggwaheng pinausbong at

pinauso ng mga nasa ikatlong kasarian lalo na ang mga bakla.

Dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ating wika, masasabi nating may

maaaring epekto ito sa ating pakikipagkomunikasyon sa ibang tao at lalong higit sa

ating lipunang ginagalawan. Kaya naman ang pag-alam at pag-tukoy sa mga dahilan ng

mga Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng wikang Gay-Lingo ay kinakailangan.

Ayon nga kay Alba (2006), ang wikang Gay-Lingo ay ginagamit ng mga Pilipinong bakla

at ito ay tinatawag na isang jargon para itago o ikubli ang kanilang usapan sa tuwing

sila ay nakaharap sa isang malaking grupo ng mga tao na ang pinag-uusapan ay

tungkol sa pakikipagtalik upang maprotektahan ang mga taong hindi sanay sa ganitong

paksa.

Ayon naman sa mga lingwista, pidgin ang tawag sa isang uri ng wika na sila

lamang ang nakakaintindi ng pananalita at ito ay nabuo sa kadahilanang may

pangangailangan ang ilang grupo ng tao na mag-usap (Lim, 2009). Ito rin ay mayroong

patakaran o alituntuning sinusunod tulad ng gramatika at balarila. Alinsunod dito, ang

balarila o ang pagbigkas ng isang tao sa mga salita na ginagamit sa wikang Gay-Lingo

ay walang makapagsasabi na mali sapagkat ang wikang Gay-Lingo ay sinasabing isang

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

pre-pidgin na ang ibig sabihin ay walang sinusunod na alituntunin sa bawat paggamit ng

mga salita nito (Santos, 2007).

Ayon kay Michael Tan, ang wikang Gay-Lingo ay nilalaro, pinaiikot at pinuputol

ang pagbibigkas at kahulugan ng mga salitang Ingles kung kaya ito ay masasabing

maraming pagkakahawig sa Carabao English (Ruth, 2008). Ngunit, ang wikang Gay-

Lingo naman ay isang anti-language ayon kay Montgomery, na kung saan sinabi niya

na ito ay nagsimulang umusbong sa mga minorya o maliliit na grupo at kasukdulang

bersiyon ng wikang bayan na maituturing na walang lugar o di napapansin sa lipunan.

Subalit binawi na niya ito ngayon sapagkat ayon sa kanya tanggap na ito sa ating

lipunan (Ruth, 2008).

Ang pamanahong papel na ito ay magbibigay ng iba’t ibang kaalaman at

impormasyon tungkol sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Kalalakikang mag-aaral

sa Kolehiyo ng Asian Institute of Science and Technology (AISAT) sa Lungsod ng

Dasmariñas City na gumagamit ng wikang Gay-Lingo upang ipakilala ang kanilang mga

sarili sa lipunan at tanggapin ang kanilang wikang kinabibilangan. Nakapaloob din dito

ang ilang mga halimbawa ng mga salitang madalas gamitin na wikang Gay-Lingo ng

mga respondente, mga pananaw at dahilan ng mga ito pati na rin ang magagandang

epekto na kanilang makukuha sa patuloy na paggamit ng wikang Gay-Lingo sa kanilang

pakikipagtalastasan.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masiyasat ang tumataas na bilang ng mga

Kalalakihang mag-aaral sa Kolehiyo ng Asian Institute of Science and Technology

(AISAT) Dasmariñas City na gumagamit ng Gay-Lingo na wika tungo sa pagpapakilala

ng kanilang mga sarili sa lipunan at wika na kanilang kinabibilangan. Ang mga

sumusunod ang tiyak na layunin sa pag-aaral na ito:

1. Mabatid ang wikang ginagamit ng mga Kalalakihang mag-aaral na tinatawag

na Gay-Lingo.

2. Matuklasan ang mga dahilan ng mga Kalalakihang mag-aaral na gumagamit

ng wikang Gay-Lingo.

3. Malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng wikang

Gay-Lingo ng mga Kalalakihang mag-aaral.

SULIRANIN NG PAG-AARAL

Nais ng mga mananaliksik na masagot ang iba’t ibang katanungan hinggil sa

tumataas na bilang ng mga Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng wikang Gay-

Lingo. Ito ay may layuning sagutin ang mga sumusunod na tiyak na suliranin:

1. Ano ang wikang Gay-Lingo na madalas ginagamit ng mga Kalalakihang mag-

aaral?

2. Ano-ano ang mga dahilan ng mga Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng

wikang Gay-Lingo?

3. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng wikang Gay-

Lingo sa mga Kalalakihang mag-aaral?

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

1. Kalalakihang mag-aaral. makakatulong ang pananaliksik na ito upang lalong

mapalawak ang kaalaman nila tungkol sa wikang Gay-Lingo na kanilang

ginagamit at magsisilbing gabay rin ito upang malinang ang kanilang kaisipan

sa mga epekto tuwing sila ay gumagamit ng wikang Gay-Lingo sa

pakikipagtalastasan sa ibang tao.

2. Guro ng Asignaturang Filipino. madaragdagan ang kanilang kaalaman sa

mga dapat gawin sa kanilang mga Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng

wikang Gay-Lingo nang sa gayon ay magabayan at matulungan sila sa

tamang pamamaraan.

3. Kagawaran ng Edukasyon. makakatulong ang pananaliksik na ito upang

kanilang maging batayan sa kung ano ang maaari nilang gawin at ibahagi sa

mga paaralan tulad ng mga kolehiyo at unibersidad, mga guro, mga mag-

aaral lalong higit sa mga Kalalakihan na gumagamit ng wikang Gay-lingo sa

kanilang pakikipagtalastasan tungo sa wastong pag-aaral at pagpapakilala ng

kanilang mga sarili sa lipunan at wika na kanilang kinabibilangan.

BATAYANG TEORITIKAL

TEORYANG INNATIVE (CHOMSKY, 1960)

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Kahanga-hanga kung iisipin na napakabilis matuto ng isang bata na makaunawa

at kinalaunan ay makabigkas narin ng iba’t-ibang mga lengguwahe o salita. Sa

Teoryang Innative (Chomsky, 1960), ang abilidad ng isang tao na matuto ng

lengguwahe ay likas na sa bawat indibidwal. Ayon din kay Noam Chomsky, simula

pagkabata ay may abilidad na ang bawat indibidwal na makaunawa ng istruktura at

mga panuntunan bago pa makaunawa ang tao ng pagkadami-daming lengguwahe o

salita.

Malaki ang magiging tulong at bahagi ng Teoryang Innative na nagmula kay

Noam Chomsky sa pananaliksik ukol sa wikang Gay-Lingo. Maraming ideya ukol sa

teoryang ito ang maaaring gamitin ng mga mananaliksik. Makatutulong sa

pagsaliksik kung paano at saan nagsimula ang wikang Gay-Lingo at mahihinuha

kung ito ba ay isang likas o ideya lamang na syang lumaganap ng napakabilis sa

marami.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pamanahong papel na ito ay nakatuon sa tumataas na bilang ng mga

Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng mga Gay-Lingo na wika tungo sa

pagpapakilala ng kanilang mga sarili sa lipunan at wika na kanilang kinabibilangan.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga Kalalakihang mag-aaral sa Kolehiyo ng Asian

Institute of Science and Technology (AISAT) ng Dasmariñas City na may bilang na

50. Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik

sapagkat sila ang makapagbibigay opiniyon at resulta ng bilang ukol sa nasabing

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

pag-aaral. Random Sampling ang paraan ng pagpili ng mga mananaliksik sa

kanilang mga respondente sapagkat sa pamamagitan nito ang lahat ng mga

Kalalakihang mag-aaral sa Kolehiyo ng AISAT Dasmariñas City ay binibigyan ng

pantay na karapatan upang maging respondente.

Ang pananaliksik na ito ay hindi tumutukoy sa panlahat na saloobin o pananaw

ng mga respondente o mga Kalalakihang mag-aaral sa buong Kolehiyo ng

Dasmariñas City, sapagkat ito ay may kinalaman lamang sa mga saloobin ng mga

Kalalakihang mag-aaral sa Kolehiyo ng AISAT. Ngunit anuman ang kalalabasan ng

bawat resulta tulad ng bilang ng nasabing pag-aaral ay hindi malayo sa mga

saloobin at resulta ng mga nakaraang mananaliksik tungkol sa mga Kalalakihang

mag-aaral na gumagamit ng wikang Gay-Lingo.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Anti-Language – dayalekto o pamamaraan ng pakikipag-usap sa loob ng isang

komunidad, pagsasalita ng minorya na hindi kasama ang mga miyembro ng

pangunahing komunidad sa pagsasalita.

Gay-Lingo – tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang, sward

speak at gay slang. Isa rin itong patagong wika o salitang balbal na nagmula sa

Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles) na ginagamit ng ilang homoseksuwal sa

Pilipinas.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Gramatika – patakaran o alituntuning sinusunod.

Komunikasyon – isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na

ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.

Jargon - ingles na salita na tumutukoy sa mga espesyal na salita o ekspresyon na

ginagamit ng isang particular na grupo ng mga taong propesyunal at mga

espesyalista.

Pidgin – bagong wika na tumututukoy sa wikang walang pormal na estruktura.

Pre-pidgin - walang sinusunod na alituntunin sa bawat paggamit ng mga salita nito.

Wika – masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili sa paraang arbitraryo

upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Wikang Filipino – ang opisyal na wika ng Pilipinas at batay sa lahat ng wikang

umiiral sa ating bansa.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito na may paksang “Pagtaas ng Bilang ng mga Kalalakihang

Mag-aaral sa Kolehiyo ng AISAT Dasmariñas City na gumagamit ng mga Gay-Lingo na

Wika tungo sa Pagpapakilala ng Kanilang mga Sarili sa Lipunan at Wika na Kanilang

Kinabibilangan” ay naglalaman ng mga banyagang literatura, banyagang pag-aaral,

lokal na pag-aaral at lokal na literaturang mula sa mga journal, nalathala at hindi

nailathalang tesis at iba pang lathalain na nagbigay ng mga impormasyon na nagamit

ng mga mananaliksik kaugnay sa nasabing paksa.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral ng Infanta,

Quezon patungkol sa wikang Gay – Lingo na kung saan nakabuo sila ng konklusyon

batay sa kanilang mga natuklasang pag-aaral. Una, na nangunguna sa edad ng mga

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

respondente ang mga nasa gulang 15 – 16 sa may pinakamataas na bahagdan na

tumugon na may bilang na 222 mag-aaral o 88 %, sumunod ang mga nasa gulang 17 -

pataas 0.9 % at ang mga nasa gulang 13 – 14 o 3 %. Walang mag-aaral ang nasa

gulang 15 - 16 o 88 %, nangangahulugang ito ang edad ng karamihan sa ikaapat na

antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Ikalawa, na nangunguna sa kasarian ng

mga respondente ang bilang ng mga kababaihan sa may pinakamataas na bahagdan o

bilang na tumugon na may bilang na 163 mag-aaral o 65 %, sumunod ang mga lalaki

na may bilang na 3 mag-aaral o 1 %. Dahil sa kadahilanang napakaraming mag-aaral

na tumugon sa kababaihan, nagpapakita lamang ito na ang babaeng kasarian ng mga

nasa ikaapat na antas ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan ang nangunguna.

Ikatlo, na nangunguna sa panahong ginagamit ang wikang Gay – Lingo kapag kabahagi

ang barkada sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158

mag-aaral o 63 %, sumunod ang sa malayong oras na may bilang na 64 mag-aaral o 25

%, sinundan ng kapag nasal abas ng paaralan na may bilang na 26 mag-aaral o 10 %

at pinakahuli sa oras ng talakayan na may bilang na 4 mag-aaral o 2 %. Ika-apat at

pinakahuli, na nangunguna sa dahilan ng paggamit ng wikang Gay - Lingo na kapag

kausap din ang gumagamit din nito sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na

may bilang na 110 mag-aaral o 44 %, sumunod ang kadahilanang sumusunod lamang

sa uso na may bilang na 99 mag-aaral o 39 %, sinundan na kapag nagkakaroon ng

malayang talakayan na may bilang na 32 mag-aaral o 13 % at kapag kailangan sa

pagpapahayag ng kaisipan na may bilang na 11 mag-aaral o 4 %. Dahil sa

napakaraming mga mag-aaral ang tumugon na kapag kausap din ang mismong

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

gumagamit nito, nangangahulugang ito ang pinaka dahilan ng karamihan sa ikaapat na

antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon.

Batay kay Roque (2010), sa kanyang pag-aaral tungkol sa wikang Gay – Lingo.

Ang “Gay – Lingo” ay may kakayahan na bigyang kulay at saya ang isang komunidad o

lipunan tulad ng lipunang Pilipino. Ang wikang Gay – Lingo ay walang sinusunod na

unibersal na tuntuning gramatika at balarila sapagkat kusa itong nabubuo sa ating mga

kaisipan. Ang wika ng mga bakla sa teknikal na termino ay isa sa mga tinatawag na

sosyolek. Nakakalikha sila ng mga bagong salita na nagpapakita ng kanilang

pagkamalikhain. Maaari rin naming umimbento sila ng sariling wika upang maipakita sa

ibang tao at sa lipunan ang kanilang kaibahan sa mga ito. Ngunit ayon naman kay

Panes (2015), sa kaniyang inilathalang tesis na may pamagat na “Gay – Lingo: Register

ng mga Bakla sa Poblacion Siay, Zamboanga” masasabi malaki ang naging tulong ng

wika upang mapabilis na magkaunawaan ang dalawang taong nag-uusap at

nakakatulong rin ito sa pagkakaroon ng isang epektibong pakikipag-panayam, ngunit

dagdag pa niya na mayroong epekto ang pag-gamit ng wikang Gay – Lingo sa mga

taong nasa paligid nito dahil hindi lingid sa ating mga kaalaman na hindi na nagagamit

ng wasto ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon dahil sa

iba’t-ibang klase ng wika na umuusbong sa ating lipunan particular na ang wikang

pinauso ng mga bakla na kung tawagin ay wikang “Gay – Lingo.”

Base kina McCormack, wignall at Morris (2016), ang artikulong ito ay

naglalayong makipagpanayam sa tatlumpu’t limang bakla na undergraduates mula sa

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

apat na unibersidad sa bansang England upang makabuo ng pagbabago sap ag-unawa

at pangangalaga ng likas na katangian ng wika na nauugnay sa homosexuality. Halos

lahat ng mga respondente sap ag-aaral na ito ay tinanggihan ang paniniwalang ang

ibang parirala na matatagpuan sa wika ng mga bakla ay likas na homophobic, na kung

saan nagpaliwanag na ang kanilang Layunin sa kanilang mga sinasabi at ginagamit na

wika ay napakahalaga hindi lamang para maintindihan ang nagiging epekto nito kung

hindi pati narin sa tunay na kahulugan nito. Bilang pagbibigay pansin sa mismong

problemang ito, nagpakita rin ang mga mananaliksik ng importansiya sa pagkakaroon

ng mga norms sa pagitan ng mga taong nagsasalita at nakikinig ng iba’t-ibang salita na

matatagpuan sa Gay – Language.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Base kay Depante (2015), ang pag-aaral na kaniyang ginawa ay may layuning

maglahad ng mga impormasyon tungkol sa mga Pilipinong Gay, ang kanilang wika o

ang tinatawag na Gay – Lingo. Ito ay para malaman kung ano ang tunay na kahulugan

ng wikang Gay – Lingo na pinauso at pinausbong ng mga bakla, ang dahilan kung bakit

ito

nabuo, paano ito nagsimula o lumaganap, at ano ang pangkalahatang epekto nito sa

ating kawikaan at mamamayan. Ang isa pang adhikain ng pag-aaral o pagsusuring

ginawa ni Depante (2015), ay upang malaman kung paano nabubuo ang mga salita

nito, paano ito ginagamit at kung bakit napakabilis magbago ng mga salita sa wikang

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Gay – Lingo. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapalawak ang mga impormasyong

kasalukuyang mayroon na upang maihayag ang kahalagahan nito at mas mabigyang

paliwanag ang tunay na kahulugan ng wikang Gay – Lingo sa Pilipinas.

Ang pag-aaral na isinagawa nina Barrameda et al. (2010), ay may layuning

maglahad ng mga impormasyon ukol sa wikang Gay – Lingo at ito ay para malaman

kung paano nagsimula, lumaganap, ano ang pangkalahatang epekto nito sa ating wika,

pati narin sa mga mamamayan nito, kung paano nabubuo ang mga salita na ginagamit

at kung bakit napakabilis makaimpluwensya ng mga salitang Gay - Lingo. Ayon pa sa

pag-aaral na ito, gustong-gusto talaga ng mga mananaliksik na payabungin ang Gay -

Lingo na wika upang mas lumawak ang bilang ng kanilang mga respondente at para

madagdagan na rin ang mga salita sa diksyunaryo sa wikang Gay – Lingo.

Ayon kay Herrero (2013), mabilis lumago ang wikang Gay – Lingo sa ating

lipunan. Ito ay nagbigay rin ng kaalaman ukol sa pinagmulan ng wikang pinauso ng

mga bakla. Ang pag-aaral na ito ng mananaliksik ay nakapokus sa kung paano, bakit,

kailan umusbong ang Gay – Lingo na wika, at kung paano ito nakaimpluwensiya sa

mga salitang ginagamit sa lipunan.

SINTESIS

Sa mundong ating ginagalawan hindi mawawala ang wika sa pakikipag-usap o

pakikipag-talastasan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ginagamit nating lahat ito sa

pang araw-araw na pamumuhay upang magkaintindihan. Sa pamamagitan ng wika ay

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

nagkakaunawaan at nagagawa ng tao ang iba’t-ibang gawain na may kabuluhan sa

kanilang buhay. Ang wika ay pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao at ang pag-

gamit nito ay isang katangiang ikinaiiba nito sa iba pang nilalang ng Diyos. Isa sa mga

katangian ng wika ay buhay o dinamiko dahil tulad ng isang bagay na buhay, ang wika

ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang isang halimbawa ng pagiging

buhay, dinamiko, at pagbabago ng wika ang Bekimon o Gay – Lingo na palasak na sa

ating lipunan na pina-uso at pina-usbong ng mga nasa ikatlong kasarian partikular na

ng mga bakla. Ang Gay – Lingo ay mga salitang ginagamit ng mga bading sa pakikipag-

usap sa kapwa maging sa iba’t-ibang mga aspeto man sa buhay. Ito ay itinuturing na

isang secret code ng iba sa kadahilanang sila-sila lang din naman ang

nagkakaintindihan ng mga salitang kanilang ginagami. Ang wikang Gay – Lingo ay

walang sinusunod na unibersal na tuntuning gramatika, sapagkat kusa itong nabubuo

sa ating kaisipan. Ang wika ng mga bakla sa teknikal na termino ay isa sa mga

tinatawag na sosyolek sapagkat nakakakikha sila ng mga bagong salita na nagpapakita

ng kanilang pagkamalikhain na nagiging dahilan upang ang kanilang wika na ginagamit

at minamahal ay makilala sa buong mundo at tanggapin ng ating lipunan.

KABANATA III

METODOLOHIYA

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik ang metodong ginamit ng mga

mananaliksik upang makamtan ang layuning “Masiyasat ang Tumataas na Bilang ng

mga Kalalakihang Mag-aaral sa Kolehiyo ng Asian Institute of Science and

Technology (AISAT) Dasmariñas City na Gumagamit ng Gay-Lingo na Wika tungo

sa Pagpapakilala ng Kanilang mga Sarili sa Lipunan at Wika na Kanilang

Kinabibilangan”.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa tumataas na bilang ng mga Kalalakihang

mag-aaral sa Kolehiyo ng AISAT Dasmariñas City na gumagamit ng Gay-Lingo na wika.

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan sa

metodolohiya ng pananaliksik. Maramimg uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit ang

napili ng mga mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”,

na gumamit ng mga talatanungan (survey questionnaire) para makalikom at makakuha

ng mga datos sa kanilang mga respondente. Naniniwala ang mga mananaliksik na

mapapadali ang kanilang pangangalap ng mga datos mula sa kanilang mga

respondente sa pamamagitan ng disenyong kanilang napili sapagkat isinasagawa ito sa

pamamagitan ng paglalarawan sa tumataas na bilang ng paggamit ng wikang Gay –

Lingo sa pananaw ng mga Kalalakihang mag-aaral na nasa kolehiyo ng AISAT.

Sa uri ng disenyong ito, limitado lamang ang bilang ng mga Kalalakihang mag-

aaral na sasagot sa mga talatanungan, ngunit naniniwala ang mga mananaliksik na

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

magiging mabisa parin ang kanilang pangangalap ng datos sapagkat hindi lamang ito

nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Ang disenyong paglalarawan

o deskriptibo ay ang nakikita ng mga mananaliksik na nababagay sa kanilang pag-aaral

kung saan maaari ring magsagawa ng pakikipagpanayam upang makadagda sa

pagkalap ng impormasyon at datos sa mga piling Kalalakihang mag-aaral na

gumagamit ng wikang Gay – Lingo.

PAGPILI NG MGA RESPONDENTE / TAGATUGON

Upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito, pumili ang mga mananaliksik

ng mga Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng wikang Gay - Lingo tungo sa

pagpapakilala ng kanilang mga sarili sa Kolehiyo ng AISAT, Taong panuruan 2019 –

2020 sa Lungsod ng Dasmarinas, Lalawigan ng Cavite. Pinili ang mga Kalalakihang

mag-aaral sa kaisipang ang mga ito ay gumagamit ng wikang Gay – Lingo sa kanilang

pakikipag-usap sa iba’t-ibang tao. Pinili ang mga ito sa pamamagitan ng Random

Sampling. Ang Sampling Technique na ito ay ang pangunahing pamamaraan sa pagpili

sapagkat sa pamamagitan nito ang lahat ng mga Kalalakihang mag-aaral sa Kolehiyo

ng AISAT Dasmariñas City ay binibigyan ng pantay na karapatan upang maging

respondente. Ang mga piling Kalalakihang mag-aaral na gumagamit ng wikang ito ay

may bilang na Limampu (50). Sila ang nagsilbing tagasagot sa mga katanungan upang

masuri ang wikang Gay – Lingo na ginagamit ng mga Kalalakihang mag-aaral.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Sa bahaging ito ng pananaliksik ay tinukoy ang mga kasangkapang ginamit sa

pangangalap ng mga datos at impormasyon ukol sa kabatiran ng mga Kalalakihang

mag-aaral ng Kolehiyo ng AISAT.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o sarbey- kwestyoneyr

bilang pangunahing instrumento na magagamit sa pananaliksik na ito upang maka-

kalap ang mga impormasyon o datos sa mga Kalalakihang mag-aaral ng Kolehiyo ng

AISAT na gumagamit ng wikang Gay – Lingo. Ayon nga kina Calderon at Gonzales,

binigay nilang kahulugan ang kwestyoneyr bilang may balangkas ng mga tanong kung

saan kapag ito ay nasagutan ng may kaayusan at katapatan ng mga napiling

respondente ay makakatulong sa pagdagdag ng mga kinakailangang impormasyon

upang makumpleto ang isinasagawang pananaliksik.

Nilalaman ng isang talatanungan ang sampu (10) na tanong. Ang una at

pangalawang katanungan ay saang partikular na lugar at kanino ito natutunan ng mga

Kalalakihang mag-aaral ng Kolehiyo ng AISAT. Pangatlo, ang panahon na kadalasang

ginagamit ng mga Kalalakihang mag-aaral ang wikang Gay – Lingo. Sa pang-apat, ang

pangunahing dahilan ng mga ito sa paggamit ng wikang pina-uso at pina-usbong ng

mga nasa ikatlong kasarian partikular na ng mga bakla. Pang-lima at pang-anim na

katanungan naman, ay ang paraan kung paano ito natutunang gamitin at bakit ito ang

mas pinipili na wika sa pakikipag-usap at pakikipagtalakayan ng mga Kalalakihang

mag-aaral sa Kolehiyo ng AISAT. Samantalang sa pang-pito na katanungan, paano

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

nakatulong ang wikang Gay – Lingo sa paglabas ng mga saloobin sa lipunang

ginagalawan ng mga Kalalakihang mag-aaral sa Kolehiyo ng AISAT . Nasa ika-walo at

ika-siyam na katanungan ang bentahe at disbentahe ng paggamit ng wikang Gay –

Lingo. Sa ika-sampu at pinaka huling katanungan ay ang wikang Gay – Lingo na

madalas gamitin ng mga Kalalakihang mag-aaral sa loob man o labas ng paaralan. Ito

ay naging batayan ng mga mananaliksik upang malaman kung ano ang pananaw sa

paggamit ng mga Kalalakihang mag-aaral sa Kolehiyo ng AISAT.

Ang mga instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay ginawa ng may pag-

iingat upang maiwasan ang mga pagkakamali at maisagawa ng maayos ang pagkalap

ng mga datos at impormasyon.

ESTADISTIKAL NA PAMAMARAAN

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng simpleng estadistika upang kanilang

makatuwang at makasangga sa ikalilinaw at ikadadali sa pag-unawa ng mga nakuha

nilang datos. Binase rin nila ang pagdadagdag ng mga impormasyon sa pag-aaral ng

resulta ng sarbey – kwestyoneyr na tinugunan ng mga respondente.

Upang malapatan ng karampatang bahagdan ang mga nakalap na datos at

impormasyon sa isinagawang sarbey, napagpasyahan ng mga mananaliksik na gamitin

ang Kompyutasyong Estadistikal na nasa ibaba ang pormula:

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

P = R/N x 100

Kung saan:

P = Bahagdan

R = Bilang ng sagot

N = Kabuuang bilang ng respondente

LISTAHAN NG MGA PINAGHANGUANG SANGGUNIAN

1. Depante. (2015). Bekimon – Gay – Lingo at ang Epekto nito sa Manunulat.

Unibersidad ng Pilipinas. Nakuha mula sa http://www.bekimon-gay-lingo-at-ang-

epekto-nito- sa-lipunan.html

2. Barrameda et al. (2010). Masusing Pag – aaral sa Pag – yabong ng Gay – Lingo.

Unibersidad ng Santo Tomas. Nakuha mula sa http://www.masusing-pag-aaral-

sa-pagyabong-ng-gay-lingo/

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED

SENIOR HIGH SCHOOL


QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

3. Herrero. (2010). Pananaliksik sa Gay – Lingo. Nukuha mula sa

http://www.pananaliksik-sa-gay-lingo

4. Hilario. (2011). Pananaw sa Paggamit ng Gay – Lingo ng mga Piling Mag – aaral ng

Infanta, Quezon. Infanta, Quezon. Nakuha mula sa

http://www.academia.edu/gay_lingo

5. Panes. (2015). Gay – Lingo: Regisster ng mga Bakla sa Poblacion Siay, Zamboanga

Sibugay. Poblacion Siay, Zamboanga Sibugay. Nakuha mula sa

http://www.academia.edu/gay_lingo

6. McCormack, Wignall, et al. (2016). Gay Guys using Gay Language: Friendship,

Shared Values and the Intent – Context – Effect Matrix. Wiley Subscription

Services, London. Nakuha mula sa http://search.proquest.com/pqrl/results/

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE

You might also like