You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

“Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagpapaunlad ng Kahusayang


Pang-akademya sa Larangan ng Operations Management”

1. Ano ang kahalaghan ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang


pang akademya ng mga mag-aaral?

2. Ano ang kapakinabangan ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng


kahusayang pang akademya ng mga mag-aaral?
2.1 Adbentahe
2.2 Disadbentahe

3. Paano nakatutulong ang wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang


pang akademya ng mga mag-aaral?

4. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ano ang maimumungkahing


kapakinabangan ng isinagawang pananaliksik?

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

Sarbey Kwestyuner

Direksyon: Ang talatanongang ito ay tungkol sa Kahalagahan ng Wikang Filipino


sa Pagpapaunlad ng Kahusayang Pang-akademya sa Larangan ng Operations
Management, Lagyan ng tsek (/) ang iyong sagot.
Pangalan (Optional) ; ______________________________
Gabay:
5 - Lubos na Sumasangayon 4 - Sumasang-ayon 3-
Neutral 2 - Di-
sumasangayon 1 - Lubos na di-sumasangayon
 Kahalaghan ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang
pang akademya ng mga mag-aaral

5 4 3 2 1
1. Uunlad ang aking bokabu;laryo pagdating sa wikang
Filipino.
2. Mas nagkaroon ako ng interes sa klase
3. Lubos kung naunawaan ang aralin dahil sa wikang
Filipino
4. Mas nakakapagpahayag ako ng aking saloobin ukol sa
aralin.
5. Mas nagkakaroon kami ng pagkakaunawaan kapag
wikang Filipino ang gamit sa pangkatang gawaain.
6. Lubos napaunlad ang aking pagsasalita ng wikang
filipino.
7. Mas naging aktibo ako sa klase.
8. Napapataas ang aking kumpiyansa sa mga aktibidad.
9. Napapadali ang paggawa ng mga proyekto.
10. Naiisagawa ko ang iba't ibang sining ng Mabuti.

 Kapakinabangan ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang


pang akademya ng mga mag-aaral.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

2.1 Adbentahe 5 4 3 2 1
1. Mas mataas ang grado na nakukuha ko.
2. Mas magiging malaya ang akong magbahagi ng ideya,
damdamin at opinyon sa klase.
3. Mas mauunawaan ang leksyon kapag isinalin sa wikang
Filipino.
4. Mas mapapahalagahan ang paggamit ng wikang Filipino
sa pag-aaral kesa sa wikang Ingles.
5. Mas magiging aktibo ang mga mag-aaral sumagot kung
ang wikang Filipino ang gamit sa akademya.
2.2 Disadbentahe
1. Hindi mahahasa at malilinang ang kakayanan sa
paggamit ng wikang Ingles.
2.May ibang mga salitang Ingles na walang panumbas sa
wikang Filipino.
3. Maaapektuhan ang marka ng mga mag-aaral sa
asignaturang Ingles dahil mas bihasa sila sa paggamit ng
wikang Filipino.
4. Maaaring hindi lubos na maintindihan ng mga mag aaral
ang mga leksyon na nasa wikang Ingles.
5. Maaapektuhan ang kahusayan sa pakikipag-
komunikasyon sa ibang tao gamit ang salitang Ingles.

 Nakatutulong ang wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang


pang akademya ng mga mag-aaral

5 4 3 2 1
1. Malaya kong naipapahayag ang aking saloobin sa
pamamagitan ng wikang Filipino.
2. Nabibigyan ko ng mas madali at malawak na
interpretasyon ang pagsasagawa ng mga akademikong
sulatin.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

3. Mas napapadali ang pakikipag komunikasyon ko sa


aking kapwa mag aaral tungo sa akademikong pag aaral.
4. Maayos kong nalilinang ang pagkamalikhain tungo sa
larangan ng pagsulat.
5. Nakatutulong sa pagpapayabong ng mga ideya at
opinyon ng bawat mag aaral tungo sa pag unlad sa
akademikong pag aaral.
6. Nakakatulong sa akin ang pagaaral ng wikang filipino
upang maiayos ko ang pag-gamit ng grammatika sa
sulating akademya.
7. Napaunlad ko ang aking pakikipag kumunikasyon sa
pagaaral ng wikang Filipino.
8. Madali kong naunawaan ang mga terminolohiya
ginagamit sa akademya dahil sa padaaral ng Wikang
Filipino.
9. Pormal kong naiihayag ang ang aking kaalaman sa
unibersidad.
10. Mas napapayabong ko ang aking mga kahusayan sa
pagawa ng tula at talumpati.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

KABANATA 1
MGA SULIRANIN
Panimula
Ang wikang Filipino bilang wikang Pambansa, masasabi natin na ang
karamihan ng mga mamamayan ay nakauunawa at nakapagsasalita nang
maayos nito. Tunay ngang napakahalaga ng wika,hindi lamang sa pakikipag-
ugnayan kundi pati sa paaralan na ginagamit upang lubos na madagdagan ang
kaalaman ng bawat mag-aaral na mas mahalin ang wikang atin. Sumisimbolo ito
sa ating kultura kung sino at ano ang meron tayo na syang maipagmamalaki ng
bansa.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit
upang mahubog ang kahusayan ng mga mag-aaral sa larangan ng akademya
Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din
ito sa pag papaunlad ng talento at pagkamalikhain
Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng wikang Filipino sa kahusayang pang
akademya ng mga mag-aaral sa larangan ng Operations Management mas
mapapaunlad ang ating kakayahan sa pag intindi ng malalalim na salita.
Maaaring magamit ito sa pakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon sa paaralan
tungkol sa paghuhubog ng kaalaman ng kani- kanilang bokabularyo. Dahil rin
dito, mas lumalawak ang ating kaalaman at nagiging bihasa sa pag gamit ng
wikang Filipino na magagamit sa maayos na pakikipagtalakayan sa klase.
Nagkakaroon rin ng mataas na kumpyansa sa sarili upang lubos na maibahagi
ang nais ipabatid o saloobin.
Sa bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag
sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang aktibidad , sa mga oras ng
talakayan nag papakita lamang ito na lahat ay gumagamit ng wika. Dito
nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga
ideya sa bawat mag-aaral.
Ayon kay Luis Tolentino (2017), Sa panahon ngayon, madalas na ginagamit
ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan, kahit sa mga libro na
ginagamit at binabasa ng mga mag-aaral, ang teksto ay nasa wikang Ingles.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

Kaya naman, marami sa mga estudyante ang nahihirapan na maitindihan ang


kanilang inaaral dahil magkaiba ang wika na ginagamit sa eskuwelahan kesa sa
wika na ginagamit nila sa isang karaniwang sitwasyon sa pang araw-araw na
buhay nila. Hindi madali para sa isang mag-aaral ang mag-aral at intindihin ang
isang paksa o konsepto na itinuturo sakanila gamit ang wikang kanilang inaaral.
May mga nagsasabing Filipino ang dapat na gamitin bilang opisyal na
wika sa pagtuturo dahil aniya mas higit itong naiitindihan ng nakakaraming
Pilipino. Sa paaralan, ang wika ang nagsisilbing tulay sa pagkatuto hindi lamang
ng mga mag-aaral kundi maging ng mga guro. Nakasalalay ang epektibong
pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa
pamamagitan ng wika. At ito ay lubos na magiging matagumpay kung ang guro
ay bihasa o may sapat na kaalaman sa pakikipag-ugnayan. Kinakailangang
maging mahusay ang isang indibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit
ito nang maayos.
Ayon kay Sevilla (2015) Nagsimula akong gumamit ng Filipino sa aking
pagtuturo pagkabalik galing sa aking pag-aaral sa UK. Nakita ko doon na ang
aking mga kapwa estudyanteng banyaga ay may librong teknikal sa wika nila.
Nag-isip ako kung bakit walang librong teknikal na nakasulat sa Filipino. Isa sa
mga dahilan na naisip ko ay ang hindi paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng
teknikal na kurso.Nang ginamit ko ang Filipino sa pagtuturo ng Kemistri naging
mabilis ang pagkakaunawa ng mga estudyante sa mga konsepto at batas na
sakop ng sabjek na Kemistri. Nakapokus sila sa pag-unawa ng mga konsepto at
teorya. Hindi kailangan ang pagsalin mula sa Ingles tungo sa wikang pamilyar sa
kanila. Mas madali ang dating sa kanila ng paliwanag kapag Filipino ang
nadidinig nila kaysa sa Ingles. Karanasan ng maraming guro na kapag nakita
nilang hirap ang mag-aaral sa pag-unawa ng paliwanag sa wikang Ingles ay
inuulit nila ang paliwanag sa wikang Filipino. Sinasabi ko sa mga gurong ito na
bakit pa kailangang pahirapan ang mga estudyante.
Paglalahad ng suliranin
Ang layunin na ito ay naglalayong matukoy ang kahusayan ng paggamit
ng Filipino sa komunikasyon at akademikong pagsulat sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga datos sa mga mag-aaral na nakakamit ng partikular na

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

antas ng mataas na akademikong pagganap sa mga larangan ng Operations


Management.
1. Ano ang kahalaghan ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang
pang akademya ng mga mag-aaral?
2. Ano ang kapakinabangan ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang
pang akademya ng mga mag-aaral?
2.1 Adbentahe
2.2 Disadbentahe
3. Paano nakatutulong ang wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang
pang akademya ng mga mag-aaral?
4. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ano ang maimumungkahing
kapakinabangan ng isinagawang pananaliksik?

Saklaw, Delimitasyon at limitasyon ng pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng


wikang Filipino sa kahusayang pang akademya ng mga mag-aaral sa larangan
ng Operations Management. Saklaw din ng pag aaral na ito ang kapakinabangan
ng paggamit ng wikang Filipino at sa kung paanong paraan nakakatulong ang
paggamit ng wikang Filipino sa kahusayang pang akademya ng mga mag-aaral.
Hindi kasama sa pag-aaral ang pagsusuri ng mas nais gamitin ng mga
estudyate na lengguwahe sa pagtuturo ng asignatura sa kanilang mga larangan
sapagkat ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa kahalagahan ng
paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kanilang mga kakayahan at
kagalingang pang-akademya.
Nilimitahan ang pananaliksik na ito sa mga piling mag-aaral ng BSBA
Operations Management ng Batangas State University. Naniniwala ang mga
mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito malalaman ang
kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kayayahang
pang-akademya at sa pamamagitan ng pag-aaral na ito malalaman kung gaano
nga ba kaepektibo ang paggamit ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga
estudyante sa kanilang larangan.Tanging ang mga mananaliksik lamang ang

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

sumagot sa katanungan tungkol sa maimumungkahing kapakinabangan sa


isinagawang pananaliksik.

Kahalagahan sa Pag-aaral
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang
pangakademya ng mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang wika sa
komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika,
nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng
kaalaman, ng mga mithiin at nararamdaman.
Sa mga mag-aaral,
Ang pag-aaral ay makakatulong sa kanila upang malaman nila ang
kahalagahan ng wikang filipino sa pagpapaunlad ng kahusayang pangakademya
at tamang paraan o salita na kailangan mapaunlad upang makatulong sa
pagaaral.
Sa mga guro,
Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa bawat guro ng mahahalagang
impormasyon sa paggamit ng wikang filipino sa pagtuturo nila.Sila ang magiging
daan o susi ng mga mag-aaral. Ang pagaaral din ito ay makakatulong din sa
kanila upang malaman nila ang kahalagahan ng wikang filipino sa Pagpapaunlad
ng kahusayang pang akademya.
Sa mga mananaliksik.
Sa paaral na ito upang maipahayag ng bawat mananaliksik ang mga
impormasyong nakalap ng kahalagahan ng wikang filipino upang mas
mabigyang pansin ng mga mananaliksik ang paksa. Ang mga impormasyong
nakalap ng mga mananaliksik ay magagamit ng mga susunod ng mga magaaral
na magsasagawa ng pananaliksikkaugnay sa paksa.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

You might also like