You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1127
E-mail Address: conahs.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Office of the College of Nursing and Allied Health Sciences

Alea, Charm Antonette M. Gawain 1


BSN-1110

Larawan mula sa: (Pilipinong Banyaga Sa Wikang Filipino, 2014)

Filipino sa Kolehiyo: Kaluluwa ng Bansa ng mga Pilipino

“Wika ang kaluluwa ng bayan”, ito ay pahayag mula kay RR Cagalingan, ang
tagapagsalita ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Sa aking pananaw, ang asignaturang
Filipino ay hindi balakid sa kahit ano mang aspekto ng pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo.
Kung kaya’t naninindigan ako na hindi magiging isang matalinong hakbang ang pag-aalis nito
sa ating sistema. Ang Filipino, bilang isang asignatura na kinukuha ng mga mag-aaral mula sa
iba’t ibang kurso ay may malaking tulong sa paghahanda nila ng kanilang mga sarili sa
propesyong nais nilang tahakin. Ako, bilang isang estudyante na nagnanais na maging isang
Nars, naniniwala ako na sa tulong ng asignatura naming, “Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino” ay mas mauunawaan ko ang wikang Filipino, at mas madadagdagan ang aking
kaalaman tungkol sa aking sariling bansa. Bilang isang Nars, na ang pangunahing tungkulin ay
maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman sa kalusugan, mahalaga
na may sapat akong kaalaman sa sarili kong wika. Ito’y sapagkat sa larangan ng medisina, lahat
ng uri ng tao, ano man ang kanilang estado sa lipunan, karapatan nilang mapagkalooban ng
tamang medikasyon at pag-aalaga. Dagdag pa rito, mahalaga ring maunawaan ng mga susunod
na henerasyon ng manggagawang Pilipino na karamihan ng mga taong kanilang paglilingkuran
ay mga ordinaryong tao. At ang katotohanan ay wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
taong ito. Mahalagang isaalang-alang na ang asignaturang Filipino ay isa ring kurikulum sa
Kolehiyo na huhubog sa puso ng mga estudyante upang mas mahalin nila at mabigyang
importansiya ang lupang kanilang sinilangan, at sa hinaharap, ang bansang kanilang
pagsisilbihan.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

You might also like