You are on page 1of 2

Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika,

Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan, MSU-IIT


23 Hulyo 2014

Dr. Patricia Licuanan


Chairperson, Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
U.P. Diliman, Quezon City

Mahal na Dr. Licuanan,

Lakas-loob po naming itinutulay sa inyong tanggapan ang posisyong papel na ito ng


Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng Mindanao State University-Iligan Institute of
Technology, hinggil sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng instruksyon sa antas tersiyarya,
at pagsasama ng mga asignaturang Filipino at Panitikan bilang mandatory core course sa
kolehiyo.

Ipahintulot po ninyong igiit namin ang paggamit ng wikang Filipino bilang sapilitang wikang
panturo sa 9-12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang
Rizal. Naniniwala po ang aming departamentong napakahalagang paigtingin pa ang paggamit at
pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo lalo na po rito sa Mindanao. Naninindigan kaming
napakalaking bahagi ang ginagampanan ng Filipino sa patuloy na paghahanap natin ng sariling
identidad at pagkakakilanlan. Marubdob din ang aming paniniwalang patuloy na nagsisilbing
instrumento ang wika at panitikang Filipino sa pagpapalinaw ng landasin tungo sa
makatotohanang kalinaw dito po sa amin sa Mindanao.

Sinusuportahan din po namin ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core
course sa kolehiyo. Sa amin pong paglantaw, napakahalagang maisama ang 9 yunit na
asignaturang Filipinong may multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong kaayusan, mas
mapahuhusay ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng Filipino at mas mapalalalim ang
kanilang unawa sa sa samu’t saring isyung pangrehiyon at pambansa. Nakalulan din sa wika at
panitikan ang mga diskursong panlipunan at pampolitikang magpapatalas sa mga mag-aaral at
magdidiin upang ang Unibersidad ay magkaroon ng tunay na nasyonalistang karakter.

Ipagpaumanhin po ang aming kapangahasan, subalit naniniwala po kaming hindi magta-taingang


kawali ang inyong butihing tanggapan sa aming mga hinaing at hiling. Maraming salamat po at
kasihan nawa tayo ng Dios.

Lubos na sumasainyo,

Mga Fakulti
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology
A. Bonifacio Avenue, Iligan City

You might also like