You are on page 1of 1

Replektibong Sanaysay

Sa Asignaturang ito ay marami akong natutunan tulad na lamang ng


pag sulat ng iba’t ibang sulatin. Hindi lamang isa, dalawa,
tatlo, o apat kung hindi lima. Nagagalak ako sa aking sarili na
mayroon ako maayos at magaling na guro na nag tuturo sa amin kung
paano mag sulat nang ayos. Naniniwala ako na magagamit namin ito
sa mga darating pa na panahon. Kahit na ang teknolohiya ay lalong
pinapatibay at pinapalago, ang mga sulatin na ito ay makakasabay
pa rin. Ito ay importante bagkus tinuturo nito ang mga tama at
maayos na paraan na pag sulat ng mga sanaysay sa iba’t ibang
paraan.

Idadagdag ko lamang ang kaalaman na natutunan ko sa pag gawa ng


iba’t ibang sanaysay. Lubos na mahalaga ang tamang pag basa at
pag sulat ng mga sanaysay tulad ng Lakbay sanaysay, Replektibong
sanaysay, Bionote, at iba pa. May kanya-kanya itong layunin kung
kaya’t nararapat lamang na kilatisin natin ang bawat isa nito.
Ang tamang pag sasa ayos ng mga datos ay lubos rin na importante
sa bahagi ng iyong sanaysay o talumpati.

Ang pinaka paborito kong sulatin ay ang Lakbay sanaysay.


Ipinapaalala nito ang mga panahon na kung saan ako ay nag sasaya
sa isang partikular na lugar. Hindi lamang iyon, sa pag sulat
nito ay hindi ko napipigilan na maging emosyonal dahil sa mga
masasayang bagay na nangyari noon. Ang lakbay sanaysay ay isa sa
mga hindi nakakatamad sulatin dahil ito ay nag bibigay ng
kaligayahan mula sa nakaraan. Ang mga lugar na isang beses mo
lang napuntahan ngunit dahil sa pag sulat mo ng ala-ala mo dito,
nanaisin mo na bumalik pa sa lugar na iyon.

You might also like