You are on page 1of 25

Pakikipanayam sa

Manunulat “Michelle
Dulay Donato”
Impormasyon: Michelle Dulay Donato
3rd Year College
University of Eastern Pangasinan
BSED Major in Science
A. Paghahanda o Metamorphosis

• Ano pong mga paghahanda ang inyong ginagawa sa pagsusulat?


• Dahil po pa ito sa isang panawagan para sa isang aklat, koleksyon na kailangan
tapusin o isang proyektong may pagpopondo?
- Sa paghahanda, una dapat nandun yung mga gagamitin ko sa pagsusulat hindi diyan
mawawala ang traditional na gamit tulad ng ballpen at papel pero, mas madalas nas
nagagmit ko ang aking laptop. Sa aktwal na pagsusulat bago ko gawin iyon
kailangang pag-planuhan ko muna ng maigi ang mga karakter, tema, settings at saka
kung ano yung magiging istorya mula umpisa hanggang sa katapusan. Kailangan
may outline muna ako.
- Kadalasan, nagsusulat ako kasi gusto ko lang makabuo ng sarili kong gawa
pero minsan kapag may panwagan para sa mga antolohiya para sa mga
koleksiyon ng mga maikling kuwento kaya ako nagsusulat minsan.

• Mayroon po ba kayong specialization sa pagsususlat o nagsusulajt po kayo ng


kahit anong paksa?

- Ang specialization ko ay ang genrang romance pero dati ang sinusulat ko


talaga ay mga horror o thriller, ngayon ang mga nakasanayan ko nang gawiin ay
mga insprirasyunal.
• Ano-ano pong mga pagsasanay ang inyong ginagawa upang mapahusay pa ang
inyong kakayanan sa pagsusulat?

- Umaatend ako sa mga seminars at mga worksjyaps at patuloy lang akong


nagbabasa ng mga librong alam kong mmakaktulong sa akin, kasi hindi naman
puwedeng yung alam ko lang ang i-aaply ko sa pagsusulat siyempre kailangan
ko ng turo ng iba sa pagbabsa ng libro.
• May pagsasanay po ba kayong isinasagawa sa pagsusulat na may kaugnay sa
inyong tarbaho (halimbawa. Medical, legal, gawaing panlipunan, edukasyon,
atbp.?)
- Wala naman.
Proseso
• Saan po kayo madalas nagsusulat?
- Sa bahay lang pero minsan kahit nasaan ako at kung na boboring na ako ilallabas
ko na ang selpon ko at doon ako magtataype ng gusto kong isulat.
• Ano po ang inyong mga kinakailangan para masimulan ang inyong isinasagawang
pagsususlat?
- Pinaka kailangan ko talaga upang makapag umpisa sa pagsusulat ay yung outline
ko.
• Sa anong wika po kayo mas komportableng magsulat?
- Komporatable ako sa Wikang Filipino

• Mga anong wika po nakasulat ang mga akdang inyong binabasa?


- Opo, karaniwan Filipino pero nagbabasa ako ng Ingles na nobela

• Ano-ano pong mga kagamitan ang inyong napakikinabangan sa pagsulat?


- Unang una ay yung laptop ko, siyempre doon ako nag e-encode ng mga isinusulat
ko at hindi rin mawawala ang ballpen at papel o notebook kasi doon ako gumagawa
ng outline.
Rebisyon:
• Ano’ng mga rebisyong kalimitang isinagawa po ninyo?
- Karaniwang nagkakaroon ng rebisyon sa pagpapalitan ng mga diyalogo ng mga karakter
isasaalang-alang ko kung natural ba ang daloy ng pag-uusap o kung maayos at tinitignan ko ang
teknikal na aspeto kung meron bang pagkakamali na nai-type.
• Paano po kayo nagrerebisa? Gaano katagal?
- Nag rerebisa ako kapag tapos ko na yung buong nobela, tapos itatabi ko muna ng ilang araw at
babalikan ko ito at babasahin, titignan ko kung ano pang dapat baguhin na mga linya doon kung
may mas mainam pa bang mga linyang gagamitin kasi kailangan nandun yung prinsipyo ng show
don’t tell baka kasi ang ginawa ko ay more on telling lang o more on showing lang dapat balanse
iyon, kaya iyon ang tinitignan ko talaga kung maayos ba yung pagkakagawa. At yung rerebisa
mas dun ako nahihirapan kaya umaabot din siguro ng isang araw, siguro sa isang araw isang
kabanata kung meron akong tatlumpung kabanata tatlumpung araw ko din itong reresibahin.
• Bilang manunulat, ano o ano-anong suliranin po ang inyong nakaharap at paano
niyo ito napagtagumpayan?
- Unang suliranin diyan ay yung katamaran sa pagsusulat kasi gusto kung magsulat
pero minsan tinatamad ako kaya hindi talaga ako nakakapagsulat, pangalawa ay
iyong writer’s block o kapag wala na akong maisip talaga na isusulat, kaya talagang
nagkakaproblema kasi kahit na gusto kung maisulat ang mga nasa isip ko hindi ko
alam kung papaano ko maisusulat ang mga iyon.
• Paano niyo po tinataya ang isinalin niyong teksto?
- Hindi ko pa nasusubukang magsalin ng kuwento, pero kung ako man siguro ang
magsasalin, una kung isasaalang-alang doon kung malapit ba yung content na
isinalin ko doon sa dapat na isalin o kung naakma ba ang isinalin ko.
Paglalathala
• Paano po kayo naglalathala, nagsusulat ka po ba para mailathala ang akda o
nagsusulat po kayo kahit hindi ito mailathala o nagkakaroon lang ng okasyon o
pagkakataon na ikaw po ay maglathala?

- Kasi, nagsusulat ako para mailabas ko kung ano ang nasa ispip ko o kung ano
yung nasa damdamin ko. Pero nung tumatagal gusto ko na mailathala kasi gusto
ko rin na maibahagi ang aking gawa, kasi alam ko na may matututunan sila sa
ginawa ko.
• Paano po kayo nakikipag-ugnayan sa mga publikasyon o publisher?
- Meron kasi akong mga kaibigan na mga manunulat at yung mentor ko siya rin yung
nagsasabi kung saang publisher ba dapat. Pero kung may nakita akong mga panawagan
sa mga social media platform, susundin ko lang kung ano yung mga requirements nila o
kung ano yung mga mechanics na binigay nila para maipasa ko yung akda, i-email ko
yung manuskrito ko sa kanila at hihintayin ko kung ano yung tugon nila.
• 3. Anong tungkulin ang ginagampanan ng panahon ng pagkakalathala ng akdang
isinulat?
• - Timely, yung ginawa kung akda mas maraming mga mambabasa na hahatakin nun
kasi siguradong makakarelate sila, halimbawa ngayong panahon ng pandemya kung
gagawa ako ng istorya na related sa pandemya paniguradong may mga mambabasa na
interesadong basahin yun naaakma sa panahon, kung baga makakarelate sila sa kung
ano yung nangyayari, kung ano yung pinagdaanan ng mga karakter.
• 4. Anong taon po kayo huling naglathala at anong akda ito?
- Sa pagkakatanda ko, disyembre 2021. Koleksyon iyon ng maikling kuwento ang
pamagat niya ay Signat at Liwawa na kapag isinalin sa ingles ay Dark and light.
Koleksyon iyon ng mga maikling kuwento tungkol sa katatakutan at tungkol
naman sa kaliwanagan at ang kasama kung sumulat doon ay ang papa ko.
B. Mga Impluwensiya:
Pamilya:
• Sa inyo pong pagsusulat, sino o sino-sino po sa inyong pamilya ang ay malaking
impluwensiya o kontribusyon sa inyong pagsusulat?
- Lahat naman sila sa akin suportado, pero yong impluwensya ng pagsusulat na diskubre
ko lang yong talentong iyon sa sarili ko, nung nagsusulat si papa ako yong
nakaimpluwensya sa kanya na magsulat ulit at maglimbag ng libro.

• Ang tahanan din po ba ang humubog sa inyo bilang manunulat?


- May parte na sila yong humubog sa akin sa pagsusulat at meron din yong parte na gaya
ng sinabi ko sa kanila na ako mismo kasi dati hindi naman nila alam na nagsusulat ako.
Pook:
• May kontribusyon din po ang inyong bayan o pamayanan sa inyong pagsusulat.
Ano-ano po ang mga ito?

- Meron, kasi karaniwan ng mga settings na ginagawa ko sa mga istorya ay dito


mismo sa bayan namin. Ginagamit ko yong mga lugar dito at nakapaglikha ng mga
maikling kuwento at mga tula para sa bayan ko kumbaga pag-ibig sa bayan.
Edukasyon:
• Maaari ninyo po bang maibahagi ang pormal ninyong edukasyon?
- Hindi naman ako kumuha ng kurso na related sa pagsusulat pero noong Senior High
School ako ang kinuha kong strand ay HUMSS at doon meron ding creative writing,
creative non-fiction at ngayong college na, ang kinuha kong kurso ay education din
pero major in Science.

• Maari nyo rin po bang maibahagi ang inyong sariling paghubog sa inyong kakayanang
magsulat?
- Sariling paghuhubog ang ginagawa ko, hindi ako humuhinto sa pagsusulat na kahit na
anumang pagsubok yung dumarating. Ginagawa ko pa yung inspirasyon sa pagsusulat
nang sa ganun mahasa ako ng mahasa at syempre dapat kahit na ako’y manunulat
dapat na mahubog ko rin ang sariling kong karakter.
• Dumadalo rin po ba kayo ng mga seminars, workshops o mga gawaing nagpapadagdag ng
kakayahan sa pagsulat?
- Opo, dumadalo ako sa mga workshop ng mga online writing workshops, madami diyan sa
facebook may mga paid meroon ding mga free at noong 2021 ang pinakamalaking master class
na nasalihan ko, Free Master class ni Sir Ricky Lee yong nanalong National Artist.

• Nagsasagawa rin po ba kayo ng mga writing workshops para sa mga ibang manunulat?
- Hindi pa kasi sa tingin ko hindi pa sapat yung kakayahan ko para makapag-turo rin sa iba.

• Madalas din po kayong naiimbitahan bilang tagapagsalita sa mga gawaing may kinalaman sa
pagsulat?
- Sa eskwelahan namin kasi miyembro din ako ng School Publication so may pagkakataon na
nakapagsalita ako tungkol sa pagsusulat.
-
Mga taong nakaugnay:
• Ano pong nagustuhan niyo sa gawaing pagsusulat?
- Sa gawaing pagsusulat kasi ang pinakagustong gusto ko ay dahil nasa imahinasyn ko na alam ko na
hindi mangyayari atleast ay maisusulat ko at isa narin doon yung sa pagbuo ng mundo gamit lang
yung pagsusulat, yun talaga ang pinakagusto ko sa lahat.
• May naitulong po ba ang ibang manunulat sa inyong pagsusulat? Paano po nakatutulong ang ibang
manunulat sa inyo? Paano po kayo nakikipag-ugnayan sa ibang manunulat? Kung ayos lang po at
kung mayroon man, maaari niyo po bang maibahagi kung sino o sino-sino ang mga manunulat na
ito?
- Meron, karamihan sa kanila ay yong mga magagaling na writer pero underrated pa lang, ang isa
pang nakatulong sa akin sa pamamagitan ng panonood ng kaniyang YouTube video ay ang wattpad
author na si anak ni Rizal na si ate Demy.
- Sa mga sinasalihan kong mga seminar, workshop at tsaka sa mga writing contest. sa mga writing
contest lalo na doon hindi ko sila tinatrato bilang mga kalaban, tinatrato ko sila bilang mga co-writers
dahil doon nabubuo yung ugnayan ko sa kanila at nagiging kaibigan ko sila.
• Mahalaga po ba ang pagkakaroon ng koneksyon o ugnayan sa ibang manunulat?
- Para sa akin mahalaga iyon kasi pag may ugnayan ka sa ibang manunulat
nakakapagtulungan kami para mas mahasa pa namin ang kakayahan namin sa
pagsusulat halimbawa nagtuturuan kami kung ano ang dapat gawin, kung may
mga panawagan para sa pagpasa ng manuskrito, kami kami yong nagsasabihan
kung mayroon nga ba.
Pilosopiya at prinsipyo:
• Bilang isang manunulat, mayroon po ba kayong pinaniniwalaan o pinaninindigan
sa larang na ito? Ano po ang pino-promote ninyo sa inyong pagsulat?
- Sa larang ng pagsusulat ang lagi kong pinaninindigan, dapat na inspire ko yung
mga mambabasa na dapat meron silang matutuhan at higit sa lahat dapat
mapalugod ko ang diyos.
- Ang pinaka pino-promote ko talaga ay yung kung gaano kabuti ang Diyos sa
buhay natin, yun talaga yung dahilan kung bakit ako nagsusulat para maluwalhati
siya.
• Pansariling pasya niyo po bang maging manunulat?
- Nung una ay sariling pasya ko para lang mailabas ko kung ano yung nasa isip ko,
para maipalabas kung ano yung nasa damdamin ko at habang tumatagal doon ko
napagtanto na katawagan ko ang pagiging manunulat, nagsusulat ako dahil ito ay
ang calling ko.
C. Estado ng Pamumuhay
• Maaari niyo po bang maibahagi ang estado ng inyong pamumuhay sa ngayon?
Kayo po ba ay nagsusulat o magsusulat pa rin?
- Ang estado ng pamumuhay namin ngayon masasabi ko lang na sapat naman lahat
para mabuhay kami, sapat yung kinikita hindi kulang at lalong hindi rin sobra, nasa
kalagitnaan.
- Para sa akin naman yung pagsusulat ay hindi para maiangat ang estado ko sa buhay
kaya mababa man o mataas ang estado ko sa buhay magsusulat pa rin ako.
• Ano po ang inyong mga plano o balak sa mga susunod na araw, buwan o taon na
may kinalaman sa pagsulat?

- Ang plano ko talaga ay magsulat hanggang sa pagtanda ko kahit na may iba


akong mga responsibilidad sa buhay, actually sa mga susunod na araw plano ko
ay gumawa ng mga tula at kung hindi man ako maging busy sa susunod na buwan
ay gagawa ulit ako ng panibagong nobela.
Misyon/Bisyon:

• Mayroon po ba kayong misyon at bisyon sa inyong pagsusulat? Ano po


ito? Para saan o kanino?
- Ang pinaka misyon ko sa pagsusulat ay yung maibahagi ko sa iba kung
gaano talaga kabuti ang Diyos sa buhay natin, yun talaga ang pinaka
misyon ko kumbaga gamit ang aking pagsusulat ay maibahagi ko ang
salita at aral niya, aral ng Diyos.
- Ibinabahagi ko ang aking isinusulat sa mga tao na gusto pang makaranas
ng kaliwanagan at higit sa lahat nagsusulat ako para sa Diyos.
• Karagdagang tanong:
1. Paano po ninyo naia-apply ang pagsusulat sa inyong tarbaho?
- Sa aking pag-aaral kapag may mga pagsasanay na kinakailangan ng pagsusulat
hindi na ako nahihirapan dahil yun nga nasanay na ako sa pagsusulat kaya
nakatulong na sa akin iyon.

2. Maliban po sa pagsusulat, kayo po ay nagsasalin, ano po ang sarili ninyong


pananaw o paniniwala sa pagsasalin?
- Di ko pa naman naranasan magsalin pero ang pananaw ko naman sa pagsasalin
dapat kung magsasalin ako dapat yung content nung isinalin ay akmang akma pa rin
sa orihinal na akda.
3. Ano pong maipapayo niyo sa mga baguhang manunulat?
- Ang maipapayo ko ay huwag silang titigil sa pagsusulat kahit na walang
bumabasa ng akda nila kahit na sa tingin nila walang sumusuporta sa kanila kasi ang
mahalaga sa pagsusulat ay nailalabas mo kung ano yung nasa damdamin mo kasi
kung hindi mo nailabas kung ano yung nasa damdamin mo pabigat lang iyon ng
pabigat, hindi mo mailalabas yung ideya na nasa-isip mo mag o-overflow lamang
iyon at mas sasakit pa yung ulo mo, dapat magpatuloy silang magsulat kahit na ano
pa man yung mga balakid na ma-encounter nila
4. Ano pong pagtingin (pananaw o paniniwala sa kahalagahan) niyo sa mga
kontemporaryong akda?
- Mahalaga ang mga kontemporaryong akda kasi mas namuulat tayo kung ano nga
ba yung mga nangyayari sa mga panahong ito.

You might also like