You are on page 1of 1

Bata palang ako, mahilig na akong magsulat. Pero lagi akong pinagagalitan ni Mam a.

'Wag ko daw sulatan ang PADER namin. Haha Naalala ko yung sinabi ng proctor/judge namin noon sa isang PressConference. Sabi nya, lahat ng ideya namin sa pagsulat, ilagay namin sa isang kwaderno. Para kung sakaling gustong magsulat, may ideya na agad. Pero nakatamaran ko nang magsulat mula nang pumasok ako sa kolehiyo. Naisip ko, imbis na sayangin ang oras at tinta ng ballpen sa pagsusulat ng kung anu-ano, un ahin ko muna ang lesson plan at ang iba pang reviewer. Bagama't ako parin ang Editor ng News sa publication namin, iba parin talaga ang pagsulat ng mga akdang pang-literatura. Nasubukan ko na kasing sumulat ng tula, maikling kwento, mga natatanging lathalain at kahit pa nga mga nobelang di ko n aman matapos-tapos. Pinapagana ng mga ito ang imahinasyon at hinahasa ang bokabu laryo ko sa paggamit ng mabubulaklak na salita. Pan'o nga ba ako nagsimula sa larangang ito? Wala kasi akong tiwala sa mga tao. Kaya nang makilala ko si Ballpen at Papel no' ng ako'y nasa grade school pa lamang, nagkaron ako ng masasabing kausap. Nasa sekondarya nang mapansin ang talento ko sa pagsulat. Sa tulong ng mahigpit na pag-e-ensayo ng adviser ko, nagkaron ng konkretong hubog ang aking kakayahan. Naging instant writer ako, Editor ng Feature Writing at madalas na nagsusulat ng mga script namin. Lumalaban sa mga PressCon at nag-uuwi ng medalya't pagkilala. Ang layo na rin ng tinakbo ko... Pero napagod din ako't nanawa nang pumasok ako sa kolehiyo. Parang nilipad sa hangin ang mga training ko noon. Nawalan na ako ng gana... Hangang sa makita ko nalang ang sarili kong wala ng tinta. D'on ko lang naisip, GUSTO KO PANG MAGSULAT.. Sabagay, magsusulat parin naman ang propesyon ko. Hindi sa pader hah, kundi sa c halkboard. Haha Tatahakin ko ang dating daang nilakaran ng aking mga paa. Hahanapin ko ang saril i kong nawala na. Ibabahagi kong muli ang aking mga akda.. Magsusulat akong muli. Oo, tama...

You might also like