You are on page 1of 1

Mahilig akong magbasa ng iba’t ibang klase ng babasahin na

makikita na ngayon sa internet. Ang mga naibigay kong mga


halimbawa ay manga, manhwa, webtoon, fanfiction,
educational books at visual novels. Ang manga, manhwa at
webtoon ay may pagkakahawig sa comics. Ang pagkakaiba
lamang nila ay sa mga bansang kanilang pinanggalingan. Ang
manga ay nanggaling sa Japan, ang manhwa ay nanggaling sa
Korea at hindi limitado sa isang bansa ang pinagmumulan ng
mga webtoons. Mahilig akong magbasa ng mga ganitong
babasahin dahil natutuwa ako sa mga nakaguhit na mga tauhan
at siyempre, may mga magaganda silang istoryang ibinibigay
kaya minsan nakapagbabasa ako nang buong araw. May mga
natututunan ako sa aking mga binabasa dahil nararanasan at
nararamdaman ko yung mga emosyon ng mga tauhan na
ipinakikilala sa bawat istoryang aking mahanap at masimulan.
Mahilig akong magbasa ng fanfiction dahil nabibigyan nila ako
ng bagong perspektibo tungkol sa isang bagay at may mga
bagong salita akong napupulot tuwing ako ay magbabasa. Mas
nagkakaroon ako ng ideya kung paano mapabuti ang paraan ng
aking pagsusulat kapag inaalisa ko ang paraan ng pagsusulat ng
mga manunulat. Nagbabasa ako ng educational books kapag
ako ay naghahanap ng kasagutan sa aking mga katanungan o di
kaya’y gusto ko lang magkaroon ng bagong kaalaman tungkol
sa isang bagay. Ang mga visual novels ay matatagpuan maski sa
computer o sa cellphone. Ito ay ang tinatawag nilang
interactive games. May istorya na nangyayari tapos ikaw ay
bahagi ng istorya na ‘yon. Mamimili ka ng iyong sasabihin. Ang
iyong mga ginawa ay maaaring magresulta sa masama o
magandang ending. Maikukumpara ko ‘yan sa totong buhay na
kung saan, may mga konsikuwensya ang mga salitang bibitawan
mo sa iba at ang mga aksyon na iyong gagawin. Ang napulot ko
sa pagbabasa ng mga bagay na ito ay bagong mga perspektibo
at mas malalalim na mga salita.

You might also like