You are on page 1of 4

DIMAYUGA, CIELO B.

G11 – BERYL
02/01/2021

GAWAIN 1
Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa impormasyong natutuhan o nabasa mula sa
ibang sanggunian. Magbigay ng maikli ngunit malinaw na sagot sa loob ng isa hanggang tatlong
pangungusap.

1. Sa iyong palagay, mahalaga pa rin ba ang pagbabasa gayong maaari namang makakakuha ng
impormasyon sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon o paggamit ng Internet.
Sa aking palagay, mahalaga pa rin ang pagbabasa sapagkat hindi lahat ng mahahalagang
impormasyon ay makukuha sa panonood ng telebisyon o paggamit ng internet, at hindi rin lahat
ng tao ay may kakayahang gumamit ng teknolohiya, may ibang taong mas pinipili ang pagbabasa
na kung saan mas kompleto ang detalye at mas madaling gamitin.

2. Ano ang pumupukaw sa iyong interes upang basahin ang isang aklat?
Ang magandang kwento ay isa mga pangunahing pumupukaw sa aking interes upang basahin ang
isang aklat. Ito ang bagay na nagpapanatili ng aking atensiyon na basahin ang buong aklat at
tapusin ito.

3. Sa anong pagkakataon nawawala ang iyong interes sa pagbabasa? Ipaliwanag


Maraming pagkakataon na nawalan ako ng interes sa aking pagbabasa at isang dahilan nito ay
ang paulit-ulit ang kwento sapagkat hindi nagbabago o walang pagbabago kaya wala na itong
dating sa akin.
GAWAIN 2
Batay sa mga impormasyong natutuhan sa aralin, gawin ang tungkuling iniatas sa iyo sa tunay na
buhay. Ikaw ay magbabahagi ng isang kuwentong kapupulutan ng aral ng mga batang may edad
anim hanggang walong taong gulang. Dahil maigsi lamang ang attention span ng mga batang may
ganitong edad, gawin lamang itong maigsi (halos kasinghaba lamang ng kuwento sa bahaging
Tuklasin. Bilang gabay, tingnan ang rubrik na nasa pahina 204 ng iyong aklat. Isulat ang iyong
awtput sa isang malinis na papel.
ANG BATANG TAMAD.

Si Miko ay nag-iisang anak nina Aling Sonia at Mang Pedro, kung kaya’t lahat ng nais nito ay
nabibigay agad ng kaniyang magulang. Isang araw, habang namamalengke ang pamilya,
napadaan sila sa tindahan ng mga laruan. Gustong gusto ni Miko ang robot kaya binili ito ng
kaniyang magulang kapalit sa pagsunod nito.

Kinabukasan, habang naglalaro ito ng paborito niyang robot, ay inutusan siya ng kaniyang nanay
na bumili ng toyo at suka sa labas para sa lulutuing adobo. Dahil sa paglalaro, hindi sinunod ni
Miko ang utos ng kaniyang magulang at nagpatuloy siya dito. Maya-maya pa ay inutusan ulit siya
ng kaniyang nanay na maghanda ng mga plato at kutsara sa hapagkainan, at sa pangalawang
pagkakataon, hindi na ulit sumunod ito.

Kinagabihan, habang si Miko ay natutulog, napaginipan niya ang kaniyang robot. Sinabi ng robot
na ayaw na niyang makipaglaro kay Miko sapagkat napansin niyang dahil sa kaniya hindi na
sumusunod si Miko sa mga utos ng kaniyang magulang. Sinabi rin niyang hindi maganda ang
magsinungaling para makaiwas sa gawaing bahay.

Simula noon, naging masunuring bata na si Miko. Bumangon siya at nagwalis agad sa kanilang
bahay at agad na rin siyang sumusunod sa mga utos ng kaniyang nanay, kung kaya’t lubos ang
saya sa mga muka niya dahil sa pagbabago na ginawa ng kaniyang anak. Sa huli, nakikipaglaro pa
rin si Miko kasama ang kaniyang paboritong robot.

GAWAIN 3
Punan ng sagot ang patlang sa unahan ng bawat bilang.
Pagbasa 1. Prosesong pagtingin, pag-aayos, pagkilala, at pag-unawa ng anumang uri
at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo
90 porisyento 2. Porsiyento ng maituturing na kaalamang nakukuha natin mula sa ating
binasa.
Pagkilala 3. Isang pisyolohikal na proseso ang pagbabasa dahil sangkot dito ang siyang
ginagamit natin upang makita, matukoy, at makilala ang mga imahe at simbolo.
Return Sweeps 4. Gumagalaw rin ang mga mata mula sa simula ng binabasa hanggang sa
dulong teksto na tinatawag namang ______.
Fixation 5. Ano naman ang tawag kapag napapatitig ang ating mata upang kilalanin
at intindihin ang imahe o simbolo.
Interfixation 6. Ano naman ang tawag kapag gumagalaw ang ating mata mula kaliwa
pakanan o mula sa itaas pababa nakaraniwang nangyayari habang tayo’y nagbabasa?
Regression 7. Kung minsan naman ay kailangan nating balikbalikan at suriin ang ating
binabasa. Ito ay tinatawag na____?
Malawak na Pagbasa 8. Uri ng pagbasa na ang layunin ay maglibang at magpalipas-oras. (nasa
aklat ang kasagutan)
Pagalugad na Pagbasa 9. Ginagawa ang pagbasang ito kung nais na malaman ng mambabasa
ang kabuuan ng isang babasahin. (nasa aklat ang kasagutan)
Ikaapat na Dimensiyon 10. Dimensiyon ng pagbasa na nagagawang iugnay ng mambabasa ang
kaniyang binasa sa mga impormasyong alam na niya. (nasa aklat ang kasagutan)
GAWAIN 4
Repleksiyon
Anong uri ng babasahin ang nararapat basahin ng isang kabataang katulad mo na huhubog sa
iyong mabuting asal? Paano mo masisiguro na makakabuti sa iyo ang iyong binabasa?
Ang nararapat na basahin ng isang kabataang katulad ko ay ang mga babasahing naglalaman ng
aral na makakadagdag sa aking kaalaman, makakahubog sa aking pagkatao, at makakatulong sa
aking pag-unlad. Masisiguro kong makakabuti ang aking mga babasahin sa pamamagitan ng
pagalam kung ano ang dapat basahin at kung ano ang naaayon sa Banal na Kasulatan, kung sa
gayon malaman ko kung alin ang nakakabuti o nakakasama sa akin.

You might also like