You are on page 1of 13

FILIPINO 2

MODULE 2

GAWAIN 5

1. Sino ang nagsasalaysay sa kwento?


a. ang ama c. may-akda
b. ang nagsasalaysay d. si Keven

2. Ano ang nais ibigay ni Keven para sa kanyang ama noong gabing iyon?
a. regalo c. alak
b. pera d. kinita

3. Sino ang sinisisi ng ama sa pagkamatay ng kanyang ina?


a. baha c. si kevin
b. doctor d. ang sarili

4. pinakamahalagang bagay nan ais makamit ni kevin


a. ituring na anak at mahalin c. maibigay ang regalo
b. batiin ng happy birthday ang ama d. maksama ang ama at makapag-aral

5. Hanpabuhay ng ama bago pa ito nagpariwara sa buhay


a. karpentero c. doctor
b. guro d. drayber

6. pagbating gusting-gustong banggitin ni Keven ngunit hindi niya ito mabuo.


a. Magandang gabi po Itay!
b. Happy Birthday Itay!
c. Maligayang Kaarawan po Itay!
d. Lahat ay tama

7. Anong nangyari sa ama at nagulantang si Keven sa paghahanap?


a. Nalunod sa baha
b. Nawawala sa higaan
c. Nadulas sa kalasingan
d. Namatay

8. Nang mailigtas ni Keven ang ama, ano ang sinambit niyon sa kapwa?
a. Mula ngayon mamahalin na kita!
b. Maraming salamat anak!
c. Pag-aaralin na kita at hindi na tayo magkakahiwalay
d. Salamat sa regalo!
9. Bakit biglang nawala si Keven?
a. Hinanap ang regaling ibinigay sa ama.
b. Lumayas dahil pinalayas ng ama.
c. Bumili ng makkain nilang mag-ama
d. Tinangay ng tubig baha.

10. Saan natagpuan si Keven sa paghupa ng mafdamag nab aha?


a. Sa paanan ng rebuldong Nazareno
b. Sa harapan ng simbahan
c. Sa lansangan
d. Sa kanilang barung-barong

GAWAIN 6
1. Ano ang nararamdaman mo habang binabasa mo ang tekstong “HAPPY BIRTHDAY
PO ITAY”? Bakit? Ibahagi ito.
 Nakaramdam ako ng awa, sakit at lungkot sapagka’t di madali ang sinapit ni Keven sa
kamay ng ama. Bilang isang anak, hindi ko naranasan na pagmalupitan kaya di ko
maiwasan masaktan para kay Keven. May saya ng mabigyan ng pagkakataon ang ama
na baguhin ang pananaw sa anak ngunit huli na ito, nakakalungkot na namatay ang
bata dahil sab aha.

GAWAIN 7. Magbigay ng limang dahilan kung bakit kailangan ng isang mag-aaral ang
maging mahusay sa pagbasa ng iba’y ibang uri ng teksto. Anong kabutihan ang hatid nito sa
iyo bilang isang mag -aaral?

1. Pagpapalakas ng memorya at pansin. Ang mabuting gawi sa pagbabasa ay


makakatulong na mapabuti ang pansin at mapadali ang mga proseso ng pag-aaral.
2. Pag-unlad ng mga kakayahang nagbibigay-malay. Pinapayagan ng pagbabasa ang
indibidwal na bumuo ng isang serye ng mga kasanayan na nagpapabuti sa kanilang
kakayahang malaman at maunawaan ang mundo sa kanilang paligid.
3. Pag-unlad ng wika. ang pagbabasa ay mahalaga upang palakasin ang mga kasanayan
sa wika. Pinapayagan ka ng pagbabasa na palawakin ang iyong bokabularyo.
4. Kaunlaran sa moral. Ang komprehensibong pagbabasa ay isa ring etikal na ehersisyo
na magbubukas ng mga pintuan sa kaalaman ng pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at
masama.
5. Pagpapatibay ng mga personal na ugnayan. Ang pagtalakay sa mga impression na
dulot sa amin ng pagbabasa ay isang nakapupukaw na aktibidad na makakatulong sa
amin na makilala ang iba pa sa mas malalim na paraan.

GAWAIN 8
1. Isa-isahin at ipaliwanag sa sariling pangungusap ang mga uri ng pagbasa.
 Iskaning. Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad
sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at
sub-titles.
 Iskiming. Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang
ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan
tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
 Previewing. Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri
muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan
ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa.
 Kaswal. Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad
halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.
 Pagbasang Pang-impormasyon. Ito ay pagbasang may layunin malaman ang
impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa
hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa
layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na
mapalawak ang kaalaman.
 Matiim na Pagbasa. Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning
maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng
report, riserts, at iba pa.
 Re-reading o Muling Pagbasa. Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap
unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang
muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng
materyal na binasa.
 Pagtatala. Ito ay pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o
ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para
bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito ay
sariling pag-aari.

2. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang teoryang iskema.


 Ang teoryang iskema ay ang proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa pakksa
at kaalamam sa pagkabuo ng mahalagang salik sap ag-unawa.Ang batayang
paniniwala ng teoryang ito ay mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa
ng dating kaalaman ng mambabasa. Bago pa man basahin ng isang mambabasa
ang teksto, sya ay may taglay ng ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang
iskima sa paksa

3. Paano nakatutulong sa mambasa ang metakognitiv na estratehiya?


 Metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang
pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong
kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na mambabasa ay metakognitibo
kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila
ang angkop na estratehiya sa pagbasa.
4. Bakit mahalaga sa mga mag-aaral na katulad mo na matutuhan ang ilang metakognitiv
na estratehiya sa pagbasa?
 Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa
nitong malinang sa mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga
estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang
mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control sa mga
proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

GAWIAN 9
1. Ang isa sa mga batayan ng metakognitiv na estratehiya ay maiugnay ang bagong
impormasyon na antas ng kaisipan.
2. Binigyan ng kahulugan ang metakognitiv na estratehiya na pinatnubayang
pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampanan
ang pamamahala sa pinakmataas na antas ng kaisipan.
3. Isa sa mungkahi ni Morrow na makatulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang
binabasa ay sa pamamagitan ng elemento.
4. Hindi madali ang pagbuo ng mga tanong dahil may nga element na kailangang
isaalang-alang dito.
5. 5. Ang pagbasa ay sinasabing susi sa pagtatagumpay sa buhay kaya mahalagang
malinang sa mga mag-aaral ang kasanayang ito.
6. Nagbigay ng mga pagbibigay ng hinuha sa pagbasa ang tagapaglimbang na Steck-
Vaughn na makatutulong sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa ng bata.
7. Ang kahusayan sa pagbasa ay tumutulong sa kakayahan ng bata na magbasa nang
mabilis at wasto.
8. Kailangan ng bata na magkaroon ng malawak na bokabularyo o talasalitaan para
maging mahusay na mambasa.
9. Sa palabigkasan at palatunugan natutuhan ng bata ang pagbabaybay at wastong
pagbigkas ng mga salita.
10. Ang pag-unawa ay ang pag-iintindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita nito.

GAWAIN 10

Ugali at Pamahiin ng
Filipino

Bawal maglinis ng bahay Kapag may nunal sa labi,


Paggalang sa nakakatanda
kapag may lamay mahilig gumawa ng tsismis
GAWAIN 11
1. Sanhi: Tumaas ang presyo ng gasoline
Bunga: nag-apela ang mga drayber na taasan ang pamasahe

2. Sanhi: Kakulangan ng calcium


Bunga: osteoporosis

3. Sanhi: Mga nakasupot na ulay ay positibo sa sodium mataphysulfate


Bunga: mapanganib sa kalusugan

4. Sanhi: Magulong sistema ng pulitika


Bunga: Nag-alisan ang mga namumunuhan sa bansa

5. Sanhi: Matinding pangaingailangan ng dayuhan ng serbisyo


Bunga: Tumaas ang bilang ng estudyanteng kumukuha ng krusong nursing

GAWAIN 12
1. Sumipi ng isang katutubo at isang makabagong awitin. Paghambingin ito.

Awiting Katutubo Awiting Makabago


MAGTANIM AY DI BIRO PANALO
(by Ez Mil)

I [Intro]
Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko, di Like they said though:
naman makatayo, di naman makaupo, Magtanim di You can take a man out the hood
biro, maghapong nakayuko, di naman makaupo, di But you can't take the hood out the man
naman makatayo. Mga kababayan, turn up!
II [Hook]
Braso ko’ namamanhid Tayo ay Pilipino
Baywang ko’y nangangawit Kahit anong kulay ng balat
Binti ko’y namimitig Sa pagkababad sa tubig. Isasapuso
III Mapa-Tagalog, Bisaya, o Ilokano
Kay pagkasawing-palad N Walang tatalo sa bagsik
g inianak sa hirap Ng ating dugo
Ang bisig kung hindi iunat Isigaw ng malakas ang
Di kumita ng pilak Ating panalo
IV Wag nang pagusapan
Sa umagang pagka-gising Ang mga negatibong pangyayari
Lahat ay iisipin San mang panig ka
Kung saan may patanim Nasa mundo
Masarap ang pagkain. Kinabukasan na natin to
V Panalo!
Halina, halina, manga kaliyag. [Verse 1]
Tayo’y magsipag unat-unat. Yeah
Magpanibago, Tayo ng lakas, Keep runnin’ ya mouth when you lyin'
para sa araw ng bukas I stay on my business while watchin you
dyin'
I’m takin' my people to heights while
you cryin'
Bout regular livin' & that's what I'm
tryna
Prove, 'stead of just lyin' in booths
1st true Filipino rapper on the news
Sit, enjoy it if ya cool
Haters can snooze
While I put my city on the map
22-double the O-longapo City no cap
Never forgettin’ the street where my
Cousin would sit when we always just
listen to rap
Kendrick, Em, & A$AP with some metal
And man we would turn up with that
Been mundane till the sun came
Now I want fame like a kid in the trap
uh
Aye
I been in Spain (Spain)
But the letter ’S' is silent (pain)
I’m claimin' my reign like a king
So I can water crops for survivin' (rain
rain)
Go away if you trippin' (yuh)
Had a homie he was Cripn’ (cuh)
Ain't got no love for the people
Who talk over songs when they
Claimin' they listen (listen listen)
These bars - never done, uh
3 stars and a sun, aye
Blue, red draped down on a flag
No we never fear none
Most of us didn't grow up with a trust fund
Know that I'm willin' to kill for a loved one
I'm on the move from a nothin' to someone
Reminding my people to shout:
[Hook]
Tayo ay Pilipino
Kahit anong kulay ng balat
Isasapuso
Mapa-Tagalog, Bisaya, o Ilokano
Walang tatalo sa bagsik
Ng ating dugo
Isigaw ng malakas ang
Ating panalo
Wag nang pagusapan
Ang mga negatibong pangyayari
San mang panig ka
Nasa mundo
Kinabukasan na natin to, (Lam mo na.)
(Woo!) Panalo!
[Verse 2]
Aye
Huh, aye
Kung inakala mong isang lenggwahe
Lang kayang gamitin ni Ez Mil
La kang mapapala kung ganyan ka
Magisip kay Bathala ka sisingil;
Utang na galing sa loob na
Lumutang, hinain sa turon na may
Pusang sinaing sa-
(Mag ilokano ka tol!)
Ano?
(Ilokano!, Ilokano)
Okay!
UrAY NO NGA IMBAGAK KINYAYO
TI UKKINAYO -
DITTOY AK LAENG AG-URURAY NO
SINNO
TI AGDAYO -
TAPNO EH SANG SANGITAM AK INTE
WAGAS
MO NGA PAYO -
NGATA KAY-KAYATEM NGA PATAYENG KA
KEN ATOY BAYO -
Sikayo nga am-amin
Lahat kayo
All of you
Ever since bata ako I've been kinda
Discriminated in my own home country
Sure, some would be like:
"LuH AmPuTi pUTi mO .. tiSoY"
I ain't tisoy
I'M PINOY
And I swear that:
NOBODY WILL EVER LOOK AT ME THE
SAME WAY AGAIN
I'LL MAKE IT TO THE TOP WHILE I BE
SHOWIN'
NAY-SAYERS AND
NANALO NA AKO NUNG MULA PA NA
PINUGUTAN SI LAPU SA MACTAN
AT LAHAT ANG NASAKTAN NA
NALAMAN NILA NA PINATAY
ANG KANILANG BAYANI
SA KARAGATAN NG BANSA
NA PAG-AARI..
Ng Pilipino
Despite any termoil
I'll be proud of my soil
BAKIT?
KASE
[Hook]
Tayo ay Pilipino
Kahit anong kulay ng balat
Isasapuso
Mapa-Tagalog, Bisaya, o Ilokano
Walang tatalo sa bagsik
Ng ating dugo
Isigaw ng malakas ang
Ating panalo
Wag nang pagusapan
Ang mga negatibong pangyayari
San mang panig ka
Nasa mundo
Kinabukasan na natin to
Panalo!

Paghahambing:
 Kung ihahambing ang dalawang awitin na ito ay makikita nating maikli lamang
ang katutubong awatin kaysa sa makabago. Sa makikita rin nating straight to the
point ang mensahi ng katutubong awitin kung ikokompara sa makabago na bawat
liriko ay may malalim na kahulugan. Sa paghahambing ko sa bawat awitin na ito
ay may Nakita akong kapareho at koneksyon sa dalawa. Ang katutubong awitin ay
nagpapakita ng ugali ng bawat Filipino at ang makabagong awitin naman ay kung
bakit at papano ang maging isang Filipino. Ang rason kung bakit “Panalo”
(pamagat ng makabagong awitin) tayong mga pilipino ay dahil sa ugali natin na
makikita natin sa mensahe ng awiting “Magtanim ay di biro” (katutubong kanta).

2. Gumawa ng sariling dayagram tungkol sa sanhi at bunga.

Sanhi Bunga

Tamad mag-aral Mababa ang grado

Naninigarilyo Nagkasakit sa baga

Mahilig maglakwatsa Hindi nakatapos ng gawain

Nakagawa ng krimen Nakulong sa bilangguan


3. Magsaliksik ng iba’t-ibang katutubong sayaw.

 Subli - Ang sayaw na ito ay mula sa katagalugan. Ang salitang subli ay mula sa
dalawang Tagalog. Ang dalawang salita ay subsub at dali. Sa sayaw na ito, ang mga
lalaki ay nakasubsob na tila pilay at baluktot. Ang mga babae naman ay nakasuot ng
sumbrero.

 Sapatya - Ito naman ay mula sa Pampanga. Ito ay kadalasang sinasayaw ng mga


magsasaka sa panahon ng kanilang pagtatanim bilang pag-aalay sa masaganang ani.

 Tinikling - Mula sa Leyte ang sayaw na ito. Isinasayaw ito sa pamamagitan ng


paggaya sa galaw at kilos ng ibong tikling habang lumulukso sa pagitan ng dalawang
kawayan.

 Sakuting  - Ang sayaw na ito ay mula sa Abra. Lalaki lamang ang sumasayaw ng
sayaw na ito. Ito ay isinasagawa sa pagpapakita ng pakikipaglaban gamit ang patpat.

 Regatones - Ito naman ang katutubong sayaw na galing sa Negros Occidental.

 Binasuan - Ito ay isang masiglang sayaw na mula naman sa Pangasinan. Ang ibig
sabihin ng Binasuan ay paggamit ng ng basong inuman.

 Kuratsa - Ito ang sayaw na mula sa Bohol at kilala rin ng mga Ilokano. Ito ay may
katamtamang estilo ng waltz. Ginagaya ng sayaw na ito ang ligawan ng mga
kabataan.

 Saguin-saguin - Ito ay mula sa Bicol. Isinasalaysay nito ang may-ari ng kakahuyan na


sinasayawan ang kanyang mga manggagawa.

GAWAIN 13
1.Talakayin sa sariling pangungusap ang mga sumusunod kaugnay sa pamumuhay ng
mga Aeta:
1. Kabuhayan
 Ang mga Aeta ay maagang lumalabas upang magtanim. Ayaw nilang inaabutanng
tindi ng sikat ng araw. Kapag mainit na, sila ay sisilong. Nagtatanim sila ng mais,
palay, kamote, patatas, at gabi. Sa oras na sabihin ng magbahay nila na wala nang
maluluto, doon sila lalabas at maghahanap ng makakain. Isa sa kanilang
ipinagmamalaki ay ang paggawa ng mga pana at sibat. Ito ang kanilang ginagamit
sa kanilang pangangaso at panghuhuli ng isda. Gumagawa rin sila ng pluta at ito
ay kanilang ipinagbibili.

2. Pag-aasawa
 Sa mga Aeta, ang pag-aasawa ay naiiba at di pangkaraniwan. Sa edad na tatlong
taon, ang bata ay ipinagkakasundo na ng mga magulang. Sa pagsapit ng tamang
edad ang lalaki ay dapat nang manuyo at manilbihan sa pamilya ng babae. Ito ang
tanging paraan para magustuhan ng babae ang lalaking ipinagkasundo sa kanya.
Ninanais ng mga magulang na magkaroon ng mga anak na babae sapagkat ito ang
paraan upang makatanggap sila ng "bandi". Ang bandi ay ang pagbibigay ng
lalaki sa pamilya ng babae tulad halimbawa ng isang baboy para sa kasal, at
malaking halaga para sa pag-aaruga ng mga magulang ng babae sa kanilang mga
anak.

3. Pagbubuntis
 Kapag nagdadalang-tao na ang isang babae pinapayuhan siyang huwag maglakbay
sa malalayong pook. Hindi rin nararapat na lumabas tuwing gabi sa dahilan na
maraming masasamang espiritu na gumagala. Ang asawang lalaki ay hindi rin
maaaring magtrabaho tulad ng paggawa ng bahay at lab na ang paggawa ng ataul.
Ang dahilan ng ganitong pag-iingat ay ang paniniwala nila na kapag nilabag nila
ang mga bagay na ito ang sanggol ay maaaring malaglag mula sa sinapupunan ng
ina o maaaring maging mahina sa sinapupunan nila. Sa kanyang paglilihi,
ipinagbabawal naman ang kumain ng kambal na saging o kahit anong kambal na
prutas na maaaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng kambal na anak. Hindi rin
nagpapakuha ng letrato kung sila ay buntis.

4. Pangangalaga sa mga bata


 Habang sanggol pa ang isang Aeta, pinagsusuot ito ng kuwintas at pulseras na
gawa sa mga buto ng halaman na galing sa bundok na tinatawag na "Amiong." Ito
ay nakatutulong nang malaki upang hindi puntahan ng masamang espiritu ang
bata. Maaari ring ang buto ng kalabasa ang gauging kwintas upang di mausog ang
sanggol.

5. Pagtanggap sa panauhin
 Ang mga Aeta ay kilala sa pagiging magalang sa pagtanggap sa panauhin. Kapag
may panauhing dumating sa kanilang tahanan, ang una nilang ginagawa ay
pakainin ito. Nararapat kumain ang isang panauhin kahit siya'y busog sapagkat
kapag tinanggihan niya ang inihaing pagkain sa kanya, iyon ay nangangahulugan
ng paghamak. Inaaliw nila ang mga panauhin sa pamamagitan ng kanilang mga
say aw tulad ng Dagaw/Manganito at Ginaramba.

2. Masasabi mo bang masipag o pabaya ang mga Aeta. Patunayan ang sagot.
 Masisipag ang mga aeta sapagkat sila ang kumukuha ng kanilang sariling pang-
araw araw na mga kagamitan ang mga bagay na kailangan nila. Sa loob ng daan-
daang taon, masasabing nabuhay ang mga Aeta sa pulso
ng bulkan, itinataon ang pagtatanim ang pag-ani ng kanilang mga tanim sa
volume ng steam na patuloy na lumalabas sa mga natural vent ng upper
slope. Kahit na may interaksyon sa mga lowlanders, ang mga Aeta ay nanirahan
sa
malayo at mag-isa. Pinananatili rin nila ang uri ng pamumuhay na tradisyunal
sa mga kaugalian at adhikain. Tumanggi sila sa proseso ng acculturation at
inakap lamang ang kaugaliang-labas na mailalapat sa kanilang uri ng
pamumuhay. Namimili lamang sila ng mga elementong tatanggapin - tulad ng
mga paraang pang-agrikultura na nababagay sa kanilang pamayanan.

3. Ano ang sinasaklaw ng disiplinang agham at teknolohiya?


 Ang agham ay isang disiplina na nangangailangan ng komprehensibong
kinalabasan ng isang bagay sa pamamagitan ng pagmamasid, pangangalap ng
datos, pagbuo ng haypotesis at kongklusyon. Tumutugon ito sa totoong bagay na
nagagamitan ng limang (5) sentido ng tao. Ang teknolohiya naman isang malawak
na paksa, nasasaklaw nito ang lahat ng pag-unlad na nangyayari sa mundo upang
maging magaan ang gawain ng tao kaugnay sa akademiko, transakyon,
komunikasyon, libangan at marami pang iba. Kaugnay rin teknolohiya ang
kompyuter, gadgets, internet at social sites na nagagamit at naa-access ng tao.

4. Ano ang kahalagahan ng sining sa buhay ng tao?


 Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga
paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol
sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay
nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili.

You might also like