You are on page 1of 4

PAGBASA

KAHULUGAN: isang malawak na proseso na may kinalaman sa pagkilala, pagpapahalaga at pag-unawa sa mga salita.
Pagbibigay kahulugan sa nakalimbag na kaisipan upang makabuo ng diwa.

7 karaniwang suliranin sa mabisang pagbabasa


1. Kalusugan
2. Kapaligiran
3. Konsentrasyon
4. Kawalan ng interes
5. Kahinaan sa direksyon
6. Katatagan ng damdamin
7. Kakulangan sa kaalamang panlinggwistika

PROSESO NG PAGBASA
1. Pakiramdam – unang proseso ng pagbasa na kailangang magawa ng isang magbabasa
2. Pagpapakahulugan – ito’y pangalawang proseso na nangangailangan ng organisadong pagtinging sa mga ideya
at kaisipan ng akdang nabasa.
3. Pag-unawa - ito ang pinakamahalagang proseso ng pagbabasa sapagkat nakasalalay ditto ang lubusang
panghinuha sa nilalaman ng binabasa
4. Aplikasyon – ditto nagsisimulang lumawak ang proseso ng pagbabasa
5. Integrasyon – nasasangkot sa prosesong ito ang pagbabahagi n gating nabasa

ANTAS NG PAGBASA

1. Pagbasa ng teksto - binabasa ang impormasyon, mensahe at opinion


2. Pagbasa ng konteksto – iniuugnay natin ang mga nabasa natin sa mga pangyayari sa lipunan.
3. Pagbasa ng subteksto - inaalam natin ang natatagong damdamin at tono ng akda
4. Pagbabasa ng interteksto - ayon kay Ishmael Reed at Gracciela Limon gumagamit ng babasahing may malawak
na kaalaman upang mahigit ng maunawaan ang partikular ng teksto, nagkakaroon ng mas malamin na
pagpapahalaga at pagsusuri sa tekstong binabasa

MODELO NG PAGBASA
1. Modelong Bottom-up – ukol sa pagbibigay diin sa pinagmulan ng daloy ng pang unawa kung nagbabasa. Ito ang
proseso ng pagbabasa na nagmumula sa nakatala o nakalimbag na teksto ang pang-unawa.
2. Modelong Top Down - nagsisimula sa pagbibigay kahulugan ng mambabasa sa teksto. Ginagamit ang
panandang salita at panandang pangnilalaman o contextual clue
3. Modelong Inter Aktibo – naglalayong pagsama-samahing ang ibat ibang kaparaanan upang higit na maging
epektibo ang pagbabasa. Isinasaalang-alang ang lahat ngndatos sa teksto maging ito ay grapemiko, ponemiko,
morpemiko, sintaks at semantika.

ISTRATEHIYA SA PAGBASA
1. BAGO MAGBASA
@ pagbibigay ng paunang kauhulugan
@ paunang pagtingin
@ pagtatakda ng layunin sa pagbabasa
@ paggamit ng sariling kaalaman
@ pagsasagawa ng panlahatang hinuha
2. HABANG NAGBABASA
@ pagbubuo ng kahulugan
@ pagsusuri at pagbabago sa mga hinuha
@ pag-uuri at pagkilala
@ pagpapanatili ng pang-unawa
@ paggamit ng mga estratehiyang pampuno
@ pagbasa nang tuluy-tuloy
3. PAGKATAPOS MAGBASA
@ muling pagsasaayos ng kahulugan
@ muling paglalahad ng nabasa
@ pagsusuri ng nabasa

MODELONG ISKEMA - ito’y kalipunan ng organisado, magkakaugnay at sama-samang impormasyong


nagbibigay ng tiyak na reaksyon o pagkilos sa kaalamang makakasalamuha ng mambabasa.. naunang natutuhan
ng isang tao ay naiimbak sa kanyang iskema.

PARAAN NG PAGBASA
1. Tahimik na pagbasa
a. Tamang lugar
b. Tamang ayos o posisyon
c. Mata lamang ang gamitin sa pagbabasa nang tahimik
d. Bumasa nang mabilis subalit may pag-unawa sa nilalaman ng binabasa.

2. Malakas na Pagbasa - layunin ng pagbabasang ito na magbigay ng mga gintong kaisipan sa mga tagapakinig.
Nais din nitong bigyang-aliw at bigyang-kaalaman ang mga nakikinig.
MGA PATNUBAY/GABAY SA PAGBASA NANG MALAKAS
Sa ikapagtatagumpay ng gagawing malakas na pagbabasa, dapat lang na isaalang-alang ng mambabasa ang mga
sumusunod.

a. Tayo o tindig
b. Bolyum/lakas ng tinig
c. Tamang paraan ng pagbigkas
d. Tamang paghawak sa aklat
ESTILO NG PAGBASA
Sa bawat paraan ng pagbasa, may iba’t ibang estilo ang maaaring gawin upang maging makabuluhan ang
gawaing ito. Karaniwan nang iniaangkla natin ang estikong gagamitin sa layunin ng gagawaing pagbabasa.
Narito ang iba’t ibang estilo ng pagbasa:
1. Iskiming
2. Iskaning
3. Ginagabayang Pagbasa
4. Bahaging Pagbasa
5. Kritikal na Pagbasa
Ang metakognitibo ay ang proseso ng pag-iisip na laging isinasaalang-alang kung nakamit ang kognitibong
layunin.
KOGNITIBONG ESTRATEHIYA - ay ang paggamit ng tao sa sarili niyang kakayahan at pamamaraan upang
makasiguro makakamit niya ang kaniyang nais.

Gawain basahin ang MGA MITHIIN. GAMITIN ANG PAMAMARAAN O TEKNIK SA PAGBASA
MGA MITHIIN
HUMINAHON KA . . .
Sa gitna ng ingay at pagmamadali at tandaang may kapayapaan sa katahimikan.
Hanggat maaari nang walang pag-aatubili , makipagmabuti ka sa lahat ng tao
Bikasin mo ang katotohanan nang tahimik at malinaw; at makinig ka sa iba, maging sa mga hangal at walang
alam ; sila man ay may sariling salaysay.

Iwasan ang mga hambog at mapupusok na tao, sila’y makapagpapayamot ngkalooban.


Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, maaari kang mabigo at masaktan; pagkat lagi nang may hihigtan
kang tao. Malugod ka sa iyong mga nakamit at iyong mga pangarap.

Laging maging masigasig sa iyong sariling tungkulin, gaano man ito kababa; ito ay isang tunay na pag-aari at
pabagu-bagong kapalaran ng panahon.

Maging maingat sa iyong negosyo; pagkat ang mundo ay puno ng pandaraya.


Ngunit huwag sana itong bumubulag sa iyong kabutihan ; maraming tao ang nagsisikap para sa kanilang mga
hangarin; at saan man, ang buhay ay puno ng kabayanihan.

Panatilihin mo ang iyong sarili. Lalo na, huwag mong dayain ang pagmamahal, Huwag ka ring mangutya
tungkol sa pag-ibig; pagkat sa harap ng lahat ng kawalang sigla at kawalan ng pang-akit, ito’y pangmatagalang
tulad ng mga damo.

Tanggaping mabuti ang aral ng panahon, maluwag sa dibdib na talikdan ang mga bagay ng iyong kabataan.
Pangalagaan ang lakas ng espiritung pananggalang mo sa biglaang kalamalasan. Ngunit huwag mong
bagabagin ang iyong sarili ng mga guniguni. Maraming takot ang bunga ng kapaguran at kalungkutan.

Sa kabila ng mabuting disiplina, maging magiliw sa iyong sarili. Ikaw ay anak ng kalawakan, higit sa mga puno
at bituin; may karapatan kang mabuhay dito. At malinaw man ito o hindi sa iyo, walang alinlangang inilahad ito
ng kalawakan.
Samakatuwid, pumapayapa ka na kapiling ang Diyos, anuman ang pagkakakilala mo sa Kanya, at anumang
angiyong pinagpapaguran at mga nilulunggati, sa maingay na pagkakagulo ngbuhay, payapain mo ang iyong
kaluluwa.

Sa kabila ng kanyang mga pagkukunwari, mga nakababagot na gawain at mga walang katuparang panaginipp,
maganda pa rin ang daigdig na ito

Mag-ingat ka. Sikapin mong maging masaya!


A.
PAMILYAR NA SALITA KAHULUGAN
1
2
3
4
5

B. Pagkakaugnay ng mga pangungusap sa bawat talata: Hanapin at isulat ang magkakaugnay na pangungusap at
ipaliwanag ang ibig sabihin nito

1.________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

C. ALIN SA PAHAYAG SA AKDA, ALIN ANG NAKAPAGBIGAY SA IYO SA PAGPAPASYA SA BUHAY? ALIN NAMAN
ANG NAKAPAGPAANTIG SA IYONG DAMDAMIN?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

D. ALIN SA PAHAYAG ANG MAAARI MONG GAMITIN SA PAG-UUGNAY SA TIYAK NA SULIRANIN O


SITWASYON SA BUHAY?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

e. ANO ANG LAYUNIN NG AKDA?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
PAGSULAT
- May 3 dakilang yugto na pinagmulan ng pagsulat
a. Word-syllabic writing - ang paggamit ng mga simbolo na kumakatawan sa mga salita.
b. Semitic syllabary - pagiging payak ng 22 – 30 simbolo na kumakatawan sa mga salita.
c. Semitic-syllabary ng Phoenicians - resulta ng pagbabawas sasimbolo na kumakatawan sa salita
tungo sa simbolong kumakatawan sa pantig.
Katuturan ng Pagsulat:
Ayon kay Alcomtiser Tumangan, ang pagsulat ay paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang
tao sa pamamagitan ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.

URI NG PAGSULAT:
1. Pormal na pagsulat – may paghahanda , batay sa tamang hakbangin, layuning mailahad ang mga ideya sa
maayos at malinaw na kaparaanan.
2. Di Pormal na Pagsulat - walang paghahanda, hindi pinapatnubayan , ang paksa’y hango sa karanasan o bunga ng
obserbasyon.
URI NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN:
1. Pang-akademikong pagsulat
2. Malikhaing pagsulat
3. Pampahayagang pagsulat
4. Pampropesyonal na pagsulat
5. Panteknikal na pagsulat
KATANGIAN NG PAGSULAT
Nakapagpapalawak ng bokabularyo, nakapagpapatalas ng isipan, nagiging instrument sa paglalahad ng kuro-
kuro, pala-palagay o opinion tungkol sa mahahalagang bagay isyu o paksa at nakalilinang at
nakapagpapalawag ng karanasan.

You might also like