You are on page 1of 1

Nang simulan ko ang pagbabasa ng akdang Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute ay inakala kong

isa lamang itong masayang kwento mula sa isang karanasan ng paglalaro noong tayo ay bata pa kaya’t
ako ay nakaramdam ng saya dahil sa pagbabalik tanaw ko sa sariling karanasan sa minsang paglaro din
ng bangkang papel. Subalit ng nasa kalagitnaan na ako ng aking pagbabasa ay naisip ko ng para bang
may mali sa kwento kung ito ay may layuning magpasaya sa pagbabaliktanaw ng masayang alaala dahil
may mga detalye sa kwento na nakakabagabag. Nang magpatuloy ako sa aking pagbabasa at natapos
ang kwento ay natuklasan ko na mali nga aking akala na isa itong masayang pagbabaliktanaw sa
nakaraan bagkus isang mapait na karanasan ng lalaking may mapait na alaala sa isang bangkang papel.
Nagsilbing masamang alaala sa utak ng isang batang lalaki ang dapat sana’y isang masayang karanasan
na pwedeng mabalik balikan hanggang sa kanyang pagtanda. Tila ba naging palatandaan ang bangkang
papel sa isang pangyayari sa kanyang buhay at kahit kailanman ay hinding hindi na magiging katulad ng
dati ang simpleng pagtingin niya sa isang bangkang papel. Kaya naman sa aking pagbabasa ay natutunan
ko na

May mga bagay na magpapa alala sa atin ng masasamang nangyari sa ating buhay gustuhin man natin o
hindi. May isang bagay na magiging isang malaking paalala sa atin ng sakit na naranasan natin noong
panahon na iyon at paulit ulit na babalik sa iyong isip ng walang pasabi at pahintulot. Kaya naman
dumating ako sa punto na kung darating man ang panahon na mangyari sa akin ang similar na tagpo ay
susubukan kong gumawa ng mga bagong karanasan sa bagay na iyon upang matakpan nito ang
masamang alaala ng nakaraan at mapalitan ng masasayang alaala na siya ng hindi ko makakalimutan.

You might also like