You are on page 1of 2

Interbyu kay Noel Sales Barcelona by Diana Hofilena

Pasakalye:

Unang-una, gustong magpasalamat dahil sa pagkakataon na ibinigay mo sa akin para


makapaglahad ng kaunti kong nalalaman sa pagsusulat. Pero aaminin ko, hanggang
ngayon, patuloy ang ginagawa kong pag-aaral para mapag-igi at mapakinis ang aking
pagsusulat. Isa kasing dinamikong sining ang pagsusulat; dinamiko dahil gumagalaw
siya gaya ng mga tauhan sa mga isinusulat ko na karamihan ay bahagi ng aking
reyalidad at ilusyon.

Sinipi ko ang mga tanong mo at kasunod ng bawat katanungan ang kasagutan ko


naman (bagaman may ilan akong iwinasto sa mga tanong mo; para sa kalinawan na rin
ng babasa ng talatanungang ito).

Diana M. Hofileña (DMH): Paano ka pumipili ng paksa sa gagawin mong kuwento?

Noel Sales Barcelona (NSB): Ilang beses pa lamang ako gumawa ng short fiction o
tinatawag na maikling kuwento. Karamihan nga rito, hindi pa na nailalathala pero, sa
trabaho ko sa Pinoy Weekly bilang isang investigative reporter at mananaliksik,
karaniwang ibinibigay ang paksang susulatin o kaya naman, sa ilang pagkakataon,
nagmumungkahi ako ng gusto kong isulat.

Hindi ako naniniwala na kailangan na ang isusulat mo ay alam na alam mo na. Pero,
makatutulong para sa isang manunulat na magsimula ka sa mga bagay na alam mo.
Halimbawa, ang alam mo, tungkol sa pagibig, e di magsulat ka ng tungkol sa pagibig.
Pero hindi rin naman pupuwedeng ikahon mo ang sarili mo sa ganoong paksa.

Mabalik tayo sa pinag-uusapan natin, iyong tungkol sa paano ako namimili ng paksa sa
mga kuwentong isusulat ko.

Gaya nang nabanggit ko na, pinipili ko hangga’t maari iyong mga kuwentong hindi de-
kahon o iyong sinasabi nating ‘stereotyped’ o kaya naman ‘trivialized’. Marami kasing
manunulat ang gumagawa ng ganyan. Gaya halimbawa ng mga kuwento sa pocket
books—foreign publication man o lokal na laging umiikot ang istorya sa pagtatagpo ng
isang lalaki at isang babae, tapos ay mauuwi sa pakikipag-sex, magkakatampuhan sila,
magkakatagpong muli, mararamdamang umiibig pa sila sa isa’t isa at sa bandang huli,
magsasama sila. And then, they will live happily ever after.

O kaya naman, fantasized stories. Bagaman aaminin ko na naaaliw pa rin ako sa mga
paksang ganoon, pero hindi lamang naman labanan ng good and evil ang nangyayari
sa mundo na ang tunggaliang ito ay malulutas sa pamamagitan ng isang kumpas ng
magic wand.

Ang kailangan natin, maugat ang pinagmumulan ng kapanyayaan o evilness


(halimbawa, iyong inhustisya, pang-aabuso, atbp). Gusto ko masagot iyong tanong na
iyon—saan nagmumula ang mga ito?

Kaya, sa pagpili ko ng paksa, gusto ko iyong mga hindi pa gaanong nadadalirot ng


kapwa kong manunulat o kaya naman, kung ‘naikuwento’ na, iyong mga paksang
mabibigyan mo pa ng bagong anyo at lasa para sa mga mambabasa mo.
Gaya halimbawa ng karalitaan ng kalakhan ng mamamayan. Gustung-gusto kong
dalirutin sa mga istorya ko iyan. Kasi, iyon ang totoo at iyon talaga ang nagaganap sa
paligid ko. Sa kuwento ng karalitaan, marami kang malilikhang kuwento o balita o
artikulo. Marami kasing anyo ang karalitaan: iyong mga magsasakang inagawan ng
lupa o nakapaloob sa sistemang kasamá (tenant-landlord relationship), maralita sila
dahil hindi nila pag-aari iyong kasangkapan sa produksiyon, kasi wala nga silang lupa.
Iyong mga manggagawa na arawan (daily-wage workers), maralita sila dahil wala
naman silang ibang pag-aari. Mga tipong ganoon.

Sa madaling-sabi, pinipili ko iyong mga paksang naglalarawan sa tunay na kalagayan


ng mga tao sa paligid ko. At ito ang pamantayan ko ng pagpili ng senaryo ng aking
ikukuwento.

DMH: Saan mo ibinabatay ang katangian ng mga tauhan mo sa ginagawa mong


kuwento?

NSB: Ibinabatay ko iyong mga tauhan ko sa kuwento ko sa mga taong nasa paligid ko


—mga babaing napilitang magputá para lamang kumita at makakain siya at ang
kanyang mga anak; mga manggagawang natatanggal sa kanilang trabaho; mga
magsasaka na inagawan ng lupa; mga kapatid ko at mga magulang ko… minsan ang
sarili ko…

Kaya may ilan kang mababasang kuwento ko sa diyaryo man o sa magasin, o kaya
maging sa mga tula ko na, pamilyar sa iyo ang tauhan.

DMH: Ano ang batayan mo sa pagpili ng tagpuan o setting ng ginagawa mong


kuwento?

NSB: Eh di ang paligid ko. Mga lugar na napuntahan ko. Ganoon.

DMH: Papaano mo binubuo ang banghay o mga kaganapan sa ginagawa mong


kuwento?

NSB: Nakabatay ito sa buhay o karanasan ko o ng mga tauhang ginagamit ko sa


kuwento ko. Kung paano nila ito inilahad. Pero minsan, ibinabatay ko ito sa kung paano
tatakbo sa loob ng isip ko ang kuwento.

DMH: Papaano mo nahuhulma ang wakas ng mga kuwento mo?

NSB: Laging open-ended ang mga kuwento ko. Bahala na ang mga mambabasa na
magbigay ng wakas. Pero nagbibigay rin ako ng mga hint o mga pananda kung paano
dapat magtapos ang kuwento. Pero madalas, halimbawa sa isang suring-balitang
isinusulat ko, ang nagtatapos ng kuwento ko, iyon mismong taong nagkukuwento.

DMH: Ano ang mga teorya na ginagamit mo sa mga kuwento mo?

NSB: Social realism o realismong panlipunan. Iyon ang teoryang ginagamit ko bilang


gabay sa pagsulat ng isang kuwento.

You might also like