You are on page 1of 19

( isang yugto- tatlong eksena)

ni Njel de Mesa
Nagwagi ng 1st Prize Don Carlos Palanca Awards for Literature 2002

(Paalala: Kailangan nang maingat at masusing pakikinig sa mga bagay na


hindi nabibigkas ngunit mababaanagan sa teksto. Higit itong mas
mahalaga kaysa sa teksto mismo.)
TAUHAN:
BABAE
LALAKE
*maaring isang pares lang ng babae at lalake ang gumanap sa tatlong
eksena

Unang Eksena: Hapunan. Sa isang “fine dining” restaurant. Nakaupo at


wari’y magsisimulang kakain ang isang lalake at babae ng kani-kanilang
pagkaing nakahain sa kanilang lamesa. Pareho silang bihis na bihis at
mukhang galing opisina. Maririnig ang "Sadly Falling" ni Njel de Mesa
sa piped-in music.

LALAKE: Nagbibiro lang ako nu’n…

BABAE: (Biglang dadaluhong.) Paano ko malalaman… na nagbibiro ka lang


nu’n… Hindi mo naman nilagyan ng “U” na may umlaut sa dulo!

LALAKE: “U” na may umlaut?

BABAE: Oo. Yung “U” na may umlaut? Yung smiling face? At huwag kang
magpapalusot na bulok ang model ng telepono mo’t wala kang character
na gano’n…

LALAKE: Wala nga…

BABAE: Pwede ba…

LALAKE: Totoo… wala nga…

BABAE: E, di sana gumawa ka ng paraan, pwede namang “open parenthesis”


tapos “colon” or “open parenthesis dash colon” kung gusto mong may
ilong. (Hihirit ang lalaki.) O-o-o… huwag mong sabihing wala ka pa rin
nu’n…

LALAKE: Meron.

BABAE: O, kitam. Wala akong pakialam kung jolog ang cellphone mo, ang
sa ‘kin lang,…sana gumawa ka ng paraan… para hindi tayo nauuwi sa mga
nakaka-iritang pag-uusap dahil ang labo mo!

LALAKE: Ang labo ko?!… Tama na… kumakain tayo (Pabulong sa


sarili.) Ako pa’ng malabo…

BABAE: Oo, ikaw! Hindi mo malaman kung seryoso ka, o galit ka, o
nagbibiro! Nasaktan ako nu’ng natanggap ko yun, dahil ‘kala ko seryoso
ka…, tapos ngayon sasabihin mong nagbibiro ka lang…

LALAKE: (Magtataas ng boses.) E, sa wala nga ako nu’ng “U” na may


umlaut!!

BABAE: A, basta… hindi ka gumawa ng paraan.

LALAKE: Oo na… next time… “open parenthesis dash colon” …may ilong pa
‘yon ha… Kumain na tayo.

BABAE: At isa pa, pa’no ko iisiping nagbibiro ka lang at ‘di ka galit


samantalang naka-ALL CAPS ang message mo, remember?! ALL-CAPS !?! Do
you know what THAT means?!

LALAKE: Tell me.

BABAE: (Nangungutya.) Hmm. Isipin natin. (Biglang sasampalin ang


lalake.) ‘Yan! ‘Ayan ang pakiramdam ng ALL-CAPS mo !!! (Sisimulan ng
babae kumain.)

LALAKE: Déjà vu… for the Nth time… walang lower case function ang
telepono ko! Masanay ka nang mukhang galit ang mga messages ko!

BABAE: Ipanakaw mo na ‘yang 2-liner, antiquated, cellphone mo para


makabili ka na ng bagu-bagong modelong may “U” na may umlaut at lower
case function! Ang LABO MO!!

LALAKE: Bakit ikaw rin naman, ah?

BABAE: Ano’ng ako?

LALAKE: Oo ikaw.

BABAE: Ako… malabo? Excuse me !?! ‘Pag ako nagpapadala ng message,


direct to the point, malinaw pa sa araw.

LALAKE: Bakit nu’ng nililigawan kita puro “I LAB U” ang padala mo ?!

BABAE: So? Anong malabo du’n?


LALAKE: LAB? LAB? Helllooooo… L-A-B?! (Patlang.) Hindi L-U-V. Hindi L-
O-V-E. Ang pagkaka- “spell” mo… L—A—B !! “I LAB U”. Matutuwa pa naman
sana ako nu’ng una kong natanggap ‘yon. Sasarap sana ang gising ko.
Pero nag-alangan ako… dahil baka biro lang o di kaya’y pa-cute na
consuelo de bobo para dalhan pa rin kita ng dalhan ng paborito mong
pulburon araw-araw sa skul. ‘Di ko malaman kung seryoso kang mahal mo
‘ko… Tapos akala ko magbabago ‘yun nu’ng naging tayo… Pero hanggang
ngayon, ganu’n pa rin. “I-L-A-B-U”. Ano kaya ‘yun ?! Tell me, how am I
supposed to commit my undying love to a person who sends half-hearted
messages of love like that?! ILABU? ANGLABO! Ikaw ang malabo!

BABAE: This is unfair.

LALAKE: Unfair!?! Sige nga, kelan mo ba ako pinadal’han ng “I -- Love


– You”…yung buo, ha?! Hindi yung, “I-L-A-B-U”?!

BABAE: (Mataray at sigurado.) Kahapon. Hindi mo natanggap?

LALAKE: ‘Ayan ka na naman. Gagawin mo na namang palusot ‘yang mga


hindi ko natatanggap na mga messages mo para manalo sa usaping ito.
Pwede ba. Lumang tugtugin na ‘yan. At alam naman natin na, sa ating
dalawa, mas madalas ako ang nagpapadala ng messages sa ‘yo. At ugali
mo talagang hindi sumagot. Buwan buwan, nauubos ang Pre-paid ko sa
kakapadala ng “HOW R U?”. At ikaw?? Ni hindi mo man lang ako sagutin
ng simpleng “K”. “K” lang, ipagdadamot mo pa sa ‘kin.

BABAE: D’yos ko po… lahat ba ng messages mo “K”--langan kong sagutin.


Para ka namang batang makulit!

LALAKE: Syempre makulit ako. Mahal kita e. Interesado akong malaman


kung anong nagyayari sa ‘yo. Nag-aalala ako. At isa pa, di mo naman
kelangan sagutin lahat ng messages ko. Pero siguro naman dapat mong
sagutin kung yung pinadala ko nagtatapos sa QUESTION MARK!! Di ba!?!

BABAE: Susmaryosep! Ano naman ang gusto mong isagot ko sa mga messages
mong nakalagay lang: “HEY”? “HEY” din ? Mag-aaksaya pa ako ng piso
para mag-“HEY”?

LALAKE: Bakit may question mark ba sa dulo yung mga “HEY” ko ?!

BABAE: Wala.

LALAKE: O, e bakit mo sinasali ‘yan sa usapan. Ang tinutukoy ko lang


naman yung mga messages kong may question mark sa dulo na hindi mo
sinasagot. Pambihira ka.

BABAE: My point is, madalas kang nagpapadala ng mga pathetic messages


like “HI, HEY, HELLO, INGAT, TAKE CARE,” o di kaya’y “HAV A NICE DAY”.
For what? You’re wasting your pre-paid !!!

(Sandaling katahimikan.)

LALAKE: (Marubdob.) Wasting MY Pre-paid ?! Gano’n lang pala ang tingin


mo sa mga messages ko. Aksaya lang pala ng Pre-paid na isipin ka
maya’t maya… na ipakita sa ‘yo na iyong iyo ako…na ipamalas sa ‘yo na…
higit pa sa pag-aalala ko sa negosyo, sa trabaho, sa sarili, at minsan
sa pamilya, ang pag-aalala ko sa ‘yo!! ‘Kala ko ikatutuwa mo. Tinik
lang pala ako sa tagiliran mo. BWISET! Now this is not worth it !!

BABAE: You’re hurting me.

LALAKE: I… am hurting… YOU!?! Aba’y ibang klase ka talaga!

BABAE: (Magsisimulang umiyak.) Why do you have to take it that I don’t


appreciate your pathetic messages? Pinapamukha mo sa ‘king gusto
kitang saktan.

LALAKE: Bakit hindi ba?

BABAE: No. I never liked… enjoyed hurting people! Never! Especially


you…

LALAKE: Ano?? How do you think I’d react? Let me remind you that it
was YOU who said—and this is Verbatim ha—na ‘I am wasting my Pre-
paid’?! On you?! Of course I’m hurt!

BABAE: And I’m… too.

LALAKE: Good. That makes two of us.

BABAE: Why do you have to read what I say the negative way?

LALAKE: (Sasabog.) Why don’t you just answer my pathetic messages!!!

BABAE: Hindi mo ba naisip na siguro… busy lang ako… na I wanted to


but… could not!!!

LALAKE: Well, well, well, you think I go to office as a couch potato!


You want to see my planner? (Ilalabas ang planner, PDA, or Palm
Pilot.) Hour after hour, I’ve a million things up my sleeve and on top
of my desk nagging me but I always manage to think of you…and worse…
entertain those thoughts. Thoughts you never regaled or appreciated at
the least! Good Morning! Sana nagising kita ha!! Miss… FYI… BUSY RIN
PO AKO!!

BABAE: Precisely. That’s why I know…if I entertain those very


thoughts, we’d end up sending messages to and fro… texting a tete-a-
tete that would never end. And at the end of day, we’ll both end up
doing just half the work we were suppose to do… and we’ll have to
make-up for it the next day… calling-off what’s left of the quality
time we scheduled… to be together. I know “us” too well.

LALAKE: Okkeeey… Quality time…

BABAE: And thought it best that you waste your credits on matters that
will earn us our future than on sweet nothings for me. Alam kong
marami ka pang kliyenteng kakausapin at dahil sa negosyo mo, I know,
you can’t afford wasting your money on “HIs, HEYs, HELLOs, INGATs,
TAKE CAREs, and HAV A NICE DAYs”. And you don’t see that. All you see
is a girl who means to hurt you.

LALAKE: (Pipiliting ibahin ang usapan.) Okey…Sorry.

BABAE: Don’t be. If you assumed that… then it means there’s something
wrong with me. As always. I guess, you’d be better off without me.

LALAKE: Anooo?

BABAE: What am I saying… This world would be better off without


me. (Kukunin ang kutsilyo para sa mantikilya at sisimulang maglaslas
ng pulso.)

LALAKE: (Pipigilan ng lalake.) Ano ba?! Tama na!!

BABAE: (Magaagawan sa kutsilyo.) I’m sorry. I didn’t mean to hurt you.

LALAKE: You’re just tired.

BABAE: Yes, tired of hurting people. So, pabayaan mo na ‘ko!

LALAKE: Ano ba??! Ano ka ba?! Tama na !!

BABAE: (Maaagaw ng lalake ang kutsilyo.) Once… you said… you’d do


anything to make me happy…

LALAKE: Yes.

BABAE: Well… the only thing that would make me happy this very moment…

LALAKE: Yes?

BABAE: Is if you do me this favor of killing myself…

LALAKE: ‘Eto ka na naman…


BABAE: I’m not kidding.

LALAKE: I want your happiness. But I won’t kill you. If I do that I’d
be responsible for my own sadness. Do it yourself. (Ibabalik ang
kutsilyo.) Go ahead kill your self with that blunt butter knife and be
happy. Para lalo mo lang akong masaktan every miserable day I’d be
living without you.

(Mahabang Katahimikan.)

BABAE: I hate myself.

LALAKE: I love you.

(Saglit na katahimikan.)

BABAE: I’m sorry.

LALAKE: Ako rin. Kain na tayo.

(Sasabayan ng tugtog ng "How Is It Always" ni Njel de Mesa ang


pagdilim sa entablado.)

(Sa susunod na eksena, dalawang cellular phones ang kakailanganin para


maipakita ng ating mga tauhan ang kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng
text-messaging. Mainam gumamit ng multi-media approach gaya ng
paggamit ng telebisyon o LCD projector para malinaw na mabasa ng mga
manunood ang mga mensahe ng ating dalawang tauhan sa isa’t isa.)

TAUHAN:
LALAKE (BINATILYO)
BABAE (DALAGITA)

Ikalawang Eksena: Alas Onse ng gabi. Dalawang silid-tulugan ang nasa


magkabilang panig ng entablado. Sa kanan ng entablado makikita ang
isang magulong kwarto ng isang binatilyo. May isang kama, maraming
magasing nakakalat sa sahig at may gitarang nakapatong sa kanyang
swivelling chair. Marahang tumutugtog ang "Back To Highschool" ni Njel
de Mesa sa CD player ng Binata. Sa kaliwa naman, mayroong isang maimis
na kuwarto ng isang dalagita. Hindi mabilang ang stuffed toys sa
ibabaw ng kama niya at mayroon din siyang isang tokador na punung-puno
ng kung anu-anong abubot na pampaganda.

(Magliliwanag ang kanan ng entablado.)

(Makikitang nakahiga ang binatilyo.)


(Titignan ng binatilyo ang kaniyang cellphone.)

(Babangon ang binatilyo at maglalakadlakad. Mauupo sa swivelling


chair. Magbabasa ng magasin. Bubuntong-hininga.)

(Muling titignan ang cellphone waring may hinihintay na mensahe.)

(Tatayo. Lalabas para umihe.)

(Papasok sa silid at muling titignan ang kanyang cellphone.)

(Papatayin ang ilaw. Mahihiga sa kama.)

(Tatayo mayamaya at muling isisindi ang ilaw.)

(Titignan muli ang cellphone. Mapapailing.)

(Ibababa ang cellphone. Muling papatayin ang ilaw ng silid at


mahihiga.)

(Iilaw ang cellphone bigla. Isisindi ang ilaw. Masayang babasahin ni


Lalaki and mensahe ni Babae sa kanyang cellphone. *Maaring basahin
nang pabigkas ang mga linya. Madalas kasing mag-hang ang computer at
LCD projector. At para sa kabataan, nakakabato ang katahimikan. **Sa
ibang produksyon, pabigkas na magte-text ang Lalake at kapag natanggap
ni Babae, pabigkas niya rin itong babasahin o vice versa. Sa gayon,
maipapakita ang pagkakaiba ng subtext ng nagpapadala at tumatanggap.)

MSG mula kay BABAE: [ k. gnyt.]

(Tuwang tuwang sasagot ang Lalake.)

MSG mula kay LALAKE: [ TAGAL MO NAMAN SUMAGOT KYA CGURO SUMUSUKO LAHAT
NG SUITORS MO SAYO ] (send)

(Magliliwanag ang kaliwa ng entablado. Sasagot ang Babae.)

MSG mula kay BABAE: [ y? suitor b kita? ] (send)

(Sasagot ang Lalake.)

MSG mula kay LALAKE:[ DON’T TEMPT ME I MGHT FILL UP AN APPLICATION


FORM.ü SO HOW WAS UR DAY?? ] (send)

(Sasagot ang Babae.)

MSG mula kay BABAE:[ nyar. had d worst day ever. na-l8 ako sa class
ko. Pinagalitan ng teacher. wats wors, naiwan ko yung wallet ko sa
hse. buti na lang I had a d8 w ths guy aftr skul kaya nakalibre ako ng
fud. ahehehe. ] (send)

(Saglit. Mapapailing ang lalake saka sasagot.)

MSG mula kay LALAKE: [ TEKAAA… U D8D W/O MY PERMISSION ?!! THS S A
SCANDAL! (Saglit, saka Ita-type)… ü ] (send)

(Sasagot ang Babae)

MSG mula kay BABAE: [ kuya naman.d8 lang naman. diner tapos muvi tapos
gudbye kiss. ahehehe.] (send)

(Sa pagbasa ng mensahe ng Babae, manlulupaypay ang Lalakeng binatilyo.


Pagpapawisan. Matatagalan bago makasagot ang Lalake.)

MSG mula kay LALAKE: [ NJOY KA NAMAN CGURO NO? ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ san? ] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ SA KISS…(Bubuntong-hininga saka buburahin.) SA


D8 SAN PA?? ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ k lang.ü ] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ HMP, TAPOS PAG AKONG NAGYAYAYA AYAW MO!
ü ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ sowee kuya but I only d8 guys. ahehehe. ] (send)

LALAKE: (Pikon.) Ay, salbaheng babae…(Biglang ngingiti saka sasagot.)

MSG mula kay LALAKE: [ YA ME 2 !! ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ hahahahahahaha!! how abt u, how was ur day kuya?
] (send)

MSG mula kay LALAKE: (Inis habang tina-type.) [ I WONT ANSWER TIL U


DROP D KUYA ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ k… kuya. ] (send)

(Maghihintay ang Babae kung sasagot si Lalake. Lilipas ang ilang


saglit.)

MSG mula kay BABAE: [ loko lang. How was ur day na? cge na…] (send)
MSG mula kay LALAKE: [ BZ AS USUAL. D KATULAD NG IBA DYAN, PA-D8-D8
LANG. ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ I don’t lyk d guy naman e. just had 2 b polite.
U know…lyk I m 2 u. ahehehe. ] (send)

LALAKE: (Inis.) Aaaaa ganon, ha?… (Magta-type.)

MSG mula kay LALAKE: [ PANGIT KA.] (send)

BABAE: Ako, pangit?!

MSG mula kay BABAE: [ no mabaho lang… d pa ko kse nalligo e. yuck turn
off. ahehehe.] (send)
(Maaalala ni Babaeng maligo. Dali-dali niyang itatabi ang kanyang
cellphone at tatakbo sa banyo para maligo.)

MSG mula kay LALAKE: [ SA KIN K LANG KUNG MABAHO KA. PRAMIS.ü ] (send)
(Maghihintay ang Lalake. Walang sagot. Maya’t maya niyang sisilipin
kung meron ng sagot. Lilipas ang ilang saglit. Maiinip ang Lalake.
Maggigitara muna.)

LALAKE: (Kakanta habang tinitipa sa gitara.) “ I don’t wanna wait in


vain for your love… I don’t wanna wait in vain for your
love…” (Lilipas ang panahon.)

(Hindi matitiis. Magpapadala ng mensahe.)

MSG mula kay LALAKE: [ KNOCK? KNOCK? IKAW MABA…] (send)

(Wala pa ring sagot. Kakausapin ng Lalake ang kanyang cellphone.)

LALAKE: Pasensya ka na, ha… Hindi ko lang talagang mapigilan ang mga
daliri ko…at ang sarili ko. (Mapapaisip) Okey tama na… (Saglit.
Marahang itatabi ang cellphone.)…Kaya ko ‘to.

(Susubukan ng Lalakeng matulog.)

LALAKE: (Galit) Walang hiya ka! Hindi ako makatulog!!

(Papasok ang babae sa kaliwa ng entabladong nagpapatuyo ng kanyang


buhok. Saka sasagot.)

MSG mula kay BABAE: [ who??] (send)

(Tutugtog ang awiting “You're Ugly I'm Ugly We're Perfect" ni Njel de
Mesa. Makakailang palitan sila ng mga mensahe at di nila mamamalayang
lilipas ang gabi.)
MSG mula kay LALAKE: [ OO NGA E. PARANG YOU’RE ALONE IN THE
UNIVERSE.] (send)

MSG mula kay BABAE: [ buti pa nga ang pinsan ko…may seryosong
manliligaw.] (send)
(Luluhod at wari’y magdadasal. Kinakabahan.)

MSG mula kay LALAKE: [ INGGIT KA?? PWEDE NATING GAWAN NG


PARAAN…] (send)

MSG mula kay BABAE: [ huh?] (send)


(Saglit.)

LALAKE: (Maiinis) Ang dense naman niya…

BABAE: (Mag-iisip at nagaalala.) Ang assuming ko naman…

LALAKE: Siguro dapat itigil ko na ‘to…

BABAE: Maybe I should sleep this over…

(Saglit.)

SABAY: Kaso, baka isipin niya… (Sabay nilang susunggaban ang kani-


kanilang mga cellphone.)

BABAE: (Matitigilan.) Wait! (Saglit.) I’ll wait for him to make the


first move…

LALAKE: (Matitigilan.) Tekaaa…Parati na lang ako ang nangunguna, a…


Nagsasawa na ako. At saka baka nakukulitan na siya sa ‘kin. Tama na.

(Mahihiga at waring matutulog si Lalake. Maghihintay si Babae. Maiinip


si Babae kung kaya’t magsusuklay muna siya nang isang daang beses.)

(Dali-daling babangon ang Lalake na parang binabangungot. Tataghoy.)

LALAKE: (May halong pagkabagot.) FINE!!! Last na ‘to!! Promise!! Last


na ‘to! (Malakas na pabigkas habang tina-type. Sabay tugtog ng
"Goodnight" ni Njel de Mesa.) “Goodnight…sana kasin’ sweet ng dreams
ko ang dreams mo”…ay mali… “kasin’ sweet” … “ko” (Mag-iisip.) … “mo”…
“sana kasin’ sweet ng dreams mo…ang dreams ko”…??? (Maiinis sa
sarili.) Ano ba talaga’ng gusto mong sabihin?!!

BABAE: (Halos pabulong habang nagsusuklay.) Ano ba talaga’ng gusto


mong sabihin?
LALAKE: (Luluhod at waring nagdadasal habang nagta-type sa
cellphone.) Sana…napapanaginipan mo rin ako. Sana na isip mo rin ako.
Kahit papa’no…

MSG mula kay LALAKE: [ GUDNYT. MA2LOG KA NA. PARANG AWA MO


NA. ] (send)

BABAE: (Inis.) How romantic!!?! Pa’no kita sasagutin n’yan???

(Lilipas ang ilang saglit. Susubukang matulog ng Lalake. Tatayo sa


pag-beep ng kanyang cellphone.)

MSG mula kay BABAE: (Habang pabigkas na babasahin ni Lalake) [ k. kaw


rin.] (send)

LALAKE: (May tuwa at kilig.) Sinagot n’ya ako. Sinagot n’ya pa rin.


Grrrabe. Sinagot n’ya pa rin. Yey. Love n’ya
ako!!! (Saglit.) Yata… (Saglit. Magtatatalon sa kagalakan ang Lalake.)

OFFSTAGE VO: Anak! Matulog naaa…Go to sleep!!!!

SABAY LALAKE & BABAE: Sorry Ma…

(Saglit.)

LALAKE: Nakupo. Pa’no ko ‘to susundan?? (Mag-iisip, saka ita-


type.) “HOW R U?”…hindi… “GUD AM!!” (Matatawa, saka buburahin.) Alam
ko na!!!

MSG mula kay LALAKE: [ D PA KO MA22LOG E. M STL BZ E. ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ :p grabe. bz with wat? ] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ BZ MINDING YOU ] (send)

BABAE: (Matapos basahin ang sagot ng Lalake. Inis.) Sorry, ha!?! (Sa


sarili.) Sisihin ba ako? (Sasagot.)

MSG mula kay BABAE: [ huh ?] (send)

LALAKE: You are officially dense!! Do I have to spell it out for


you??!

MSG mula kay LALAKE: [ I MIN…D THOT OF YOU KEEPS ME UP OL NITE. ] …ep,
dapat may “naks” as dulo… baka s’ya mabigla. (Ita-
type.) [ NAKS ] (send)

BABAE: (May paghihinala.) Bakit may “Naks” ?? (Saka sasagot.)


MSG mula kay BABAE: [ Classic. U’ve bin watching 2 many muvis…] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ HOY! QUOTING A LINE IS ONE THING, BUT YOU’VE
GOT TO MEAN IT FOR IT TO WORK.!] (send)

BABAE: (Maiirita.) Ehhhh…Bakit may “Nakssss”… ???!!!

MSG mula kay BABAE: [ as f u min it…] (send)

MSG mula kay LALAKE: (Inis habang tina-type.) [ HOY I MIN IT NO? ANG
SABIHIN MO D MO KO SINISERYOSO…TULAD NG PAG NIYAYAYA KTANG KUMAIN SA
LABAS… HMPüüü ] (send)

BABAE: (Napapaisip na may halong pagkabagot.) Bakit may “hmp” at


tatlong smiley??? (Mag-iisip.) The three smileys cancel out the
“hmp” ??? Gano’n ba ‘yon? (Susuko.) EWAN!!!

(Sasagot ang Babae.)

MSG mula kay BABAE: [ wala kang pera. ahehehe. ] (send)

LALAKE: (Habang binabasa ang sagot ni Babae.) Pero pag ibang tao…


(Magtata-type).

MSG mula kay LALAKE: [ ANG SABIHIN MO, AYAW MO. HMP. ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ oi,oi,oi, wala akong sinasabing ganyan


üüüüü ] (send)

LALAKE: Yeah Right.

MSG mula kay LALAKE: [ FINE. UR RYT WALA NGA AKONG PERA. FINE ](send)
(Galit na biglang hahampasin ng Lalake ang sariling kamay.)

LALAKE: (Habang pinagagalitan niya ang kanyang hinlalaking


daliri.) ANO KA BA???!!! Can’t you read between the lines? She doesn’t
like you. AT ALL!! Hindi siya interesado! Niloloko mo lang ang iyong
sarili. Itigil mo na ‘to bago masaktan pa ang isa sa
inyo. (Saglit.) Ep,ep,ep…huwag ka ng mangatuwiran…HUWAG
Naaaa!! (Sandaling katahimikan.) HUWAG NA, SABI!! (Magagalit.) SINABI
NG HUWAG NA!!! (Biglang kakagatin at ngangatain ng Lalake ang kanyang
hinlalaki. Mayamaya’y maiiyak na parang batang nag-aalboroto at
mapapaupo sa sahig.)

(Biglang mag-iilaw ang cellphone ng Lalake kasabay ng pag-beep.)

(Kukunin ng Lalake ang kanyang cellphone. Babasahin ang bagong


mensahe.)
MSG mula kay BABAE: [ hindi mahalaga kung anong meron ka, kung anong
narating mo, ang importante, may mga taong katulad ko na nagmamahal sa
‘yo. e sa kin meron din kaya?]

(Magliliwanag ang mukha ng Lalakeng Binatilyo.)

LALAKE: (Masiglang bibigkasin ang sagot habang tina-type.) A—K—


O. (send)
(Lalabas ang isang mensahe sa screen: PLEASE CHECK YOUR SUBSCRIPTION.)

(Sandaling katahimikan.)

(Blackout.)

(Maririnig na lamang ang taghoy ng Binatilyo sa kadiliman.)

TAUHAN:
MATANDANG BABAE
MATANDANG LALAKE

Ikatlong Eksena: Isang Silid Tulugan ng dalawang matandang magasawa.


Makalat at mukhang antigo na ang karamihan sa mga kagamitan. Sa may
dakong ibaba ng entablado, may isang malaking kamang pandalawahan.
Mayroong lumang baol sa paanan ng kama at may lumang aparador na may
malaking salamin sa dakong itaas ng entablado. Galing sa isang lumang
ponograpo, maririnig ang awiting “Sad Movies” ni Sue Thompson na
sinasabayan ng sintunadong pagawit ng isang Matandang Lalake sa labas
ng silid tulugan. Nagdadabog na maaalimpungatan ang Matandang Babaeng
gusto nang matulog.

BABAE: (Pasigaw.) HUY!!! (Inis.) Hindi ka pa rin ba sawa d’yan sa


kantang ‘yan!!

(Lalo pang lalakasan ng Matandang Lalake ang pagawit.)

BABAE: Hoy! Matutulog na ako!! Kasalanan mo kung bangungutin ako!


Mahal na Santong Papa, sana’y nag-asawa na lang ako ng lorong maingay
o di kaya’y isang sirang plaka! (Sige pa rin ang pagawit ng Matandang
Lalake.) HOY!! Kung hindi ka pa sawa d’yan sa kantang ‘yan…ako, sawang
sawang sawang sawang sawang SAWA NA!!! …Araw araw na ginawa ng
Diyos… (Paawit.) …Saaaadd Muuuvvvviisss… Diyos ko po… (Maririnig ang
pagawit ng Lalake.) HOY Patatawarin!! Apatnapung taon mo nang
ginagasgas ‘yang plakang ‘yan!! Panahon na sigurong ilibing mo ‘yan…o
baka naman gusto mong unahang mailibing… sabihin mo lang…gagawa ako ng
paraan… (Mag-ngingitngit.).
(Maririnig pa rin ang Lalakeng umaawit.)

BABAE: HOY TANDA PATAYIN MO NA ‘YAN!!! Kung ayaw mo pang matulog…


MAGPATULOG KA!! (Maiinis na magdadasal.) O, Panginoon ko…kunin mo na
siya…kung may kaunti kang malasakit sa akin…kunin mo na siya!!

(Biglang Katahimikan.)

BABAE: (Takot.) Ay!! BIRO LANG PO PANGINOON KO!! Ibalik mo siya!


Ibalik mo siya!!

(Magsisimula muli ang pag-awit sa ponograpo at ng Matandang Lalake.)

BABAE: Kayo naman…di na mabiro. (Sa Matandang Lalake.) Hoy, matulog na


tayo!!

(Tatayo at madudulas sa mga nakakalat na gamit sa sahig ng silid.)

BABAE: (Tititigan ang kalat sa sahig.) Maingay ka na…makalat pa.

(Matitigilan. Bubuntong hininga. Mapapangiti.)

BABAE: Gaya ng dati… (Aayusin ang mga gamit ng Matandang Lalake.)

BABAE: (Pasigaw.) Ililigpit ko na itong mga luma mong mga magasin at


plaka, ha??!! Huwag kang magtataka’t mangangaway ‘pag nasa loob na
sila nitong antigo mong baul, ha?!! (Pabulong.) Ulyanin ka na kasi, e.

(Bubuksan ang baul at iimisin ito. May makikitang lumang kulay-kaki o


itim na jacket na yari sa balat. Ipapagpag ang jacket. Mapapangiti.
Ibabalabal ng Matandang Babae sa kanyang sarili ang jacket.)

BABAE: Gaya ng dati…

(Tatanggalin ang jacket at isasayaw ito sa hangin.)

(Bibilis ang sayaw. Maalikabok ang jacket kung kaya’t biglang aasmahin
ang Matandang Babae.)

(Titigil sa pagsayaw. May makakapang liham sa bulsa ng jacket.)

BABAE: (Babasahin ang pabalat ng liham sa sobre.) “Para sa taong


dati’y minahal ko rin.” (Magugulantang at maghihinala.) …ano ito…ni
minsan di mo ako sinulatan ng liham…at ngayon…wawalang-hiyain mo pa
ako…lalaki kang talaga… (Magkukubli para basahin ang liham. Magsusuot
ng kanyang salamin sa mata.)

(Babasahin.)
“Kung ikukuwento ko sa ‘yo kung gaano kita ka mahal ngayon, baka
sabihin mong ninakaw ko lang ang mga katitikan ng kung anu-anong
lumang kundiman. Ganoon pala ang nagmamahal. Sadyang nakatutuliro at
nakababaliw. Tama pala silang mga umibig bago sa akin. Walang
pagkakaiba ang araw at gabi sa isang taong nahuhumaling. At minsan pa,
walang tama at mali. Para kang isang asong masayang humahabol sa
sariling buntot. Pasirko sirko, paikot ikot ang isang di maburang
ngiti sa iyong isip. Habol ka pa rin ng habol sa ngiting ‘yon. Hindi
ko lubos na maintindihan. Gusto kong suriin ngunit natatakot akong
baka sayang. Baka matulad lang sa pagkaing nawawala ang sarap kung
pilit mong inuusisa kung bakit siya masarap.

Siguro walang katuturan ang mga pinagsasabi ko sa ‘yo ngayon. Malamang


pinagtatawanan mo na ako ngayon. Kilala kita. Pasensya ka na, unang
beses kong makadama ng ganito. Sa tanda kong ito, mahiwaga pa rin ang
lahat ng ito para sa akin.

Bago ito sa buhay ko. Bago ka ngayon sa buhay ko. At bago ka, nagsawa
na ako sa buhay…naging batong bato na ako sa paulit ulit na dagok ng
pagsubok. Sabi ko, “Panginoon, handa na ako’t maari mo na akong kunin
sapagkat naranasan ko na ang lahat ng maaring danasin sa isang buhay-
tao.” Wala ng nalalabing surpresa para sa akin ang buhay. Naubusan na
siya ng hiwaga. Iyon ang akala ko. Hindi pa pala.

Bago ka, akala ko… nagmahal na ako. Hindi pa pala.”

BABAE: (Luhaan.) Aray ko po…

“Dahil sa iyo, napipintahan ng bagong kulay at sigla maging ang mga


karaniwan kong kalakaran; ang araw araw kong pagehersisyo,”

BABAE: Pwes, malaki pa rin ang tiyan mo… (Patuloy sa


pagbasa.) “pagsisipilyo, paghuhugas ng pinggan,”…

BABAE: Ni hindi ka nga marunong… (Patuloy sa pagbasa.) “…maging ang


pagpanik-panaog sa hagdanan. Lahat nagkakaroon ng dahilan. Lahat may
pag-asa. Lahat nagbabago; ang nuo’y dating dilaw ay nagiging asul.
Sadyang nakatutuwang isiping napagtitiyagaan mo ako. Sino’ng
magaakalang matatagalan mo ang isang matandang huklubang katulad ko?”

BABAE: Oo nga… (Patuloy sa pagbasa.) “ Hanggang ngayon at kahit ilang


taon pa ang lumipas, gaya ng nasabi ko, hindi kailanman ako magiging
karapat dapat para sa iyo. Ngunit maglalakas loob na ngayon akong
sabihin sa iyo…mahal kita. Biruin mo, akala ko sa harap ng altar ko
makikita ang babaeng tunay kong mamahalin. Hindi pala. Ikaw pala.
Ngayon.”
BABAE: (Hahagulhol.) Walang hiya! Ang walang hiya!! Pagkatapos nang
ilang taon ng pagtitiis!! Walang hiya!! Ilang taon! Ilang taon! Ni
hindi ko narinig na mahal mo ako! Ilang taon! Buti pa siya!! May pa
keyk keyk ka pa kahapong anibersaryo ng kasal natin!! Hayoooop!!!
Hudas ka… Barabas ka…si Hestas ka…May asim ka pa palang maging
salawahan!! (Aasmahin.)

(Biglang maririnig na papasok ng silid ang Matandang Lalakeng umaawit


pa rin ng “Sad Movies”. Dali daling ibabalik ang liham sa loob ng
jacket at saka ipapatong sa baol. Pilit itatago ng Matandang Babae ang
kanyang luhaang mga mata.)

LALAKE: O…akala ko ililigpit mo na ang mga ito… (Tinuturo ang mga


kalat sa sahig.)

BABAE: (Padabog.) Kaya mo na ‘yan!! MALAKI KA NA!!

LALAKE: (Mapapangiti na lang.) O, siya…matulog ka na…ako ng bahala…

BABAE: Talagang BAHALA KA!!! Mula ngayon, bahala ka na sa sarili mo!!

(Padabog na hihiga sa kama. Magtutulog-tulugan.)

LALAKE: (Nagtataka.) Ano na naman ito? (Sandaling Katahimikan.) Baka


naglilihi…hihihi…

(Ililigpit ng Lalake ang kanyang mga lumang gamit habang humihiging ng


“Sad Movies”. Makakapa niya ang liham sa bulsa ng jacket. Babasahin
ang liham.)

LALAKE: Aysus!! Nand’yan ka lang pala. (Matatawa.) Ulyanin na nga


ako. (Tatawa nang malakas.) Hahahahaha!! (Maaalalang natutulog ang
Babae. Matitigilan.) Ay. (Bubuntong hininga.)
(Pupunta sa kanilang aparador at saka kukunin ang kalahati ng liham.
Babasahin nang malakas ang liham na wari’y binabasa nang patalumpati
sa nagtutulog-tulugan niyang asawa.)
“Alam mo namang hindi ako bihasang magsulat ng mga ganito. Kung kaya’t
hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Ngunit, alalang-alala ko pa
rin kung paano tayo nagsimula. Dalawang tao tayong pinagtagpo ng
lumbay sa magkabilang dulo ng ating mga telepono. Sadyang aaminin ko
na; hindi ko lubusang kilala kung sino ka noon. Gayun din, hindi mo
rin lubusang kilala kung sino ako noon. Ngunit ng dahil sa isang ‘di
sinasadyang panawagan sa iyo, napakwento ako tungkol sa isang napanood
kong nakatutuwang pelikulang kartun na umantig sa aking damdamin.
Nagsimula sa tawanan ang ating usapan ngunit nauwi sa aking pagtangis.
Kakatuwang napaluha ako ng isang pelikulang pambata’t kartun.
(Hagulhol pa nga yata iyon, kung di ako nagkakamali.) Ang mahalaga,
tinanong mo sa akin kung bakit ako tumatangis. Sinagot ko naman at
tahimik ka lang na nakinig. Nauwi tayo sa isang palitan ukol sa ating
mga pananaw sa buhay… na nauwi naman sa di ko pa rin maunawaang
pagkagumon sa iyo. Bagaman nalulong ako sa iyo, hinayaan ko na lang
tumubo tayo sa isa’t isa. Lumipas ang mga buwan, nagkahinala na
akong (Matitigilan.) … mahal kita. Subalit may mahigpit na tunggalian
sa aking kalooban kung kaya’t napasambid ako ng “ano ngayon kung mahal
kita?”. Nakintal sa isip kong hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa
iyo, ngunit nahinuha ko ring…sa isang salita mo lamang ay gagaling na
ako. (Para palang kumunyon ang pagmamahal.) Sabi ko… lilipas din ito
ngunit may pintig sa loob kong nanggagalaiting kumilos… Sabi ko,
“huwag na”, dahil hindi ko yata kayang masikmurang ipain ka sa tiyak
na kapahamakan…sa akin. Di ko napigilang lumipas ang mga buwan,
pinilit kong tambakan ng trabaho ang di maburang nakangiti mong mukha
sa aking isipan upang makalimutan ka. At muntik na akong magtagumpay.

Kung hindi lang isang araw, may narinig akong isang awit. Isang awit
na siguradong sawa ka na ngayon.”

(Muling hihiging ng “Sad Movies”.)

“Naalala ko yung pelikulang kartun. Yung masarap nating paguusap. At


sabi ko, sana… kausap kita habambuhay. At sumuko na ako.”

(Maluluha ang Matandang Lalake.)

“Ngayon, matapos ang tatlong pagbubuntis, matapos ang limang


paglilipat bahay, matapos ang apatnapung taon ng pagsasamang talamak
sa sari saring problema at pagtatalo tungkol sa; pera…pag-aaruga ng
anak…pagpapalaki ng anak…pagpapaaral ng anak… paghahanap-buhay…basta,
tungkol sa pera…sa, kung anong pagkain ang iluluto, kung anong sabong
panlaba ang bibilhin, kung ano’ng sasakyan ang sasakyan, ano’ng
istasyon ang papanoorin…Marami-rami na rin pala tayong pinagtalunan,
ano? Pero, nagpapasalamat pa rin ako, na nung araw na muntikan na
kitang malimutan, narinig ko yung awit na iyon. At sumuko ako.

Salamat sa Diyos, sumuko ako.”

(Kukunin ang ikalawang bahagi ng liham at muling babasahin.)

“Kung ikukuwento ko sa ‘yo kung gaano kita ka mahal ngayon, baka


sabihin mong ninakaw ko lang ang mga katitikan ng kung anu-anong
lumang kundiman. Ganoon pala ang nagmamahal. Sadyang nakatutuliro at
nakababaliw. Tama pala silang mga umibig bago sa akin. Walang
pagkakaiba ang araw at gabi sa isang taong nahuhumaling. At minsan pa,
walang tama at mali. Para kang isang asong masayang humahabol sa
sariling buntot. Pasirko sirko, paikot ikot ang isang di maburang
ngiti sa iyong isip. Habol ka pa rin ng habol sa ngiting ‘yon. Hindi
ko lubos na maintindihan. Gusto kong suriin ngunit natatakot akong
baka sayang. Baka matulad lang sa pagkaing nawawala ang sarap kung
pilit mong inuusisa kung bakit siya masarap.

Siguro walang katuturan ang mga pinagsasabi ko sa ‘yo ngayon. Malamang


pinagtatawanan mo na ako ngayon. Kilala kita. Pasensya ka na, unang
beses kong makadama ng ganito. Sa tanda kong ito, mahiwaga pa rin ang
lahat ng ito para sa akin.

Bago ito sa buhay. Bago ka ngayon sa buhay ko. At bago ka, nagsawa na
ako sa buhay… naging batong bato na ako sa paulit ulit na dagok ng
pagsubok. Sabi ko, “Panginoon, handa na ako’t maari mo na akong kunin
sapagkat naranasan ko na ang lahat ng maaring danasin sa isang buhay-
tao.” Wala ng nalalabing surpresa para sa akin ang buhay. Naubusan na
siya ng hiwaga’t salamangka. Iyon ang akala ko. Hindi pa pala.

Bago ka, akala ko… nagmahal na ako. Hindi pa pala.”

Dahil sa iyo, napipintahan ng bagong kulay at sigla maging ang mga


karaniwan kong kalakaran; ang araw araw kong pagehersisyo,
pagsisipilyo, paghuhugas ng pinggan, maging ang pagpanik-panaog sa
hagdanan. Lahat nagkakaroon ng dahilan. Lahat may pag-asa. Lahat
nagbabago; ang nuo’y dating dilaw ay nagiging asul. Sadyang
nakatutuwang isiping napagtitiyagaan mo ako. Sino’ng magaakalang
matatagalan mo ang isang matandang huklubang katulad ko? Hanggang
ngayon at kahit ilang taon pa ang lumipas, gaya ng nasabi ko, hindi
kailanman ako magiging karapat dapat para sa iyo. Ngunit maglalakas
loob na ngayon akong sabihin sa iyo…mahal kita. Biruin mo, akala ko sa
harap ng altar ko makikita ang babaeng tunay kong mamahalin. Hindi
pala. Ikaw pala. Ngayon.”

LALAKE: (Idudugtong matapos basahin ang liham.) …makalipas ang


apatnapung taon. Sa hirap at ginhawa…sa dusa at ligaya…ikaw lamang ang
aking iibigin…at itatanging karugtong ng buhay ngayon
at… (Saglit) kailanman. (Mapapabulalas ng tawa.) Hahahaha!!! Ang
panget!! Buti na lang hindi ko binigay kahapon!! (Lulukutin ang liham
at saka itatapon sa basurahan.) Hindi talaga ako marunong sa mga
ganyan…hehehe. Pagkahaba-habang liham…gusto ko lang naman
sabihing… (Habang nagkakamot ng tiyan.)… mahal kita…(Mananalamin sa
aparador at saka magsusuklay. Mahihiga sa kama katabi ng nagtutulog-
tulugang asawa. Hahalik sa pisngi ng Matandang Babae.) Mwah. Gud
nayt. (Papatayin ang ilaw.)
(Maghihilik ang Matandang Lalake.)

(Marahang babangon ang Babae. Kukunin ang liham sa basurahan.


Babasahin nang tahimik ang lukut lukot na liham. Sa dilim, aawitin ng
Babae ang saulado na niyang “Sad Movies”. Maiiyak. Aasmahin.)

TELON

You might also like