You are on page 1of 6

PET LOVERS

ni Rommel A. Pamaos
(Isang semi-love story)

Mga Tauhan:
Babae – 18-20 years old, mukhang tiktok famous, kaibigan ni Lalaki, namatayan
ng aso
Lalaki – 18-20 years old, kaibigan ni Babae,typical na mukha ng lalaking mahilig
magbasketball, nagkikwintas ng vape, allergic sa aso

Tagpuan at Panahon:

Sa loob ng gate ng babae na may mesa at upuan na karaniwang tambayan ng mga


bisita. Sa kasalukuyan. Papapasukin ni Babae si Lalaki nang makita niya ito sa
gate ng bahay nila. Pauupuin ni Babae sa sofa si Lalaki.
LAKAKI: Grabe ka, kailangan pa kitang puntahan sa inyo.

BABAE: Ano ba kasi yun?


LAKAKI: Anong ano? Ilang araw ka nang lugmok diyan e.
BABAE: Sorry ha. Sorry daw sabi ng aso kong si Fanta. Sorry daw dahil namatay
siya. Sorry daw dahil pinalungkot niya ako.
LAKAKI: Parang aso lang e.

BABAE: (Nagulat.) Woah!


LAKAKI: It’s me and my jowa! Woah!
BABAE: Gago. Hindi nakakatawa.
LAKAKI: Chini-cheer up ka lang e. BABAE:
Hindi nakakatulong.
LAKAKI: Hanggang kailan ka ba malulungkot? BABAE:
Ahm, may deadline ba yung loneliness?
LAKAKI: Wala naman. Pero, hindi pa ba sapat ang isang linggo?
BABAE: (Smirking.) 5 years kong alaga si Fanta. 5 years ng happy memories. 5
years ng pagiging isang nanay sa baby ko.
LAKAKI: 5 years rin akong nag-take ng anti-histamine pag pumupunta ako sa inyo
dahil sa balahibo niya.
BABAE: Ginusto mong tumambay dito di ba? Ngayon, wala nang sasalubong sa akin
pag-uwi. O magko-comfort sa akin pag stressed ako. 5 years. That is 35 dog years
for her. Tapos gusto mo, isang linggo ko lang siya ipagluluksa? Ang lupit mo
naman sir. Hindi ba masaya childhood mo? Samantalang ang lakas mong makikain
kapag birthday ni Fanta.
LAKAKI: One. Gusto ko talaga tumambay dito dahil masarap luto ni Tita.
Two. Bestfriend mo ako. Kino-comfort din kita. Pinagkaiba lang namin ni Fanta
ay sa inidoro ako tumatae at hindi ako umiihi sa sapatos ng mga bisita niyo.
Three. Ikaw lang ang kilala kong nagsi-celebrate ng bday ng aso niya.
BABAE: You’ll never get it. Wala ka namang pet. Okay. Ang alam ko, hindi mo pa
nararanasang magbuhos ng atensyon sa isang bagay, o maglaan ng oras at yun lang
ang iisipin mo sa buong araw. How much you love it. Living or non-living thing.
Except sa OL Games at sa basketball. But that is different di ba? As far as I am
concerned, hindi ka pa nagmamahal.
LAKAKI: (Ngingiti. Iiling. Titig nang malupit.) Sure ka ba sa sinasabi mo? Na
hindi pa ako magmamahal?
BABAE: (Proud.) Oo! Bestfriend kita. Kilala kita.
LAKAKI: Well. (Tititig nang malandi.) Nakuwento ko na ba sa ’yo si Mr. Popo?
BABAE: Sino yun?
LAKAKI: Aso namin yun nung bata pa ako. Nung hindi pa kami nakatira dito.
BABAE: Hala. Nagkaaso kayo? I can’t picture you as a dog person. Anong lahi?
LAKAKI: Wala. Aspin.
BABAE: Nakakatuwa ka naman. Yung iba kasi ayaw nila pag walang lahi.
LALAKI: Syempre. May lahi man o aspin, dapat pareho natin silang alagaan at
mahalin.Ikaw nga, wala ka namang lahi, pero mahal kita e.
BABAE: Hoy. Proud pinay ‘to no. Back to Mr. Popo, ikuwento mo, dali.
LALAKI: Bigay ng kapitbahay. Ang laki niya nga e. Kulay brown siya. Alam mo bang
sinasakyan ko pa siya nung bata pa ako? Tapos kapag naggo-grocery kami, hinihintay
niya kami sa labas. Kapag pumapasok ako sa school, hinahabol niya yung traysikel
na sinasakyan ko. Hihinto lang siya kapag malayong-malayo na ako.
BABAE: (Naiiyak. Nagpupunas ng luha.)

LAKAKI: O bakit ka naiiyak?


BABAE: Nami-miss ko si Fanta. Sige tuloy mo lang. Tapos?
LAKAKI: Ako lagi nagpapakain sa kanya. Tuwang-tuwa yun. 5 years siya sa amin,
parang si Fanta din. Isang araw, nung hahatiran ko siya ng pagkain. Kahol siya
nang kahol. Parang hind niya ako kilala. Pero lumapit pa rin ako. Tapos, ayun.
Nakagat niya ako.
BABAE: (Na-shock.) Na-rabies ka?
LAKAKI: Yun nga e. Parang hindi naman uso dati mga bakuna-bakuna sa aso. Nagpa-
injection ako. Turns out, nag-uulyanin na daw si Mr. Popo. Matanda na. Kaya,
yun. Ayaw ko man. Kailangan namin gawan ng paraan.
BABAE: Don’t tell me you killed Mr. Popo! Auto-FO ka talaga!

LAKAKI: Gago hindi. Sinakay namin siya sa jeep. Niligaw namin.

BABAE: Is that worse?


LAKAKI: (Shrugs.)Binaba namin siya sa malayo, tapos. Nakatulala lang siya kahit
umandar na yung jeep. Pinipigilan ko iyak ko. Nalulungkot ako kasi hindi niya
na ako kilala. Yung best bud ko. Tapos, bigla na lang,
kumawag yung buntot niya. Parang nagising na lang siya sa isang mahabang
pagkakatulog. Nagtatatakbo siya palapit sa amin, sinabihan ko si papa na
huminto. Tapos tumalon sa loob ng jeep si Mr. Popo. Niyakap ko siya. Parang
sinasabi niya sa akin na, tanginamo mo naman master. Bakit mo naman ako iiwan?
Iyak na ako nang iyak.
BABAE: Bakit nung nakilala kita dito sa atin, wala na si Mr. Popo? Hindi niyo na
siya kasama.
LAKAKI: Kinabukasan din nun, hinatiran ko siya ng pagkain. Ang saya ko kasi
kilala niya na ulit ako. Tapos nakita ko, nakahiga siya. Hindi na siya kumakahol.
Hindi na gumagalaw yung buntot niya. Parang ang gusto niya lang pala talaga,
mamamatay sa piling namin.
BABAE: (Lilingon sa labas. Maiiyak.) How is that suppose to make me feel better?
LAKAKI: It’s not suppose to make you feel better. Sabi mo kasi, hindi pa ako
nagmamahal. Doon ka nagkamali.
BABAE: Hindi na kayo kumuha ulit ng aso?
LAKAKI: Hindi na. Tsaka ayoko na rin no. Ang sakit mamatayan ng alaga.

BABAE: There you go! Exactly what I’ve been telling you!
LAKAKI: And my story is suppose to prove a point.
BABAE: What point?
LAKAKI: Ano ba ang life expectancy ng aso?
BABAE: 5-7 years? Hindi ko sure.
LAKAKI: And do you know that before having Fanta?
BABAE: Syempre nag-research muna ako bago ako kumuha no. Responsible dog lover
ata ‘to.
LAKAKI: So anong kinalulungkot mo?

BABAE: Ha? Hindi ko gets.


LAKAKI: Eh sa umpisa palang pala alam mo nang in 5 years time, mamamatay si
Fanta. Di ba expected mo na yun?
BABAE: Alam mo, shet ka. Umalis ka na kaya. Umuwi ka na. Sabi mo ichi- cheer
up mo ako.
LAKAKI: Honest lang tayo dito. Kaya nga bestfriend di ba. Walang
talkshit-an.
BABAE: (Sigh.) Alam mo, hindi naman yun ang iniisip mo kapag papasok ka sa
sagradong covenant ng pet-owner relationship. Syempre nandoon yung
joy. Yung excitement na makakapag-alaga ka. The experience to take care of
something. Kahit na marami-marami din siyang nangatngat na damit ko.
LAKAKI: Kasama sa experience yung inihian niya yung bago kong sneakers.
BABAE: Also that, I think, the essence is in the experience talaga. No, sa
moment we shared together.
LAKAKI: Moments na siyang nagpapalungkot sa ’yo ngayon.
BABAE: (Mapapatingin in disbelief.) Kung yun lang ang iniisip mo sa pag-
aalaga, I think you’re the missing point.
LAKAKI: So, ano, may balak ka ulit mag-alaga ng aso?

BABAE: Definitely. Not now. Pero soon.


LAKAKI: Kahit na masaktan ka ulit?
BABAE: Kasi hindi naman yun ang point. Hindi ka mag-aalaga para masaktan. Kundi
para sa companionship at sa happiness na binibigay ng pet mo.
LAKAKI: Mag-alaga ka kaya ng Orangutan.

BABAE: (Magugulat)Ano?
LAKAKI: Para kapantay ng buhay ng tao. Baka mauna ka pa mamatay. Siya pa mag-
asikaso ng lamay mo.
BABAE: Huwag na. E aanhin pa kita kung mag-aalaga ako ng Orangutan? (Hawak
sa mukha.)
LAKAKI: Gago.
BABAE: (Tatawa)
LAKAKI: (Ngingiti kasi napatawa si bestfriend.)
BABAE: Alam ko na, sabay kaya tayong bumili ng aso. Eto kakakita ko lang.
(Magpapakita ang pics sa phone.) Cute di ba?
LAKAKI: (Nakatingin kay girl.) Maganda.
BABAE: O di ba? Tapos we’ll walk them together. Ayaw mo nun. Nakaisip na nga
ako ng pangalan.
LAKAKI: Ano?
BABAE: Shingaling sa akin. Si Kropek sa’yo. Mga favorite natin. Ano?
Whatchuthink?
LAKAKI: (Kikiligin.) Hindi na. Ikaw na lang.

BABAE: KJ naman.
LAKAKI: Para saan? Para maging ganyan? Nanggaling na ako diyan. Masakit. Bakit
ko naman pipiliin ang sarili ko na masaktan kung pwede ko naman iwasan?
BABAE: Ganun? E bakit nagtapat ka sa akin noon? Sabi mo mahal mo ako, e may
boyfriend ako nun.

LAKAKI: (Magugulat.) Saan galing yan?


BABAE: Hindi. Kasi. Wala. Naisip ko lang. Sabi mo ayaw mong masaktan. Pero, you
took a risk.
LAKAKI: Bakit, aso ka ba?

BABAE: Gago.
LAKAKI: Magkaiba yun.
BABAE: Hindi ah. Ano ka. Ganun din sa relationship. Excited ka sa companionship.
Mag-i-invest ka rin ng oras. Effort. Patience. Pagmamahal. And for what? Para
iwan ka? Para ipagpalit ka sa iba?
LAKAKI: Aso pa ba pinag-uusapan natin?

BABAE: No. Si Jack.

LAKAKI: Yung ex mo? Oh eh di aso nga.


BABAE: Disrespect sa aso. Loyal ang mga aso.
LAKAKI: Kilala mo sino pinaka-loyal? Yung ako ko, si Summer?

BABAE: Ikaw ba yan Daniel Padilla?

Lalaki: Naalala mo nung sinabi niyang huwag na raw akong makipag-usap sa ’yo.
BABAE: (Hahampasin si boy.) Nakakainis ka ha. Ipaalala ba daw. Alam mo bang,
ayaw niya nang nagli-liptint ako sa bahay?
LAKAKI: Tangina, baka gusto niya kasi siya maglalagay sa ’yo.
BABAE: Kanino ba daw ako magpapaganda? Kasi daw pumupunta ka sa amin kaya
nagpapaganda ako.
LAKAKI: Grabe naman. Kala ko talaga anemic ka na nun eh. Ang putla mo men.
BABAE: Nakakainis kq!
LAKAKI: Eh ano naman. Hindi ka naman magpapaganda para sa kanya lang. O para sa
akin. Gusto mo mag-liptint kasi gusto mo. Ginagawa mo yan para sa sarili mo.
You want to feel good about yourself e.
BABAE: (Ngingiti.) Yan gusto ko sa’yo e.

LAKAKI: Yun lang gusto mo sa akin?

BABAE: (Ngingiti. Iiling.) Pero sunod naman ako. Para pa lang akong aso nun.
LAKAKI: Kasi loyal ka sa kanya?
BABAE: Hindi. Kasi sunod-sunuran ako. Trained dog.

LAKAKI: Hindi naman. Baka kasi nagmahal ka lang.

BABAE: Magkaiba pala talaga ang loyal sa sunod-sunuran lang.


Tatahimik ang dalawa.
LALAKI and BABAE: DDS pa si tanga. (Tatawa nang malakas. Mag-aapir.)

BABAE: (Tatawa.)
Tahimik ulit.
LAKAKI: Ayaw nun sa aso e ‘no?

BABAE: Sinipa nun si Fanta.


LAKAKI: Tangina?
BABAE: Yun siguro yung wake-up call sa akin. Kung yung maliit na aso na wala
naman ginagawa sa’yo, nasaktan mo. Paano pa kaya ako? Nagpakontrol ako sa kanya,
tama na siguro yun.
LAKAKI: Tapos?
BABAE: Bumaba na lang si Jack. Naririnig ko na lang na nagpapalaam na siya
kanila mama. Buti walang bali, nahilo lang si Fanta. Tapos, I never returned his
calls. Iniwasan ko na siya.
LAKAKI: Cruelty to animal. Check.
BABAE: Kung sa isang maliit na aso, hindi mo kayang itrato nang tama. Paano pa
kaya sa tao?

Katahimikan.
LAKAKI: So? Ano? Ayaw mo na?

BABAE: Magkaaso?
LAKAKI: Hindi. Pumasok ulit sa relationship. Dahil diyan sa sinabi mo.
BABAE: Hindi naman. I prefer dogs pa rin siguro.
LAKAKI: Sus. Tricks lang naman lamang sa akin ni Fanta.
BABAE: Try natin. Sit!
LAKAKI: Kanina pa ako nakaupo.
BABAE: Roll.
LAKAKI: Ano ako, uto-uto?
BABAE: Play dead.
LAKAKI: Matagal na akong dead inside.
BABAE: Sadboi sa tanghaling tapat? Eh ano lang kaya mong gawin?

LAKAKI: Mag-stay. Tsaka, maghintay sa’yo palagi.


Kikiligin si girl.
BABAE: E di, marami ka pang anti-histamine sa inyo?
LAKAKI: Oo. Kakabili ko lang ng isang banig. Bayaran mo ako ha.

BABAE: Ano na gagawin mo dun?


LAKAKI: (Kukunin ang cellphone ni girl.) Pwede bang, Shingaling yung
pangalan nang magiging bagong aso ko?
BABAE: Sige. Kropek sa akin.
LAKAKI: Para maalala mo ako pag tinatawag mo.
BABAE: Maalala talaga kita. Asim mo eh.
(kulitan. Inaudible voices habang nagba-browse sa phone)

You might also like