You are on page 1of 2

Kung ikaw ang tipo ng tao na undecided sa lugar na nais mong puntahan, para sa’yo ang Hotel Arbez

Franco-Suisse. Ito lang naman ang natatangi at nag-iisang hotel sa buong mundo na nasa border na
naghihiwalay sa dalawang bansa, ang Switzerland at France! Kapag natulog ka pa nga sa isang kwarto
nito na nasa lupa ng Switzerland, literal na mangingibang bansa ka muna para lang makapunta sa banyo
na nasa France.

Kapag nagbakasyon ka sa Hotel Arbez Franco-Suisse, sabay mong mararanasan ang kultura sa
Switzerland at France kahit na nasa iisang lugar ka lamang. Habang ang isang bahagi ng restaurant ay
nag-o-offer ng Swiss Cuisine, maaari mo ring matikman ang French Cuisine sa pagtawid lamang sa ilang
mesa at silya. Sa paghiga mo naman sa isa sa mga kama dito, ang ulo mo ay nasa Switzerland at ang paa
mo naman ay nasa France. Ang mga ito pati na ang iba pang bahagi ng restaurant ay nahahati dahil sa
national border, ngunit higit pa rito ang kuwento ng Hotel Arbez Franco-Suisse. Nasaksihan ng mga
pader nito ang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan sa World War 2, nang sakupin ng Nazi Germany
ang France, maaaring makapasok ang mga sundalong Nazi sa hotel ngunit hindi sila maaaring tumawid
sa border ng Switzerland na isang neutral ground. Sa maraming pagkakataon ay nagkaroon ng malaking
papel ang espesyal na kalagayan na ito ng hotel.

Paano kayang nakapagpatayo ang may-ari ng hotel na nasa pagitan ng dalawang bansa?

Anong mahalagang papel ang ginampanan nito sa kasaysayan ng dalawang bansa?

At paanong ang hotel na nahahati sa pagitan ng dalawang bansa ay naging lugar upang pag-isahin ang
mga tao?

Isang matalinong businessman ang mabilis na nakapag-isip ng paraan kung paano siya magkakaroon ng
Negosyo kung saan dalawang bansa ang maaari niyang maging customer. Nang marinig ni Monsieur
Ponthus na hindi maaapektuhan ang mga lote at pag-aaring nasa border ng Switzerland at France sa
kasunduang nilagdaan ng dalawang bansa noong December 8, 1862, dali-dali niyang sinimulan ang
pagpapatayo ng kanyang na Negosyo, bar na nasa France at grocery naman ang nakaharap sa
Switzerland. Natapos ang konstruksyon bago mag-Pebrero 1863 na pormal na pagsisimula na paghahati
ng teritoryo. Wais di ba?

Nanatiling pag-aari ito ni Monsieur Ponthus, hanggang 1921 nang bilihan ito ni Jules-Jean Arbeze upang
gawing Hotel Arbez Franco-Suisse. Sa Ikalawang Digmaang Pangdaigdig kung saan sinakop ng Nazi
Germany ang France, natagpuan ng may-ari ang kanyang sarili sa gitna ng dalawang bansang
nagkakagulo habang ang Switzerland naman ay nanatiling neutral.

Ayon sa kuwento ng great-great-grandson ni Jules-Jean Arbeze na si Valentine Peyron, minsan nang


pinaghinalaang nagtatago sila ng mga Jews sa kanilang hotel. Sa panahon ni Hitler, ipinatugis niya ang
mga hudyo. Siniraan sila gamit ang mga peryodiko. Sinabing mabababang uri ng tao at ang Germany ay
para lamang sa kanilang mga kalahi. Sapilitang pinaalis ang mga Hudyo sa kanilang mga tahanan at
ipinasok sa mga concentration camps upang gawing alipin, pag-eksperimuntuhan at abusuhin. Dahil
dito, maraming Hudyo ang nagtatago at tumakas. Nang tanungin ng mga sundalong Nazi si Jules-Jean
kung maaari bang umakyat sa taas ng hotel upang matiyak na wala silang tinatagong mga hudyo,
magalang niyang pinaunlakan ang mga ito. Nang makarating sila sa ika-pitong hakbang ng hagdanan,
hinarap sila ng may-ari at pinagbawal silang tumuloy.
“Because if you climb one step further, you’ll be in Switzerland and I’ll call the border guards and the
army will be on its way.” Walang nagawa ang mga sundalong Nazi kung hindi tumalikod at umalis.
Tinatayang nasa higit 100 Hudyo ang kinanlong ng pamilya Arbez. Naging safe haven ang hotel sa mga
hudyong nawalan ng tahanan at dinarakip, na ang tanging kasalanan lamang ay pagiging Hudyo. Buti na
lang at may Hotel Arbez Franco-Suisse, kung saan hindi nila tiningnan ang mga refugees kung anong lahi
nila kung hindi mga pagod na taong naghahanap lamang ng matutuluyan.

Taong 1962 naman , naghahanap ang mga representatibo ng France at Algeria ng isang neutral ground
kung saan pwede nilang gawin ang kasunduang pangkapayapaan. Sa mismong restaurant ng Hotel Arbez
Franco-Suisse naganap ang isa pang makasaysayang pagtatapos ng pananakop ng France sa Algeria.
Lingid sa kalaaman ng France, maraming ring tinulungang refugees at mga resistance fighters ng Algeria
ang pinatuloy ng hotel.

Nakatutuwang isipin, na ang isang hotel na nasa pagitan ng border ng dalawang bansa ay naging
puntahan ng mga taong walang bansang gustong tumanggap sa kanila ng mga panahon ng digmaan.
Pinatunayan ng Hotel Arbez Franco-Suisse na kahit sila ay nasa neutral ground, hindi silang
magdadalawang isip na pumili ng kakampihan. At yun ay sa panig ng mga naaapi at walang matuluyan.
Ipinakita nila na kahit nahahati ang hotel sa dalawang bansa, kaya naman rin nitong pag-isahin ang mga
taong may iba-ibang paniniwala at nasyon.

You might also like