You are on page 1of 2

REPLEKSYON SA

PAGBASA
Pagbasa ay napakahalaga. Wala kang mapatutunguhan kung wala
kang alam sa pagbasa. Dahil sa pagbabasa marami tayong matutuklasan
at mas madadagdagan pa ang kaalaman. Mahalaga ang pagbasa
sapagkat dahil dito nagkakaintindihan ang bawat isa.
Nakakaaliw ang pagbabasa dahil marami kang pagpipilian na mga
kwento “ comics”, “ romantic comedy”, “romantic”, “ horror”,at “
mystery”, mga kwentong gusto ko. Sa pagbabasa minsan nakakawala ng
lungkot at isa na ako na gusto ang pagbabasa. Isa akong uri ng tao na
kinikimkim ang mga nararamdaman kaya sa pagbabasa ko lamang ito
naipapalabas. Malaki ang pasasalamat ko sa pagbabasa dahil tanging
ako at ang mga tauhan lamang ang nakakaalam ng mga tinatago at pilit
kinakalimutang mga nararamdan.
Malaki ang tulong ng pagbabasa satin dahil dito na”eenhance”
natin ang ating mga kaalaman. Ito ang aking repleksiyon sa pagbabasa.

LEANN ROSE SARUCAM BIHAG


ST. AUGUSTINE
REPLEKSIYON SA
PAGSULAT
Nakakaaliw ang pagsusulat. Yun bang wala ka ng maisip pero
sinisulat mo pa rin. Walang mawawala sa pagsusulat ng kung anu-ano
tanging “ ink” lamang ng panulat ang mauubos. Isa ang pagsusulat sa
importanting bagay sa mundo, kung walang kang alam sa pagsulat
maraming masamang mga bagay ang mangyayari.
Gusto ko ang pagsusulat kahit walang maisip na kahit ano dahil
pinag “ compile” koi to dahil pangarap kong maging isang author ng
isang aklat at papamagatan ko itong “ MY PERFECT UNPERFECT
FAMILY”. Gusto kong magsulat ng kwento kaya lang wala pa akong
masyadong alam sa mga grammar, kung paano ang tamang paggamit
nito. Hindi ako mahilig sa mga “ extra curricular activities”, kaya sa
pagsusulat o di kayay sa pagbabasa.
Ang pagsusulat ay malaking halaga sa pang araw-araw na
pamumuhay at pakikipagkapwa sapagkat hindi natin alam an gating
kahihinatnan hinaharap kaya dapat tayong mag handa.

LEANN ROSE SARUCAM BIHAG


ST. AUGUSTINE

You might also like