You are on page 1of 2

Mga Layunin Sa Pagsulat Tatlong uri ang layunin sa pagsulat; Informativ na pagsulat (expository writing); nag hahangad ito

to na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Halimbawa: Teknikal o ulat pangangalakal, balita, ensayklopedia, mga istatistiks sa libro, ulat at obserbasyon. Mapanghikayat na pagsulat (persuasive writing); nag lalayon ito na makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala. Halimbawa; proposal, editorial at talumpati. Malikhaing pagsulat ginagawa ito ng mga manunulat sa akdang pampanitikan. Halimbawa; maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang masining na akda. Mga hakbang sa pagsulat at batayang tanong na mahalagang ma sagot para sa paghahanda ng isang pagsulat: Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? Ano ang aking layunin sa pagsulat nito? Saan at paano makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa? Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa? Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito? Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsudulat? Kailan ko ito dapat ipasa? Paano ko madedevelop o mapagbubuti ang aking teksto? Anu-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito? Paghahanda sa Pagsulat Sapat na kaalaman sa Wikang Filipino upang - Maunawaan ang anumang susulatin o kokopyahin - Makapili ng mga angkop na salita na gagamitin sa pagsulat Hilig at interes sa pagsulat Makilala ang kabuluhan ng limbag na salita na iba kaysa mga larawan Makilala ang ibat ibang hugis ng letra at ang pagkakaiba ng mga titik (para sa nagsisimulang magsulat). Makilala ang mga mekaniks at konbensyong mahalaga sa pagsulat; - Format ng sulatin - Pagbabaybay - Pagbabantas - Pagtatalataan Kaalaman sa wika tulad ng: - Balarila - Talasalitaan - Pag buo ng pangungusap

Kaalaman sa pag-oorganisa/pagdevelop: - Pagpili ng paksa - Paggawa ng draft o balangkas - Pagpili ng genreng isusulat - Pagpili ng diskors sa pagpapahayag Ang Proseso ng Pagsulat 1. Pagpaplano maglikom ng mga ideya at magi sip ng pokus 2. Pagdisenyo pagkonsider ng paraan sa pag-oorganisa ng mga material/gamit 3. Pagdraft pagsulat ng mga ideya sa pangungusap at talata 4. Pagrebisa pag-ebalweyt ng draft at pagsulat muli sa pamamagitan ng pagbabago, pagdaragdag o pag bawas 5. Pag-eedit pagwawasto sa gramatika, ispeling at iba pang mekaniks sa pagsulat 6. Proofreading pagbasa sa pinal na kopya mabasa ng malinaw PAG-IISIP TUNGKOL SA PAGSULAT PAG-AAYOS NG MGA IDEYA PRE-WRITING MALAYANG PAGSULAT PAGGAMIT NG BRAINSTORMING PAGGAMIT NG MAPPING PAGBABASA AT PAGRERESERTS PAGSULAT NG DYORNAL MULA SA NAKALAP NA IDEYA PAGGAMIT NG PANGKATANG IDEYA PAGKUHA NG REAKSYON SA MGA KAIBIGAN AKTWAL NA PAGSULAT MULING PAGSULAT

You might also like