You are on page 1of 16

BAGONG SILANG HIGH SCHOOL

Senior High School

OPINYON NG MGA MAG-AARAL NG BAGONG SILANG HIGH SCHOOL

(SHS) SA MULING PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES:

ISANG REPLEKTIBONG PAGSUSURI

Isang Pananaliksik Na Iniharap Sa Kagawaran Ng Senior Highschool Ng

Bagong Silang Bilang Pinal Na Kahingian Sa Asignaturang

Pagbasa At Pagsusuri Ng Ibat-ibang Teksto Tungo

Sa Pananaliksik

Cliss R. Kim

Jovilyn P. Alarcio

Mary Anne R. Montebon

Percel DT. Mosende

Hunyo 2022

1
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

PAGPAPAKILALA SA PANGKAT

Ang pananaliksik na ito na may paksang OPINYON NG MGA MAG-AARAL

NG BAGONG SILANG HIGH SCHOOL SA PAG BABALIK NG

FACE-TO-FACE CLASSES: ISANG REPLEKTIBONG

PAGSUSURI ay pinagsikapang buuin at

pag-aralan ng mga mananaliksik

LUPON NG MANANALIKSIK

Cliss R. Kim

Jovilyn P. Alarcio

Mary Anne R. Montebon

Percel DT. Mosende

2
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

KATIBAYAN NG PAGTANGGAP

Tinanggap bilang katibayan ng pag tugon sa pinal na kahingian ng

asignaturang Pagbasa At Pagsusuri Ng Ibat-ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik

Tinanggap ngayong hunyo 2022, kagawaran ng senior highschool ng Bagong

Silang, lungsod ng Caloocan.

Tinanggap ni:

Ivy Rose V. Juarez

Tagapayo

KABANATA I

3
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

PANIMULA

Mahigit dalawang taon na nang matigil ang klase sa lahat ng paaralan sa loob at
labas ng bansa at dahil ito sa dulot ng COVID-19 na mabilis na kumalat sa buong
mundo. Noong sinimulan muli ang klase, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay
gumamit ng ibat-ibang learning modalities upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-
aaral at guro katulad ng online at modular learning. (DO_s2020_012 ADOPTION OF
THE BASIC EDUCATION LEARNING CONTINUITY
PLAN FOR SCHOOL YEAR 2020-2021 IN LIGHT OF THE COVID-19 PUBLIC HEALTH
EMERGENCY) Nang napagdesisyunan nang ibalik ang face-to-face classes, marami
ang kinailangang ipagsaalang-alang.

Marami ang nagbago sa kalagayan noon at ngayon. Kung noon ay hindi alintana
ang dami ng mag-aaral sa isang silid, ngayon ay limitado na lamang dahil sa social
distancing. Kung dati ay diretsong nakakapasok sa loob ng paaralan, ngayon ay
kailangan munang siguraduhin na nasa tama ang temperatura dahil ang pagkakaroon
ng mataas na temperatura ay maaaring sintomas ng nasabing sakit. Palagi ring
maghuhugas ng kamay bago makatuloy sa loob ng campus upang maiwasan ang
pagkalat nito at dapat ugaliin ang pag gamit ng hand sanitizer. Ito ay iilan sa mga health
protocol na ipinatupad ng pamahalaan.

Ngayon ay patuloy na ang pagbubukas ng iilang paaralan sa loob ng bansa katulad


ng Bagong Silang Highschool (BSHS). Layunin ng pagaaral na ito na malaman kung
ano-ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa Senior Highschool ng BSHS sa
pagbubukas ng face-to-face classes sa kanilang paaralan. Kung sila ba ay pabor o
hindi, kanilang dahilan ukol dito, at pati na rin ang mga paghahanda na kanilang
isinasagawa.

4
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral hinggil sa opinyon ng mga mag-aaral ng Bagong Silang Highschool


(BSHS) tungkol sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ang layunin ng pag-aaral na ito
ay malaman kung ano-ano ang mga saloobin ng mga mag-aaral ng BSHS sa
pagbabalik ng face-to-face classes.
Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyang kasagutan
ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano ano ang mga opinyon ng mga magaaral sa muling pagbabalik ng face-to-
face classes?
2. Ano ang mga dahilan kung bakit sang-ayon at hindi sang-ayon ang mga mag-
aaral sa pagbabalik ng face-to-face classes?
3. Ano ang maaaring maging solusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik
batay sa mga datos na nakakap?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “Opinyon ng mga mag-aaral ng BSHS


sa pagbubukas ng face-to-face classes“ ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga
sumusunod:

Sa mga mag-aaral – makakatulong ito sa paghahanda ng mga magaaral mula sa ibang paaralan sa
posibleng pagsisimula ng face-to-face classes sa kanilang lugar.

Sa mga guro – makakatulong ito sa kanilang paghahanda sa muling pagbubukas ng face-to-face


classes. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman nila ang mga alalahanin ng mga mag-aaral at
makakagawa ng paraan upang solusyunan ito.

Sa mga magulang – malalaman ng mga magulang ang mga pananaw ng kanilang mga anak sa
pagbubukas ng face-to-face classes at matutulungan ang kanilang mga anak na paghandaan ito.

Sa pamahalaan – makakatulong ito upang malaman at matugunan ngpamahalaan ang mga alalahanin at
mga paghahandang dapat gawin ng mga mag-aaral sa pagbabalik ng face-to-face classes.

5
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “ Opinyon ng mga mag-aaral ng Senior Highschool sa


Bagong Silang Highschool tungkol sa pagbabalik ng face-to-face classes”. Ang mga mananaliksik ay
gumawa ng pagsisiyasat upang makuha ang mga datos na kinakailangan at dahil nasa panahon pa rin
tayo ng pandemya, ang mga respondente ay sasagot sa pamamagitan ng google form.

Sinasaklaw ng nasabing pag-aaral ang tatlumpu’t lima (35) respondente na pawang mga mag-aaral
ng Senior high sa Bagong Silang Highschool (BSHS).

Nais malaman sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ang mga opinyon ng mga magaaral ng
Senior Highschool sa Bagong Silang Highschool (BSHS) sa muling pagbubukas face-to-face classes sa
kanilang paaralan. Ito ay limitado lamang sa mga mag-aaral ng naturang paaralan at hindi
mairerepresenta ang opinyon ng lahat ng mag-aaral sa bansa, pati na rin lahat ng magaaral sa paaralan
dahil limitado lamang ang bilang ng napiling respondente.

BALANGKAS TEORETIKAL

Sa pananaliksik na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng mga teoryang nagpatibay sa pag-aaral na
isinagawa. Ito ay ang Theory of Sociocultural at Theory of Social Contructivism. Ayon sa Theory of
Sociocultural ni Vygotsky, binibigyang-diin nito na ang pagkatuto ay nangyayari bilang resulta ng mga
pakikipag-ugnayang panlipunan sa pagitan ng indibidwal. Ito ay isa sa mga pinaka-laganap na teoryang
pang-edukasyon ngayon at nagpapatuloy sa indibidwal na internalisasyon ng mga panlipunang pag-
uugali. Ang pag-aaral ay nangyayari bilang resulta ng mga pakikipag-ugnayan sa lipunan at nagaganap
sa loob ng isang partikular na kultural na kapaligiran (Bates, 2019; Leonard, 2002; Nagel, 2012).
Ang Theory of Social Contructivism naman ay isinasaad na mas mabisang pagtuturo at pagkatuto ay
lubos na epektibo sa interpersonal na pakikipag-ugnayan at talakayan, na may pangunahing pagbibigay-
diin sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa talakayan (Prawat, 1992). Ang mga mag-aaral, halimbawa, ay
pangunahing natututo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapantay at mga guro,
samantalang ang mga guro ay nagpapasigla at nagpapadali sa pag-uusap sa silidaralan sa pamamagitan
ng paggamit ng likas na daloy ng pag-uusap (Powell & Kalina 2009).
Ang face-to-face classes ay mas mainam kumpara sa home-based-learning, dahil mas matututo nila
sila sa harapang pagtuturo ng kanilang mga guro at nagagawa nilang makikag-interaksyon. Nakakaisip
sila nang mas maayos dahil hindi maingay ang kapaligiran kaya sila ay mas nakatuon sa kanilang pag-
aaral.

6
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

BALANGKAS KONSEPTUWAL

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Opinyon ng mga mag-aaral ng Bagong


Silang High School (SHS) tungkol sa muling pagbabalik ng face-to-face classes” ay
binigyan ng konseptong konseptuwal upang higit na maintindihan at malaman ang
tutunguhin ng pag-aaral na ito.

Pigura bilang 1: Input-Process-Output ng Pananaliksik

PAGPAPALIWANAG :

Isina-saad ng pigura sa taas ang modelong gagamitin ng mga mananaliksik bilang pamantayan sa
gagawin na pagsusuri, pati na rin ang representasyon ng magiging proseso nito. Nakalagay sa modelong
Input-Process-Output (IPO) ang mga nararapat na nilalaman ng pagsusuri. Sa pananaliksik na ito, ang
siyang nagsisisilbing input para ang naglahad ng ninanais na resulta at baryabols nito, process para sa
hakbang na gagawin at output naman para sa pinakahuling resulta.

KAHULUGAN NG TERMINOLOHIYA 

7
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

          Ang mga sumusunod na mga salita ay terminolohiyang ginamit at binanggit sa


pag-aaral na ito. Ang mga naturang salita ay ginamit batay sa sarili nitong gamit sa
larangangang kinabibilangan nito. 
Campus
Bakuran at mga gusali sa loob ng isang paaralan.

Contact tracing
Isang proseso upang malaman kung sino ang mga taong nakahalubilo ng isang taong nahawaan ng
nakakahawang sakit at pagkolekta ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga kontak na ito.

Covid-19
-Isang nakakahawang mikrobyo na nangsimula sa Wuhan China noong Disyembre 2019, ito ang dahilan kung bakit
nahinto ang pagpasok ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan.

Face-to-face classes
-Ito ay harapang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral kung saan ang mga mag-aaral ay pumapasok sa kanilang
angkop na silid-aralan upang makinig sa turo ng kanilang mga guro.

Hand sanitizer
Isang likido o gel, karaniwang naglalaman ng alkohol, na ginagamit upang linisin ang mga kamay at pumatay ng
mga mikroorganismo na nagdudulot ng impeksyon.

Health protocol
Ang isang health protocol ay ang paraan na dapat sundin upang makontrol ang isang partikular na sakit.

Home-based learning
Isang prosesong pang-edukasyon kung saan ang mga magulang o tagapagturo ay nagtuturo sa mga bata sa
bahay, sa halip na sila ay pormal na turuan sa isang pampublikong lugar o paaralan.

In-person communication
-Ay ang komunikasyon na may kakayahang makita ang ibang partido o mga partido sa isang paguusap.

Internet
-Desentralisadong network ng computer na umaabot sa pandaigdigan.

Modalities
-Paraan ng pagsasagawa ng pag-aaral ng mga mag-aaral.

Modular
-Isang paraan ng pag-aaral na ginagamitan ng ‘modules’ at ang mag-aaral ay nasa bahay lamang at inaalalayan ng
magulang o ‘guardian’.

New normal
-Ito ang naging kasalukuyang sitwasyon, kaugalian sa lipunan, atbp., na iba sa naranasan o nagawa natin noon
ngunit ito inaasahang magiging karaniwan.

Online learning
-Paraan ng pag-aaral na ginagamitan ng internet.

8
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

Social distancing
Pag-papanatili ng distansya sa isat-isa upang makaiwas sa hawaan.

Virus
Nakahahawang maykro-organismo.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

LOKAL NA LITERATURA

Matapos ang mahabang panahon na ang mga mag-aaral ay nasa kanilang bahay lamang at
isinasagawa ang modular o kaya naman ay online learning, nagsisimula na muling buksan ang mga
paaralan para sa face-to-face classes. Ayon kay Gatchalian, ang pag babalik ng face-to-face classes ay
isang malaking hakbang upang maibalik sa normal ang sektor ng edukasyon sa ating bansa. Ngunit
kailangang siguraduhin ang kaligtasan ng mga mga magaaral, guro, at iba pang kawani. (Senate of the
Philippines, October 2021) Bagamat unti-unti nang humuhupa ang kaso ng COVID-19, mahalaga pa ring
siguraduhin na makakaiwas sa naturang sakit ang lahat. (Press release: Gatchalian to lead Senate
inquiry on preparations for face-to-face classes)

Batay sa businessmirror sa kanilang aritikulong “Face-to-face classes are better for learners” (2022),
ang face-to-face classes ay mas mainam kaysa online learning dahil ayon sa natuklasan ng mga
mananaliksik ng Standford, ang “in-person communication” ay mas pinapasaya ang ating utak.
Nagagawa ng mga gurong ipaliwanag nang mas maayos ang mga aralin kaysa sa online or modular na
kailangang gawing simple. Mas magiging komportable rin ang mga mag-aaral dahil magagawa nilang
makipaghalubilo sa kanilang kapawa mag-aaral. Prayoridad din ang kalagayang mental ng mga mag-
aaral sa pagbubukas ng face-to-face classes.

Napakahalagang desisyon ang muling pagbubukas ng face-to-face classes, maraming dapat


isaalangalang hindi lamang ang gobyerno, kung hindi pati na ang mga mag-aaral at kanilang mga
magulang. May mga bagay mang ikinababahala katulad ng kaligtasan, isang hakbang ito upang
malagpasan ang mga dagok na dinulot ng pandemya. Sinisiguro ng pamahalaan ang pagpapatupad ng
mga alituntunin upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Hindi rin ipinagsasawalang-bahala ang
kalagayan ng mga mag-aaral at magulang, hindi ito sapilitan kaya ang mga may bakuna laban sa virus
lamang at pumapayag ang kailangang makilahok. Sa pagtutulungan ng lahat, sisiguraduhin na magiging
tagumpay ang proyektong ito.

9
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

LOKAL NA PAG-AARAL 
        Ayon sa pag-aaral ni Valerie Llena na pinamagatang “Returning of Face-to-Face Classes in the Philippines
amid the Covid-19 Pandemic” (Setyembre 2021), sa kadahilanang  pagtaas ng pandaigdigang pandemya dulot ng
COVID-19, karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay pansamantalang isinara ang mga institusyong pang-
edukasyon upang mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit at bawasan ang dami ng impeksyon nito. 
Kamakailan lamang, ang Department of Education (DepED) ay iminungkahi na bumalik na sa eskwelahan ang mga
lugar na mababa ang panganib sa Enero 2021 at inaprubahan ito ni Pangulong Duterte.

         Sinabi ng mga awtoridad na ang nakaplanong pagbabalik sa harapang klase sa susunod na taon ay maaaring
palakasin ang ekonomiya dahil sa pagpayag sa paglabas ng mas maraming edad pagkatapos ng siyam ng buwan na
pananatili sa loob ng bahay. Kinokompromiso ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ang mga tauhan
ng paaralan alang-alang sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa. Ang bansa ay dahan-dahan nang
nakakayanan ang mga pagbabago, at ang mga ibang mag-aaral ay umaayon na sa ‘new normal’ na kalagayan ng
edukasyon.

        Ang kamakailang anunsyo ng pagbabalik sa face-to-face classes ay talagang nakakabahala, kung isasaalang-
alang na ang mga kaso ay tumataas pa rin. Ngunit kailangang pagisipan ang maidudulot nito sa mga magaaral, guro,
pati na rin sa bansa.            

BANYAGANG LITERATURA

       Ayon sa artikulo na “Delivering Face-to-Face Dance Classes in Singapore during the COVID-19 Pandemic”  nina
Filomar C. Tariao at Jennifer Marie J. Yang  ( January 22, 2021 ).  Ipinag-utos ng gobyerno ng bansang Singapore na
ang unti-unting muling pagbubukas ng face-to-face classes ay dapat maganap sa ang may tatlong yugto, ito ay
upang unti-unting masanay ang mga mamamayan sa new normal (Singapore Government 2020). Mahalagang
simulan ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa unti-unting pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan gamit
ang ibat-ibang paraan ng pagaaral naisinasagawa ng pamahalaan upang makaiwas sa hawaan. 

      Sa kanilang pagbabalik sa hinaharap ay may mga pagsasaalang-alang. Katulad ng paunang pagsusuri at contact
tracing dahil ang lagnat ay nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 sa walumpung porsyento ng mga kumpirmadong
kaso (Zhu et al. 2020). Bago makapasok, kailangan munang ipasuri ang temperatura, siguraduhing walang sintomas,
at gamitin ang contact tracing safety app mula sa gobyerno (Singapore Government, 2020c). Mahalaga rin ang
personal na kalinisan. Ang wasto at madalas na paghuhugas ng kamay, paggamit ng mga hand sanitizer, at pag-
iwas sa paghawak sa mukha ay napatunayang nakakatulong sa pagbawas ng impeksyon ng virus (Jefferson et al.
2009; World Health Organization 2020). Dapat ding ugaliin ang tamang pagsuot ng face mask dahil naipakita sa
pagaaral na ito ay epektibo sa pagprotekta laban sa nakahahawang sakit na nakukuha sa nalalanghap na hangin.
Napakahalaga rin ng social-distancing, nagdisenyo ng mga iskedyul na may salit-salit na sesyon ng face-to-face at
home based learning upang bawasan ang panganib sa pamamagitan ng pagliit ng pakikipag-ugnayan ng mga mag-
aaral at guro. Bukod pa rito, ang mga pakikipag-ugnayan bago at pagkatapos ng mga klase o pagpasok sa paaralan
ay dapat ding limitahan. 

10
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

BANYAGANG PAG-AARAL 

       Ayon kanila Carolyn Chisadza, Matthew Clance, Thulani Mthembu, Nicky Nicholls at Eleni Yitbarek
(2021) sa kanilang pag-aaral na “Online and face‐to‐face learning: Evidence from students’ performance
during the Covid‐19 pandemic” lalong pinahirapan ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang kalagayan ng
edukasyon sa mga papaunlad pa lamang na bansa katulad ng South Africa. Dahil sa pandemya,
natuklasan hindi lamang ang hindi pagkakapantay-pantay sa mga mag-aaral kung hindi pati na rin ang
kamahalan ng internet access sa nasabing bansa na maaaring nagdudulot ng hindi pagkakapantay-
pantay. Kaya talaga namang napakahalaga na muling ipagpatuloy ang face-toface classes. Ang
ebidensya nila Brown at Lindholm (2002) na ibinase sa marka sa isang pagsususlit ng mga mag-aaral ng
macroeconomics sa Estados Unidos ay iminumunkahing nakalalamang ang mga nag-aaral sa face-to-
face kaysa sa online. May iba pang mga pag-aaral na nagpapakita na lamang ang face-to-face classes
sa online learning. Mabibigyan nito nang halos pantay-pantay na pagkakataon lahat ng mag-aaral at
makakayanan ng halos lahat ng lebel ng estado sa buhay ang makapagaral. Mas mainam rin ito para sa
pagkatuto ng mga magaaral.

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK 

     Sa bahaging ito ng pananaliksik ay ipinapakita ang napili at ginamit na metodo ng


pananaliksik upang makamtan ang layuning alamin ang “Opinyon ng mga Mag-aaral ng
Bagong Silang HighSchool (SHS) Patungkol sa Pagbabalik ng Face-to-Face Classes”.

    Nakapaloob dito ang disenyo ng pagtalakay na tumutukoy sa mga pamamaraang


ginamit upang makamit ang layunin ng pananaliksik, dami at bilang ng respondente na
siyang tumugon sa mga talatanungan na naging kasangkapan sa pananaliksik,
pamamaraan sa pangangalap ng datos, impormasyon at ang kompyutasyong
istadistikal ng mga ito.

11
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

URI NG PANANALIKSIK
Ang ginamit na pamamaraan sa pananaliksik ay deskriptibo o paglalarawan na
nagpapakita ng paglalahad at paglalarawan ng mga impormasyon ukol sa opinyon ng
mga mag-aaral ng Bagong Silang Senior HighSchool (SHS). Ang mga mananaliksik ay
gumamit ng ganitong pamamaraan upang mabigyang linaw ang paglalarawan ng mga
nakalap na datos at bilang pagpapatibay sa krebidilidad ng isinagawang pananaliksik.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet upang mangalap ng mga datos mula sa
mga naisagawang pag-aaral at artikulo na nakatulong sa pagpapahusay at
pagpapalawak ng isinagawang pananaliksik ukol sa pagbabalik ng Face-to-Face
Classes.

PAGLALARAWAN NG RESPONDENTE
     Ang mga napiling respondente ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng
Paaralan ng Bagong Silang High School, Lungsod ng Caloocan. Sila ay pawang mga
babae at lalaki na may edad na labing-anim na taong gulang (16) hanggang labing-
siyam na taong gulang (20) na nag-aaral sa Bagong Silang High School bilang senior
high.

POPULASYON
   Ang pananaliksik na ito ay may tatlumpu’t lima (35) respondente sa kabuuan. Ang
labing-tatlo (13) ay pawang mga kababaihan; at ang dalawa (2) ay mga kalalakihan.
Napagdesisyunan ng mga  mananaliksik na kunin ang bilang na ito na 15 upang
maging respondente sa isinagawang pananaliksik.

     Napili ng mga mga mananaliksik ang Bagong Silang Highschool upang pagdausan
ng pananaliksik na ito sapagkat ang mga mananaliksik ay nagaaral sa nasabing
paaralan.  Napili rin ng mga mananaliksik ang paaralan dahil ito ay nagsasagawa ng
face-to-face classes.

PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK


   Ang kabuuuang bilang ng mga mag-aaral ng senior high ng Paaralang BSHS ay
malaki kung kaya’t minabuti ng mga mananaliksik na kumuha lamang ng labing-limang
bilang ng mga respondente sa isinasagawang pananaliksik upang malaman ang sariling
opinyon ng mga napiling respondente.

12
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

INSTRUMENTASYON

     Sa bahaging ito ng pananaliksik ay tinukoy ang mga kasangkapang ginamit sa


pangangalap ng mga datos, impormasyon ukol sa Opinyon ng mga Mag-aaral ng
Bagong Silang High School patungkol sa muling pagbubukas ng Face-to-Face Classes
na nagsilbing daan upang mabigyang linaw ang mga isyung nakapaloob sa paksa.
Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey gamit ang talatanungan na kung saan ay
sasagutan nila ang mga katanungan sa tanong batay sa sarili nilang opinyon sa
pamamagitan ng google form.

KOMPYUTASYONG ISTADISTIKAL

     Upang malaman ng karampatang bahagdan ang mga nakalap na datos at


impormasyon sa isinagawang sarbey ay napagpasyahan ng mga mananaliksik na
gamitin ang mga sumusunod na pormula: 

                P= R/N × 100

Kung saan:

P = bahagdan

R = bilang ng sagot

N = kabuuang bilang ng Respondente

13
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

TALASANGGUNIAN:

Llena, V. (2021, September). Returning of Face-to-Face Classes in the Philippines amid


the Covid-19 Pandemic.    Galing sa https://www.studocu.com/ph/document/university-
of-mindanao/understanding-theself/analysis-returning-of-face-to-face-classes-in-the-
philippines-amid-the-covid-19pandemic/17478681 

Yang, JM. J. & Tariao, F. C. (2021, January 22). Delivering Face-to-Face Dance
Classes in Singapore during the COVID-19 Pandemic.    Galing sa
https://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/15290824.2020.1843172

Chisadza, C. , Clance, M. , Mthembu, T. , Nicholls, N. , & Yitbarek, E. (2021). Online


and face‐to‐face learning: Evidence from students’ performance during the Covid ‐19
pandemic.  Galing sa https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8250490 

Senate of the Philippines (2021, October). “Gatchalian to lead Senate inquiry on


preparations for face-to-face classes.”  Galing sa
https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2021/1005_gatchalian1.asp

Businessmirror (2022). Face-to-face classes are better for learners.   Galing sa


https://businessmirror.com.ph/2022/03/04/face-to-face-classes-are-better-for-learners

Department of Education (2020, June 1). DO_s2020_012 Adoption of The Basic


Education Learning Continuity Plan For School Year 2020-2021 In Light Of The
Covid19 Public Health Emergency.  Galing sa
https://authdocs.deped.gov.ph/depedorder/do_s2020_012-adoption-of-the-be-lcp-sy-
2020-2021/ 

14
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

15
2
BAGONG SILANG HIGH SCHOOL
Senior High School

16
2

You might also like