You are on page 1of 1

ABAKADA

Arvin N. Dela Luna


MALAWAAN ELEMENTARY SCHOOL
Naalala ko noong ako’y nasa elementarya pa,
ABAKADA ang sa akin ay ipinapabasa.
Sa una ay makakaramadam ka nang saya,
At masasabi mong Yes! Kami ay magbabasa.

Tuwing Sabado ito ang aming gawa ng aking tiya,


Ako’y kanyang pinapabasa doon sa tapat ng bintana.
At doon ko makikita mga kalaro kong nagsasaya.
At akin pang naririnig ang mga hiyawan nila.

Ako’y talagang hiling hili sa mga tawanan nila,


Kaya sa aking pagbabasa ako ay nagkakamali na.
At sa bawat maling bigkas hampas ang katumbas.
Kaya tubig sa mata ay tuluyan nang lumabas.

Hikbi ko’y di mapigilan pati sipon ko ay nag-uunahan.


Akala ko kami’y tapos na yun pala balik sa umpisa.
Kaya naman magrereklamo kana at sasabihing “ayaw ko na!”
At dito mag uumpisa ang paluan naming mag tiya.

ABAKADA ay di malimot-limotan dahil sa mga pinagdaanan,


Na sa tuwing makakakita bumabalik sa aking gunita.
A E I O U, BA BE BI BO BU, KA KE KI KO KU,
Ito ang mga salitang unang natutunan ko.

ABAKADA lang noong una ay sapat na,


Dahil matututo kang talaga, bukod dito may kurot pang kasama.
Kaya naman ako’y nagpapasalamat sa munting aklat,
Dahil ako’y natutong magbasa kahit noong umpisa ay pautal-utal pa.

You might also like