You are on page 1of 1

Magandang araw mga binibini at mga ginoo!

Ako po ay naririto sa inyong


harapan ngayon upang hikayatin kayo na sumama sa aming book fair na aming
sinasagawa ngayon. Mukha mang hindi masaya ang pagbabasa pero aking
ipapaliwanag kung bakit ka dapat magbasa ng libro lalo na ang mga kewnto na
galing sa timog-silangang Asya.
Bakit ng ba tayo dapat magbasa? Ito ang isa sa mga tanong na aking laging
naririnig sa mga hindi nagbabasa nang mga libro. Dapat tayo magbasa para
lumawak ang ating kaalaman sa ating wika at iba pang wika tulad ng Engles. Ito rin
ay nakakaganda ng ating pagbigkas ng mga salita na ating binabasa. At ngayon
naman ay ako’y may ipapayo sa’yo kapag ikaw ay bago pa lamang sa pagbabasa.
Madalas kayo ay tatamarin kapag kayo’y nagbabasa, pero pwede itong hindi
mangyari kung iniimahe mo ang mga iyong binabasa. Halimbawa, kung ang linya
na iyong babasain ay parang ganito, “At kinilig si Mary sa sinabi ni Don.” Iimahe
mo na si Mary ay namumula sa kilig dahil sa sinabi ni Don. Halimbawa lang naman
ito. Pero, kung di mo talaga kaya magbasa, meron akong istorya sa’yo tungkol
naman sa pagkakape ko. Dati ay hindi ko talaga kaya uminom ng kape ng walang
asukal, pero, isang araw ay naisip ko na hindi na ako gagamit ng asukal kapag
ako’y magkakape para sa benipisyong pang kalusugan. Nung umpisa ay talagang
hindi ko kaya inumin ang aking kape at kailangan pa nang tinapay para maubos
ito. Pero, nung nagtagal ay nasanay din ako at mas nagustohan ko ang walang
asukal sa kape kaysa meron. Parang sa bagbabasa lang din, sa umpisa ay iisipin
mo ay para rin ito sa kaalaman mo pero pag nagtagal ay matutuwa ka rin sa
pagbabasa.
Kaya halina! Sumama ka sa’kin at mag simula na mag basa ng mga libro
tungkol sa timog-silangang asya! At tandan na hindi ka manghihinayang pagtagal
ng panahon. Yun lamang po! Salamat po at magandang araw muli.

You might also like