You are on page 1of 2

Nakaupo ako sa isang silid,ito ay kinapapalooban ng mga batang may gatas pa sa labi.

Ilang
minuto na lang ay darating na ang isang magandang dlag na syang nagtuturo sa amin.Punong puno ng
kaalaman ang aking utak na tila nagkakagulo sa aking isipan.Ito ang araw n gaming pagsusulit kaya’t
pinagbutihan ko ang pag rerebisa ng aming mga napag-aralan.

Lumipas ang sandali at dumating na ang aming guro.Tangan ko ang isang matulis na panulat at
isang panulat na mayroong tinta na syang gagamitin ko upang punan ng aking mga kasagutan ang isang
blanko at malinis na papel.Maaga kong natapos ang gaming pagsusulit kaya nanahimik na lamang
ako.Nang makita ko ang tangan kong mga panulat ay mayroong pumasok sa aking isipan. ALin ang mas
dapat gamitin ang lapis o ang bolpen?

Bata pa tayo ay mahilig na tayong gumuhit at magsulat ng kung anu-ano kahit hindi pa tayo
gaanong dalubhasa dito. Lapis ang siyang una nating ginamit sa pagguhit ng ating mga pangarap. Ito ang
unang pinagamit sa atin ng ating mga magulang dahil ito ay mayroong pambura na ginagamit natin
upang burahin ang mga mali at hindi gaanong kanais-nais nating naisulat. Bagama’t ito ay mali o hindi
kanais-nais, dito tayo natututo. Nabubura man natin ito, hindi naman natin mabubura ang mga markang
nagawa nito sa ating mga buhay.

Natuklasan ko ang aking kakayahan at inisip kong maging isang lapis, hindi ballpen o pangkulay
kundi isang lapis na may pambura at gamit ng bata na nagsisismula pa lamang mag-aral at tumuklas.
Bilang isang lapis, saksi ako sa paghubog ng mga paunang kaalamang maaari niyang matutnan, mga
unang pagsulat at pagguhit na kaniyang pag-aaralan. Bilang isang lapisna muling tatasahan para
makakuha ng mga bagong kaalaman. Bilang isang lapis na may pambura upang maitama ang bawat mali.
Bilang isang lapis nais kong magturo. Dalawa ang pangarap kong maging pagdating ng panahon, ang
magsulat upang makapagturo at magturo upang makapagsulat. Pangarap kong maging isang lapis na
nagsusulat para makapagbahagi ng kaalaman sa aking mga mambabasa at maging isang lapis na
nagtuturo at tinatasahan ng aking mga mag-aaral para madagdagan ang kaalaman. Sa ngayon, bilang
isang mag-aaral pa lamang ng pamamahayag, gagamitin ko itong pagkakataon. Ito ang magsisilbing puno
kung saan ko kukunin ang mga materyales na kailangan ko upang mabuo ang aking lapis.

Tunay ngang pabago-bago na ang panahon at teknolohiya. Dati, wala pang lapis na ginagamit sa
pagsusulat. Dagta mula sa mga dahon ng halaman at mga prutas ang siyang ginagamit ng ating mga
ninuno upang iguhit ang kanilang mga kwento. Pinapatunayan nito na nananalaytay sa ating dugo't ugat
ang pagsulat. Sunod ay naging pluma at papel na ang ginamit ng mga susunod na henerasyon. Sa
kalaunan ay nakaimbento na ang tao ng lapis na may iba’t ibang kulay, laki, tatak at presyo. Habang
tayo ay tumatanda na, gumagamit na tayo ng ballpen sa pagsulat dahil unti-unti na din tayong natututo
kung paano iwasan ang mga mali at paano maging maingat sa ating mga sinusulat.

Kasabay ng paglipas ng panahon,ang dating musmos na bata ay unti unti naring hinila ng
panahon.Kung dati ay lapis ang natitipuhan, ngayon ay bolpen na rin ang aking nais.Ang bawat titik na
isinulat ng ballpen mo ay simbolo ng bawat pangyayaring tumatatak sa papel ng ating pagkatao..
Merong pahaba, patayo, pabilog, at sa maraming pagkakataon, parang kinahig ng manok. Pero ang lahat
ay isang pahayag kung saan tayo ang magsisimula, kung saan natin gagamitin at kung saan ang maabot
ng ating ballpen Hindi na mahalaga kung magkano ito o kung ano ang presyo ng ating ballpen. Hindi ito
kinakailangang Fine-tech o Gtech, hindi rin mahalaga kung Pilot o Panda o flrx stickHindi sukatan ang
pangharap na hitsura para masabi ang kahalagahan ng ating ballpen. Mas mahalaga ang bawat katagang
nahabi sa isang makabuluhang salaysay. Mas mahalaga ang bawat daloy ng pagkakataon na huhubog sa
ating katauhan. Mayroong mga taong kapag nawalan n pag-asa dahil sa wala na itong tinta o putol-putol
kapag isinulat,akala nila ay wala na itong halaga kaya’t pinil na lang nila itong iwan at itapon kung
saan.Sadya talagang kay biilis nilang mang-iwan.Hindi nila alam na mayroon pang paraan ang bolpen ay
patuloy pa ring lalaban at hindi sususko nariyan ang pag-alog at pagpitik upang dumaloy ang tinta
Parang ang buhay natin. Minsan, naiipit tayo at hindi makalabas. Merong mga desisyon na ayaw nating
harapin. Mga desisyong susukat sa ating estado at sa paniniwala natin sa ating pagkatao.
Nagtatago tayo at nagsusumiksik sa maliit na tubong iyon at ayaw sumulat.
Sa maraming pagkakataon, kailangan lang nating magising sa pagkakahimbing

Minsan, mas mabuti pa na hayaan na lang munang maubos ang sobrang tinta. Wala ng dahilan pa para
iyakan ang nasayang na. Hindi na ito maibabalik pa. Dumadating sa ating buhay na gumagawa tayo ng
mga bagay na kahit alam nating wala sa tamang landas ay patuloy nating ginagawa. Maraming
nasasaktan. Marami ang nadadamay.
Magsisi man tayo hindi na maibabalik ang mga nasayang na panahon. Hindi na maibabalik ang mga luha
at sakit

Hindi na tayo mga bata para gumamit ng lapis upang burahin an gating pagkakamali ,bagkus ay
bolpen na kaialangan nating pag-isipan bago gamitin sa pagsulat

You might also like