You are on page 1of 2

KYLA M. SUPERABLE GRADE-12 ST.

MATTHEW - FILIPINO

1. Sa mga layunin at kahalagahan ng pagsulat. Bilang mag-aaral naranasan mo na ba


ang benipisyo nito sa iyo upang higit na mapaunlad ang iyong kasanayan?
- Bilang isang mag-aaral naranasan ko na ang benipisyo nito sa akin upang
mapaunlad ang aking kasanayan sa pagsulat. Katulad na lamang ng paggamit ng
tamang balarila sa paggawa ng iba’t-ibang uri ng sanaysay at paggawa ng
pangungusap. Malaking tulong ito upang mas mapabuti at maging maganda ang
kalalabasan ng aking mga ma-isusulat.

2. Sa mga gamit o pangangailangan sa pagsulat, Alin dito ang sa palagay mo’y


pinakamahalaga para saiyo?
- Sa palagay ko, ang pinakamahalaga sa akin ay ang “kaalaman sa wastong
pamamaraan ng pagsulat”. Para sa akin, walang saysay ang iyong isinulat kung
hindi ito nasa ayos at mas mahalaga ito upang mas maintindihan ang iyong
isinulat.

Pamprosesong tanong:

Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat


partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?
- Mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat
partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin upang maging maayos at mas
“representable” ang iyong isinulat lalong-lalo na katulad ng akademikong sulatin
na dapat ito’y makabuluhang pagsasalaysay.

1. Sa iyong palagay, alin sa mga katangiang dapat taglayin ng akademikong


pagsulat ang alam mo na, bihasa ka nang gawin? Alin sa mga ito ang dapat
mo pang pagbutihin?
- Sa palagay ko, bihasa na akong maging responsable sa mga bagay lalo
na kapag halimbawa sa paggawa ng akademikong sulatin. Ang
paglalahad ng ebidensya, patunay o anumang nagpapatibay sa isang
argumento ay malaking responsibilidad para hindi marapatan na
isang playgyarista.

2. Sa mga uri ng pagsusulat, alin sa mga ito pinakagustong-gusto mong gawin?


Bakit? (Ipaliwanag).
- Sa mga uri ng pagsusulat ang pinakagustong-gusto kong gawin ay ang
malikhaing pagsulat sapagkat mahilig akong gumawa ng tula dahil dito ko
mas naipapahayag ang aking nararamdaman/damdamin at mahilig ako
magbasa ng mga nobela.
PAGSULAT NG DYORNAL
Layunin: Nakasusulat ng maayos na dyornal batay sa mahahalagang natutuhan sa
akademikong sulatin
Bakit mahalagang matutuhan ang
kahalagahan, kalikasan, at katangian ng
pagsulat, partikular sa akademikong
sulatin?
p

Mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng


pagsulat, partikular sa akademikong sulatin dahil malaki ang magiging
tulong nito sa pagpapahayag natin sa mga ideya na nais nating
maiparating sa ibang mga tao. Karaniwan na ginagamit ang pagsusulat
para magpahayag ng opinyon, mungkahi at mga ideya. Ang
akademikong pagsulat naman ay ang karaniwang ginagamit ng uri ng
pagsusulat sa paaralan o kaya ay sa trabaho. Kaya din maigi na dapat
alam natin kung ano ang istilo at tono ng pagsusulat ng akademikong
mga sulatin. Kailangan din natin matutunuan na may mga angkop na
lebel ng paggamit ng wika depende sa sitwasyon.

You might also like