You are on page 1of 3

NOTRE DAME OF JARO, INC.

Msgr. Lino Gonzaga St., Jaro, Leyte


LEARNING PLAN

ASIGNATURA:
ARALING PANLIPUNAN-GRADE 9

I. Layunin
Naipapaliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi
II. Paksang-Aralin
Paksa: Ang Pera
Sanggunian: Ekonomiks para sa umuunlad na pilipinas pahina 218-220
Kagamitan: Chalk at pisara
III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Bakit kailangan ang pera sa pangaraw-araw na pamumuhay?
B. Pagbabasa
Ang Pera
Sa kasalukuyan, isa sa pinakamahahalagang bagay ay ang pera.
Nagtratrabaho ang tao upang kumita at mabuhay nang marangal. Ang pera
ang nagbibigay-daan sa mga gawaing pang-ekonomiya ng tao at
nagbibigay sa atin ng ideya tungkol sa halaga ng mga bagay-bagay sa
ating kapaligiran.
C. Pagkatapos ng Pagbasa
Bakit mahalaga ang pera?
D. Paglalahad
Anu ang patakarang pananalapi?
E. Paglalahat
Ano-ano ang mga pamamaraang maaring gamitin upang
matugunan ang mga pinansyal na transaksiyon ng mga mamamayan?
IV. Pagtataya
Sagutin ang bawat tanong.
1. Anu ang ginagamit na pamalit ng ating mga ninuno sap era noong unang
panahon?
2. Anu ang sistemang ginagamit ng ating mga ninuno sa panahong wala pa ang
pera upang magkaroon ng mga pangangailangan nila?
3. Sa panahon ngayon anu ang pinakamadaling gamiting pamalit sa ating mga
kinakailangan?
V. Takdang-Aralin
Ibigay ang hinihingi.
1. Ibigay ang mga kinakailangan upang kilalanin ang isang instrumento bilang
negotiable o maaring ipasa.

NOTRE DAME OF JARO, INC.


Msgr. Lino Gonzaga St., Jaro, Leyte
LEARNING PLAN

ASIGNATURA:
ARALING PANLIPUNAN-GRADE 9

I. Layunin
Naipapaliwanag ang gamit ng pera
I. Paksang Aralin
Paksa: Mga Gamit ng Pera
Sanggunian: Ekonomiks para sa umuunlad na pilipinas pahina 221-222
Kagamitan: Chalk at pisara
II. Pamamaraan
A. Pagganyak
Paano ginagamit ang Pera?
B. Pagbabasa
Mga Gamit ng Pera
May apat na gamit ang pera. Ito ay ang sumusunod:
 Instrumento ng palitan
 Pamantayan ng halaga
 Mapanatili ang halaga ng produkto sa pamamagitan ng pera
Kahit madalas binabago ang perang ginagamit ng isang bansa, ang mga
perang ginagamit ng isang bansa, ang mga perang ginagamit sa
kasalukuyan ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga katangian:
 Tinatanggap ng lahat
 Madaling dalhin
 Maaring hatiin
 Madaling baguhin ang suplay
 Magtatag
 Madaling makilala
 Espesyal na katangian
 Madaling ipamalit
C. Pagkatapos ng pagbasa
Anu-ano ang mga gamit ng pera?
D. Paglalahad
Mahalaga ba ang pera sa kasalukuyan? Bakit?
E. Paglalahat
Ano-anong pangangailangan ang pinaggagamitan ng pera?
III. Pagtataya
Ibigay ang hinihingi:
1. Ibigay ang apat na gamit ng pera.
2. Ibigay ang katangian ng perang ginagamit sa kasalukuyan.
IV. Takdang Aralin
Sagutan ang tanong.
1. Ano-anong pangangailangan ng lipunan ang tinutugunan ng pagkakaroon ng
pera?

NOTRE DAME OF JARO, INC.


Msgr. Lino Gonzaga St., Jaro, Leyte
LEARNING PLAN
ASIGNATURA:
ARALING PANLIPUNAN-GRADE 9

I. Layunin
Naipapaliwanag ang patakarang monetaryo
II. Paksang aralin
Paksa: Ang Patakarang Monetaryo (Easy at Tight)
Sanggunian: Ekonomiks para sa Umuunlad na Pilipinas pahina 222-223
Kagamitan: Chalk at pisara
III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Ano ang patakarang monetaryo?
B. Pagbabasa
Ang Patakarang Monetaryo (Easy at Tight)
Ang patakarang monetaryo ay pamamaraan ng pamahalaan upang
magabayan at mabantayan ang sistema ng pananalapi ng bansa at pati na
rin ang operasyon ng mga institusyon ng pananalapi.
C. Pagkatapos ng Pagbasa
1. Ano ang patakarang monetaryo?
D. Paglalahad
Bakit mahalagang malaman ang patakarang monetaryo?
E. Paglalahat
Ano ang dalawang uri ng patakarang monetaryo?
IV. Pagtataya
Ibigay ang hinihingi:
1. Ibigay ang dalawang uri ng patakarang monetaryo.
2. Kahulugan ng patakarang monetaryo.

V. Takdang Aralin
Sagutan ang tanong:
Bakit mahalaga sa ekonomiya ang pagkakaroon ng maayos na patakarang
monetaryo?

You might also like