You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan G9

Ikatlong Markahan

Pamantayang Pangnilalaman

Naipaliliwanag ng mga mag aaral ang layunin ng Patakarang Pananalapi ng bansa at


nakapagpapahayag ng kahalagahan ng pag iimpok at pamumuhunan bilang salik ng
ekonomiya.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag aaral ay nakapagtataya sa bumubuo ng sektor ng pananalapi, nakapagtataya


sa bumubuo ng sektor ng pananalapi, at natitimbang ang epekto ng patakarang pang
ekomiya sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino.

I. LAYUNIN

1. Nailalahad ang kahulugan ng salapi

2. Napaghahambing ang pag – iimpok at pamumuhunan

3. Naipapakita ang kahalagahan ng salapi sa ekonomiya ng bansa

II. NILALAMAN

A. Paksa: Patakarang Pananalapi

B. Sanggunian: Gabay ng Mag – aaral pahina 306

C. Kagamitan : Aklat, laptop

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

2. Panalangin

3. Pagtsetsek ng attendans

4. Pagganyak

Malayang talakayan tungkol sa kahalagahan ng salapi sa pangkalahatang aspeto ng


pamumuhay.
B. Paglinang ng Aralin

1. Paglalahad

Pangkatin ang mga mag – aaral sa apat na grupo at ipalahad ang mga sumusunod na
paksa sa pamamagitan ng sabayang pag – awit ng bawat pangkat ng naaayon sa tema ng
patakarang pananalapi.

SUPPLY NG PANANALAPI

ANTAS NG INTERES

PRODUKSIYON

PRESYO

EMPLEYO

Ibigay ang mga konseptong isinasaad hinggil sa expansionary money policy at


contractionary money policing naaayon sa kanta isinagawa ng bawat grupo.

 Anong uri ng patakarang pananalapi ang maaring pairalin kapag may recession sa
ekonomiya?

2. Paghahalaw / Paghahambing

 Anu- ano ang mga katangian ng expansionary money policy at contractionary money
policy?

3. Paglalahat

Ang pamahalaan , sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas , ay nagtatakda


ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya upang matiyak na ang
mamamayan ay patuloy na magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga
pangangailangan gamit ang kanilang kinita mula sa pagtatrabaho.

4. Paglalapat

 Kung ikaw ay bibigyan ng malaking halaga , ano ang nararapat mong gawin upang
makatulong sa pag - unlad ng ekonomiya?
 Alin nga ba nararapat , ang mag impok o mamuhunan ? Bakit?

IV. PAGTATAYA

Gamit ang Venn Diagram ay ilahad ay ilahad ang natutunan tungkol sa


Expansionary money policy at Contractionary money policy.( 5 puntos ang bawat bilang)

V. TAKADANG ARALIN
1. Ano ang kahuliugan ng salapi ?

2. Ano ang pagkakaiba ng pag iimpok sa pamumuhunan?

3. Sino ang bumubuo sa sektor ng pananalapi?

PUNA:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

You might also like