You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
E-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Mga Epekto ng Internal na Distraksiyon sa Akademikong Perpormans ng mga Piling Mag-


aaral sa kursong BS Business Administration Major in Financial Management na nasa
Ikalawang Taon sa Kolehiyo sa Batangas State University-Lemery Campus T.P. 2022-2023.

Aquino, Ashley Jane G.

Caoayan, Fherenell C.

Casama, Shaina Mae M.

Endaya, Mary Joy C.

Gagalang, Alein Renz H.

Patulot, Sherelyn C.

Siscar, Erica Mae M.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
F-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Kabanata I

Suliranin at Kaligiran nito

A. Introduksiyon

Ang edukasyon ay ang proseso ng pagbabahagi, pagkalap at pag-iipon ng kaalaman.


Ito ay tumutulong sa tao upang mapaunlad ang kanyang kakayahan, pang-unawa at pagkatao.
Ito rin ay tumutukoy sa pag-aaral ng iba’t-ibang asignatura upang matuto ng iba’t-ibang
kasanayan para magamit sa pang-araw-araw na buhay at para sa kinabukasan. Ang pagiging
isang edukadong tao ay nangangahulugan na ang isang tao ay may access sa pinakamainam
na estado ng pag-iisip anuman ang sitwasyong kinabibilangan nila. Nagagawa nilang tumpak
na maunawaan, mag-isip nang malinaw at epektibong kumilos upang makamit ang mga
napiling layunin at mithiin. Ang pag-unlad ng ekonomiya at panlipunan ng isang bansa ay
direktang nauugnay sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang akademikong
perpormans o pagganap ng mga mag-aaral ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa
paglikha ng pinakamahusay na kalidad ng mga alumni na magiging pinuno at lakas-tao ng
isang partikular na bansa, dahil dito ay responsable para sa panlipunan at pang-ekonomiyang
pag-unlad ng bansa.

Ang internal na distraksiyon ay isa sa mga bagay na lubos na nakakaapekto sa


perpormans ng mag-aaral sa klase. Ang distraction ay ang proseso ng paglihis ng atensyon ng
isang indibidwal o grupo mula sa nais na lugar o pokus at sa pamamagitan nito ay
hinaharangan o binabawasan ang pagtanggap ng nais na impormasyon. Ang distraksiyon ang

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
G-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

maaring sanhi ng kawalan ng kakayahan na magtuon ng pansin, kawalan ng interes sa mga


bagay na kailangang pagtuunan ng pansin, at kawalan ng hilig na maglaan ng oras sa mga
bagay na hindi sila interesado.

Ang mga distraksiyons ay nagmumula sa parehong panlabas at panloob na mga


mapagkukunan. Kabilang sa mga panlabas na distractions ang mga salik gaya ng mga
kaibigan, pamilya, guro at mga gadget. Mayroon ding mga panloob na distractions na pinili
ng mga mananaliksik na pag-aralan tulad ng galit, pagdududa sa sarili, kalusugan, kawalan
ng kapanatagan at depresyon. Ang parehong panlabas at panloob na mga distraksiyons ay
nakadadagdag sa mga hadlang upang magkapagpokus. Ang panloob at panlabas na
distraksiyons ay maaaring makaapekto sa mga mag-aaral pagdating sa pag-aaral at pagkamit
ng mataas na akademikong pagganap o perpormans. Ang panloob na distraksiyon, ay
maaaring maging sanhi ng pagkawala ng konsentrasyon ng isang tao sa kanyang pag-aaral.
Maaaring mawalan siya ng pokus at atensyon dito dahil sa ilang mga kadahilanan sa ilalim
ng panloob na distraksiyon. Kahit na ang mga salik na ito ay malakas na nakakaimpluwensya
sa pagganap ng mga mag-aaral, ang mga salik na ito ay naiiba sa bawat lugar at tao sa tao.

Ang pinagtutuunan ng pansin ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa kursong BS


Business Administration Major in Financial Management na nasa Ikalawang Taon sa
Kolehiyo na nag-aaral sa Batangas State University-Lemery Campus T.P. 2022-2023. Sa
aming pagmamasid, napansin namin na halos sa mga mag-aaral ay nakaranas ng mga
paghihirap sa kanilang sarili tulad ng pagdududa sa sarili, galit, kawalan ng kapanatagan,

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
H-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

depresyon at kalusugan na maaaring makaapekto nang malaki sa kanilang


akademikong pagganap o perpormans. Ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng
pananaliksik na ito para sa kanila, at upang matulungan ang mga mag-aaral na madaling
malampasan ang lahat ng mga paghihirap na humadlang sa kanila sa mahusay na pagganap
sa klase.

Batay sa mga naganap na talakayan, ang mga mananaliksik ay naudyukan na


magkonsepto at magsagawa ng pag-aaral tungkol sa Mga Epekto ng Internal na Distraksiyon
sa Akademikong Perpormans ng mga piling mag-aaral sa kursong BS Business
Administration Major in Financial Management na nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo sa
Batangas State University-Lemery Campus T.P. 2022-2023. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong maliwanagan ang isipan ng mga guro, magulang, at lalo na ng mga mag-aaral
upang kanilang maunawaan ang malaking epekto ng mga panloob na distractions na naging
hadlang sa kanilang pagkamit ng mataas na akademikong pagganap o perpormans.

Matapos mapinalisa ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakaisip ng mga


posibleng rekomendasyon o solusyon upang makamit ang ninanais na mga marka ng mga
mag-aaral.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
I-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inasagawa para malaman ang mga epekto ng internal na
distraksiyon sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa kursong BS Business Administration
Major in Financial Management na nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo sa Batangas State University-
Lemery Campus T.P. 2022-2023.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masagot ang mga katanungan na:

1. Ano ang mga dahilan ng internal na distraksiyon ng mga mag-aaral?

2. Ano ano ang mga epekto ng panloob na distraksiyon sa akademikong perpormans ng mga mag-
aaral?

3. Anong internal na distraksiyon ang pinaka-nakakaapekto sa akademikong perpormans ng mga


mag-aaral?

4. Ano ang mga posibleng paraan na makatutulong sa mga mag-aaral upang malampasan ang
panloob na distraksiyon sa gayon ay hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral?

5. Ano ano ang mga posibleng motibasiyonal na aktibidades ang isasagawa upang magbigay
kaalaman kung paano maiiwasan ang internal na distraksiyons?

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
J-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang mga epekto ng internal na distraksiyon
sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa kursong BS Business Administration Major in
Financial Management na nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo sa Batangas State University-Lemery
Campus T.P. 2022-2023, upang higit pang pagpapabuti ang gagawin upang maiwasan ito. Ang mga
resulta ng pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, makatutulong ito dahil malalaman nila ang mga bagay na lubhang
nakaaapekto sa kanila habang nag-aaral at kung paano pamahalaan ang mga ito. Ang pagaaral na ito
ay makatutulong sa mag-aaral upang higit pa nilang maunawaan ang epekto ng internal na
distraksiyon sa akademikong perpormans at upang malaman nila ang mga paraan na makatutulong sa
mga mag-aaral upang malampasan ang panloob na distraksiyon sa gayon ay hindi maapektuhan ang
kanilang pag aaral.

Sa mga magulang, ang resulta ng pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga magulang


upang magkaroon sila ng kamalayan tungkol sa epekto ng internal na distraksiyon sa kanilang mga
anak. Makatutulong din ito upang maging bukas ang mga magulang na bigyang gabay at suportahan
ang kanilang mga anak na makatutulong upang mabawasan ang kanilang pangamba sa kanilang pag-
aaral.

Sa mga propesor, ang pag-aaral na ito ay makatutulong para sa kanila kung paano ma-
motivate ang mga mag-aaral na maiwasan ang panloob na distraksiyon.

Sa administrasyon ng paaralan, ito ay makatutulong para sa kanila na ipatupad ang mga


programa at magsagawa ng mga pagsasanay na makatutulong upang maiwasan ang panloob na

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
K-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

distraksiyon. Sa tulong ng makukuhang impormasyon sa pananaliksik na ito magiging handa ang


paaralan sa maaaring maging epekto nito sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral at
magkakaroon ng ideya kung paano nila matutulungan ang mga mag-aaral upang malampasan ang
mga nasabing distraksiyon.

Sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magpagkukunan nila ng


impormasyon at ideya na may kaugnayan sa kanilang ginagawang pag-aaral. Ito ay magsisilbing
gabay at sanggunian sa hinaharap habang sila ay nagsasagawa ng pag-aaral na katulad nito.

D. Saklaw at Delimitasyon

Ang empasis ng pag-aaral ay upang matukoy ang mga epekto ng internal na distraksiyons sa
akademikong perpormans ng mga piling mag-aaral sa kursong BS Business Administration Major in
Financial Management na nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo sa Batangas State University-Lemery
Campus T.P. 2022-2023. Ang output ng pag-aaral ay nauukol sa iminungkahing plano ng aksyon
upang maiwasan ang mga panloob na abala o distraksiyon sa mga mag-aaral na makakaapekto sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Ang mga target na kalahok ng pag-aaral na ito ay ang piling mga mag-aaral sa kursong BS
Business Administration Major in Financial Management na nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo sa
Batangas State University-Lemery Campus T.P. 2022-2023. Ang pag-aaral ay limitado lamang sa
mga nakatala na nasabing respondente ng pananaliksik.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
L-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Ang pamamaraang deskriptibo ng pananaliksik ay ginamit gamit ang gabay sa


pakikipanayam upang malaman ang mga epekto ng panloob na distraksiyons sa akademikong
perpormans ng mga piling mag-aaral sa kursong BS Business Administration Major in Financial
Management na nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo sa Batangas State University-Lemery Campus
T.P. 2022-2023.

E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas madali at ganap na maintindihan ng mga mambabasa, minarapat ng mananaliksik


na bigyang depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat
isa sa pamanahong papel na ito:

Distraction (Distraksiyon) - ay tumutukoy sa anumang bagay o pangyayaring pang-agaw ng pansin


o pambaling ng pansin.

Internal na Distraksiyon - Ang mga panloob na distraksiyons ay ang iyong sariling mga iniisip at
emosyon. Maaaring kabilang dito ang mga kaisipan tungkol sa mga responsibilidad o magagandang
bagay na mas gusto mong gawin. Maaari rin na ito ay ang mga emosyon tungkol sa mga pangyayari
sa buhay, ang gawain na iyong ginagawa, mga takot, at mga alalahanin.

Akademikong Perpormans - ito ay ang pagsukat ng nakamit ng mag-aaral sa iba’t ibang mga
asignaturang pang-akademiko.

Depresyon - Ayon sa Mayo Clinic, ito ay isang mood disorder na nagsasanhi sa paulit-ulit na
pakiramdam ng kalungkutan at pagkawala ng interes.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
M-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang distraksiyon ay madalas na nangyayari sa mga mag-aaral, ayon kina Jamet, Gonthier,
Cojean, Colliot, at Erhel (2020), "Ito ay karaniwan na ngayon para sa mga mag-aaral sa unibersidad
na makisali sa mga hindi gawaing pag-uugali sa panahon ng mga lektura. Maraming mga pag-aaral
ang malinaw na nagpakita na ang mga mag-aaral ay madalas na gumagawa ng maraming gawain at
sa ibat't ibang paraan habang sila ay dapat na nakikinig sa kanilang guro". Sa isang mundo kung saan
marami ang distraksiyon o nakakagambala, mayroon tayong ginintuang pagkakataon na tulungan ang
ibang estudyante at ang ating mga sarili na matutunan kung paano kontrolin ang ating mga aksyon at
tumuon sa kung ano ang talagang mahalaga sa atin. Ang pag-aaral kung paano maging hindi
nagagambala ay maaaring isa sa pinakamahalagang kasanayan sa buhay para sa ika-21 siglo (Eyla &
Li, 2019).

Ang mas mababang pagganap sa akademiko ay nauugnay sa pagkabalisa at depresyon. Ang


mataas na antas ng pagkabalisa o depresyon sa mga kabataan ay maaaring bumaba sa akademikong
pagganap dahil sa tumaas na pagkabalisa na partikular sa pagsubok, na humahadlang sa mga sentral
na proseso ng executive ng memorya sa pagtatrabaho. School Psychology International (2012). Ayon
kay Galarpe, Mary Joyce (2016), may mga epekto rin ang pagbaba ng kumpiyansa sa sarili sa mga
estudyante. Ang sobrang mababang kumpiyansa sa sarili ay maaring magresulta sa unti-unting
pagkawala ng interes at pokus sa pag-aaral pati na rin sa sariling pamumuhay. Nakakaapekto ang
stress sa pisikal at mental na pagkilos ng mga studyante (Stupart, 2018). Sa katulad na pag-aaral ni

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
N-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Stupart (2018) ang mga studyante na nakakaranas ng mataas na lebel ng stress ay maaring magulo
ang pagsasaayos ng kanilang mga mithiin at prayoridad. Sa pagtaas ng lebel ng stress ay ang
pagbaba naman ng kalidad ng studyante sa pag-aaral gayun din sa iba pang gawain.

Sa isang pag-aaral na isinagawa nina David Amolt at Scott Dacko, lumabas ang tunay na
epekto ng cramming sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Sa 777 na mag-aaral na nakikhok
sa pag-aaral, 86.1% sa kanila ang mga nakapagpasa nang maga sa itinakdang petsa at sila ay
nakakuha ng markang 64.32%. Ang mga mag-aaral naman na nagpasa nang isang minuto bago ang
itinakdang petsa (last minute) o sa mismong oras ng pasahan ay 13.9% at sila ay nakatanggap ng
grading 35.68%. Makikita sa resultang ito na mas mataas ang grado na nakuha ng mga mas maagang
nagpasa ng gawain kumpara sa mga nagpasa nang last minute. Bilang resulta, lumabas ang tunay na
epekto ng cramming at ang masamang dulot nito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Ayon sa isang pag-aaral ng Brigham and Women's Hospital, ang estudyanteng mayroong
regular na oras ng pagtulog ay mas nakakakuha ng mataas na marka kumpara sa estudyanteng hindi
regular ang oras ng pagtulog. Mayroong kinalaman dito ang body clock ng isang tao. Ang body
clock, kilala din sa tawag na "circadian rhythm", ay ang nagtatakda ng oras ng ating pagtulog at
paggising. Napansin nila na nahuhuli ng tatlong oras ang body clock ng estudyang hindi regular ang
pagtulog. Ibig sabihin nito kung ang klase ay ika-9 ng umaga, ang katawan naman ay nakakondisyon
ng pang-ikaanim na oras, ang oras na kung saan ang katawan ay wala pa sa kondisyon para kumilos.
Ayon din sa kanilang pag-aaral, wala silang nakitang anumang relasyon sa pagitan ng haba ng
pagtulog at sa akademikong performance ng estudyante.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
O-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Batay sa pag-aaral nila Scullin at ng kanyang mga kasama noong 2011, nakatutulong ang
pagtulog sa pag-unawa at pag-alala ng impormasyong natutunan ng isang tao. Nagsagawa sila ng
isang pag-aaral na kung saan merong dalawang grupo. Yung isang grupo ay tinuruan sa umaga at
binigyan ng pagsusulit sa hapon, habang ang isang grupo ay tinuruan sa gabi at binigyan ng
pagsusulit sa umaga. Ang resulta ay mas maganda ang performance ng pangalawang grupo kumpara
sa unang grupo sapagkat natulog sila sa bago ang pagsusulit. Sinuportahan naman ito ni Dickelmann
at ng kanyang kasama, noong 2013, nang gumawa sila ng kaparehas na pag-aaral pero ang kanila
naming respondents ay mga taong merong regular na oras ng pagtulog (anim na oras at higit pa).

Ang pagiging akademik iskolar ay malaking salik na nakakaapekto ito sa pag-aaral ng isang
bata, Viernes (2014). Dahil dito, nape-pressure ang mga bata upang makakuha ng mataas na marka.
Naaapektuhan din ang oras at kalusugan ng mag-aaral dahil lagi silang nagsusunog ng kilay upang
mapanatili ang pagkakaroon ng mataas na marka. Sinabi rin ni Viernes na. "Ang pag-censayo ng
akademik iskolar ay nagpapahirap din sa sitwasyon ng bata." Dahil sa mga pagsasanay ng mga atleta,
kinakailangan nila na lumiban ng klase upang magsanay ng maigi at kung minsan ay huli na silang
umuuwi sa bahay dahil sa karagdagang pagsasanay.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
P-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, mga paksa ng pag aaral at
pangangalap ng datos, mga instrumento at pamamaraan na ginagamit sa pagsusuri ng mga datos na
nagbibigay kahulugan.
A. Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptibong paraan ng pananaliksik upang malaman ang
mga Epekto ng Panloob na Distraksyon sa Akademikong Perpormans ng mga Piling Magaaral sa
kursong BS Business Administration major in Financial Management na nasa Ikalawang Taon ng
Kolehiyo sa Batangas State University - Lemery Campus T.P 2022-2023. Sa pag aaral na ito ang
pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ilarawan ang mga nakalap na datos at katangian ng
pag aaral. Ang deskriptibong pananaliksik ay sadyang ginagawa kapag nais ng isang mananaliksik na
magkaroon ng mas mahusay na pag-unawa tungkol sa isang partikular na paksa. Ang pamamaraang
ito ay isang purposive na proseso ng pagtitipon, pagsusuri, pag-uuri at pag-tabulating ng data tungkol
sa mga umiiral na kondisyon, kasanayan, paniniwala, proseso, uso at sanhi at epekto relasyon at
pagkatapos ay gumawa ng sapat at tumpak na interpretasyon tungkol sa naturang data na may o
walang tulong ng mga pamamaraan ng istatistika.
B. Mga Respondante

Ang mga napiling kalahok para sa pag-aaral na ito ay ang magaaral sa kursong BS Business
Administration major in Financial Management na nasa Ikalawang Taon ng Kolehiyo sa Batangas

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
Q-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

State University - Lemery Campus T.P 2022-2023. Gagamit ang mga mananaliksik ng purposive
sampling sa pag-aaral na ito. Hahanap at pipili ang mga mananaliksik ng limampung (50) mag aaral
na galing sa nasabing kurso sa paaralan ng Batangas State University - Lemery Campus.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Upang makuha o makalap ang mga datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng talahanayan
o survey questionare bilang pangunahing instrumento. Ang survey ay nagbigay ng iba't ibang
persepsyon sa mga mag-aaral kung paano nakakaapekto ang Panloob na Distraksyon sa kanilang
Akademikong Perpormans.

Naririto ang sipi o kopya ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang
komposisyon ng mga talatanungan na gagamitin sa pag-aaral.

I. Demograpikong Propayl

Pangalan (Opsyonal): _________________________ Kasarian: _________

Edad: ______ Seksyon: _________

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang iyong maaaring sagot sa tanong bilang (1-4).
II. Ano-anong panloob na distraksyon ang iyong nararanasan na nakakaapekto sa iyong
Akademikong Perpormans?
___Depresyon ___Problema sa pamilya
___Pagkaramdam ng gutom ___Pinansyal na problema
___Pagod ___Pagdududa sa sarili
___Sakit ___Pangangarap ng gising
___Kulang sa tulog ___Pag-aalala

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
R-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

III. Ano ang mga epekto sayo ng Panloob na Distraksyon?


___Mababaw na pagkatuto
___Nahihirapang alalahanin ang mga natalakay
___Bumababs ang pag-unawa sa pagbabasa
___Hindi aktibo sa klase
___Mababang iskor sa mga pagsusulit
IV. Bakit madali kang madistrak kapag ikaw ay nag-aaral?
___Kulang sa pahinga o di sapat na tulog
___Pakikipag-usap sa mga kaibigan
___Pag-iisip ng kung ano-ano
___Problema sa bahay
___Hind maayos na silid o maliit na espasyo
___Hindi maayos na bentilasyon
V. Ano ang mga simpleng paraan na makakatulong sayo upang hindi ka madistrak sa pag-
aaral?
___Pagkakaroon ng sapat na tulog
___Pagkakaroon ng pokus sa pag-aaral
___Paggawa ng plano o layunin sa pag-aaral
___Paggamit ng timer upang maging manatili sa track ng pag-aaral
___Hindi pakikipag-usap sa kaklase habang nakikinig ng talakayan
___Pagsasantabi pansamantala ang sariling problema
VI. Bilang isa sa mga nakakaranas ng Panloob na Distraksyon, ano ang iyong magiging payo
sa ibang makakaranas din nito?.

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Lemery Campus
Rajah Matanda St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas, Philippines 4209
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 5101/5102
S-mail Address: lemery@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________

D. Tritment ng mga Datos

Isasagawa ang sarbey sa mga estudyante ng BS Business Administration Major in Financial


Management na nasa Ikalawang Taon ng kolehiyo sa Batangas State University - Lemery Campus T.
P 2022-2023. Sa pamamagitang ng isasagawang sarbey gamit ang talatanungan o survey questionaire
ay makakapagtala ng sapat na datos ang mga mananaliksik. Ang mga talatanungan ay lubos na
pinag-isipan ng mga mananaliksik upang makakuha ng tiyak na kasagutan at kanila din ipapaalam at
sinisigurado sa mga respondente na ang mga makakalap na impormasyon ay magiging kompidensyal

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

You might also like