Professional Documents
Culture Documents
SEMESTRAL-AWTPUT Filipino Final-1
SEMESTRAL-AWTPUT Filipino Final-1
SEMESTRAL AWTPUT:
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
nina
Abella, Jesreyl C.
Adame, Bryan R.
Arasula, Lyka E.
Balasbas, Matthew Gabriel C.
Evangelista, Hazel M.
Gayeta, Carmela A.
Ramos, Shiela Mae M.
Tamayosa, Hannah Shane A.
2022
Posisyong Papel hinggil sa RA 10533 “Enhanced Basic Education Act of 2013” o mas kilala sa
tawag na K to 12 Program
“Anong gusto mong maging paglaki mo?” Maging guro, abogado, pulis, doktor, inhinyero,
bumbero, at marami pang iba. Iyan ang katanungang nakasanayan na ng bawat kabataang lumaking
pangarap ang pundasyon ng lahat at ang tanging nagbibigay linaw sa totoong mundong naghihintay sa
kanilang mga murang isipan. Mga kasagutang kaakibat ay ang salitang pangarap at edukasyon – susi sa
pag-unlad at daan upang makatakas sa nagngangalit na tanikala ng kahirapan. Ngunit ang reyalidad ng
buhay sa bansa ay hindi lamang umiikot sa nagtataasang mga pangarap ng bawat kabataan at pagnanais
na makaahon mula sa kahirapan. Bagkus, masasalamin ang malinaw na katotohanang bumababa na ang
kalidad ng edukasyon sa bansa at ‘tila napapag-iwanan na sa buong Southeast Asia ang sistema ng
pagkatuto sa Pilipinas. Kaya naman upang makasabay sa agos na dala ng globalisasyon at sa humihigpit
Pang. Benigno S. Aquino III, na solusyon umano sa lumalalang krisis na kinakaharap ng sektor ng
edukasyon.
ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang dalawang (2) taon sa dating 10-year Basic
Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim (6) na taon sa elementarya at apat (4) na taon sa
hayskul (kabuoang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga mag-aaral, sa ilalim ng K to 12,
bago makatuntong sa kolehiyo, kailangang dumaan muna sa karagdagang dalawang (2) taon pagkatapos
ng apat (4) na taon sa hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior college ang
karagdagang dalawang (2) taon, samantalang ang apat (4) na taon ng hayskul sa lumang sistema ay
tinatawag namang junior high school. Sa kabuoan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa labing-dalawang
(12) taon ng Basic Education sa ilalim ng programang ito. Sa karagdagan, sa pananaw naman ni Kalihim
Bro. Armin Luistro at Pang. Noynoy Aquino III, ang K-12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na
kinakailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan. Sa Junior High School pa lamang, maaari ng
makakuha ng Certificate of Competency Level 1 (COC) kung makakapasa ang mag-aaral sa mga
kahingian at kinakailangan ng TESDA. Sa pagtuntong naman sa Senior High School (Level 2), maaari
Samakatuwid, ang K to 12 Basic Education Program ay naglalayong, una, palitan ang lumang
lumalalang krisis sa nasabing sektor, partikular na ang tumataas na bilang ng out-of-school youth.
Ikalawa, tulungan ang mga mag-aaral na mahasa at mapaghusay ang kani-kanilang mga kakayahan
upang maihanda sila sa larangan na kanilang pipiliin sa kolehiyo o kung nais na nilang magtrabaho at
hindi agad magpatuloy sa kolehiyo, at maaari ‘rin namang upang maihanda sila sa mundo ng
pagnenegosyo. Ikatlo ay ang spiral progression na binigyang-diin ni Jerome Bruner. Ayon sa kanya,
"curriculum should be organized in spiral manner so that the student continually builds upon what they
have already learned". At ang huli at pinakaimportante sa mga nabanggit na layunin ng K-12 ay
standards ng edukasyon o pantayan ang sistema ng edukasyon na umiiral hindi lamang sa buong Asya,
mag-aaral na tumatanggap ng mga kaalaman mula sa lumang sistema patungo sa mas dekalidad at
inobatibong pamamaraan ng pagkatuto. Sa tulong ng nabanggit na programa, mas maihahanda ang mga
mag-aaral sa kanilang tatahaking larangan sa hinaharap gayundin, mas mahahasa ang kakayahang
Bukod sa mga mag-aaral, inaasahang makapagbibigay rin ito ng benepisyo at malaking kapakinabangan
sa mga kaguroan sa bansa, sapagkat sa tulong nito, mas tataas ang pangangailangan o trabahong
maiaalok ng gobyerno para sa kanila. Sa karagdagang dalawang (2) taon sa hayskul, ang mga paaralan
mayroong positibong ambag ang programang ito sa bansa, lalo’t higit sa ating ekonomiya kung ito ay
epektibo at maayos na maisasakatuparan. Kapag tumaas ang porsyento o populasyon ng mga kabataang
nakakapag-aral at mga nagsisipagtapos sa bawat akademikong taon kung saan makapagbibigay ito ng
mas madami at magagandang oportunidad, unti-unti nitong mapapababa ang mga kaso ng kriminalidad,
child labor, malnutrisyon, kagutuman at iba pa, bunga ng kahirapan. Gayundin, lalago ang ekonomiya
ng bansa, sapagkat mas tataas ang bilang ng mga mamamayang may permanenteng trabaho,
Sa mga nabanggit na katunayan, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang pag-ani ng samot-
saring positibo at negatibong reaksyon mula sa mga tao, nang maisabatas at maipatupad ang K to 12
program sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Hati ang naging pananaw ng mga Pilipino sa
nasabing programa – mayroong mga sumang-ayon, ngunit mas marami pa rin ang hindi pumabor sa
bagong kurikulum na isinulong ng administrasyon. Mariin itong tinutulan ng mga kabataan, mag-aaral,
guro, kawani, at mga magulang dahil sa kawalan ng programa ng makabuluhang batayan at sapat na
RA 10533 “Enhanced Basic Education Act of 2013”, ang mga sumusunod ay kakikitaan ng sariling
kanilang pipiliin sa kolehiyo. Sa bagong sistema ng edukasyon, ang ibang General Education subjects
sa kolehiyo ay isasama o ililipat na sa Senior High School, bilang paghahanda sa kursong nais nilang
kuhanin na angkop sa kanilang mga piniling strands sa hayskul. Mula sa modelo ng programang ito, ang
mga mag-aaral ay magtatapos ng higit na mas matanda kumpara sa mga nagtapos sa ilalim ng sampung
taon lamang na siklo ng edukasyon. Kung titingnan ito sa mas positibong perspektibo, ito ay itinuturing
na isang kalakasan ng DepEd, sapagkat sa pamamagitan ng programa ay mas magiging ganap ang
kahandaan ng mga hayskul sa kanilang haharapin sa mas mataas na antas ng pagkatuto sa pagtuntong
nila sa kolehiyo.
oportunidad ang mga nagtapos sa Senior High School na makahanap ng agarang trabaho kung hindi na
kaya o nais ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa mas mataas na antas. Kaugnay nito, maaaring hindi na nila
ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo lalo na kung pumili sila ng track maliban sa academic track, katulad ng
TECHVOC o ''Technical and Vocational Education and Training'', kung saan posible silang makakuha
o magkaroon ng NCI at NCII, daan sa mas mabilis na paghahanap ng mainam na trabaho at iba’t ibang
kurikulum ng edukasyon ang mga nagtapos sa kolehiyo na naghahanap ng trabaho sa labas ng bansa.
Ayon sa DepEd, hindi sapat ang lumang sistema o 10-year Basic Education Cycle na umiiral sa bansa,
sapagkat hindi kinikilala ng dayuhang bansa ang mga propesyunal sa Pilipinas na nagtapos lamang ng
Sa karagdagan, ang bawat track ay magbibigay sa mga mag-aaral ng sapat na oras upang maihanda at
mapahusay ang kanilang kasanayan sa napiling larangan at mas mahasa ang kanilang kakayahang
4. Sanayin ang pangunahing kakayahan. Ang paghasa sa kasanayan sa pagbasa at pagsulat ay ilan
kasanayan sa matematika ay isang benepisyo ng maayos at dekalidad na edukasyon dahil sa tulong nito,
matututunan ng bawat indibidwal kung paano magbalanse ng badyet, tumingin sa tamang presyo ng mga
bilihing produkto, matimbang kung alin ang trabahong makapagbibigay ng maayos at magandang
pasahod, at pagbabayad ng buwis sa tamang paraan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa hatid na
ng kaalaman ng isang tao. Ang pag-aaral ng pangkalahatang kaalaman ay isa sa mga pakinabang na
Ang indibidwal na walang pagnanais na matuto at mamuhay kaalinsabay ang pagtuklas sa naghihintay
na mga panibagong karunungan, ay malabong maging bukas sa mga kaalamang taglay ng ibang kultura
Hindi na bago ang taon-taong problema sa edukasyon na sumasalubong sa mga mag-aaral, guro,
kawani ng gobyerno, at mga magulang sa pagbubukas ng bawat pang-akademikong taon. Kaugnay nito,
nang ilunsad ang programa noong 2012 sa pinakaunang pagkakataon, umani ito ng maraming batikos at
iba’t ibang reaksyon dulot ng kawalan ng sapat na kahandaan at pondo ng gobyerno, idagdag pa ang
kakulangan sa silid-aralan at mga pasilidad, aklat, guro, at mababang sahod ng mga guro sa kindergarten.
Narito ang limang (5) kahinaang makikita sa hilaw at agarang pagpapatupad ng K to 12 program sa
bansa;
pagbibigay ng mataas at magandang kalidad ng edukasyon sa bansa para sa mga mag-aaral nito sa lahat
ng antas. Ngunit ang katotohana’y marami ang hindi sumasang-ayon sa katuwiran ng administrasyon
dahil sa aktuwal na kalagayan na nararanasan ng mga mag-aaral matapos isulong ang nasabing programa
o implementasyon ng pamahalaan.
kolehiyo upang magkaroon ng trabaho, ngunit salungat ito sa reyalidad na kinakaharap ng mga mag-
aaral sa bansa. Inaasahan ng pamahalaan na makatutulong ang programa sa mga mag-aaral na hindi
kayang pag-aralin sa kolehiyo dahil mula sa kanilang katuwiran, kasama sa kurikulum ng bagong
sistema ang mga pagsasanay sa semi-skilled na mga trabaho. Inaasahan na sa pagtatapos nila sa hayskul,
nasa 18-anyos na ang mga mag-aaral – legal na edad na kailangan para makapagtrabaho. Ngunit hindi
umayon ang naging resulta ng programa mula sa mga planong nabanggit - pinapatunayan lamang nito
propesyon base sa kanilang kagustuhan, at magkaroon ng oportunidad para matulungan ang kanilang
pamilya ay itinuturing na isang malaking pribilehiyo lamang para sa mga may kakayahang
makapagbayad ng matrikula sa kolehiyo, edukasyon para sa iilan ang tila nais nilang patunayan. Sa
kabilang banda, kung walang kakayahan na makapag-aral sa kolehiyo, bokasyunal at teknikal lamang
ang kayang ilaan ng programang ito upang sa pagtatapos ng sekundarya ay maaari nang
makapagtrabaho.
Ayon sa Kabataan Partylist, taon-taon sa nakalipas na dekada, tinatayang nasa 300,000 ang
bilang ng mga bagong gradwado na dumadagdag sa labor force – malaking porsyento sa kanila ay
kabilang sa naitatalang tumataas na populasyon ng mga walang trabaho (unemployed). Patunay ito na
susuriing mabuti, ang karagdagang taon sa pag-aaral ay hindi solusyon sa humihinang kalidad ng
Mathematics and Science Studies, maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas maiksi,
tulad ng South Korea at Singapore, ang nakakuha ng pinakamatataas na marka. Sa kabilang banda, ang
ilang mga bansa na may pinaiiral namang K-12 program, tulad ng Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha
ng mababang marka. Ang naging resulta mula sa isinagawang pag-aaral ay patunay lamang na hindi
bansa. Sa halip ay ang paunang pagtugon ng gobyerno sa pangunahing problema ng sektor – paglalaan
ng sapat na pondo para sa maayos na gamit, libro at iba pang mga pasilidad para sa mas epektibong
pagkatuto ng bawat mag-aaral, gayundin ang mataas at tamang pasahod sa mga guro at kawani ng
kagawaran ng edukasyon.
4. Ang mga nagsisipagtapos sa K-12 program ay hindi pa rin maituturing na mga propesyunal at
Aminin man natin o hindi, mas hinihikayat lamang nito ang mga kabataang nagsisipagtapos na
tinatanggap ang trabaho o oportunidad sa mga dayuhang bansa, kapalit man nito’y ilang libong distansya
mula sa pamilya. Bawat taon ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng ating mga kababayang Overseas
Filipino Workers (OFW), subalit bakit tila nagbubulag-bulagan ang gobyerno sa nakalatag na problema
sa kanilang harapan. Isa sa kanilang mga responsibilidad ay ang lumikha ng mga programang pang-
ekonomiya, kung saan hindi na kakailanganin pa ng ating mga kabataan na lisanin ang bansa para sa
mas maayos na oportunidad at kita. Ang K-12 ay sinasabing panakip-butas at palusot lamang ng
industriyalisasyon kung saan ang ating bansa mismo ang makikinabang sa ating lakas-paggawa imbis
na mga dayuhang nagpapakasasa sa mababang pasahod sa ating mga kababayan. Aminin man natin o
hindi, isa ito sa mga dahilan sa lubos na paglala ng brain drain sa bansa, kung saan ang mga Pilipinong
5. Sa kabuoan, masasabing hindi lubos na napag-aralan at napaghandaan ang K-12 program bago
ito ipatupad sa bansa. Dekalidad na edukasyon ang nais ng lahat! Ngunit ang hilaw na implementasyon
ng programa ng K-12 ay nagdulot lamang ng kalituhan, katamaran para sa mga mag-aaral dahil sa
dagdag nitong taon, at hirap para sa mga magulang na isang kahig, isang tuka maitaguyod lamang ang
karapatan ng kanilang mga anak na makapag-aral. Idagdag pa ang tunay na kalagayan sa bawat paaralan
lalo na sa mga pampubliko – kakulangan sa silid-aralan, upuan, libro, mga pasilidad, at lalo’t higit ay
kakulangan sa mga guro. Ang K-12 ay nakadisenyo upang pagsilbihan ang mga dayuhang
mamumuhunan na binibili ang pagod at pawis ng ating mga kababayan, partikular na ang mga kabataang
ninanais ng lahat ay makakamit lamang kung lalangkapan ang batayang edukasyon ng makabayan,
makamasa at siyentipikong adhikain, sa halip na magdagdag ng taon at tahasang palitan ang nilalaman
ng kurikulum ng wala man lamang sapat na paghahanda at pondo para sa sektor ng edukasyon.
nakabinbin sa isipan ng marami. Kaliwa’t kanang pagtuligsa at pagkwestyon sa programa ang tumatak
gobyerno. Sa mga nakalipas na taon mula ng ipatupad ang k-12 program, marami na nga ba ang nabago?
Maganda nga ba ang naidulot nito sa mga mag-aaral, guro, kawani, at pamilyang Pilipino? Nakamit ba
ang mga layuning inaasahan mula sa programa o naging dekorasyon lamang ito para masabing
sa huli, sapat nga ba ang programang ito upang makamit ang mataas na ekonomiya, mapababa ang
unemployment rate, mapataas ang pinag-aralan ng mga tao, at mapaunlad ang bansa? Ilan lamang ito sa
mga katanungan ng mga mamamayang Pilipino na nais mabigyan ng konkretong sagot mula sa
gobyerno. Kung ito'y ating susuriin ng mabuti, sadyang napakaganda ng adhikain ng K-12 program,
ngunit sa mga tanong na nabanggit, sa aming punto, ang k to 12 ay hindi solusyon sa problemang
Maraming naging problema sa unang taon ng programa nang agad ipatupad ang mandatory
kindergarten: kulang ng silid-aralan, libro, pasilidad, kakulangan sa guro, at mababa ang sweldo ng mga
guro sa kindergarten. Noong taong panuruan 2012-2013, ayon sa ACT Teachers Partylist, kulang ng
132,483 guro, 97,685 silid-aralan at 153,709 pasilidad sa tubig at sanitasyon ang mga pampublikong
paaralang elementarya at hayskul sa Pilipinas. Dagdag pa rito, mismong ang Department of Education
ay umamin na kulang pa rin sa guro at pasilidad ang mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan
ng pondo. Ipinapakita lamang dito ang kawalan ng kahandaan at maayos na pagpaplano ng gobyerno
Sinuportahan naman ito ni Senator Trillanes na ayon sa kanya, "Mas makabubuti sa ating bansa
kung hindi muna ipatutupad ang K-12 Program hangga’t hindi pa nasosolusyonan ang mga problema sa
sistema ng ating edukasyon, tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan, kagamitan ng mga mag-aaral at
kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod." Sa pagnanais na maging globalisado o
makipagsabayan sa ibang bansa, agarang ipinatupad ni dating Pangulong Aquino ang programang ito,
nang hindi muna tinutukan ang mga pangunahing problema sa sistema ng ating edukasyon at hindi
dumaan sa maayos na proseso at pag-aaral bago ito ipinatupad. Bilang resulta, hindi naging epektibo at
maayos ang implementasyon nito na humantong sa kawalan ng kahandaan at suporta mula sa mga
mamamayang Pilipino.
Samakatuwid, nabanggit din sa isang pahayag ng Anakbayan UP Los Baños na ang pangunahing
dahilan ng pagdami ng out-of-school youth ay ang kakulangan ng pantustos sa pag-aaral, kung saan
taliwas ang layunin ng K-12 na ayon sa DepEd, ito daw ang solusyon sa dumaraming bilang ng mga
gagastos ng P12,090 ang bawat pamilya para matustusan ang pag-aaral ng isang miyembro sa bawat
karagdagang taon sa K-12. Kabilang sa mga gastusin ang pamasahe, baon, gamit sa eskwela, at iba pa.
Ngunit hindi naman ito natugunan ng ipatupad ang programa, sapagkat ang katotohana’y kulang na
kulang ang pondo ng gobyerno na kahit mga pasilidad, libro, silid-aralan at iba pa ay hindi kayang
solusyonan. Idagdag pa ang mabigat na halagang ito na mas lalong pinapalala ng nagtataasang presyo
ng mga bilihin at ang mababang pasahod sa mga manggagawa lalo na’t noon ay tahasan nang tinalikuran
sahod.
Sa mga paunang nabanggit na argumento, makatwiran lamang na sabihing hindi sapat at epektibo
ang K-12 program upang mabigyan ng konkretong solusyon ang kasalukuyang suliranin ng sektor. Ayon
sa mga kritiko ng K-12 program, hindi ang nasabing programa ang magpapaunlad sa pangkalahatang
itinutuon ang programang K-12 para sa internasyunal na pamantayan at pangangailangan at hindi ito ang
tataas ang marka ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya. Para kay ACT-Teachers Partylist Rep.
France Castro, “Palpak ang K-12 kurikulum kaya mababa ang nakuhang marka ng mga batang
estudyante sa mga international tests.” Dagdag pa ng mambabatas lalo itong lumala dahil sa mga
At sa huli, sa pananaw naman ni Senate Pres. Tito Sotto, hindi tumalab ang implementasyon ng
K-12 Basic Education Program sa bansa. Mas hinahanap pa rin daw umano ng mga kompanya ang
college graduates kesa sa mga mag-aaral na nagtapos lamang ng K-12. Dagdag ng senador, mabuting
pag-aralan muli ang implementasyon nito batay sa utos ni Pres. Bongbong Marcos, Jr. kay Bise-
Presidente Sara Duterte. Payo ni Sotto, maaaring repasuhin ang K-12 curriculum dahil baka kasya naman
daw ang mga asignatura sa dating apat (4) na taon kaysa sa karagdagang dalawang (2) taon. Ang mga
nabanggit ni Senate Pres. Tito Sotto ay patunay lamang ng kasalukuyang kalagayan ng K-12 program
sa bansa. Mataas ang kwalipikasyon sa Pilipinas pagdating sa usaping trabaho, idagdag pa ang
pinipili nila ang gradweyt ng kolehiyo na may diplomang maipakikita, kesa sa mga mag-aaral na K-12
lamang ang natapos. Walang halong pangmamaliit at pangungutya, ngunit ito ang masaklap na
Tila ang layunin na inaasahan mula sa programa ay malabong maramdaman at makita kung sa
bawat daing ng mga Pilipino, ang pakikinggan lamang ng pamahalaan ay sarili nilang gusto. Malabong
makamit ang pagnanais na pag-unlad at pagsulong para sa dekalidad na edukasyon at maayos na sistema
kalagayan ng sektor. Kaya nararapat lamang na kalampagin ang kanilang mga diwang mapagsarili at
Rekomendasyon
Malaki ang naging pagkukulang ng gobyerno matapos ipatupad ang K-12 program. Mula sa mga
pasilidad at silid-aralan, kagamitan sa pagkatuto at pagtuturo, pasahod para sa mga guro at kawani, at
gobyerno. Ilan lamang ito sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa bansa at mga dahilang nag-udyok
sa grupo ng mga mag-aaral upang pag-aralang mabuti ang programa, alamin ang kahinaan at kalakasan
nito, at pumili ng tindig na susuportahan gamit ang mga legal na basehan/ebidensya na magpapatunay
sa puntong napili.
Maraming magagandang layunin ang programa ngunit isa sa mga naging balakid sa pag-abot
nito ay ang kahandaan at hilaw na pagpapairal sa bansa na nagbigay ng dahilan sa grupo upang hindi ito
sang-ayunan. Kaya naman kumatha ang grupo ng mga mag-aaral ng isang programang makapagbibigay
ng mas epektibo at konkretong solusyon sa suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon at may mas
malawak na layunin at sakop ng kapakinabangan. Dito ay makikita ang mas pinaunlad at pinagtibay na
bersyon ng k-12 program kung saan bawat anggulo ay masusing pinag-aralan upang mabigyan ng
inaasahang tagal sa pagkamit ng layunin, mga taong sangkot, at inaasahang awtput o resulta ng kinathang
programa.
Plano ng Aksyon
Batid ang mga kahinaan ng programang inilunsad ng gobyerno sa sektor ng edukasyon, ang “K
to 12 program” o kilala rin bilang “Enhanced Basic Quality Education.” Umani ng samu’t saring
batikos ang programang ito sa kadahilanang naging padalos-dalos ang pagpapatupad, kaya naman
naging hilaw ang resulta ng programa at hindi naging epektibo. Kalituhan sa mga mamamayan ang
naidulot nito dahil sa kaakibat nitong mga benepisyo, gayundin ang balakid para sa mga mag-aaral, mga
magulang at mga guro sa bansa. Sa kinakitaang mga kahinaan ng programa, ito ang nag-udyok sa grupo
ng mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas, upang pag-aralan at kilatising mabuti ang
batas. Nagsagawa ang grupo ng pagsusuri sa mga kalakasan at kahinaan, humanap ng mga legal na
Sangkot
Pag-aralang muli ang Maging mas maayos ang Isang Pamahalaan Mas mapapagbuti ang
Anim na
Public-Private Magkaroon ng Gobyerno at Magkakaroon ng
buwan
Partnership (PPP) kasunduan at ugnayan DOLE madaming oportunidad
madaming oportunidad
SHS
paraan ng pagtuturo gaya nakaaaliw ang pag-aaral, DOST ang mga mag-aaral,
pinag-aaralan
makapagbibigay ng
mga impormasyon.
pagkatuto.
Edukasyon sa paghahanap ng
trabahong mapapasukan
grupo ng mga mag-aaral ng isang programang pinamagatang, “A Stepping Stone for Empowering
pag-aaral.
ang edukasyon ng Pilipinas mula sa laylayan at makaangat sa mga balakid sa pag-abot ng pagkakaroon
ng kalidad na edukasyon. Layunin nito na matugunan ang mga pagkukulang ng paunang programa, at
itong mas malawak na sakop ng kapakinabangan at mas malaking layunin. Ipinapakita ng programa ang
mas pinaunlad at pinagtibay na bersyon ng K to 12 program kung saan bawat anggulo ay masusing
inilatag na aktibidad, layunin, inaasahang tagal sa pagkamit ng layunin, mga taong sangkot, at
Mga Sanggunian:
ANAKBAYAN UP Los Baños, (2012). Ilang Mahahalagang Punto Laban sa Programang K-12 ng
mahahalagangpuntolabansaprogramangk12ngadministrasyongaquino/?fbclid=IwAR3PMYMb740Kny
Fs5oAxy88z7MLsIaUs3iXrC7wjvsas4laT-SsB4yIb4Uk
Edukasyon sa K +12.
program/
Quismundo, T., (2011). Nabasa ng DepEd ang K +12 curricula para sa susunod na taon. Philippine
San Juan, D.M., (2012). Mga Tanong at Sagot Hinggil sa K to 12 Program ng Gobyerno ng Pilipinas.
ng.html?fbclid=IwAR2r8f4r1kVXRFe3VphjcHkw3QqxK_3WyIdD3rjTnL7hgCNvsIjjVqxP1NY
Elektronikong Sanggunian:
https://www.akoaypilipino.eu/gabay/k12-sa-pilipinas-ano-bakit-kailan-at-sino-ang-apektado-
nito/?fbclid=IwAR0k3ZOAy6i1twalHw_9NRB9KLNaED6ey3efVUCfraWNHtJN800S17URfhE
https://www.facebook.com/GoPhilippinesdotcom/photos/a.585057824923758/5173607376068757/?ty
pe=3
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20150621-k-12-makadayuhan-komersyalisado-
pahirap-sa-mamamayan/
https://www.google.com.ph/amp/s/anakbayanuplb.wordpress.com/2012/06/11/ilang-mahahalagang-
punto-laban-sa-programang-k-12-ng-administrasyong-aquino/amp/
http://k12kurikulum.blogspot.com/2014/09/ano-nga-ba-ang-tunay-na-layunin-ng.html?m=1
https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://pinoyweekly.org/new/2015/06/kn
gbakithindimapapaunladngkto12angedukasyonsapilipinas/&ved=0ahUKEwiT1f_bwZ_WAhXCu7wK
HfMwBF4QFgg3MAQ&usg=AFQjCNGMaL1-sbZwdMbGlemPuWhcZ-pBGA