You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
STA. TERESITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bihis, Sta. Teresita, Batangas

ΚΑΒΑΝΑΤΑ I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng suliranin ng pag-aaral, batayang

konseptwal, saklaw at delimitasyon, kahalagahan ng pag-aaral at mga terminong

ginamit upang maunawaan ang pag-aaral na ito.

INTRODUKSYON

Ang kalamidad ay walang pinipiling sisirain maging sa bahay man, sa

paaralan, sa trabaho, o sa simbahan, kung kaya’t dapat tayong maging handa

upang ano man ang mangyari nakahanda tayo sa pagharap dito. Ang

paghahanda sa kalamidad ay pangkalahatang responsibilidad, mula sa gobyerno,

pamilya at maging estudyante ay nangangailangan ng sapat na kaalaman at

kakayahan sa paghahanda sa pagharap sa kalamidad (Nicolas, 2021).

Karaniwang laman ng mga balita sa telebisyon, dyaryo at radyo ang iba’t

ibang kalamidad na nagiging problema pagdating sa aspekto ng buhay, estruktura at

kabuhayan ng mamamayan. Ang sakuna ay isang mapinsalang pangyayari na

kinakatakutan ng karamihan, ito’y naging parte na ng mundong ginagagalawan ng

lahat. Ang sakuna ay isang biglaang. Mapinsalang pangyayari na seryosong

Sta. Teresita National High School


Address: Bihis, Sta. Teresita, Batangas
E-mail Add: 301149@deped.gov.ph
Telephone Numbers: (0917)1487 662, (0917)1035 740, (0917)5072 901 or (0917)1897681
Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
STA. TERESITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bihis, Sta. Teresita, Batangas

nakakagambala sa pag-andar ng isang pamayanan o lipunan at nagiging sanhi ng

pagkalugi ng tao sa materyal, at pang ekonomiya aspekto.

Ang mga paaralan ay maaaring kulang sa sapat na kasanayan at kagamitan

sa paghahanda sa kalamidad, na humahantong sa hindi sapat na edukasyon at

pagsasanay. Posibleng hindi sapat ang nakuha ng mga mag-aaral tungkol sa

impormasyon at kakayahan para sa paghahanda sa kalamidad. Maaaring walang

sapat na pagtuturo at pagsasanay para sa pagsunod sa mga pamamaraan ng

paglikas, pamamahala sa mga emerhensiya, at iba pang mga kasanayang

kinakailangan sa panahon ng krisis.

Ayon sa Republic act 10121 Philippine Disaster Risk Reduction Management

(DRRM) Act of 2010 kailangan handa at may plano na ang isang komunidad sa mga

dadating na sakuna. Kailangan din magkaroon ng ibat ibang programa upang mas

maintindihan ng mga mamamayan higit lalo ng mga estudyanteng nasa paaralan

ang mga maaring epekto nito. Kaugnay nito nakasaad sa DO 96, S. 1990

Calamity/Emergency Drills In School and Offices na kinakailangan ng mga

estudyanteng malaman ng ibat ibang sektor ng lipunan ang mga paghahanda sa

sakuna tulad ng lindol, bagyo, sunog, pagsabok ng bulkan at marami pang iba.

Sta. Teresita National High School


Address: Bihis, Sta. Teresita, Batangas
E-mail Add: 301149@deped.gov.ph
Telephone Numbers: (0917)1487 662, (0917)1035 740, (0917)5072 901 or (0917)1897681
Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
STA. TERESITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bihis, Sta. Teresita, Batangas

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makita at alamin ang Kahandaan ng

mga Mag-aaral s Baitang 12 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Sta. Teresita sa

Pagharap sa Hamon ng Kalamidad.

Ang sumusunod na katanungan ay binigyang kasagutan ng pag-aaral na ito.

1. Ano ang kahulugan ng kalamidad? At kahalagahan ng pagiging handa

rito?

2. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa buhay ng isang estudyante?

3. Ano-ano ang mga maidudulot ng pagkakaroon ng mga programang may

kaugnayan sa paghahanda sa kalamidad sa mga estudyante ng Sta.

Teresita.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa sumusunod na indibidwal:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang

malaman nila ang mga paghahanda na makatutulong sa mga sakunang maaring

Sta. Teresita National High School


Address: Bihis, Sta. Teresita, Batangas
E-mail Add: 301149@deped.gov.ph
Telephone Numbers: (0917)1487 662, (0917)1035 740, (0917)5072 901 or (0917)1897681
Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
STA. TERESITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bihis, Sta. Teresita, Batangas

mangyayari at kung paano nila masusolusyunan ang mga salik na ito upang

mapalawak pa ang kanilang kaalaman ukol sa usapin patungkol sa paghahanda sa

kalamidad.

Administrador ng Paaralan. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa

Administrador ng Paaralan upang mabawasan ang bilang ng mga mag aaral na

walang sapat na kaalaman patungkol sa paghahanda sa mga kalamidad.

Guro sa paaralan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro sa

mataas na paaralan ng Sta. Teresita National High School upang mapalawig ang

kaalaman ng bawat mag aaral sa eskwelahan patungkol sa paghahanda sa bawat

kalamidad. Magiging batayan ito ng mga guro upang maging mabisa ang kanilang

pagtuturo sa nasabing paghahanda sa kalamidad.

Magulang. Ang magulang ay magiging kampante dahil ang kanilang mga

anak ay may sapat na kaalaman sa pagharap sa hamon ng kalamidad.

Makakasigurado sila na ang kanilang mga anak ay ligtas dahil ang mga ito ay may

kasanayan at mga preparasyon na inihahanda ng paaralan para sa pagpapatibay ng

kahandaan ng mga mag-aaral sa kalamidad.

Sta. Teresita National High School


Address: Bihis, Sta. Teresita, Batangas
E-mail Add: 301149@deped.gov.ph
Telephone Numbers: (0917)1487 662, (0917)1035 740, (0917)5072 901 or (0917)1897681
Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
STA. TERESITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bihis, Sta. Teresita, Batangas

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa kahandaan ng mga magaaral sa pagharap

sa hamon ng kalamidad. Kasama rin rito, ang mga preparasyon ng mga mag-aaral

at ang mga pagsasanay na isinasagawa sa paaralan upang magkaron ng paunang

kaalaman ang mga mag-aaral sa ilang partikular na kalamidad na karaniwang

nararanasan sa paaralan. Ang nasabing pag-aaral ay binubuo ng sampung (10)

mag aaral buhat sa ika-12 na baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sta,

Teresita, Sangay ng Batangas, taong panuruan 2022-2023

Ang disenyong deskriptibo ang ginamit sa pamamaraan at talatungan ang

ginamit sa instrumento sa dahilang naniniwala ang mga mananaliksik na itong

gamitin upang mapatayo ang antas ng mga salik sa paghahanda sa kalamidad.

Sta. Teresita National High School


Address: Bihis, Sta. Teresita, Batangas
E-mail Add: 301149@deped.gov.ph
Telephone Numbers: (0917)1487 662, (0917)1035 740, (0917)5072 901 or (0917)1897681

You might also like