You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TANZA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
DAANG AMAYA II, TANZA, CAVITE

Enero 18, 2023


HON. YURI A. PACUMIO
Tanza Municipal Mayor
Tanza Municipal Hall, A. Soriano Highway,
Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, Cavite

Kagalang-galang na Alkalde:
Pagbati!

Ang Economics ay isa sa pinakamahahalagang leksyon na tinatalakay sa asignaturang Araling Panlipunan. Dito,
nauunawaan ng mga mag-aaral kung paano ginagamit ng mga tao ang kanilang mga pinagkukuhanan o resources
upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sa pamamagitan rin ng economics ay natututuhan ng mga
mag-aaral kung paano dumadaloy ang negosyo, at kung ano ang implikasyon nito sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng
oportunidad upang mas palawigin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng produksyon at pangangalakal.

Kaugnay nito, pinapanukala ng Kagawaran ng Araling Panlipunan ng Tanza National Comprehensive High School
na magsagawa ng programang "Eco Bazaar" sa darating na Pebrero 2-3, 2023, sa TNCHS Gymnasium, ganap na
ika-1:00 hanggang ika-4:00 ng hapon. Ang mga inaasahang kasapi sa programa ay ang mga mag-aaral sa ika-9
na baitang ng pamantasan.

Ang programang ito ay may layuning magamit at isabuhay ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutuhan patungkol
sa Microeconomics sa pamamagitan ng pagtitinda sa naturang bazaar ng kahit anong produktong kanilang maibigang
ipagbili. Magbibigay ito ng karanasan sa mga estudyante na makatutulong sa kanila sa hinaharap.

Bukod pa rito, ang ika-10 bahaging porsyento ng magiging kita nila ay maaari nilang ibigay bilang donasyon sa
kanilang pipiliing asignatura. Ngunit, ang prayoridad na maging benepisyaryo ng programang ito ay ang Kagawaran
ng MAPEH upang matulungan silang makalikom ng badyet para makabili ng mga karagdagang kagamitan at
magamit ito upang mas mahikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa larangan ng sports.

Kaya, ang mga pangalang may lagda sa ibaba at ang faculty ng paaralan ay nais humiling sa inyong butihing opisina
ng tulong-materyal na walong (8) pirasong tropeyo. Ito ay ipamamahagi sa mga mag-aaral na magwawagi bilang
"best booth" at "best food". Naniniwala kaming sa ganitong paraan lalong magiging motibado at aktibo ang mga
mag-aaral na makilahok sa mga makabuluhan at kapaki-pakinabang na programa ng paaralan.

Maraming salamat sa inyong pagtugon, at pagpalain nawa kayo ng Maykapal!

Lubos na gumagalang,

Bb. GLORIFEL V. TORRES


Chairman

Bb. CHARISSE DELA CRUZ


Co-Chairman

Binigyang-pansin ni: Inaprubahan ni:

G. RODERICK C. SALAZAR PhD G. FLORENCIO C. COSTA EdD


Pinuno ng Departamento

Punong-guro IV

Daang Amaya II, Tanza, Cavite


(046) 437 - 1941
www.depedcavite.com.ph
301218@deped.gov.ph / tnchstanza@gmail.com

You might also like